bc

Ang Pilyo Kong Gitarista

book_age12+
417
FOLLOW
1.2K
READ
goodgirl
confident
neighbor
band
student
sweet
enimies to lovers
tricky
Girlpower Revenge Writing Contest
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Clarie promised herself and her family na magiging priority muna ang kanyang pag-aaral. Pero nakilala niya si Raymond, ang ultimate crush ng bayan sa kanilang lugar. Kinilig pa siya nang ang lalaki raw ang nakalaan para sa kanya ayon sa isang hula, dahil sa “signs” na nakita niya mismo sa lalaki. Lalo na nang si Raymond pa ang kusang lumapit sa kanya at hiningan siya ng tulong. But here comes Jayden, ang antipatikong pamangkin ng kapitbahay at kaibigan ng kanyang tiyahin na laging nagpapainit ng ulo niya dahil sa mga pang-aasar nito. Lagi ring panira ng diskarte ang lalaki sa pagpapa-charming niya kay Raymond. Kaya naisipan niyang maghiganti kay Jayden. Isinali niya ang pangalan nito sa isang singing contest sa fiesta ng kanilang barangay. Pero laking gulat ni Clarie na talented pala ang binata sa pagkanta at pagtugtog ng gitara. Kaya sa halip na mapahiya, iyon pa ang simula ng pagsikat ni Jayden at maging heartthrob din ng bayan ng Manalansan! At hindi matanggap ni Clarie na pati yata siya ay nahuhumaling sa lakas ng dating ng binata…

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Trenta minutos na ang lumipas, hindi pa rin dinadalaw ng antok si Clarie. Sa cellphone na lang muna niya itinuon ang oras. Binuksan ang gallery, nag-browse ng pictures. "Napuno na pala ng mukha ko 'to? Hay, Clariselle Eguia hindi ka naman na-adik sa sarili mong mukha? Mabura na nga lang 'yung may anggulong pangit ako," pag-kausap niya sa sarili niya nang nasa kalagitnaan na siya sa pagba-browse mula ng i-open niya ang folder na MySelfie ang file name. Clarie ang tawag nila sa kanya sa school at Clareng naman ang tawag ng mga malalapit niyang kamag-anak at kaibigan. Hindi siya sobrang humahanga sa mukhang mayroon siya dahil sa totoo simple lang naman talaga siya. Kahit maraming nagsasabi na may katangusan ang ilong niya at kissable din daw ang kanyang lips, hindi naman siya kasing-puti at kasing-seksi ng mga modelo. Maliit lang din ang pangangatawan at katamtaman ang taas. Pero ang labis na napapansin ng mga tao kay Clarie ay ang mga mata nitong may natural na mahahabang pilik mata. Kung kaya minsan nasasabihan siyang mukhang manika. Pero bukod pa dun wala na, kundi isang ordinaryo lang na babae. May simpleng pananamit, simpleng buhay, magandang pangarap at nakakalokong lovelife! Speaking of lovelife, Clarie started to browse Raymond's folder. Sigurado namang ang lahat ay may mga crush or crushes. May mga iba na kinikimkim ang sobrang pagkagusto, meron ding OA magpapansin, at meron ding simpleng pa-cute lang. 'Yung pangatlo ang gawain ni Clarie. Si Raymond ang ultimate crush ni Clarie mula nang dumating siya sa Manalansan but unfortunately hindi lang siya ang babaeng nagkakagusto dito. Si Raymond ang ultimate crush at heart throb ng buong bayan nila. Wala yatang babaeng hindi hahanga sa mala-anghel nitong itsura. Napaka-expressive ng mga mata, matangos at perpekto ang hugis ng ilong, may maninipis at mapupulang labi. He's really a perfect man for every girl! Hindi kilala ni Raymond si Clarie pero obviously kilala ni Clarie ang lalaking ito. Sa iisang university lang din sila nag-aaral. Sa madalas na exposure ni Raymond sa school at sa ginagawang pagsisilip-silip ni Clarie sa mga stolen shot niya kay Raymond, hanggang sa panaginip nakikita pa rin niya ito. Hindi lang basta nakikita, nabibigyan pa siya ng pagkakataong makausap ang crush niya. "Sa laki ng school natin, may angel pa lang nag-aaral dito," nakangiting sabi ni Raymond kay Clarie. School ang setting dahil tanda ni Clarie ang canteen at mga estudyanteng naroon. Kahit maingay ang paligid, ang mga sinasabi lang ni Raymond ang tanging naiintindihan ni Clarie ng mga sandaling iyon. "Clarie, please give me a chance. Please..." Ito yung moment sa panaginip na hindi nakalimutan ni Clarie nang magising siya. Pero bago pa man siya magising, hawak na ni Raymond ang pisngi ni Clarie sa panaginip na iyon. His face become closer and closer. They will going to kiss on that crazy dream pero may biglang tumatawag sa pangalan ni Clarie. Palakas nang palakas. Hanggang sa bumalik na ang consciousness niya. Sa pagdilat ng mga mata, si Tita Melly ang nakita niya. "Clareng, may pasok ka pa di ba? Late ka na." Why dreams always like that? Ang ganda na ng moment na 'yun, pagkatapos biglang magigising ka? Panira naman 'to si Tita Melly. Iyon ang nasabi ng isip ni Clarie sa sarili habang iritang bumangon sa higaan. "Opo, tita. Oo nga pala! Last day na ngayon ng clearance namin! Hay, 9:30 na, late na talaga ako sa usapan namin ni Jessie." Daglian na niyang niligpit ang higaan at nagpunta ng banyo. "Bilisan mo na lang ang kilos mo diyan. Nakahanda naman na ang almusal sa ibaba." At sinarado na ni Tita Melly ang pinto ng kuwarto. Naaksidente ang kanyang ina at maaga silang naiwan ng kanyang Kuya Caloy.  Samantalang ang Papa niya ay nasa ibang bansa at doon nagtatrabaho. Kaya kat Tita Melly muna siya ngayon nakatira at ito ang tumatayong guardian niya. Almost five minutes siyang naligo. May 25 minutes na lang siya para magbihis, kumain at bumiyahe papuntang school. Habang nagbibihis na si Clarie, biglang nag-ring ang cell phone niya tumatawag ang classmate at kaibigan niyang si Jessie. Tinatanong ni Jessie kung nasaan na si Clarie dahil sobrang madaming estudyante daw ngayon sa campus. Last day na daw kasi ng pirmahan ng clearance. Isang taon na lang din kasi at magtatapos na sila sa kursong Business Administration. "Oo malapit na ako. Pasakay na ng jeep. Wait mo ako ha!" pagsisinungaling ni Clarie sa kausap nang tanungin siya kung malapit na ba siyang makarating sa school nila. Minsan sinungaling talaga siya pero hindi naman palagi. Kapag kinakailangan lang, kagaya nito para hindi na niya mapag-alala ang kaklase. Pero ang totoo, talagang iniiwasan lang niyang mabulyawan siya ni Jessie dahil mahuhuli na siya sa pinag-kasunduang oras. Nagbubutones na ng blouse si Clarie nang mapansin niyang bukas pala ang bintana ng kuwarto. Nakita niya kaagad ang lalaki sa isa sa mga kuwartong matagal ng bakante na pagmamay-ari ni Ate Ester, kaibigan ng kanyang Tita Melly. Si Jayden ang lalaking iyon, unexpected visitor ni Ate Ester. Hindi pa kilala ni Clarie si Jayden at ito pa lang ang unang pagkikita nila. Ang kuwartong iyon na pinagtatayuan ni Jayden ang nakatapat sa kuwarto ni Clarie kaya magkaharapan silang dalawa sa kani-kanilang bintana. Laking gulat na lang ni Clarie nang hindi matinag sa kakatitig sa kanya si Jayden. Nabigla lalo si Clarie nang bigla'y nginitian siya nito na may kasama pang pag-kindat. Iyong ngiti ni Jayden kakaiba, para bang matagal na niyang pinagmamasdan si Clarie mula pa noong nagbibihis siya ng brassier. "Kanina ka pa diyan?" kunot-noong pagtatanong ni Clarie sa lalaki. Humigop muna si Jayden sa tasang hawak bago siya sumagot ng pagtango sa tanong ni Clarie. At iyong pagtango na iyon may kahalo pang ngiting nakakaloko. Naramdaman ni Clarie na uminit ang kanyang ulo sa manners ng lalaking iyon. Naningkit ang mga mata niya kasabay ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay na napansin naman kaagad ni Jayden. "Okay lang yan, miss. Wala namang maganda sa nakita ko. Basta inisip ko na lang para ka lang isang kawayang sumasayaw," pang-aasar pa ni Jayden na ngumingiti-ngiti. "Bastos!" bulyaw ni Clarie. Sa sobrang inis, padabog niyang sinarado ang kanyang bintana. "Hay! Nakakainis! Ang manyak niya! Kawayan? Sino, ako? Eh siya nga 'tong mukhang zombie!" bulalas ni Clarie nang maisarado na niya ang bintana at pinagpatuloy ang paggayak. Umalis siya ng bahay na sira ang umaga. Five minutes lang naman din siyang late sa usapan nila ni Jessie kaya hindi gaanong nag-sermon ang naghintay niyang kaklase. Pero kahit na nasa school na, hindi pa rin mawala sa isip niya na may lalaking namboso sa kanya. Paulit-ulit din siyang nagtatanong sa sarili. Ilang minuto kaya siyang nag-sight seeing sa pagbibihis ko? May nakita nga kaya siyang hindi naman dapat makita? Naku naman! Sa itsura pa lang niya mukha na siyang adik!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.2K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.0K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook