Hapon na nang matapos silang makapag-papirma ng clearance ni Jessie. Pauwi na si Clarie noon nang mag-text si Clover, pinsan niya. Nagpapasama ito sa palengke dahil may pupuntahan lang daw sila.
Anak ni Tita Melly si Clover. Halos magka-edaran lang si Clarie at Clover pero naunang nakapagtapos ng pag-aaral si Clover, dalawang taon din kasing nahinto sa pag-aaral si Clarie noong namatay ang kanyang nanay. Isa ng teacher sa elementary si Clover. Mabait siya at maganda pero wala pang boyfriend dahil pihikan ito. Kung meron man silang unique bonding, iyon ay ang pagtatambay nila sa plaza para panoorin si Raymond. Parehas kasi nilang gusto ang lalaking iyon.
"Clover, seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?" tanong ni Clarie sa kanyang pinsan nang makarating sila sa bahay ng isang fortune teller.
"Ano ka ba? Susubukan ko lang naman. May nakapagsabi kasi sa akin na magaling daw manghula 'yung fortune teller dito," paliwanag naman ni Clover na kumakatok na sa gate ng bahay ng sinasabing fortune teller.
Uudyukan na sana ni Clarie na umalis na sila dahil hindi naman totoo ang hula at hindi siya naniniwala sa hula. Kaya nga daw hula, hula-hula lang! Pero dumating na 'yung fortune teller, hindi na niya napigilan pa si Clover sa gusto nito. Hinulaan si Clover na magiging ma-swerte daw siya sa mapapangasawa niya. Aasenso daw ang buhay niya dahil sa lalaking iyon. Kitang-kita ni Clarie sa mga mata ni Clover na naniniwala ang kanyang pinsan sa sinasabi ng manghuhula. Ganoon naman talaga, alam naman ng mga manghuhula ang dapat nilang sabihin sa mga customer nila. Binibigyan nila ng pag-asa, pero sa huli aasa at aasa ka na lang, side comment ng isip ni Clarie sa nakikita niyang reaksyon ni Clover sa iba pang mga sinasabi ng manghuhula.
"Clareng, ikaw naman! Magpahula ka din," biglang sabi ni Clover kaya bigla siyang napa-upo ng tuwid.
"Naku 'wag na!" tanggi niya.
"Sige na," sabay bulong ni Clover sa tenga ni Clarie. "Ako naman ang magbabayad."
Napatawa si Clarie sa binulong na iyon ni Clover. Wala na ngang nagawa ang mga pagtanggi niya dahil mapilit talaga ang pinsan niya. Kaya sa huli nakumbinsi na rin ni Clover na magpahula si Clarie.
"Hindi naging maganda ang nangyari sa pamilya mo," nasabi ng fortune teller habang hawak ang kamay ni Clarie at binabasa iyon. Sa loob-loob niya, tama ang sinabing iyon ng manghuhula. "Kahit ganoon ang nangyari, magpatuloy ka lang sa buhay."
"Eh, 'yung sa lovelife po niya? Magkaka-boyfriend na po ba siya?" usisa naman ni Clover na tuwang-tuwa pa.
"Oo, malapit na. Pero magtapos ka muna ng pag-aaral iha. Kung makikita mo siya ngayon, maaaring nakaputing polo siya at may burda sa damit niya na ikakagusto mo sa kanya. Sa una, hindi mo maiisip na siya ang sinasabi ko. Mahihirapan ka rin sa lalaking ito pero kung magpapakatotoo ka sa mga nararamdaman mo magiging madali na ang lahat para sa inyo."
Gabi na nang makalabas ang mag-pinsan sa bahay ng fortune teller. Si Clover hindi pa rin nakakamove-on sa mga sinabi ng manghuhula. Interested ito masyado sa hula kay Clarie pero si Clarie, hindi naman naniniwala.
"OMG, Clariselle! Maybe that's him!" pagtuturo ni Clover sa isang lalaking nakaputing t-shirt at may print na gitara sa likod ng damit niya. On the first place, cute ang print dahil sketch na gitara ang itsura ng print. Artistic ang disenyo. Nakatalikod ang lalaki sa kanila, bumibili ito sa isa sa mga tindahang malapit sa bahay nila.
"Okay, ayan na haharap na siya."
Sa pagharap ng lalaki, wala pang sampung segundo ay bigla nang hinawakan ni Clarie sa braso si Clover at inaya palayo sa bahay nila.
"Bakit? Hindi mo type 'yung guy?" tanong ni Clover nang makalayo na sila sa lalaki at palayo rin sa bahay.
"Bastos 'yun eh!" panduduro ni Clarie sa lalaking iyon na nakatalikod na ulit at naglalakad pauwi sa direksyon ng bahay nila. Nakilala ni Clarie ang lalaki dahil iyon ang lalaking naka-engkwentro niya noong umaga, si Jayden.
"Kilala mo siya?"
"Hindi. Pero binosohan niya ako!"
"Ano?!" gulat na tanong ni Clover.
Hindi lang basta magpinsan sina Clarie at Clover, mag-best friends din ang turing nila sa isa't-isa. Kinuwento lahat ni Clarie kay Clover ang mga nangyari noong umaga ng araw na iyon. Sinimulan niyang i-kwento magmula sa pagbibihis pa lang niya hanggang sa pambabastos nito sa kanya. Kaya nanumbalik na naman ang inis ni Clarie sa lalaking iyon matapos niyang mag-kwento. Kahit si Clover hindi rin alam na may bago na palang border si Ate Ester.
"Ikaw naman din kasi, always check your sorroundings first. Alam mo naman ang masasamang mga tao ngayon naglipana na. Huwag mo na isipin masyado 'yung mga nangyari. Kung meron mang masamang gawin 'yung lalaki na 'yun sa'yo eh isusumbong natin kay Ate Ester nang mapaalis siya."
"Talaga! Hindi lang kay Ate Ester, pati kay Tulfo isusumbong ko siya kapag ginalaw niya ko."
"Ang OA mo ah? Mukhang hindi naman siya mukhang zombie. Siguro kung mag-aayos lang siya ng kaunti pa eh cute na siya. Medyo dirty look kasi na parang napabayaan niya ang sarili niya," sabay tawa ni Clover. Mas malinis na nga ang itsura ni Jayden nang makita nila ngayon kumpara noong umaga na sobrang itim ng ilalim ng mata at mukhang pugad ang may kahabaan nitong buhok. Pero nandoon pa rin ang lamya ng mata niya at halatang ilang gabi ding puyat iyon.
"Baka talagang burara siya sa katawan! Clover, walang ibang cute kundi si Raymond lang! Nakalimot ka na ba?" pagkontra naman ni Clarie sa pinsan. "Oo nga pala, sa plaza na lang tayo dumiretso. Alam ko may laro ngayon ang team nila Raymond."
"Talaga? Tara! I-tetext ko na lang si Mama na dadaan muna tayo sa plaza."
Kapag talaga ang team nila Raymond ang naglalaro, punong-puno ang basketball court. Hindi na bago na ang karamihan sa mga audience ay puro babae at kasama na sina Clarie at Clover sa bilang ng mga tumitili sa tuwing nakakapuntos ang crush nila. Sikat si Raymond sa bayan nila kaya madaming humahanga at nagkakagusto dito.
Unang nakita ni Clarie in-person si Raymond sa beauty pageant na ginanap sa school nila. Palagi kasing nababanggit ni Clover ang pangalan nito kapag nagkukwentuhan sila tungkol sa mga crushes nila. Panay papuri ang naririnig ni Clarie sa mga kwento ni Clover tungkol kay Raymond kaya mas lalo siyang na-curious sa lalaki. Kaya noong una niyang nakita si Raymond, para talaga siyang pinana ni kupido nang kumabog ng pag-kabilis-bilis ang dibdib niya.
Hindi siya makapaniwala na sikat pala talaga si Raymond sa buong bayan. Kung sabagay, kalat din kasi ang poster at tarpaulin nito dahil napanalunan niya ang pagiging Lakan ng Manalansan. Nabanggit din ng ilang mga kaklase ni Clarie na palagi naman daw talagang naisasali sa mga pageant si Raymond lalo na sa mga schools na pinanggalingan nito. Ang resulta? Palagi itong nanalo ng title at runner up places.
Tumakbo din siyang SK chairman noong taon na dumating si Clarie kaya napuno rin ng mga poster ng napakaguwapo niyang mukha ang mga pader, poste at kung saan-saan pang pwedeng ipaskil ang mga campaign flyers niya. At ayon din sa mga kaklase ni Clarie, lagi din daw kasali si Raymond bilang player sa mga basketball league sa loob at labas ng school. Guwapo na, sporty pa!
Kaya sa iba't-ibang larangang sinasalihan niya, magandang pakikitungo sa mga taong nakakasalamuha niya, at ang mala-anghel na image na mayroon siya, ang mga dahilan kung bakit sikat talaga si Raymond sa bayan ng Manalansan. At ang mga katangian niyang iyon ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Clarie. Pero unfortunately iyon din ang dahilan ng infatuation ng ibang mga babae sa lugar nila.
Humahanga siya sa lahat ng mga katangiang mayroon ito. Pero minsan umaasa siya na sana magkaroon ng pagkakataong makilala naman siya ni Raymond.
Sa katagalan ng panonood ni Clarie kay Raymond habang nasa court pa din at naglalaro, napansin niyang puti ang jersey ng team nila Raymond ngayon, tanging si Raymond lang ang naiiba dahil may burda iyon ng bola sa gawing dibdib nito. Hindi niya alam kung bakit si Raymond lang ang may ganoong disenyo ng uniform nila pero bigla niyang naalala ang sinabi ng manghuhula.
"Clover, paano kung si Raymond 'yung
sinasabi ng manghuhula na lalaki para sa akin?" nasabi bigla ni Clarie sa katabing si Clover. Tinawanan siya ni Clover sa sinabi niyang iyon.
"Tapos bigla kang maniniwala sa manghuhula ngayon? Ay naku Clareng, obssessed ka na ba kay Ray- huwag mong sabihing siya 'yun dahil may burda ng bola ang damit niya?" napansin na rin ni Clover ang nakita ni Clarie. "Pero ang sabi niya puting polo di'ba, hind jersey!"
"Malay mo naman na-mali lang siya sa category ng damit." Pagkukumbinsi ni Clarie kay Clover. Hindi alam ni Clarie kung si Clover nga ba ang kinukumbinsi niya o mismong sarili niya ang pinapaasa niya. Bigla tuloy lalo siyang naging interested kay Raymond.
"Edi kung si Raymond nga yung sinasabi ng fortune teller, dapat na kitang i-congratulate!" sabay yakap ni Clover sa kaibigan. "Uy, gusto rin niya? Hahaha. Halika na umuwi na nga tayo baka magtalak na si mama sa sobrang tagal natin."
"Alam mo siguro dapat na akong maniwala sa mga hula kung kay Raymond ko nakikita ang mga signs."
----------------------
Marami pong salamat sa patuloy na pagbabasa, kapatid. ? Ang iyong komento ay akin pong lubos na pahahalagahan.
Sana ay mabasa mo rin ang iba ko pang nobela:
Ikaw, Ang Pag-Ibig na Hinintay
A romance genre
Darker Veins
A gothic romance / fantasy genre
????
lovelats,
LZ