Chapter 4

958 Words
Sobrang hiya naman ang nararamdaman ni Clarie dahil sa nangyaring iyon lalo na nang deadmahin lang ni Raymond ang sinabi ni Jayden. "Akala naman niya mapapansin siya ni Raymond," komentong narinig ni Clarie sa isang babaeng malapit sa kanya. Wala siyang ibang gustong gawin noon kundi ang umuwi at umiyak. Ayaw na ayaw niya talaga sa lahat ang pinapahiya siya. Bastusin na nila si Clarie pero huwag lang siyang papahiyain sa maraming tao. "Okay ka lang?" tanong ni Jayden na tumatawa pang nakatitig kay Clarie. "Kung gusto mo talaga siya, sabihin mo. Huwag mong itatago!" "Ayos ka din eh? Akala mo sino kang magaling, wala ka namang alam!" galit na sabi ni Clarie at iniwan ang kausap. Eksakto namang dumating na noon sila Clover at Goji. "Clareng, saan ka pupunta?" tanong ni Clover. "Uuwi na ako. Wala na akong ganang manood." Umuwi siyang mag-isa na masakit ang loob. Sa pangatlong pagkakataon nasira na naman ni Jayden ang gabing iyon kaya lalong nadagdagan ang inis niya sa lalaki. Binibigyan niya lang palagi si Clarie ng dahilan para kamuhian siya nito. Pero ang lalong nakapanghina ng loob ni Clarie ay wala man lang reaksyon si Raymond sa kanya nang ituro siya ni Jayden sa sinabi nito. Kung sa ganoong paraan nga lang hindi na siya nito mapapansin sa paanong paraan pa kaya? Naiinis siya sa sarili niya kung bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman niya. Kinabukasan, mugto talaga ang mga mata ni Clarie sa kakaiyak. Naloloka siya dahil ngayon lang siya nabaliw ng ganito sa lalaki. Kahit wala sa mood, sinisikap pa rin niyang makapagsilbi sa bahay ni Tita Melly. Pinapatira lang siya nito, kaya dapat hindi siya magpakita ng ikapupuna nito sa kanya. Ayaw niyang makadagdag pa sa pagpapasaway sa tiyahin. Sa tuwing nalulungkot si Clarie, isang lugar lang naman ang madalas niyang puntahan. Di kalayuan sa bahay ay may isang di-kalawakang ilog na may mga malalaking punong nakapaligid. Hindi ganoon kalinis ang ilog dahil na rin sa walang patawad na gawa ng iba't-ibang klaseng tao. Pero sinisikap ng mayor ng bayan na malinis ito unti-unti. Kung hindi ganoon kaganda ang ilog, ano nga bang ikinaganda nito sa paningin ni Clarie? Sa nag-iisang bench sa lugar na iyon ay doon palagi nagpapalipas ng oras si Clarie. Tahimik ang paligid. Sariwa ang hangin dahil sa mga punong nakapaligid doon. Dama niya ang kalma ng kapaligiran at kapayapaan sa pakiramdam. Sa di kalayuan, natatanaw din ang maliit na garden na pinagtulungan ng mga taga-roon sa kanila na gawin at buohin. At si Clarie ang nakaisip ng ideyang iyon. Panatag ang loob niya kapag lumalagi siya sa lugar na ito. Dahil wala namang ibang tao sa paligid, kinuha niya ang cellphone niya at nagpatugtog. Sinabayan si Taylor Swift para makapag-relax naman sandali. "Loving him is like driving a new Maserati down the dead end street. Faster than the wind, passionate as sin ended so suddenly... Losing him was blue like I'd never known Missing him was dark gray all along Forgetting him was like trying to know somebody you'll never met But loving him was red, ooh red!" Palakpak ang sunod-sunod na narinig ni Clarie. Bigla'y pakiramdam niya namula ang buong mukha niya sa sobrang hiya nang lingunin niya kung sino ang pumalakpak na iyon. Kahit si Clover lang ang madalas na nakakarinig ng mga pagkanta niya, maganda naman ang komento nito. Pero naisip niyang wala naman siyang dapat ikahiya, dahil kung meron mang kahiya-hiya dito, ito ay ang lalaking uupo na din sa inuupuan niyang bench. "Hep!" pigil niya kay Jayden sa pag-upo. Pero umupo pa rin ito. "Ang kapal talaga ng mukha para magpakita! Pagkatapos ng ginawang pagpapahiya kagabi, ganoon na lang?" "Huwag mo ng uulitin 'yung ginawa mo kanina ha?" sita ni Jayden kay Clarie na binalewala lang ang mga patutsada ng dalaga. "Okay lang kung ako lang ang makakarinig. Mapagtiya-tiyagaan ko na." "Wala na bang ibang magandang purpose 'yang bibig mo kundi ang manlait at mang-inis ng kapwa mo?" banat ni Clarie na diretso lang ang tingin sa garden. "At ano namang paki mo kung kumakanta ako?" "Ang daldal mo, baka hindi ako makapagpigil eh magawa ko pa sayo ang tunay na purpose nitong bibig ko," nangingiti nitong sabi na nakatanaw din sa direksyong tinatanaw ni Clarie. "Hoy, kumag na zombie!" biglang duro niya kay Jayden at tinitigan ito. "Bakit ka ba nandito? Baka nakakalimutan mo, napakadami mo ng atraso sa'kin! Kaya huwag kang aasta-astang close tayo. Hindi ka ba tinuruan ng mabuting asal? O napuno na talaga ang mga magulang mo dahil nagkaroon sila ng masamang anak na tulad mo? Akala mo kasi kung sino kang napakagaling, mukha ka namang-" Kumabog ng mabilis ang pintig ng dibdib ni Clarie. Pakiramdam niya huminto ang oras, ang lahat-lahat ng movement sa paligid ay parang tumigil dahil sa eksenang iyon. Nailapat ni Jayden ang labi niya sa labi ni Clarie nang walang kakurap-kurap. Iyon na nga siguro ang sinasabi niyang tunay na purpose ng bibig niya. "Napakaingay mo. Oh ayan, edi tumahimik ka din," ngiting sabi ni Jayden sa katabi nang ma-ilayo na niya ang mukha sa dalaga. Iniunat niya ang dalawang braso paakbay kay Clarie at nakade-kwatrong ginalaw ang mga hita. Hindi nagtagal, naramdaman na ni Clarie na bumalik na ang kapaligiran sa normal. Pero bakit hirap siyang huminga? Ramdam niya ang inis at galit sa lalaking kaharap kaya isang malutong na sampal ang binigay niya kay Jayden. "Kahit kailan napakabastos mo!" huling nasabi ni Clarie at iniwan niyang mag-isa doon si Jayden hawak-hawak ang namumula nitong pisngi sa napakalakas na pagkakasampal niya. Unang beses niyang sumampal ng tao na dapat lang sa napakabastos din na tao. Abot-abot pa rin ang inis na nararamdaman ni Clarie. Hating-gabi na hindi pa rin siya makatulog. Kahit anong gawin niyang dapa at tihaya, hindi talaga siya makatulog. Kapag napapatulala siya, ang huling ginawang kabastusan lang naman ni Jayden ang bumubungad kaagad sa alaala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD