Chapter 18

2077 Words
Sobra siyang nagulat nang papalapit ang mukha nito sa mukha niya. Ang mga kamay nito bumaba na sa mga baywang niya at halos magkadikit na ang mga katawan nila. Hindi siya makawala kay Raymond dahil malakas ito. Natakot na siya nang unti-uting bumaba na sa mga hita niya ang mga kamay nito kaya naman buong lakas niyang tinanggal iyon kasabay ng pagsigaw na itigil na ang ginagawa nito. Mabuti na lang at may nakarinig sa kanya kaya naman nakawala siya kaagad kay Raymond nang may sumipa dito. Napaatras siya gawa ng taong sumipa, agad siyang lumayo sa kotse at tumayo sa likuran ng lalaki habang pinapanood ang eksenang ginagawa nila. Hindi niya inaasahan na si Jayden pala ang lalaking nakikipag-away ng mga oras na iyon kay Raymond. Kung hindi niya pa nakita ang mukha nito nang humarap, hindi niya talaga ito makikilala dahil may kadiliman din ang pwestong kinatatayuan nila. “Ikaw pala!” bulalas ni Raymond nang nakita na niya ang sumipa sa kanya. “Ibang klase ka rin!” panduduro naman ni Jayden kay Raymond. “May ka-demonyohan palang tinatango ‘yang pagmumukha mo!” “Oh, come on! Ikaw ba hindi ganoon? Alam ko matinik ka rin sa mga babae kaya nga nasulot mo si Clarie sa akin.” Hindi alam ni Clarie ang gagawin sa mga oras na iyon. Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ang gulong ito. Pero lumapit naman kaagad ang guard sa dalawang nag-sasakitan at sinisikap nitong pakalmahin sila. May mga tao na ring nagtitinginan dahil sa mga sumbatan nila sa isa’t-isa. Pero nag-iwan si Jayden ng suntok sa mukha ni Raymond dahil sa mga sinasabi nito. Kaagad namang naawat ng guard si Raymond kaya hindi ito nakaganti pa, sa halip pumasok na lang ito ng kotse at pinaharurot iyon paalis. Hinarap ni Jayden si Clarie pero kaagad na umiwas at lumakad palayo ang dalaga sa kanya. Ngunit ramdam ni Clarie ang presensya ni Jayden sa pagsabay nito sa mga lakad niyang sumusunod sa kanya. “Nag-aalala si Ate Melly sa’yo ng sobra,” kausap nito sa kanya. “Kaya nga uuwi na ako,” sagot niya naman. “Teka nga!” pigil ni Jayden sa braso niya at hinarap siya “Alam mo nakakainis ka na! Hindi mo ba alam hinanap kita kung saan-saan, buti na lang nag-text ‘yung manager sa akin ng Colser kasi nakilala ka niya.” “Anong gusto mo? Magpasalamat na naman ako sa’yo? Hindi naman ako nanghihingi ng tulong mo!” “Ano bang problema mo?!” “Ikaw ang problema ko!” biglaan niyang nasabi nang hindi na niya mapigilan ang pagtitimpi at nabitawan rin ni Jayden ang braso niya. “At itong sarili ko! Hindi ko na alam ang gagawin. Naiinis ako sa mga nararamdaman ko na hindi naman dapat. Ayoko muna, pero hirap akong pigilan! Ang hirap mong iwasan! Nagugustuhan na kita, ‘yun ang problema ko!” Hindi siya makapaniwalang naipagtapat niya lahat iyon kay Jayden, hindi naman siya ganito na may tapang na sabihin ang totoong nararamdaman sa lalaking nagugustuhan niya pero naisip din niya na siguro dahil sa alak kaya siya nagkalakas ng loob. Hindi niya din napigilan ang pagbagsak ng luha sa huling mga salitang binitawan niya kaya naman tinalikuran niya kaagad si Jayden. Akma na niyang ihakbang palayo ang kanyang mga paa nang bigla ulit hatakin nito ang kanyang braso at hinigit siya nito palapit. At labis niyang ikinagulat ang sumunod na nangyari. Sa pangalawang pagkakataon, hinagkan siya ulit nito. This kiss is different from the first time he did it. Mas mapusok ito at puno ng pagkagusto. Until she didn’t notice of her own lips, accepting and moving it in a way she didn’t care. All of a sudden, his intimate kiss wiped away all anger and resentment inside of her. A different sensation starting to form within her. “Gusto kita Clarie...” malumanay na tugon ni Jayden. “Gustong-gusto kita. Noong una kitang nakita, nagustuhan na kita.” Dumating na nga ang ikinakatakot niya ng sabihin ni Jayden na may nararamdaman din ito para sa kanya. Ang mga titig nito ay parehas sa kung paano nito siya tingnan sa tuwing ito’y tumutugtog. Nakakaakit at nakakatunaw dahil sa sincere na mga pinapahayag nito. “Pero-” “Alam ko. Hindi ko hinihingi sa’yo na suklian mo kaagad ang nararamdaman ko. I’ll respect your decision na unahin ang talagang priority mo. Pero ang pagkakataong maging magkaibigan tayo at mapakita sa’yo kung sino ako ay huwag mo sanang ipagdadamot.” “Totoo ba ‘to?” pag-iiba niya sa seryosong usapan nila. Hindi niya talaga kasi gusto ang ganitong seryosong mukha ni Jayden. Pakiramdam niya rin ay bigla na lang siyang nahimasmasan mula sa sensasyong naramdaman niya kanina lang. “Oo. Totoo ako sa’yo at sa nararamdaman ko.” Bigla’y may naalala si Clarie. Hindi niya ito palalagpasin pa, ngayon pa lang ay gusto niya nang malaman ang totoong kasagutan. “Naku, Jayden! Huwag ka ngang magbiro. Ikaw? Gusto mo ako? ‘Yung best friend mo gusto mo din?” kunot-noo niyang tanong “Ha? Si Kaye? Hindi ah!” mariin namang tanggi ni Jayden. “Nagkakaila ka pa? Nakita ko kayo naghahalikan kayo sa kuwarto!” Ito na naman siya, inuungkat ang eksena nila ng best friend nito. “Hindi kami naghahalikan ‘nun!” mariin nitong pagtanggi ulit. “Naglilinis ako ng kisame ng kuwarto tapos napuwing ako kaya hinipan niya ‘yung mata ko. Ang dumi ng isip mo! Siguro, ‘yun yung tinotopak mo ‘no at pumunta ka pa dito sa bar dahil lang ‘dun?!” “Hi-Hindi no!” bulyaw niyang pagtanggi dahil bigla nang tumawa si Jayden. “Naniniwala na nga ako na gusto mo na ako, nagseselos ka eh!” nakangising banat ni Jayden. “At ako hindi ako naniniwala sa’yo!” Iniwan niyang tumatawa si Jayden kasama na ang mga sinasabi nito at sa mga sasabihin pa ng mga laman ng isipan nito. At hanggang sa pag-uwi nila maya’t-maya ang ginagawa nitong panloloko sa kanya. Ang gabing ito ay isa sa mga gabi ng buhay niya na hindi niya makakalimutan. Walang kasiguraduhan ang lahat. Wala ring pruweba na mapapanghawakan ni Clarie ang mga sinabi at ipinagtapat ni Jayden. Ang mga nararamdaman nito ay hindi niya rin naman mapapanghawakan. Tama ito na hindi niya dapat ipagdamot ang nabubuong pagkakaibigan nila. At sa totoo lang wala rin naman siyang balak na iwasan pa si Jayden dahil gusto niyang makilala kung sino talaga ito. Hindi niya na rin gusto na maulit pa ang nangyari sa kanila ni Raymond. Kung mayroon mang aral sa kanya sa lahat ng nangyaring ito, iyon ay ang kilalanin muna ng lubusan ang isang tao nang sa huli ay hindi siya masaktan. Ang pagiging totoo niya sa kanyang damdamin ang siya ring magpapagaan ng kanyang kalooban. Umaga na nang kausapin siya ni Tita Melly. Inaasahan niya namang kagagalitan siya nito sa ginawa niyang hindi pagpapaalam rito. Humingi siya ng tawad. At ayon sa kanyang tiyahin bilang isang mabuting tao, tinatanggap naman daw nito ang paumanhin niya at ayaw na lamang nitong maulit pa ang nangyari. Hindi na ipinaalam ni Tita Melly sa kanyang kuya Caloy ang ginawa niya pero kapag naulit pa daw ay ibabalita na ito kaagad sa kapatid. “Clarie, magtapat ka nga sa akin,” sabi nito na tumabing umupo sa kanya sa kama. “Gusto kong malaman kung ano talagang pinagdadaanan mo ngayon.” Tama bang ipagtapat ni Clarie? Hindi niya alam kung mayroon siyang lakas ng loob na sabihin ito lalo pa’t kapag sinabi niya ang bumabagabag sa kanya ay tiyak niyang makararating ito kaagad kay Ate Ester at baka ikwento pa ni Ate Ester kay Jayden. “Mangangako ba kayo na hindi niyo sasabihin kay Ate Ester?” “Oo. Nangangako ako na hindi ko sasabihin sa kanya.” “Si Jayden po kasi...” “Inaway ka na naman ba niya? Sinaktan? Mamumuro na ‘yang batang yan sa’kin sa mga ginagawa niya sa’yo!” “Tita,” pagpipigil niya sa tumataas na presyon ng dugo nito. “Hindi naman niya ako inaway o sinaktan.” “Eh, ano?” “Na...Nagugustuhan ko na yata siya, Tita Melly.” Nang sinabi niya iyon ay nakaramdam siya ng pagsisisi na dapat ay hindi niya na lang sana sinabi dahil natahimik lang ang kanyang Tita Melly. Lalo niya pang nadagdagan ang pag-aalala nito sa kanya. Natapos na nga ang kay Raymond pero ito na naman at si Jayden ang poproblemahin nito para sa kanya. At kahit na nasabi niya na kay Jayden ang totoong nararamdaman niya para dito, may pangamba pa rin kasi siyang malaman ng ibang tao lalo ng kamag-anak niya. “Sigurado ka ba sa feelings mo? Napapansin ko kasi magaling lang talaga yata siya dumiskarte ng babae.” “Hindi ko po alam, Tita. Sorry po.” Pakiramdam niya binigo niya lang ulit si Tita Melly sa pinagtapat niyang ito. Nakayuko lang siya dahil sa kahihiyang ibinibigay para lang masubaybayan siya nito gaya ng bilin ng kanyang tatay. “Clarie,” malumanay na nasambit ni Tita Melly kasabay ang pagkuha nito sa mga kamay ng pamangkin. “Ayokong nag-so-sorry ka dahil sa nararamdaman mo para sa kanya. Alam ko, hindi tama na manduhan ang mga nararamdaman ng tao. Nagtitiwala ako sa’yo, dahil alam kong hindi mo bibiguin ang pamilya mo. Tama ba ako?” “Opo. Ayokong biguin sila at ang sarili ko.” “Ang sabi mo nagugustuhan mo na siya, eh si Jayden ba gusto ka ba niya?” “Hindi ko po alam kung nagsasabi siya ng totoo pero sinabi niya na gusto daw niya ako simula pa ‘nung una niya daw po akong nakita.” Napansin niyang nangiti si Tita Melly sa isinagot niya siguro dahil naalala nitong hindi naman talaga naging maganda ang una nilang pagkikita ni Jayden. Hindi niya rin naman inaasahang mauuwi sa ganito ang sitwasyon nilang dalawa. “Nakakatuwa kayong dalawa, dati inis na inis ka sa kanya pero ngayon gusto mo na siya. Kabataan talaga! Ito na lang, kung talagang gusto ka niya dapat tatanggapin niya kung ano ang kondisyon mo. Kasi kung susunod siya ibig sabihin gusto ka talaga niya! “Parang gusto ko na tuloy pumayag na ligawan ka niya. Akala ko kasi nagbibiro lang siya ‘yun pala dinaan lang niya sa biro pero may balak pala talaga siya!” “Anong sinasabi mo Tita?” gulat niyang tanong dahil hindi niya naintindihan ang mga sinabi nito. Kutob niyang may hindi sila sinasabi sa kanya. “Minsan kasing nakipag-kwentuhan siya sa akin. Ikaw nga ‘yung pinag-uusapan namin tapos hanggang sa nagtanong siya. Kapag daw ba siya ang nanligaw sa’yo, papayag daw ba ako?” “Anong sinagot niyo?” “Gaya ng pinag-usapan natin. Papayag lang ako na tumanggap ka ng manliligaw kapag nakatapos ka na. Kaya lang naisip ko ang edad mo, nasa husto ka na rin para maranasan mo naman ang maligawan.” Hindi makapaniwal si Clarie sa mga naririnig niya. Hindi niya inaasahang pumapayag ang kanyang Tita Melly na ligawan siya ni Jayden. May kasiyahan siyang nararamdaman sa loob-loob niya. Kung nandito si Jayden at nalaman nitong pumapayag na si Tita Melly sa ipinaalam nito, hindi niya ma-imagine kung anong reaksyon ang makikita niya sa mukha nito. Pwedeng nakakaloko ang ngiti nito dahil baka trip lang naman nitong ligawan siya, pero naisip niya rin na maaaring totoong masaya ang mukhang makikita niya kay Jayden dahil totoo talaga ito sa nararamdaman nito para sa kanya. Pero kahit ano pa man ang reaskyon ng mukha nito, malalaman at malalaman niya rin naman iyon. “Pero Tita, paano sila kuya at tatay?” pag-aalala niya. “Ako na ang bahala. Basta Clarie, nasa sa iyo na kung anong patutunguhan nito at gaya ng sinabi ko may tiwala ako sayo.” Tumango siya sa sinabing iyon ng kanyang tiyahin. Sa pagkakataong ito, hindi niya bibiguin ang tiwalang ibinigay ng kanyang Tita Melly para sa kanya. Ngunit isa pang bagay ang hindi niya sigurado. Hindi niya alam kung handa na ba ulit siya sa pinapasok niyang ito lalo’t gusto niyang maging maayos ang huling taon niya sa university. Mahirap nang bumagsak at hindi pa siya makatapos. Hindi nagtagal, nasa kuwarto niya na rin si Ate Ester. Naabutan nito na nag-uusap sila ni Tita Melly. Nag-abot ito ng isang papel. Galing daw iyon kay Jayden. Hindi na nakapag-paalam ng personal sa kanya ang pamangkin dahil may emergency daw ito sa trabaho at kaagad itong pinapupunta doon. Sinabi rin daw ni Jayden na matatagalan ito doon kaya dinala na nito ang lahat ng kanyang mga gamit. Nagkatinginan naman sila ni Tita Melly sa ibinalitang iyon ni Ate Ester. Ito na rin marahil ang katapusan ng pagbabakasyon ni Jayden sa Manalansan. Bigla tuloy nalungkot si Clarie. Nang mag-isa na lang siya sa kuwarto, binuksan niya ang papel na ginawa ni Jayden. Bond paper lang naman ang papel na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD