Chapter 19

2003 Words
Clareng, Hindi ko naman pinagmumukhang korny ang sarili ko kasi may mga cell number naman tayo. Sinulatan kita kasi korny ka naman! Hahaha! Remember your poem? :) Alam ko sinabi na sayo ni Tita Ester ang pag-alis ko. Ang totoo, umalis ako para hindi ka na maguluhan pa at hind na rin maging sagabal sa mga pangarap mo. Babalik na lang siguro ako kapag nakatapos ka na at personal na i-congratulate ka. May iniwan pala ako sa gawing ibaba ng sulat na ‘to. Ipapahiram ko muna ‘yan sa’yo para pag-aralan mo. Huwag ka na lang din mag-text at tumawag kasi hindi ko rin naman rereplyan. Mag-iingat ka palagi para sa akin. Hot & Handsome Jayden :) P.S Huwag ka ng kumontra sa hot and handsome dahil sure akong totoo ‘yun! Kaya nga nagustuhan mo ako ‘di ba? :) Bye. Sa gawing ibaba ng sulat ay may isa pa ulit na nakatuping papel. Nang buksan niya ang sinasabi nitong pag-aralan daw niya ay isa lang namang key chain na gitara at may nakaukit na pangalan ni Jayden. Paano niya naman pag-papraktisan ito? Maliit na nga wala pang mga string. “Pagdating nga naman sa sulat puro kalokohan pa din! Ano nang gagawin ko? May dapat pa nga ba akong gawin? Wala na siya, makakapag-concentrate na ako sa school.” Pero kahit na nasabi niya iyon sa sarili, malungkot pa rin ang nadarama niya kahit na sinisikap pa ng sulat ni Jayden na pagaanin lang ang sitwasyon nila. Kung kailan naman handa na siyang kilalanin pa ito tsaka naman ito umalis at iniwan siya. Isang linggo na rin ang lumipas simula noong nagsimula ang klase. Naging maayos naman ang lahat kahit na minsan may nadarama pa ring lungkot si Clarie. Hindi niya maitatago na namimiss niya rin ang mga kakulitan ni Jayden. Ito lang kasi ang lalaking nagparamdam ng iba’t-ibang uri ng damdamin na hindi niya naman naranasan dati. Ang tanging mga alaalang pabaon nito ang nagiging inspirasyon niya para mas mapagbuti niya ang bawat araw na dumadating. Wala na siyang ibang dapat gawin pa kay Jayden kundi ang hintayin na lang ang araw ng pagbabalik nito. “Excuse me, miss.” Napalingon siya sa likuran. Isang babae ang nakangiti sa kanya at sa pagsusuri niya sa itsura parang pamilyar ito. “Ikaw ba si Clarie?” pagtatanong nito. “Oo. Bakit?” “Hi!” sabay bigay ng kamay nito sa kanya. “I’m Kaye, best friend ni Jayden.” Naaalala na niya. Hindi naging maganda ang unang impresyon niya dito. Sa tingin niya mukhang mabait naman ito at pala-kaibigan. Inabot niya ang kamay ni Kaye at nag-umpisa itong sumabay sa paglakad niya. Natapos na naman ang isang araw ng klase at pauwi na siya noon nang makasalubong siya nito. Pero ayon kay Kaye talagang inabangan niya ang paglabas ni Clarie. Nagkwentuhan sila at kinilala ang isa’t-isa. Pero kutob ni Clarie may iba itong pakay sa kanya, hindi niya lang alam kung ano. “Masaya ako, Clarie,” nasabi nito. “Dahil nakilala ko na rin ang babaeng nagpabago kay Jayden.” “Nagpabago?” gulat niya namang tanong sa kausap. “Oo. Malaki ang ipinagbago niya o masasabi ko rin na bumalik na ang dating siya.” Hindi niya naman lubusan pa talagang kilala si Jayden. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang nakaraan nito. Tama si Kaye, malaki talaga ang ipinagbago ni Jayden. Ang dati nitong malalamyang mga mata ay nagkaroon ng kakaibang mga sigla. Nagkaroon na rin ng laman ang dati nitong patpatin na katawan. At sa ugali naman, hindi niya alam kung ano ba ito dati bago pa niya nakilala pero sa bawat araw na nagkasama sila unti-unti natutuklasan niya ang mga kabaitan at kakayahan nito. Sa ginagawa niyang pagbabalik tanaw sa mga alaalang kasama niya si Jayden ay muli siyang nalulungkot. May parte sa puso niya na si Jayden ang hinahanap-hanap. “Ano bang nangyari sa kanya dati?” pag-uungkat niya kay Kaye dahil gusto niyang malaman ang nakaraan ni Jayden. “Nagkagusto siya sa isang babaeng sinikap siyang mahalin pero sa huli sumuko ito dahil sa mas pinili nito ang kanyang pangarap. Nag-sikap naman si Jayden na maghintay para sa babaeng iyon pero hindi na siya nagawang hintayin pa ng babae dahil may iba na itong mahal. Ang ate ko ang babaeng iyon. “Awang-awa ako kay Jayden dahil sa ginawa ni ate. Simula ng malaman ni Jayden na may iba na pala ang ate ko ay bigla na lang tumigil ang mundo niya. Hindi na siya kumakain, pati ang pagtulog hindi na rin niya magawa. Tinalikuran rin niya ang banda niya at mga kaibigan. Pinahirapan niya lang ang mismong sarili sa mga ginagawa niya. Hindi namin alam kung ano na ang gagawin sa kanya. Hanggang isang araw, siya na ang nag-decide na pumunta dito. Malayo ang lugar na ‘to kaya siguro ito ang pinili niyang puntahan hanggang sa nakilala ka niya.” Hindi inaasahan ni Clarie na ganoon kasakit ang nangyari kay Jayden. Bigla niya tuloy naalala ang kinuwento ni Jayden sa kanya noong nasa sanktuwaryo sila na may kilala raw itong lalaki na nagpakatanga sa isang babae. Naging malulungkutin daw ito. Pero parang kilala na ni Clarie kung sino ang lalaking tinutukoy ni Jayden. Sigurado siya sa kutob niyang iyon dahil napansin niya ang mga mata nito na parang apektado rin na nagkukwento ng mga panahong iyon. “Kaya naman, nagpapasalamat ako ng sobra sa’yo,” ngiting sabi ni Kaye sa kanya nang hawakan nito ang mga kamay niya. “Kung ano man ang namamagitan sa inyo sana ay magtuloy-tuloy lang. Gaya ng lagi kong sinasabi sa lalaking ‘yun, may ibang babae na nakalaan para sa kanya. Baka ikaw na pala ‘yun ‘di ba?” Ngiti lang ang sinagot ni Clarie sa mga sinabi ni Kaye. Siya na nga ba? Sa mga kinuwento ni Kaye sa babaeng bumigo kay Jayden, hindi ba’t kagaya rin siya nito? Parehas sila na may mga dapat pang patunayan sa sarili. At ito na naman si Jayden, maghihintay muli sa isang babae. Nakaramdam si Clarie ng awa para kay Jayden. Paano kung biguin niya rin ang paghihintay nito? Biglang sumagi sa kanyang isip at nagduda kung seryoso ba talaga ang lalaking iyon sa mga nararamdaman nito para sa kanya. Hindi niya maisip na papasok ulit ito sa ganitong set-up. Sumasakit na ang ulo niya, hindi pa man siya gumagawa ng thesis. Matapos ang isang oras na pag-uusap nila ay nagpaalam na si Kaye para umalis. Sinadya lang daw talaga nito na iparating ang kasiyahang nadarama para sa kanyang kaibigan. Kahit na gusto ni Clarie na itanong ang kalagayan ni Jayden, hindi niya na nagawa pa dahil sa mga ngiti ni Kaye alam niyang maayos naman na siguro ito. Pero may naiwang tanong sa utak niya, ano nga ba ang ginawa niyang nakapagpabago kay Jayden? “Clareng,” pagkatok ni Goji sa nakabukas na pinto ng kuwarto niya. Kasalukuyan siyang gumagawa ng homework. “O? Ano yang dala mo?” turo niya sa dala nitong malaking bag pero mukhang alam na niya kung ano ang laman nang makita niya ang kabuuang hugis. “Nakalimutan kong ibigay sa’yo. Pinapaiwan pala ‘to ni ‘insan para daw sa’yo. Sabi niya pag-aralan mo daw. Ewan ko ba? May balak ka bang sumali sa banda?” “Wala no!” pagtanggi niya sa tanong nito sabay kuha sa gitara ni Jayden. “Eh bakit iniwan niya ‘yan sa’yo? Siguro may something kayo?!” panunukso pa ni Goji. “Something ka dyan?! Umuwi ka na nga! Busy kaya ako.” “Halata naman eh, itatanggi pa! Sige na. Uwi na ko!” “Bye! Salamat dito.” Totoo pala talagang iniwan ni Jayden ang gitara niya. Akala ni Clarie nagpapatawa lang ito sa sulat, hindi pala. Pakiramdam niya biglang nakasama niya na rin si Jayden dahil naging parte rin ng katauhan nito ang instrumentong iniwan sa kanya. Ang key chain na ibinigay sa kanya lagi rin namang nakasukbit sa bag niya. Mahaba pa ang taon, matagal pa bago niya ulit makita si Jayden. Kamusta na kaya siya? May kasama kaya siya ngayon? Baka maalala niya na naman ang babaeng nananakit sa kanya. Kung nagpakatanga siya dati, hindi madali iyon para kalimutan lalo kung minahal niya talaga ‘yun ng husto. Walang pasok sa eskwela, kaya sa sanktuwaryo siya nagpalipas ng hapon. Dinala niya ang gitara ni Jayden kasama ang isang song book na hiniram niya kay Goji. Hindi naman sa nagpapakadalubhasa na matutunan ang pagtugtog ng gitara, gusto niya lang naman na maglibang lalo’t mahilig naman siya sa music. Ilang sandali naramdaman niyang parang may nanonood sa ginagawa niya kaya nilinga-linga niya ang paligid. Wala naman siyang nakita bukod sa isang palaka. Palaka! Takot nga pala siya sa palaka. Nabitawan niya ang hawak niyang gitara at kaagad na tumungtong sa bench. “O?! Bakit umakyat ka dyan?” May kahalong pagtawa ang pagtatanong ng boses na iyon. Nang lingunin niya kung sino, nanlaki ang mga mata niya. Nakatayo ito malapit sa isang puno. “Para kang nakakita ng multo sa titig mo ah!” “Bakit nandito ka?” “Hindi mo ba ako namiss?” Namiss kita syempre! Kahit na gulat na gulat siya sa pagsulpot nito ay natutuwa siyang makita ito. “Bumaba ka nga diyan!” utos nito. “Kanina lang seryoso ka sa pagtugtog mo tapos pinabayaan mo lang ‘yung gitara ko dito sa lupa? Di ba sinabi ko sa’yo pahiram ko lang ‘yan?” “Sorry na,” pagdampot niya sa gitara nang nakababa na siya sa bench dahil nawala na rin naman ang palakang nakita niya. “Hindi ko naman sinasadya. May palaka kasi kaya nabitawan ko. Na-tense ako eh!” “Palaka lang, nag-panic ka na?” “Ang yabang mo ah!” Hindi naman lahat ng tao kayang harapin ang isang palaka at isa na si Clarie doon. Hindi niya talaga makakalimutan nang minsan silang tumawid sa isang sapa ng kanyang kuya Caloy noong mga bata pa sila, napaligiran ng mga palaka ang mga paa niya tapos nagtatalunan pa ang mga iyon sa mga binti niya. Talagang natakot siya at nandiri noon kaya hanggang ngayon dala niya pa rin iyon. “Ano bang ginagawa mo dito?” pag-iiba niya sa topic. “Sabi mo sa sulat kapag naka-graduate na ako tsaka ka palang babalik. Isang linggo pa lang ng klase ko, bumalik ka na agad?” “Hindi kita matiis eh!” sabay akbay nito sa kanya. “Kaya bumalik na ako.” Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa sa mga sinabi ni Jayden dahil kinilig talaga siya. Hindi lang alam ni Jayden kung gaano siya kasaya na nakita niya ulit ang lalaking hinahanap-hanap niya. Pakiramdam niya’y natahimik na ang parte ng puso niyang nangulila dito. Wala itong pinagbago bukod sa mas lalong naging umaliwalas ang aura nito. Kung ano man ang transformation na nangyari kay Jayden, masaya si Clarie kung totoong siya nga ang dahilan ng pagbabalik ng dati nitong katauhan. At wala siyang ibang hangad kundi sana’y hindi na maulit pa ang mga nangyari kay Jayden dati. Matapos ng ilang kwentuhan nag-aya na si Jayden na umuwi. “O?! Sa’yo ba lahat ‘to?” pagtatanong ni Clarie nang makita ang tatlong malalaking bag di kalayuan sa punong pinag-tayuan nito kanina. “Oo naman,” matipid na sagot ni Jayden. “Bakit ang dami mong dala?” “Dahil dito na ako titira. Dito na muna ako mamamalagi hanggang sa maka-graduate ka!.” “Ano?! Paano na-” “Hindi ko na magagawa pa ‘yung mga sinabi ko sa sulat. Mas naisip ko kasi na isa talagang challenge ‘to para sa’yo!” “Challenge? Ano ‘to major extra challenge?! Ayos ka din ah! Kung ganito lang din ang gagawin mo, hindi ko na lang papansinin ‘yung mga nararamdaman ko sa’yo!” “Oops! Huwag magsalita ng tapos. Ako? Hindi mo mapapansin? ‘Yan ang imposibleng mangyari!” sabay pisil ni Jayden sa ilong ni Clarie at tsaka umalis dala ang mga gamit niya. Halo-halong emosyon na naman ang mga nararamdaman ni Clarie. Nung wala si Jayden, hinahanap-hanap niya ito. Ngayong nandito naman na, parang mas mabuti yatang hindi na lang muna ito bumalik. Hindi niya na rin balak na ipaalam pa dito na pumapayag na ang kanyang Tita Melly kung sakaling manliligaw ito sa kanya. Naiisip niya pa lang ang mga kapilyuhang gagawin nito, kinakabahan na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD