Chapter 20

1552 Words
Nang makauwi siya ng bahay, nasaksihan niyang hindi lang pala siya ang naka-miss kay Jayden. Masaya si Ate Ester na bumalik ang pamangkin niya ganoon din si Goji na sa katauhan ni Jayden nagkaroon ito ng kapatid. Maging si Tita Melly masaya din na makita si Jayden dahil alam ni Clarie na may kakaibang nakikita ang kanyang tiya dito at sa palagay niya nagsisimula na itong pagkatiwalaan si Jayden. Si Pam-Pam sa sobrang saya, nagawa niya pang yakapin at halikan sa pisngi si Jayden. Naging close din kasi sila dahil alam ni Jayden kung paano pakisamahan ang mga bata lalo kung tungkol sa pagkain. Nakuha ni Jayden ang panlasa ni Pam-Pam. Hindi lang naman si Clarie at ang mga taong nakasalamuha ni Jayden sa lugar nila ang nakapagpabago sa kanya, maging sila ay binago rin ni Jayden sa pagdating nito sa lugar ng Manlansan. Ang bawat kakulitan nito sa bawat isa sa kanila ay nagdulot ng kasayahan at mga alaala. Naging isa itong kaibigan at pamilya. Ganoon naman ang pakikipagkapwa, ang relasyon sa kapwa ang pinakamahalagang misyon sa buhay. Madaming matutunan at matatanggap na biyaya basta’t matuto lang pahalagahan ang mga taong nakakasalamuha. Sa pagbabalik ni Jayden hindi na nga natahimik ang mga umaga ni Clarie. Hanggang isang araw, kakaibang pang-gigising ang ginawa nito. Hindi niya pa naimumulat ang mga mata niya nabubuo na sa isipan niya ang maingay at pamilyar na tunog na iyon kaya’t agad siyang napamulat at bumangon. Sunod-sunod ang naging sigaw niya nang makita na may limang palaka na mismong sa kama niya pa nakapwesto. Hindi niya na nagawa pang tumayo sa higaan dahil nasa kumot niya ang mga iyon. Noong una, akala niya ang mga palakang iyon talaga ang maiingay na naririnig niya pero napansin niyang hindi naman iyon mga gumagalaw o kumukurap. Biglang nag-ring ang cell phone, si Jayden ang tumatawag. “Ano? Nasorpresa ka ba sa mga bisita mo?” tuwang-tuwa nitong pagtatanong. “Huwag kang mag-alala mga goma lang yan!” Kaya naman pala. “Ibang klase ka talaga noh?! Kung totoong palaka talaga ‘tong mga nilagay mo dito ewan ko lang kung anong magawa ko sa’yo!” Tawa lang naman ang tinugon ng kausap. Bumangon na siya at binuksan ang bintana. Ang mukha ni Jayden kaagad ang bumungad sa kanya, nakangiti at talagang charming. Napansin niya na kaagad ang malaking speaker sa tabi nito. Siguro nag-download ito ng huni ng palaka at pinatugtog sa speaker. Talagang pinag-isipan pa nito ang gimik na ‘to na ewan ko ba kung ano namang mapapala! “Nagpapacute ka ba?” kausap ni Clarie kay Jayden sa cell phone na hindi pa rin nila binababa. “Syempre naman!” sabay kindat ng binata. “Ang baduy mo! Gumaganun ka pa?” banat niya na nangingiti rin sa mga pinang-gagawa ni Jayden. “At least ako pa lang ang nakagawa niyan sa’yo! Minsan kailangan harapin mo rin ang mga takot mo, kasi diyan ka magiging malakas.” “So ‘yun pala ang gimik mo. Sana mag-work ha?” “Basta ba bibigyan mo ng chance ‘yung sarili mo na harapin eh.” “Ako ba talaga at ang mga palakang ‘yun ang binibigyan mo ng chance o ang sarili mo? Jayden, alam ko na ‘yung nangyari sa’yo at sa ate ni Kaye.” “Sinabi na pala niya sa’yo?” pag-iiba ng tono nito. Kitang-kita niya na nabawasan ang mga ngiti nito. “Oo. Wala akong maipapangako sa’yo at hindi ko alam kung sa huli magiging masaya tayo. Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba? At sa ginagawa mo na pamamalagi dito, nauulit na naman ang nangyari dati. Handa ka ba talagang maghintay ulit?” “Ang nangyari dati ay tapos na at iniwan ko na. Hindi ko ginagawa ‘to para patunayan na mas malakas na ako ngayon na maghintay sa isang babae. Ako ang kusang naghintay kay Karla, kahit na pinagtatabuyan niya na ako sa iba. Pero ginagawa ko ito ngayon sa’yo dahil ito ang gusto mo. At naiintindihan kita. Masaya ako na naiinis kita at nasisira ko ang araw mo. Nakakatuwa kang tao at totoo ka sa lahat. Kaya dito lang ako, patuloy na mangungulit habang naghinhintay sa’yo,” paliwanag ni Jayden na unti-unting bumabalik ang mga ngiti. Desidido talaga si Jayden sa nararamdaman niya para kay Clarie. Kaya naman natuwa na rin ang dalaga sa mga sinabi niyang iyon. “Good luck! Sige na, gagayak na ako. Salamat sa panggigising mo ah!” natatawang sabi nito sa kanya na kumindat rin kay Jayden bilang ganti. “Ang cute mo talaga tuwing umaga. Lalo noong una kitang nakita, pwede mo bang gawin ulit ‘yun?” “Hoy, huwag mo na ngang ungkatin ‘yun!” Magkahalong inis at hiya ang nararamdaman ni Clarie sa pag-uungkat na iyon ng una nilang pagkikita. Samantalang tuwang-tuwa naman si Jayden na pinapanood ang ekspresyon ng dalaga. Ngunit di nagtagal tumahimik na si Jayden at napansin ni Clarie ang ibang uri ng ekspresyong iyon sa binata. “Clarie...” “Hm.” “Mahal na yata kita...” Kumabog ng mabilis ang dibdib niya sa sinabing iyon ni Jayden. Aminado siyang masaya siya sa narinig ngunit may kahalong pangamba rin siyang nadama. Pangamba na baka hindi niya masuklian ang nararamdaman nito. “Ang...bi-bilis mo naman yata?” “Sige na, gumayak ka na. Bye.” “Jayden sandali,” pigil niya. Ayaw naman niyang mag-iwan ng kalungkutan sa pag-uusap nilang ito. “Masaya ako na ginagawa mo akong hintayin. Wala man tayong kasiguraduhan kung anong patutunguhan nito pero ayokong masaktan ka pa ulit. Basta nandyan ka, masaya din ako. At masaya akong makasama ka pa. Nandito lang din ako sa’yo, hindi magpapatalo sa mga kalokohan mo. Tandaan mo yan ha! Bye.” Ibinaba niya na ang cell phone pero nanatili pa rin silang nakatayo sa tapat ng bintana at nakangiti sa isa’t-isa. Kahit na nag-ngingitian lang sila, alam na nila na nagkakasundo ang mga nararamdaman nila. Kakaiba sa pakiramdam na nagkakagusto sila sa taong gusto din sila. Patas ang lahat, patas ang laban. “Uuuy... Ang aga ng mga love birds ngayon ah!” Napayuko naman sila parehas sa kalye kung sino ang nagsalita. Si Tita Melly pala, nakangiti sa kanila. “Kanina ko pa kayo tinitingnan eh, baka naman mag-akyatan ‘yung mga langgam sa lupa sa ka-sweetan niyo dyan?!” Lumabas naman din si Ate Ester nang narinig niya si Tita Melly at tumingala din sa kanila. Maya-maya dumating na din si Clover at Goji at lahat sila’y nakatingin sa kanilang dalawa at nanunukso ang mga tingin at mga ngiti ng mga iyon. “Sabi na nga ba may something kayo eh!” sigaw ni Goji. “Kayo talaga!” nasabi ni Clarie. “Balik na po tayo. Tapos na ang eksena.” Tumalikod na siya sa kanila at niligpit ang mga palakang goma. Hindi niya alam kung paano ni Jayden nailagay sa kuwarto niya ang mga iyon. Pero may kutob siya na may kinalaman si Tita Melly sa gimik na iyon. Nilagay niya sa ibabaw ng drawer ang limang palaka. Mukha talagang totoo ang mga iyon at napansin niyang hindi naman pala ganoon nakakatakot at nakakadiri. Natatawa siya dahil naisip pa talaga ni Jayden na takutin siya, pero parang nawala na ang takot na iyon nang mahawakan na niya ang mga ibinigay na palakang goma na iyon. Habang nag-aayos na siya ng uniform na isusuot, nakatanggap siya ng text message galing kay Jayden. Ang SOMETHING na mayroon tayo ang magpapatunay at susubaybay kung happy ending nga ba ang love story na pinagbibidahan natin. :) Sumilay ang mga ngiti niya sa message na iyon kaya naman agad din siyang nag-reply. Tama! But for now, mag-ayos na tayo dahil sabay pa tayong papasok, pilyo kong gitarista. :) Hindi na rin kasi binitawan ni Jayden ang career sa Colser, inalok din kasi itong maging isa sa mga chef doon. Bali chef ito sa umaga at gitarista naman sa gabi, kaya naman proud si Clarie dito at gustong-gusto niya ang lalaking ito. Matapos ng pag-uusap nila, hindi na isang sagabal pa si Jayden sa pangarap niyang makatapos, kundi isa na ito sa mga dahilan para pagsikapan pa ang determinasyon niyang makapagtapos ng pag-aaral. Sa ngayon, hanggang ganito lang muna ang lambingan at relasyong maibibigay niya habang kasama ang espesyal na lalaking pilyo pero mahusay na gitarista ng buhay niya. THE END -------------- Author's Note: Thank you so much sa nag-add sa library ng Ang Pilyo Kong Gitarista at nagtake time para mabasa ito. Sana na-inspire ang mga bagets.. :) Medyo bitin po ano? Abangan ang Sequel! ? Once again, thank you dear reader. Sana mabasa mo pa ang iba kong stories. Lovelats, LZ --------------- SEQUEL Pagkatapos ng isang taon na panliligaw at panunuyo ni Jayden kay Clarie ay ibinigay na rin ng babae ang matamis niyang oo. Handa na siyang yakapin ang relasyong matagal na niyang inaasam mula pa noong maging malapit sila ng binata. Everyday was so full of sweetness. Ngunit aksidenteng napakinggan ni Clarie ang pag-uusap ng kasintahan at mga kaibigan nito. Halos madurog ang puso niya sa mga nalaman. But she was not the type who will just stay put and see herself losing. Kung matamis na paraan ang ginamit ni Jayden sa pagkuha sa kanyang puso, sinisiguro ni Clarie na pinakamasakit ang paghihiganting ipalalasap niya sa nobyo. Pero nang sabihin ni niyang hindi na niya totoong mahal si Jayden ay hinamon siyang halikan ito. Bigla namang nagpanic ang buong pagkatao ni Clarie...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD