“`LOVE YOU, baby.” “Eww, Uncle.” Natawa si Ike sa naging tugon ng pamangkin. Hindi niya mapaniwalaan ang bilis ng panahon. Naaalibadbaran na si Enid sa mga ganoong paglalambing samantalang noon ay panay-panay ang pag-a-I love you nito sa kanila ni Joshua. Kasalukuyang nakahiga sa papag si Ike. Hindi siya kaagad makatulog kaya naisipan niyang tawagan ang kanyang pamangkin upang mangumusta. Si Pippa ay nakakulong na sa silid nito. Nais sana niyang makasama at makakuwentuhan pa ang dalaga ngunit ayaw rin naman niyang makaabala sa ginagawa nito. At least now he knew what she had been doing in the room. “Nasaan ka raw, sabi ni Mommy,” tanong ni Enid sa kabilang linya. “I’m not telling.” “Why? We’re you’re family.” Parang nagtatampo ang tinig nito. Muling natawa si Ike. “It’s not like I’

