“SIGURADO ka bang magkaibigan lang kayo?” “Sa ngayon,” nakangiting tugon ni Pippa sa tanong ni Zenaida. Dinulutan niya ng malamig na inumin ang kaibigan. Dinala nito ang ilang ipinabili nila ni Ike. Wala na raw itong gagawin sa bahay kaya naroon pa at nakikipagkuwentuhan. Wala sa bahay si Ike. Nagpaalam sa kanya ang binata kanina na maglalakad-lakad muna. Mukhang nainip na ito sa wakas sa bakuran nila. Hindi siya gaanong nag-alala dahil gusto ng mga tao sa baryong iyon si Cedric at naniniwala siyang magugustuhan din ng mga tagabaryo si Ike. Napasimangot si Zenaida. “Ano ang ibig sabihin niyan? Bukas, maaaring kayo na? Akala ko pa naman puwede kong jowain.” “Sorry ka na lang. Dibs.” Ang totoo ay hindi niya sigurado kung ano ang mangyayari sa kanila ni Ike. Noong isang araw ay tila nais

