HINDI pa sumisikat ang araw ay nasa kusina na si Pippa at naghahanda ng almusal. Ang totoo ay hindi siya gaanong nakatulog. Abala ang kanyang utak sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Nang masiguro ang talagang nadarama ay masigla siyang bumangon. Hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi kahit na walang gaanong tulog. Nakagawa siya ng ilang magagandang desisyon. Hindi pa man gaanong natatagalan sa kusina ay sinamahan na siya roon ni Heith. Mukhang hindi rin makatulog ang dating asawa. Masigla niya itong binati ng magandang umaga. Kaagad siyang gumawa ng kape para dito. “You look good,” puna ni Heith matapos gantihan ang kanyang pagbati. Humigop ito ng kape at nginitian siya. “You look happy.” “I told you. I’m fine. I’m great. I’m happy. I found someone who made me feel so good, so alive.”
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


