4

1793 Words
NAPAILING-ILING si Ike habang nagmamaneho patungo sa Baryo Gaway, isang liblib na baryo sa isang liblib na bayan kung saan ipinanganak at lumaki ang malapit niyang kaibigan na si Cedric. May malaking bahay ang kaibigan doon at pinayagan siya nitong manatili hanggang sa gusto niya, hanggang sa kailangang lumayo sa lungsod. He badly needed a break. Sa wakas ay naamin na niya iyon sa sarili. Sa palagay niya ay hindi uubra sa kanya ang tipikal na bakasyunan na madalas na pinupuntahan ng mga turista sa Pilipinas. Wala rin siyang ganang magtungo sa ibang bansa. Hindi niya hangad ang magandang tanawin o world-class amenities ng isang resort o hotel. What he badly needed was a quiet place far from people. Isang tahimik na lugar na walang nakakakilala sa kanya. Isang lugar kung saan hindi siya mapupuntahan ng kanyang pamilya. Isang lugar na walang makakapanggulo sa kanya. Sa totoo lang ay hindi sana niya gustong lumayo ng Maynila. Napakarami niyang kailangang gawin. Ngunit mahigpit na bilin sa kanya ng isang kaibigang doktor na kailangan na talaga niyang mag-relax. Hindi na maganda ang dulot ng stress sa kanya. For three weeks, he had been restless. Hindi niya alam kung saan ang pinagmumulan ng restlessness na iyon. Maayos naman ang takbo ng lahat sa kanyang trabaho. Wala siyang gaanong problema, ngunit napakaraming iniisip dahil nagiging paranoid na rin siya. Iniisip niya ang lahat ng maaaring mangyaring hindi maganda sa latest project niya at iniisip din ang lahat ng posibleng solusyon. Hindi siya makatulog sa gabi kahit na inuutusan ang sarili na tigilan na ang pag-iisip. Kahit na nakainom na ay pabiling-biling pa rin siya sa higaan. Kahit na pagod sa trabaho o sa pakikipagtalik sa isang babaeng nadampot sa bar ay hindi pa rin siya makatulog. Madalas siyang panakitan ng ulo dahil doon. Napansin din ni Ike na mabilis ang t***k ng kanyang puso. Binawasan niya ang pag-intake ng caffeine ngunit hindi pa rin epektibo. Elevated ang kanyang blood pressure nang minsang maisipang i-check sa pamamagitan ng digital BP apparatus. Hindi rin siya makakain. Matagal na siyang tumigil sa paninigarilyo ngunit nitong nakaraang araw ay binalikan niya ang dating bisyo dahil naisip niyang makakatulong. Noong isang linggo ay isinugod siya ng kanyang sekretarya sa emergency room dahil sa uncontrollable tremors. Wala siyang kontrol sa katawan, nanginginig siya at hindi na alam ang gagawin. Hindi nakatulong ang pagpa-panic. Nagpawis siya nang malamig, hindi makahinga. Tila bibigay na ang kanyang katawan anumang sandali. He was so scared. He thought he was going to die in his office. Pagdating sa ospital ay tinurukan si Ike ng pampakalma. Noon lang siya nakahinga. Tumigil ang panginginig ng kanyang katawan. The doctors thoroughly examined his body. And they found nothing wrong with him. Nag-init ang ulo niya nang sabihin iyon sa kanya. Nanginig ang buong katawan niya at halos hindi siya makahinga, pero walang nakitang mali sa katawan niya? How was that possible? Ipinaliwanag sa kanya na baka nasa isipan lang niya ang lahat. Kamuntikan na niyang masuntok ang doktor. Hindi siya nababaliw. Hindi bunga ng kanyang imahinasyon ang nangyari sa kanya. Kung hindi dumating ang kanyang mga magulang sa ospital ay malamang na nakasakit na nga siya. Nang mahimasmasan ay kaagad siyang humingi ng dispensa. Hindi siya palaaway at bayolenteng tao. Masyado lang siyang natakot sa nangyari sa kanya. Ang mga magulang na niya ang nakinig sa paliwanag ng doktor. Ayon sa mga ito, physical manifestation ng matinding stress ang nangyari sa kanya. Hindi na kaya ng katawan at isipan niya ang stress na araw-araw na nararanasan. Makabubuti raw kung magbabakasyon muna siya. Ang kailangan daw niya ay mahabang panahon para sa sarili. Binigyan siya ng mga gamot na makakatulong raw para ma-relax, pinaiinom din ng anti-oxidant na nagre-regulate ng sleeping pattern niya. Sa Tagaytay siya umuwi pagkagaling ng ospital. Pilit siyang pinatira ng mama niya sa bahay ng mga ito. Inalagaan siya nito, pilit pinatigil sa pagtatrabaho. Wala na siyang laban sa kanyang ina kaya pumayag na lamang siya. Tahimik kung tutuusin sa kinaroroonan ni Ike ngunit hindi pa rin siya mapakali. Hindi nawala ang pagiging restless niya. Hindi tumatalab ang mga food supplement na dapat ay nakakatulong sa kanyang pagtulog. Biniro siya ng kanyang ama na baka nagkakaroon siya ng withdrawal sa pagiging workaholic. Siguro nga ay tama ito. Hindi siya sanay na walang ginagawa, hindi sanay na hindi abala. Hindi niya maiwasang mag-isip. Madalas niyang natatagpuan ang sarili na tumatawag sa opisina upang alamin ang mga nangyayari. Madalas na pinagagalitan siya ng kanyang ina kapag nahuhuli siya nito. Minsan pa nga ay binantaan siya na kukumpiskahin ang kanyang cell phone kung hindi magre-relax. Para siyang bata kung ituring ng mga magulang. Hindi rin iyon marahil nakatulong sa kanya. He hated the hovering and coddling. Pati ang kanyang mga kapatid ay nakikisali sa kanyang mga magulang. Nagplano ang kanyang ina ng isang bakasyon para sa buong pamilya. May kinausap na itong tao upang ayusin ang limang araw na bakasyon nila sa El Nido. Bukas ng umaga dapat ang alis nila. Kaninang tanghali ay nagdesisyon siyang tumakas sa mga ito. Naalala kagabi ni Ike ang kaibigang si Cedric. Magkakilala na sila kolehiyo pa lang, bago pa man ito maging artista. Alam niyang kababalik lang nito mula sa Europa. Naalala niya na may bahay ang pamilya ni Cedric sa isang liblib na lugar. Nakapunta na siya roon noong college sila, noong simpleng bungalow pa lang ang bahay. Nang maipagawa ni Cedric ang bahay ay inimbitahan uli siya nito roon. Naalala niyang gustong-gusto niya ang lugar. Nakapaganda at napakatahimik. Nagustuhan niya ang kasimplehan ng paligid. Napagtanto ni Ike na doon niya nais manatili. Doon siya magbabakasyon at hindi isasama ang kanyang pamilya. Tinawagan niya si Cedric upang makipagkita rito ngunit may trabaho pala ang kaibigan nang araw na iyon. Pinuntahan na lang niya ang kaibigan sa location ng shooting ng pelikula nito. Akala niya ay hindi ipapagamit sa kanya ni Cedric ang bahay dahil mahabang sandali itong nanahimik at tila napakalalim ng inisip. “I’ll pay rent, pare,” aniya. Cedric looked thoughtful. “Hmm...” “I’ll take care of the house. I just need a quiet place. A place my family doesn’t know.” “Bakit ba ayaw mong makasama ang pamilya mo? Ang suwerte mo nga’t nandiyan lang sa malapit ang pamilya mo.” “Hindi sa ayaw ko silang makasama. Pakiramdam ko lang, masyado akong nasasakal sa atensiyong ibinibigay nila. I feel like they still feel sorry for me. Parang kailangan nila akong alagaan kasi kawawang-kawawa naman ako. Ako lang ang walang asawa na mag-aalaga o anak na aaliw sa `kin.” “It’s like they owe you because Josh got the girl. You’re the one who was left behind.” “Exactly. But it’s been six years, Ced. I moved on.” It was true. Bakit ayaw siyang paniwalaan? “Have you really?” Nainis si Ike sa kaibigan. Anong klaseng tanong iyon? Kailangan ba talaga niyang ipaliwanag ang sarili sa lahat? Kailangan ba talaga niyang kumbinsihin ang lahat na hindi na siya in love sa asawa ng kuya niya? “Are you gonna help me or not?” “I’m your friend. Of course I’m gonna help you.” Hinalungkat ni Cedric ang satchel at inilabas mula roon ang isang set ng susi. “Titigilan ka lang ng pamilya mo kung may ipakikilala kang babae sa kanila. They’d stop feeling sorry for you if they see you’re finally happy with someone,” anito habang inaabot sa kanya ang susi. Tinanggap niya ang susi. “Thanks.” “Wala si Manang Fe. Nasa Samar siya ngayon kasi kailangan siya ng anak niyang manganganak o nanganak na. Are you gonna be okay without help?” “Better. Mas gusto ko munang mag-isa.” Sanay siya na walang stay-in maid kaya magiging okay siya. “Hmm. Oh-kay. Call me... if... if something comes up.” “Thanks, bro. I owe you.” “Just take care of my... house.” “Sure. No problem.” Hindi na umuwi ng bahay nila si Ike pagkatapos makipagkita kay Cedric. Dumaan siya sa isang department store at namili ng mga kakailanganin at bumiyahe na. Nagpadala na lang siya ng mensahe sa kanyang ina. Alam niyang magagalit ito ngunit paglaon ay maiintindihan din siya. He was certain he needed to be alone for now. Babawi na lang siya sa pamilya sa ibang pagkakataon. Halos pitong oras ang naging biyahe niya dahil naligaw siya. Hindi na niya gaanong maalala ang daan dahil matagal na rin mula nang huli siyang nagtungo roon. Alas-nuwebe na ng gabi nang makapasok siya sa arko ng Baryo Gaway. Kahit na gabi na, napansin pa rin niya na walang gaanong nagbago sa lugar. Halos walang ilaw sa dirt road na kanyang binabagtas maliban na lamang sa mangilan-ngilang street lights. Hindi na siya maliligaw roon dahil nasa bandang dulo ang bahay nina Cedric at nag-iisa lamang iyon. Bukod pa sa nakakatawag iyon ng pansin kahit na malalim na ang gabi. It was the grandest house in the baranggay. Sira ang gate ng malaking bahay. Ang naaalala ni Ike ay matibay na kahoy ang nagsisilbing gate ng bahay noong huling nagtungo siya roon. Marahil ay nasira na at hindi pa gaanong napagtuunan ng pansin ni Cedric na papalitan. Nagtuloy-tuloy ang kanyang sasakyan sa loob ng malawak na bakuran. He was starved. Nag-almusal lang siya at nakalimutang mananghalian. Hindi na siya tumigil upang kumain dahil nais nang makarating kaagad doon at hindi na gaanong gabihin. May mga dala naman siyang pagkain na binili niya nang magpagasolina sa highway. Ibinaba niya ang lahat ng dala bago tinungo ang front door. Malinis naman daw ang daratnan niyang bahay dahil may napakiusapan ang caretaker na gumawa ng trabaho nito habang wala sa bahay. Kahit na si Ike na ang maglinis ng buong bahay ay okay lang sa kanya. Nang mabuksan ang pinto ay pumasok kaagad siya at kinapa ang switch ng ilaw. Nanigas siya nang biglang nanindig ang kanyang mga balahibo sa batok. Hindi siya kailanman naging matatakutin kahit na noong bata pa lang. Hindi siya naniniwala sa multo o maligno. Ngunit iba ang kabog ng dibdib ni Ike. Iba ang eeriness na kanyang naramdaman. Mula sa peripheral vision ay nakita niya ang isang liwanag. Napapalunok na nilingon niya ang pinanggagalingan niyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at pakiramdam ay tumalon palabas ang kanyang puso sa nakita. Isang babaeng nakasabog ang buhok ang nasa harap ni Ike, nakasuot ng mahabang itim na damit, nanlilisik ang mga pulang mata. Maputlang-maputla ang mukha nito. His heart was beating wildly. Naninigas at nanlalamig siya. He started feeling dizzy. She growled like an animal and darkness invaded him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD