SINAMAHAN ni Pippa si Ike sa sala. Abala ang lalaki sa laptop. Bago siya umakyat at magkulong sa silid kanina ay naririnig niyang may kausap ito sa cell phone. “Hey,” bati sa kanya ng binata habang nauupo siya sa tabi nito, na hindi inalisan ng tingin ang ginagawa sa laptop. “Ayaw kitang abalahin. Are you working?” Ayaw niyang abalahin ang binata sa anumang ginagawa ngunit hindi niya mapanatili ang distansiya nila sa isa’t isa. She needed someone to talk to. “Nope. I’m on vacation.” Tumingin sa kanya si Ike at ngumiti. “My mom would be so happy hearing that.” “I can’t write anything,” pag-amin niya. Isinara nito ang laptop at itinuon sa kanya ang buong atensiyon. “That’s bad.” Umiling siya. “Hindi naman. It happens from time to time. I just need someone to talk to. I always talk to

