15

2334 Words

NANG mga sumunod na araw ay naging panay-panay ang paglabas ng bahay ni Ike. Noong una ay pinagtatakhan ni Pippa kung saan ito nagtutungo, ngunit nalalaman din niya dahil sinasabi nito sa kanya pag-uwi. “Tumambay ako sa may tindahan ni Aling Mary,” anito sa unang araw. Ang tinutukoy ng binata na Aling Mary ay ang matandang may pinakamalaking sari-sari store sa baryo. Umalis si Ike ng bahay ng alas-otso, ala-una nang makabalik. Nakapagtanghalian na rin daw ang binata sa bahay nina Aling Mary. Nainis pa si Pippa dahil hinintay niya ito. Habang kumakain siya ay ikinuwento ni Ike ang lahat ng ginawa. “Inilibre ko ang mga bata. Noong una, ayaw nila. Dinadasalan pa ako ng iba. Pero siyempre, mga bata. Curious at gusto ng libreng kendi at sitsirya. I’m quite good with kids, you know. Nakakuwen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD