bc

HIS NEW SECRETARY

book_age16+
101
FOLLOW
1K
READ
forbidden
others
opposites attract
drama
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
city
office/work place
friendship
like
intro-logo
Blurb

Martin Cortez, isang simpleng lalaki na naghahangad ng simpleng buhay, ang mapapasubo sa isang trabaho dahil sakanyang ina. Hindi niya inaasahan na maaaring magbago ang kanyang buhay at pananaw dahil sa bago niyang trabaho. Akala niya, lubos na niyang kilala ang kaniyang sarili ngunit may matutuklasan siya sa kanyang pagkatao. Buksan ang libro at basahin ang mga pahina na nagku-kwento sa buhay ni Martin at sa pagpasok niya sa buhay ng isang Montenegro.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.   - "Mr. Cortez? You're next."  Martin's POV Taimtim kong tinignan ang babaeng tumawag sa aking pangalan. Bago ako tumayo, inayos ko muna ang aking damit at ang aking buhok, "Sana naman ay matanggap ako," Wika ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng silid. "Mr. Cortez, have a seat." Kinakabahan ako, bakit mukhang masungit ang HR Manager nila rito kesa sa huli kong napag-applyan ng tabaho? Umupo ako ng matuwid sa silya na nakaharap sa HR Manager ng kompanyang papasukan ko. "So, Mr. Cortez I don't want to read much of these documents that you have prepared for today's interview." Iniligay niya sa isang kahon ang mga dokumento na ibinigay ko sakanya, "Po?" Tanong ko. "I think it's best if you tell me about yourself," Hindi ko maiwasan ang panginginig ng aking mga tuhod nang magtapat ang mga mata namin sa isa't-isa, "Tell me everything that is written on the document." "Sige po," I cleared my throat, "My name is Martin Angelo Cortez, I am a fresh graduate from Mornington University. I took up Bachelor of Science in Information Technology—" Itinaas niya ang kamay niya dahilan upang huminto ako sa pagsasalita. "I.T student ka, Mr. Cortez?" She asked me. "Opo," I answered her politely. "You're aware of the position that you are applying in this company, aren't you?" Nakikita ko ang pagdadalawang isip sa kaniyang mga mata. "Opo, alam ko at naiintindihan ko po 'yung position." Sagot ko sakanya. She didn't say any word until someone came into her office. "I'm sorry to interrupt your interview Madam Claire, I rushed here to tell you that Mr. Montenegro is looking for you." Nakita ko ang hindi maipintang mukha ng babaeng kanina ay nakangiti pa nang tawagin ang pangalan ko mula sa pila. "Ganon ba? Nako, I need to go there immediately. I'm sorry Mr. Cortez but I'll just end our interview here. My boss needs to see me. Just wait for a call, 'kay?" Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya mula sa kanyang upuan at lumabas ng opisina. "Hay, another unlucky day for me." I sighed. Malas talaga ako sa paghahanap ng trabaho! Nasa balikat ko na ata ang lahat ng kamalasan sa mundo. Mabigat man sa aking kalooban, lumabas ako sa opisina ng HR. Wala na rin akong inabutan pa na ibang aplikante sa labas kaya napag-isipan kong umalis nalang ng building. Nang makarating ako sa lobby ay agad akong huminto at humarap sa malalaking letra na sumisimbolo ng karangyaan at kasikatan ng kompanya. M&C Publishing Group, o kilala rin bilang Montenegro & Castro Magazine and Publication, Inc. "Isa ito sa mga gustong pasukin ng libo-libong kabataan na nangangarap na sumikat sa larangan ng pagsulat at iba pa, this could be someone's stepping stone ngunit hindi lahat ay mapalad na nakakapasok sa kompanya, kagaya ko." Bulong ko. "Yes? Ano? Ngayon na ba? s**t talaga 'yang boss mo. Pagsabihan mo nga 'yan." Narinig ko ang malakas na boses ng isang lalaki na halatang may kausap sa telepono. "Oh s**t," Huli kong narinig bago ako matapunan ng mainit na likido sa aking damit, "s**t! I'm sorry!" Sabi nung lalaki habang pilit na pinupunasan yung damit ko na natapunan ng dala niyang kape. "Nako, sir. Okay lang po 'yon." Sabi ko sakanya. "I'm really sorry. Here, you can buy a new clothe if you want," Inabot niya saakin ang pera na kinuha niya mula sa bulsa niya. "Nako po, 'wag na. Pauwi na rin po ako e," Tumanggi ako sa alok niya. Nakakahiya naman! Hindi ko naman siya kilala at sigurado naman ako na kasalanan ko 'yung nangyari kasi nakatayo ako rito sa gitna ng daan. "Are you sure? I feel bad for what I did, ano ba'ng pwede kong gawin," tumingin-tingin siya sa palagid, "Ah alam ko na! How about I give you one, pasensya ka na sa ginawa ko ah." Ibinigay niya saakin ang isa sa kape na dala-dala niya. "Hindi na po kailangan," Ibabalik ko na sana yung kape na ibinigay niya ngunit tumanggi siya na tanggapin ulit ito. "Salamat po." "Nah, It's okay. I'm sorry for what I did. Anyway, ano pala ang ginagawa mo rito? Are you applying for a job?" He asked me. "Opo." "Are you applying for an editor? Well, I must say that this company is really good for you kung matanggap ka man." Sabi niya. Hindi ko naman inasahan na madaldal pala siya. "Hindi po editor yung inapplyan ko, kasi wala na pong bakanteng slot. Personal assist—" "Wait for a sec," Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa, "Hello? Yes? f**k! Nakalimutan ko. I'm on my way please tell your boss to wait. Hindi niya ako yaya." He waved at me and then he left. Naiwan ako rito na nakapako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siyang umaalis. "Ang gwapo niya, 'no?" "Oo—s**t Cathy, ano'ng ginagawa mo rito?" Bumungad saakin ang mukha ng kaibigan ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito dahil sa pagkakaalam ko ay may trabaho siya sa mga oras na 'to. "I'm here to pick you up. Ano? How was the interview?" Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay minabuti ko nalang na umalis at maglakad palabas ng building. "Not good? Omg Martin, it's okay. I'm sure marami pa namang company diyan na nangangailangan ng employees." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Tuloy-tuloy na talaga ang kamalasan ko ngayon. Nagsimula kasi 'to nung nakipagkaibigan ako sa kupal na lalaking 'yon e! "Okay lang 'yon, Martin. Hindi ka ba nagugutom? Halika, kain muna tayo." Hinila niya ako papasok sa kotse niya. "Saan ba tayo pupunta?" Tinanong ko siya habang inaayos ko ang seatbelt ko. "Sa favorite spot," She giggled. Nakarating kami sa paborito naming pwesto malapit sa university na pinapasukan namin noong estudyante pa kami. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng mga kabaliwan namin sa college at mga alaala ng mga panahon na dinadala pa ni Cathy ang mga boyfriend niya rito at ipinapakilala saakin. "Ano'ng gagawin natin dito? Magtititigan? Hindi naman tayo bumili ng pagkain." Sabi ko sakanya. "Chill ka lang, ano ka ba." Ipinakita niya saakin mula sa likuran ang dala niyang maliit na food container. "Eto na yung paborito mong strawberry." Ibinigay niya ito saakin. Stress-reliever, sakto sa timing naman ang pagkakabigay niya saakin ng presa. "Ah, you're so thoughtful, Cathy!" Niyakap ko siya nang mahigpit bago ko tinaggap ang dala niya para saakin. "By the way, ano nga pala yung inapplyan mo don sa company ng mga Montenegro?" She asked me while we eat the strawberry, umupo kami sa stone table at tinignan ang mga nagdadaanang mga sasakyan. "Personal Assistant." Sagot ko sakanya. Hindi talaga ako magsasawang pumunta rito. The atmosphere here is very relaxing because of the fresh air and the amazing view of the buildings and street. "Ano? PA? Tapos I.T ang natapos mo? Ano ba 'yan! Hindi naman swak sa degree mo uy," I stared at her as if I don't know anything about her, "Wow! Nagsalita ang PolSci graduate na nagtatrabaho sa isang lending corporation." Sabi ko sakanya. "Ito naman, hindi mabiro," She paused for a while at may kinuha siya sa kaniyang bulsa, "Here! I bought this for you." Ipinakita niya saakin ang maliit na box. Don't get us wrong, Cathy is just a friend. And I spent most of my entire student life with her. "What's this?" Inalog-alog ko yung box na ibinigay niya. "Buksan mo." Sabi niya kaya binuksan ko. "In bocca al lupo," Binasa ko ang nakasulat sa keychain na ibinigay niya saakin. "It's an Italian word which means good luck. Sinadya ko talagang bilhin 'yan para sa'yo. Para naman hindi ka na malasin sa paghahanap ng trabaho." Sabi niya. "Salamat pero I don't think this could actually help me," I placed the key chain back into the box and keep it on my backpack, "I simply lack the motivation to find a job for myself. I feel so incompetent." "Ano ka ba, 'wag ka ngang magsalita ng ganyan. Para saan pa't ginawa kitang kaibigan kung ganyan ka naman mag-isip." Teka, anong connect Cathy? "At isa pa, bakit ba atat na atat ka nang makahanap ng bagong trabaho? 'Di ba kakaalis mo lang doon sa dati mong trabaho?" "Cathy, parang hindi mo naman kilala ang nanay ko. She's been nagging at me since I left my job at the printing shop." I worked as a layout artist sa isang maliit na kompanya na pinapasukan ko before. "Si tita talaga hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago. Bakit ka kasi umalis? Akala ko ba hindi mo na pinapansin yung katrabaho mo? The one who keeps on pestering you?" I looked at her. "It's a long story and I don't want to talk about it. Ang importante saakin ngayon ay makahanap na ako ng bagong trabaho." "'Di ba ang sabi mo PA sana yung pinag-applyan mo sa M&C? Para kanino ka ba magta-trabaho?" Honestly, hindi ko rin alam e. My mama's the one responsible for this because she's the one who told me about this job hiring. And again, she wants me to have a job as soon possible. "Hindi ko alam e, ang natatandaan ko lang na sinabi ni mama ay kailangan daw ng male PA ang M&C so nag apply ako. Ayokong mapalayas sa bahay, Cathy." Sagot ko sakanya. "Weird ah, may gender requirement talaga? Sino kaya ang magiging boss mo?" "Ewan ko lang. Sana mabait siya. Nako kung masungit at demanding yung boss tapos 'pag nagkataon ako yung natanggap, magiging miserable talaga buhay ko sa kompanya." Considering that I'm a personal assistant s***h secretary, hawak ko lahat ng mga importanteng bagay sa buhay ng kung sino mang magiging boss ko. Isang pagkakamali ko lang at tiyak na matatanggal ako agad sa trabaho. "How about the guy you met a while ago, I think he's rich, hot and handsome. Baka siya 'yung boss." "Oo nga e, sana siya nga." Binaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko, this is so embarrassing! Dahil hindi ko mapigilan ang pangiinit ng aking pisngi, minabuti ko nalang na itago ito mula kay Cathy. "Hoy, bakit hindi ka makatingin saakin? May gusto ka sakanya, 'no?" Umiling lang ako bilang tugon. "Kung sabagay, gwapo naman siya at siguro mayaman din." "Nakakatawa lang kasing isipin na pinapangarap siya ng isang katulad ko, I obviously won't get a chance to be his personal assistant." I told her. That's fine, I'll just have myself enjoy the rest of this day eating my favorite strawberry. "Kung makapagsalita ka naman akala mo naman hindi mo nakausap 'yung tao. So ano'ng gagawin mo sa kape na ibinigay niya sa'yo?" Ngayon ko lang ulit naalala na may dala pala akong kape. "Wait, nasaan na 'yon?" "Nandiyan sa tabi mo po, muntik mo nang makalimutan doon sa labas buti nalang nakita ko," I sighed in relief when I saw the cup beside me. This is the only thing that would remind me of the guy I met a while ago, I thought I was dreaming. "Iinumin ko, syempre." Kinuha ko ang kape atsaka ko ito ininom. "s**t! Bakit ang tapang nito?" Bulaslas ko nang malasahan ko ang napakatapang na black coffee. "Black coffee ba 'yan?" Cathy asked me, I nodded disappointedly at her. Akala ko pa naman matamis yung kape na ibinigay niya. "Ha-ha! Minus one point for Mr. Gwapo, o! Tandaan mo 'to ah, binigyan ka niya ng black coffee and that's a big no for you dahil mahilig ka sa matatamis." I just smiled at her and gave her the cup. "Sus, alam ko naman na gustong-gusto mong uminom e, hindi mo lang masabi saakin. Eto, inumin mo and give me back the cup once you're finished drinking. Don't throw it away, okay?" "Opo sir, alam ko naman na itatago mo 'to e, akin na." Masaya niyang tinaggap ang kape. Sa tuwing pumupunta kami rito ni Cathy ay naalala ko ang mga desisyon na pinagsisihan ko. This place could be a source of my happiness but it also reminds me of my stupid decisions in life. "If I could've strive harder, hindi sana ako mapupunta sa kalagayang ito." Words came out from my mouth. "Hanggang ngayon ba ay sinisisi mo pa rin yung sarili mo sa mga nangyari? That's just a simple mistake, Martin. Hindi ka rin naman sigurado kung magiging successful 'yung buhay mo kung hindi mo nagawa yung pagkakamaling 'yon." "Hay nako, sana mag milagro yung langit at bigyan ako ng magandang balita. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko kay mama 'pag tinanong niya ako tungkol sa interview." I kicked the can of soda near my foot. "Sigurado akong maiintindihan ka niya. And also, marami pa namang company diyan na naghahanap ng empleyado." Tumayo ako at iniligay ko ang natirang presa sa aking backpack. "Let's go!" Masayang tumayo si Cathy at ibinigay niya saakin ang cup ng kape na ininom niya. "Thanks," I patted her head. Bumaba kami mula sa rooftop ng pinakamataas na gusali malapit sa dating university namin. Hindi na naming pinansin yung pagod dahil sanay naman kami na umakyat at bumaba roon. "Dito ka lang, ha? Kukunin ko lang yung kotse ko sa parking lot." Tumango lang ako kay Cathy. "Martin?" "s**t! O my god!" Laking gulat ko nang makita ko yung dating katrabaho ko. "Martin, how are you—hey! 'Wag kang tumakbo!" s**t! Mamalasin na naman ako nito! I must not let him come near me. Dali-dali akong tumakbo papalayo sakanya. "Martin, wait! 'Wag kang tumakbo!" Sa kasamaang palad ay nakita ko rin siya na tumatakbo sa likuran ko. "s**t, daig ko pa si flash sa ginagawa ko." Bulong ko. Hindi ako tumigil sa pagtakbo dahil sa takot na baka maabutan niya ako at madagdagan yung kamalasan sa buhay ko. "Ano'ng nangyayari?" Naririnig ko ang mga sinasabi ng mga taong nadadaanan at nababangga ko, "Baka holdaper siya kaya siya tumatakbo. Tignan mo yung backpack oh." Tinuro-turo pa ng iba yung bag na dala ko. "Holdaper! Tulong!" May narinig akong babae na sumisigaw ng holddaper pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. "Teka, bakit biglang dumami yung naghahabol sa'kin?" Napansin ko ang karamihang nakaturo saakin at yung iba ay tumatakbo na tila bang hinahabol ako. "f**k," I tripped on a stone kaya nag crush landing ako sa isang stall na nagtitinda ng prutas. "Hold him tight!" "Hawakan niyo siya, 'wag niyo siyang pakawalan!" Nalilito ako sa mga sinasabi ng mga tao sa paligid ko. Maya-maya ay may tumulong saaking makatayo, "Salamat po—wait! Ano 'to!" Hinawakan nila yung magkabilang kamay ko. "Pinahirapan mo kami ah," I received a strong punch on my stomach. "Teka! Ouch, ano 'to?" Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, isa-isang tumatama sa katawan ko ang mga suntok ng mga lalaki na akala ko ay humahabol saakin kanina. My body felt the excruciating pain from the punches that they gave me. "f**k, blood?" I saw blood coming out from my mouth. s**t, ano ba'ng nangyayari rito? Sino ba ang ninakawan ko? I didn't steal anything from anybody. "Wait! Stop! Stop! What are you doing? Stop!" May umawat sa mga lalaki kaya huminto sila at binitawan nila ako. Napaupo ako sa daan at hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko yung mga nangyari. "What the hell? What's happening here? Bakit niyo siya binugbog?" "Hindi ba siya magnanakaw? May sumigaw kasi kanina nanghingi ng tulong kasi nanakawan at siya lang yung nakita naming tumatakbo ng mabilis papalayo kaya sigurado kaming siya yung nagnakaw," The guy pointed at me and his eyes is full of anger, "Ibigay mo na saamin yung bag na ninakaw mo." "What the hell? Bag ko 'to! Hindi ko 'to ninakaw mula sa kahit na sino." Pagtanggi ko. Pinunasan ko yung dugo sa bibig ko. "Bossing, this is just a misunderstanding. He didn't steal anything at kaya siya tumatakbo ay dahil sa hinahabol ko siya pero hindi siya nagnakaw ng kahit na ano." He helped me stand. "Dito ka muna, I'll settle things for you." Pinaupo niya ako sa isang silya malayo sa mga tao. Siya ang nakipag-usap sa mga tao at sa owner ng stall na nabangga ko. Dapat lang! Kasalanan niya 'to, Martin. Tignan mo nabogbog ka dahil sakanya. Malas talaga siya, malas! Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Lumapit saakin yung isa sa mga lalaki kanina at binigyan ako ng ice bag. "Salamat," Pagod na ako at masakit yung katawan ko kaya kailangan ko nang magpahinga. Gusto ko nang umalis dito. "Oh? Aalis ka na ba? Teka, ihahatid na kita." Agad niya akong inalalalayan patayo. "No, it's okay. Kaya ko ang sarili ko. Just leave me alone." Sabi ko sakanya at tinaggal ko ang mga kamay niya na nakahawak sa balikat ko. Ika-ika akong naglakad palayo sakanilang lahat. Look at me, I'm such a loser and pathetic – Hindi natapos yung iniisip ko nang biglang tumunog yung cellphone ko. "Sino na naman kaya 'to? Badtrip naman oh. Hello?" Sigaw ko. "Hello, good afternoon. May I speak to Mr. Martin Cortez?" "I'm Martin Cortez, who's this and what do you want?" Wala ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino ngayon. Nabogbog kaya ako! "This is Madam Claire from M&C Publishing group, I am pleased to inform you na natanggap ka sa trabaho. You will be the official PA of Mr. Montenegro. You will start tomorrow so please be at his office by seven in the morning. Congratulations!" Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Tanggap ako sa trabaho? Pero paano nangyari 'yon? We didn't even finish the interview. "And one piece of advice, please look presentable. Goodbye!" "Te-teka, I can't believe it. Did she just tell me na natanggap ako sa trabaho? I can't believe it and," Pinindot ko yung camera icon ng cellphone ko para makita ang mukha ko gamit ang front camera, "f**k! Presentable? How am I supposed to face Mr. Montenegro with this look?! Kung minamalas ka nga naman o."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.7K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.6K
bc

OSCAR

read
248.8K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

Fight for my son's right

read
152.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
324.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook