"Martin, breathe in and breathe out. Just relax, I'm sure Mr. Montenegro will like you." Masaya ako dahil sa mga natatanggap kong suporta mula kay Cathy kahit na alam ko naman sa sarili ko na mukhang basahan ang mukha ko sa mga oras na ito.
"My face looks horrible," I grab the mirror that she gave me and stared at my reflection, "See? Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang salitang presentable sa mukha ko."
"You know what? Just stop looking at yourself in the mirror, akin na nga 'yan," Kinuha niya ang salamin at ibinalik sa bag niya, "Just smile, okay? Dapat good mood ka ngayon lalo na't makakaharap mo si Mr. Montenegro." She said happily.
"Kilala mo ba kung sino ang may-ari nito? Nakita mo na ba sa personal yung sinasabi mong Mr. Montenegro?" Tanong ko sakanya.
"Hindi rin," Humarap siya saakin, "Pero alam kong gwapo rin 'yung boss mo dahil nakita ko na ang isa sakanila, si Miguel Montenegro but I'm not sure kung siya yung namamahala sa business na 'to." Nakakamangha isipin na napakarami niyang alam tungkol sa pamilyang 'to. Alam ko naman na sikat sila kasi kahit saan ka pumunta maririnig mo yung salitang Montenegro pero wala naman akong pakialam sa kanila at kailan man ay hindi ko hinangad ang makita ang isa sa kanila.
"Dami mong alam, Cathy." Binuksan ko ang pinto ng kotse atsaka ako lumabas.
"Sana tama 'yung hinala ko, sana si Miguel 'yung boss mo." Sabi niya pa.
"Teka nga, 'di ba alas otso pa 'yung call time n'yo sa opisina? Bakit ang aga mong nagising ngayon? May date ka ba?" I leaned on the car window.
"Date? Ano ka ba! Sino namang matino ang makikipag-date ng ganito ka aga? Hindi mo pa ba nare-realized, I'm here to support you because today is your first today of work. Supportive ako Martin, tandaan mo 'yan."
"I know. I'm just teasing you." I smiled at her before I went inside the building.
A girl approached me on my way to the elevator. She's pretty and too early for an employee, I mean I can barely see anyone else walking around the lobby.
"Good morning," I greeted her.
"Good morning, are you Mr. Cortez?"
"Opo." I answered.
"Here take this," Ibinigay niya saakin ang isang maliit na bag, "Inside that bag is the key to Mr. Montenegro's office. It's in the fourth floor of the building. Just wait for him inside, 'kay?" Sabi nung babae.
"Okay po, thank you." Bakit parang kinakabahan ako? Habang tinitignan ko yung floor indicator na nasa taas pabilis nang pabilis naman ang t***k ng puso ko.
"s**t, I think I'm going to have a heart attack inside the elevator." Bulong ko.
Pagkabukas ng elevator sa fourth floor agad akong lumabas at huminga ng malalim. Isang malaking opisina lang ang nakita ko sa buong floor, nothing more and nothing less. I guess this is his office. Pumasok ako sa loob at saktong lumiwanag ang lahat ng ilaw sa opisina niya.
"Wow, nakakamangha!" His office is very clean and it looks sophisticated. Makikita mo talaga ang kaibihan nito sa ibang opisina sa gusaling 'to. Umupo ako sa sofa na nakalagay sa kaliwang sulok ng opisina niya. Ang sabi nung babae na hintayin ko raw si Mr. Montenegro rito sa office niya. I sat down at the sofa and roamed my eyes around the whole office. All the necessary proofs of achievements are all posted in one side of the place, pati na ang mga trophies na natanggap ng kompanya.
"Mr. Eric Anton Montenegro," Hindi ko lubos na mabasa ang nakasulat sa nameplate na nakalagay sa table ni Mr. Montenegro. Bakit hindi Miguel yung pangalan niya? Ibang office ata 'tong napasukan ko e.
Tumayo ako at nang lumapit ako sa table para mabasa ng malinaw yung nameplate biglang pumasok ang pinto ng office.
"I'm sorry, why are you here?" I was not expecting to see him here. I saw the guy that I spoke with yesterday in the lobby.
"Wait, I know you." I didn't answer him. Bumalik ako sa upuan ko at tinignan lang siya. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko rito.
"But what happened to your face?" Dahan-dahan siyang lumapit saakin.
"T-teka po!" Napatayo ako. Dahan-dahan siyang naglakad sa direksyon ko. Bakit kinakabahan ako? Parang sasabog yung puso ko sa bilis ng t***k nito. Napasandal ako sa pader nang bahagya niya akong itulak at napaatras ako.
"S-sir, ano po'ng ginagawa n'yo?" Nauutal kong tanong sakanya. Ngunit parang wala siyang narinig dahil tuloy-tuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Itinaas niya ang hintuturo niya at itinapat ito sa mukha ko, "Ano'ng nangyari sa mukha mo?" Taimtim niyang pinagmasdan ang mga pasa at sugat sa aking mukha. I looked at the other direction to hide my face from him. Nahihiya ako!
"Kailangan mo ba ng ice? It sure looks painful." Nanigas yung katawan ko nang bigla niyang hawakan ang baba ko at iniharap sakanya. f**k I can feel the air coming from his mouth. Ano kaya'ng brand ng toothpaste na gamit niya? His breathe smells like candy mint—teka! Martin, hindi pa ba nag si-sink in sa'yo ang nangyayari at ang posisyon ninyo ngayon? Nakaupo ako ngayon sa taas ng backrest ng sofa at nakasandal sa pader habang itong lalaki na kaharap ko naman ay nakaharap sa akin habang hawak ang baba ko at iniharap sa mukha niya. His face is barely four inches away from mine.
"s**t," Bulong ko. As I stared at his perfection, I noticed his perfectly-pointed nose, his soft-looking lips and his eyes that would totally make any girl scream if he stares at them.
"You have a good-looking face, not bad for a teenager like you." Hindi ko na naiintidihan ang mga sinasabi niya dahil na di-distract ako sa kapogian ng mukha niya. Hindi ako makapagsalita. My eyes widen when he slowly moved closer to me. Hahalikan niya ba ako? I immediately closed my eyes.
"What the hell is this, Martin?" Wala akong naramdaman na labi na dumampi sa labi ko. Ibinuka ko ang mata ko nang mapansin ko na tinanggal nung lalaki ang kamay niya na nakahawak sa baba ko.
"You're cute. Your face is all red." Nakangiti niyang sabi saakin. He patted my head softly at tuluyan na siyang umalis sa harap ko.
"What was that, Martin?" Napansin ko na hindi lang kaming dalawa ang nandito sa loob ng opisina. There's another one. I looked at him and observed him.
"Martin?" Is he talking to me?
"Yes?" Nagulat ako nang sabay kaming nagsalita nung lalaki na lumapit saakin kanina. Wait, Martin din yung pangalan niya?
"Oh, I see. Your name is also Martin."
"Are you going to stay there until dawn? Bumaba ka sa sofa, you're making it dirty." Agad akong tumalon mula sa pagkakapatong ko sa sofa. Bakit ba ang sungit nito?
"Who is this?" The man walked to Mr. Montenegro's table and placed his grey suit jacket on top of the table
"Ah, excuse me po—"
"Are you the new PA?" He asked me.
"Opo. My name si Martin—" He cut me off, "Buy me some coffee. Now." He commanded while he unbuttons his sleeves. Napakawalang modo at kung makautos naman ito, akala mo kung sino. Sino ba siya?
"Eric, don't be rude. Ask him nicely." s**t! Siya si Eric Montenegro?
"I'm not being rude. It's how I asked my PA to buy me something. Also, why are you here Migs? I thought you have a vacation trip to Moscow with your family?"
"I bailed on them. I don't want to go with my little sister. She's too annoying to be with," Martin replied. I am just standing there listening to everything that they are talking.
"Hey," Bumalik yung diwa ko nang mapansin kong nakaharap silang dalawa saakin.
"P-po?"
"Why are you still standing there?" Eric asked me.
"P-po?"
"Coffee. Now." At doon ko lang naalala yung sinabi niya saakin, "Ah oo nga po pala. Yes po, aalis na po ako." Sabi ko at kumaripas nang takbo palabas ng office niya.
"Ano ba'ng nangyayari sa'yo, Martin? Pull yourself together." Bulong ko sa sarili. Mabuti nalang at may malapit na coffee shop sa building kaya naman ay hindi na ako nahirapang bumili sa malayo pa.
"Good morning sir, may I take your order?" Tanong ng babae sa counter.
"Ah may I have—" Napahinto ako. Oo nga pala, hindi ko alam kung ano'ng kape ang bibilhin ko para sakanya. Hindi niya sinabi saakin kung ano'ng bibilhin ko at hindi rin ako nagtanong. Martin, you'll get yourself fired immediately. Hay nako!
"Sir?" I smiled at the girl and said, "Two mocha coffee please."
Since hindi ko naman alam kung ano'ng trip ni sir Eric kaya yung paborito ko nalang yung binili ko. Ayoko sa mapapait na kape kagaya ng black coffee at americano. I am a big fan of sweets and chocolates.
"Martin, bakit ka nandito?" Nakita ko si Cathy na nakaupo sa table malapit sa bintana.
"Cathy!" Lumapit ako sakanya.
"Oh? Napano ka at namumula yang mukha mo?" I immediately touched my face. What? Hanggang ngayon ba ay hindi pa nawawala yung pamumula ng mukha ko?
"Nako, ano'ng ginawa mo doon sa office ni Mr. Montenegro?" Tinignan niya ako na para bang may ginawang masama.
"Relax. Wala ako'ng ginawa. Baka may allergy lang ako sobrang init kasi sa labas." Hindi ko pa inaalis yung kamay sa mukha ko.
"Patingin nga." Sabi niya.
"'Wag na, sige mauuna na ako." I waved at her. Hindi ako makapaniwala na ganito yung epekto saakin ng mga lalaking 'yon. First time 'to sa buong buhay ko na natulala at hindi ako makapagsalita 'pag nasa harapan ako ng isang lalaki. Para akong nagtatalumpati sa harap ng maraming tao.
Hindi ko na naabutan si sir Eric sa office niya dahil pagpasok ko wala na akong ibang nakita roon kundi si Martin na nakaupo sa sofa.
"Nasaan po si sir Eric?" I asked Martin. Sobrang awkward naman nito, parehos pa kami ng pangalan. It feels like I'm to myself.
"He went outside, I don't know where." He answered. Nakaupo lang siya roon at nagbabasa ng magazine.
I placed the coffee on his table. Hinawakan ko ang isang kape na binili ko. I stared at it for a while and look at Martin. I want to give this to him but I'm shy, I don't know how to approach him because of what happened a while ago. Pero, on second thought, mukhang wala namang malisya para sakanya yung nangyari kanina e.
"Ah, sir." I called him. Dahan-dahan siyang tumingin saakin, "Yes?" I cleared my throat. Bigla ata akong nauhaw, napakagwapo niya kasi—stop thinking about it Martin! Lumapit ako sakanya at inabot ang kape na binili ko mula sa coffee shop.
"Para sa'yo po." I said.
"Talaga? Thank you," Tinanggap niya ang kape na ibinigay ko, "Halika, come sit here." Tinapik niya ang espasyo sa tabi niya.
"P-po?"
"Don't worry. I will not harm you." Natatawang sabi niya. I sighed in relief, akala ko pa naman kung ano'ng gagawin niya saakin.
"Thank you sa coffee ah," Sabi niya ulit.
"Walang anuman po, binigyan niyo rin po kasi ako ng kape kahapon." Sabi ko sakanya.
"Mocha, you have a good taste. This one is my favorite." Nakangiting sabi niya saakin. Aside sa pagiging madaldal niya ay masayahin din siyang tao. Tumango lang ako at sinabi'ng, "Masaya po ako dahil nagustuhan niyo."
"Speaking of kahapon, nagkamali pala ako sa'yo nang bigay ng kape. The one I gave was supposed to be Eric's coffee kaso nagkamali ako. 'Yon yung paborito niyang kape e," Sabi niya bago ininom ang binigay ko.
"Talaga po?" Shocks! Bakit ngayon niya lang 'to sinabi?
"Oh? Saan ka pupunta?"
"Lalabas po. Bibilhan ko po si sir Eric ng bagong kape," Sabi ko. Akmang bubuksan ko na yung pinto nang magsalita siya ulit, "'Wag na. Just let him have that." I look at him.
"Po?"
"Ako na ang bahala sakanya. Para naman makaganti ako sakanya. Bumalik ka na rito." Sabi niya. Ano ba'ng pinagsasabi ng isang ito? Ano'ng makaganti? Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at umupo ulit sa sofa katabi niya.
"Is it hot? You're sweating."
"What?" I'm actually sweating! Full blast yung aircon ng opisina pero pinagpapawisan ako. Nako! I'm sure iniisip na niya ngayon na weirdo ako dahil dito.
"Sabagay, sino naman ang hindi pagpapawisan 'pag katabi ako." Oo nga naman—ano ba itong pinagsasabi ko! This guy's is so full of himself—pero deserve niya naman—I hate myself. Naglalaro na naman ang mga demonyo sa utak ko.
"By the way, 'di ba Martin din yung pangalan mo?"
"Opo sir."
"It must be awkward for you to call me Martin kasi it's also your name. You can call me Migs." Sabi niya.
"Migs, po?"
"Yes, my name is Martin dela Fuente. I'm sure you already have heard of it somewhere." Tumango lang ako kahit na hindi ko naman siya kilala at ngayon ko lang din narinig ang pangalan niya.
"Sige po, sir Migs." Sabi ko.
"You're actually cute." Sabi niya ulit. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga puntong ito, para kasing ipinasok ako sa loob ng oven kaya hindi ko mapigilan ang mga pawis na dumadaloy palabas ng katawan ko.
"Ano po ba ang sinasabi niyo, 'wag po kayong magbiro ng ganyan," Sabi ko sakanya.
"Ano ka ba 'wag ka ng mahiya, it's actually true. I don't think that Eric is ready for this." Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni sir Migs pero ngumiti lang ako sa mga sinasabi niya para hindi sumama yung pakiramdam niya saakin.
"Anyway," Tumayo siya sa, "Eric will be back anytime soon so I should probably give you this." Inabot niya saakin ang isang notebook.
"Ano po 'to?" Kinuha ko mula sakanya ang notebook at binuksan ito.
"Grace gave me that book. Eric's appointments and meetings are written in the notebook so don't lose it."
"Ah, sige po. Salamat." Hindi na ako nagsalita pa at tinignan ang mga nakasulat sa petsa ngayon.
"Well, I must go now." He walked towards the door. "By the way, take care of yourself. Don't let anyone harm your precious face." He winked at me and went out of the office leaving me wondering what he meant.
"s**t, two meetings for this morning at three in the afternoon. Superman ba siya? How can he possible attend all of these?" I scanned the notebook. This schedule is exhausting.
"My schedules for today." A voice dragged me back into reality. I almost forgot, nandito pa pala ako sa office ni Mr. Montenegro.
"Ah sir you have five meetings for today. You'll meet Mr. Saavedra and Mr. Martinez later at eleven and you have three appointments this afternoon with—"
"Cancel the two. I'll meet Mr. Uy this afternoon, only him."
"Po?" Hindi ko maintindihan. The schedules were already plotted weeks ago tapos gusto niyang i-cancel ang mga 'to?
"Tell them I'm busy. Basta gawan mo ng paraan." Sabi niya. Uupo na sana ako sa desk ko nang magsalita siya ulit, "Give this to Ann, tell her that I need this by ten." Inabot niya saakin ang documents.
"Sige po." Kinuha ko ang document at lumabas ng opisina. Bakit ba kasi nasa loob yung desk ko? Pwede naman na sa labas 'yon nakapwesto. Since hindi ko naman kilala kung sino yung Ann na sinasabi ni sir Eric, dumiretso nalang ako sa HR office para magtanong.
"Excuse me," I said after knocking at the door three times.
"Yes, you may." Narinig kong sigaw ni Ma'am Claire sa loob.
"Ma'am, good morning." I greeted her. Bakas sa mukha niya ang pagiging stressed dahil na siguro ng mga nagtambakan at patong-patong na mga document sa desk niya.
"Hello, Mr. Cortez. How may I help you?" Tanong niya nang hindi man lang tumingin saakin.
"Magtatanong po sana ako kung sino si Ma'am Ann? May ipinapabigay kasi si sir Eric sakanya." Sabi ko.
"Si Ann? Siya yung pumasok dito kahapon during your interview," Huminto sa ginagawa niya at tumingin saakin.
"I understand why you look puzzled. Hindi ko pa pala sa'yo naipapakilala yung ibang empleyado rito." Tumayo siya at hinubad ang eye glasses na suot niya.
"Okay, I'll take you to Ann and I'll show you around." Sabi niya saakin.
"That's great po." Sumunod ako sakanya palabas ng opisina.
Isa-isa niyang ipinakilala saakin ang mga tao sa kompanya, pati na ang pinaka-importanteng tao sa prod. She also explained to me the organizational structure.
"Mr. Eric Montenegro is the new CEO and editor-in-chief of Unico magazine. You know Unico, right? It's the biggest fashion and lifestyle magazine here in the Philippines. Pangalawa lang ang Change when it comes to popularity and sales." Sabi niya saakin habang ipinapakita ang organizational structure ng kompanya.
"By the way, we need to get this document to Ann immediately. Mr. Montenegro will need this by ten, 'di ba?" Teka, paano niya nalaman?
"Opo." Dinala niya ako sa opisina ni Ma'am Ann. Siya pala yung babae na pumasok sa kalagitnaan ng interview namin kahapon ni Ma'am Claire.
"You must be exhausted with all that walking we had. But you need to get back at your office. I'm sure Mr. Montenegro is now looking for you." Tumango lang ako at bumalik sa opisina ni Mr. Montenegro.
"Bakit ngayon ka lang? What took you so long?"
"I'm sorry sir. Ma'am Claire didn't give me proper orientation before kaya nahirapan akong hanapin si Ma'am Ann." Sabi ko sakanya.
"Tsk. That explains everything." Kinuha niya ang eye-glasses niya, he softly massages his temple.
"Sort this documents for me, I need this before the meeting." Kinuha ko agad ang nagtambakang papers at tumingin sa relo ko. s**t! I only have thirty minutes before his meeting with Mr. Saavedra! Papatayin niya ata ako sa rami ng mga ito.
"Oh? Napano ka na naman? Bakit mukhang pagod na pagod ka?" Cathy and I decided to have lunch together. This is a rough day and to think the day hasn't ended yet.
"I'm really exhausted." I can't believe how I managed to overcome the stress and pressure that my boss is giving me, like come on! First time ko 'to, pwede ba'ng dahan-dahan naman?
"Jeez, today is your first day of course and you sounded like you've been working for ten years in the company. Relax ka lang."
"How can I do that? He doesn't want me to take some rest! Kakatapos ko lang ng ipinapagawa niya, ayan na naman siya at nagbibigay na naman siya ng bago. He keeps on pressuring me. I want to quit already."
"Hoy Martin, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo ba kung gaano karaming tao yung nangangarap na makapasok diyan sa kompanyang 'yan? Tapos sasabihin mo lang na you're tired and that you want to quit? You're unbelievable."
"Napapagod na ako." I lost my appetite. Hindi tumatalab ang amoy at itsura ng pagkain na nasa harap ko ngayon dahil sa pagod at inis.
"How can you say that? Hindi mo pa nga natatapos itong first day mo tapos napagod ka na agad? Cheer up! Masasanay ka rin. Trust me."
"Sana nga masanay ako." I sighed. I just didn't expect na mapupunta ako sa trabahong ito, I just want to be an editor or a layout artist. Hindi ko naman inasahan na magiging secretary ako ni Mr. Montenegro e.
"Speaking of Mr. Montenegro, he's calling." Natataranta kong kinuha yung phone ko na nakalagay sa table at sinagot ang tawag ni sir Eric.
"Hel—" Hindi pa ako nakatapos nang bigla siyang nagsalita.
"Where are you? I need you here in the office now. You need to double check my presentation for later." Pero kumakain ako! Lunch break ko ngayon, 'di ba? "Sige sir. I'm on my way."
"Teka, hindi mo pa nga nagagalaw yung pagkain mo!"
"Kakain nalang ako later. Sir Eric needs me." Sabi ko at kumaripas ng takbo palabas ng restaurant.
Para akong timang na tumatakbo papasok ng building at nang mapansin kong pababa pa yung mga elevator naisipan ko nalang gamitin yung stairs sa gilid para makarating agad ako sa office.
"Sir?" I called him, still panting from all the running.
"It's okay, I have asked Ann to check my presentation for me." Putangina mo! Hindi ko mapigilan na murahin siya sa isip ko. How could he be so cruel? Nagmamadali akong bumalik dito sa office just to attend to his need tapos pagdating ko sasabihin niya lang na okay na? Na ibinigay niya yung trabaho sa iba? Tsk.
"Ah, okay po." Gusto ko man siyang murahin ay hindi ko magawa kasi ayaw kong mawalan ng trabaho ngayon lalo pa't alam ni mama na natanggap ako sa kompanyang ito. If she'll know that I quit or the boss fired me, I'm sure she'll kill me.
Binuksan ko ang pinto dahil aalis ako at babalik sa restaurant para kumain nang mapahinto ako dahil nagsalita siya ulit, "Since nandito ka na rin, sort those magazines. Arrange it according to the issue and volume. I need these for my presentation later." I look at the pile of magazines that he is referring to.
"Yes sir," I look at him.
Tumayo siya at inayos ang damit niya. Naglakad siya papunta sa direksyon ko, "Good. I'll see you later then." At iniwan niya ako sa loob ng opisina.
"Unbelievable! Baka kaya walang nagtatagal sakanya dahil sa ugali niyang ito. He's heartless." Sabi ko habang sino-sort ko yung mga magazine na iniwan niya.
"He's ruthless. Kung ako yung nasa posisyon ng mga babaeng naghahangad na makapasok at makatrabaho si sir Eric, nako! I would stop dreaming about it. Knowing his attitude? Hinding-hindi talaga ako magiging interesado sakanya kahit na gwapo pa siya at mayaman!"
"Are you okay?" Nanlaki ang mata ko nang makita ko si sir Migs na nakatayo sa pintuan.
"Sir? Kanina pa po ba kayo riyan?" Nako! Baka narinig niya ang sinabi ko. Patay ako nito.
"Kakarating ko lang actually. Sino'ng kausap mo? May kaaway ka ba?" Narinig niya ata ang mga sinabi ko.
"Wala po. Binabasa ko lang po 'tong mga articles at features ng magazine." Sagot ko sakanya.
"Okay, narinig kasi kita kanina." Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy lang yung ginawa ko.
"May ibibigay pala ako sa'yo," He placed something on top of the table that I am using.
"Cupcakes. I hope you'll like it." Sabi niya.
"Thank you po." Wala ako'ng masabi. This man is very generous. Mas mabait pa siya kesa sa boss ko.
"Don't give up on him, 'kay? Ganon lang talaga si Eric but he is kindhearted." I don't need to hear that now sir Migs because of all the words that can describe Mr. Montenegro, kindhearted isn't included. I'd rather write heartless than kindhearted.
"I know what you're thinking. Just don't." Bakit ba kasi si sir Eric pa ang naging boss ko na pwede naman na si sir Migs nalang. He is very kind and gentle, I bet his girlfriend is very lucky to have him.
"O siya, too much for that," Tumayo siya at inayos niya ang kaniyang buhok, "Eric will be back soon. You should prolly eat the cupcakes bago pa siya bumalik." Saktong natapos ako sa ginagawa ko nang magsalita siya about sa cupcakes na ibinigay niya saakin. Hindi ko sana kakainin ito kaso nasa harapan ko pa si sir Migs at hinihintay niya na kumain ako.
"Hindi ako lalabas dito hanggat hindi mo kinakain yang ibinigay ko sa'yo." He crossed his arms.
"Opo, kakainin ko na po." Sayang naman, I wanted to keep this though.
"Good. I'll see you around, Martin." At tuluyan na siyang lumabas mula sa opisina.
"Delicious..."
"Damn, you look terrible." Sumalubong saakin ang nakangiting mukha ni kuya Alex pagdating ko sa bahay.
"I'm tired, Kuys." I just said to him. Dire-diretso ako sa loob at papunta sa kwarto ko.
"Nope, you should stop right there."
"Ano na naman? I'm tired. I want to sleep –" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko si kuya Magnus na nakaupo sa sala at nakatingin sa direksyon ko.
"Kuya Magnus." The only words that came out from my mouth. I stood straight and faced him.
"Sit here." He pointed at the vacant chair in front of him.
Nagdadalawang isip pa ako habang naglalakad ako papunta sa silya. Kailan pa siya umuwi? Bakit hindi ko alam na nakauwi na pala si Magnus? Dahan-dahan kong inilapag ang gamit ko sa lamesa.
"Hey Kuys, how are you? It's been a long time. How've you been?" Pilit kong ngumiti sa harapan niya. Sa tatlo kong nakakatandang kapatid na puros lalaki, si Kuya Magnus ang pinakastrikto at pinaka disiplinadong lalaki sa kanila. Dahil siya ang pinakamatanda, he always makes sure na napapalaki kami ni mama ng maayos na may respeto sa nakakatanda.
"What happened to your face? Bakit puros pasa ang mukha mo, napaaway ka na naman ba?" How am I supposed to tell him na napagkamalan ako na magnanakaw ng mga tao roon sa university kaya nabugbog ako?
"Wala po ito kuya, mukhang nag sleep walk na naman ako tapos nahulog ako sa hagdan. Pagising ko kasi ganito na yung itsura ko." Palusot ko.
"Seriously Magnus, maniniwala ka sa sinasabi niya?" I glared at kuya Raphael. Bigla nalang siyang sumulpot out of nowhere while holding his freshly brewed coffee. Kaming dalawa ni kuya Raphael ang mahilig sa kape kaso ngalang mas gusto niya yung matatapang na kape, just like sir Eric. Teka, why am I even comparing my own brother to that heartless man? Hindi niya ata deserve na ma compare sa mga kapatid ko.
"Kuys naman," I signaled kuya Raphael to help me, "Kuya Magnus, totoo po talaga yung sinabi ko. Sadyang careless lang talaga ako sa mga panahong 'yon." Actually, it's always.
"Tsk. Next time I see you with those tapos nalaman ko na nakikipag-away ka, dagdagan ko yang pasa mo."
"Sir, yes sir!"
"Boo." Narinig kong sabi ni kuya Raphael. Hudas talaga 'yan si Raphael, gustong-gusto niya naman na pinaparusahan at pinapagalitan ako ni Magnus.
"At ikaw naman Raphael, kalian ka ba titigilin diyan sa kinaadikan mong kape? Kakain na tayo ng dinner tapos umiinom ka pa riyan ng kape. Alis ka nga!" Sigaw niya kay kuya Raphael.
"Jeez, kahit kalian talaga. Tsk." Narinig kong sabi ni Raphael bago siya umalis.
"Kuys, akyat na po muna ako." Sabi ko habang tinuto-turo yung taas.
"Wait," Napatigil na naman ako sa paglalakad, "Bumaba ka mamaya. We'll eat together as a family. And we also need to talk about your new job."
"Okay po." I said to him.
Hindi pa rin ako makapaniwala na kompleto kami ngayong araw na 'to. Magnus, Raphael, Alex and their youngest brother, me. Minsan lang kasi umuuwi si Magnus at Raphael dito sa bahay dahil nasa malayo yung assignment nila.
"How was your first day, anak?" Mama asked me after talking to my older brothers. Usually, nakikipag-usap talaga si mama saamin kapag nasa hapagkainan kami dahil ito lang yung tanging oras na magkasama kami.
"Okay lang naman po."
"Martin has a new job? Kaka-resigned lang niya sa trabaho, 'di ba?" Tanong ni kuya Magnus.
"Ito kasing si mama, hindi tinitigilan si Martin. Gusto niya na makahanap agad ng trabaho itong bunso natin." Si kuya Alex ang sumagot. Siya kasi ang naiwan dito sa bahay kasama namin ni mama. Yung trabaho niya ay nasa malapit lang kaya hindi na siya umupa. Alex knows everything that is happening in this house.
"Ma, kaka-alis lang ni Martin sa trabaho. Let him rest first."
"No, matanda na ang kapatid niyo kaya nga naghanap na agad ako ng trabaho para sakanya. So that he will not ask money from me, ayokong pagbigyan ang lahat ng luho niya kaya he should work for it."
"Martin, just resign, ako na ang bahala sa'yo."
"Stop spoiling Martin, Magnus. Masama 'yan." Sabi naman ni mama. Halos hindi na kami makapagsalitang tatlo dahil sa kanilang batuhan ng salita.
"Kuya, it's okay. I can take care of myself. Gusto ko rin naman po na magtrabaho. Nababagot na rin ako rito sa bahay e," Sabi ko.
"See? Kapatid mo na yung nagsalita. Just let him decide on his own." Tumango lang ako kay mama. As if naman hinayaan mo ako na mag decide sa sarili ko, ma.
"Fine. But if you find your job hard, sabihin mo lang saakin. I will bring you to Baguio, ako na ang bahala sa'yo hanggang sa makahanap ka ng trabaho."
"Opo, sige po." Atleast may plano na ako 'pag naisipan kong umalis sa trabaho ko.
"Saan ka ba nagtatrabaho ngayon?" Tanong ni kuya Raphael.
"PA siya ni Eric Montenegro," Sagot ni mama.
"Alam niyo po na si Eric yung boss ko?"
"Aba siyempre, ano ka ba!"
"Montenegro?" Napatingin kaming lahat kay kuya Raphael na kasalukuyang iniinom ang kape na ginawa niya.
"Bakit, kilala niyo po ba sila?" I asked him. Raphael is a marketing manager in an airline company na nakabased sa Cebu.
"No," Tipid na sagot niya.
"Hey, kailan ang alis n'yo Magnus?" At sa wakas ay nagsalita na rin si kuya Alex.
"I don't know. Maybe next week, why did you ask?"
"Holiday sa Wednesday, wala akong trabaho. Dalhin natin sila mama sa bagong resort?"
"Gusto ko po 'yan!" Sigaw ko. I'm sure wala rin akong trabaho sa araw na 'yon.
"Titignan ko yung schedule ko. I'll give you feedback later."
"Ikaw, sasama ka ba Raphael?"
"I think so," Hindi siguradong sagot ni Raphael.
"Are you sure na hindi ka kailangan ni Mr. Montenegro sa araw na 'yon?"
"Ma, holiday po 'yon. Rest day."
Hindi nga ba? Bahala na.
I received a text from an unregistered number stating, Hey Martin. This is Migs. I'll be away for a week or two so please take good care of Eric. And no matter what he does to you just make sure hindi mo siya papatayin.
"Weird," I ignored his message and enjoyed eating dinner with my family.