Chapter 3

2362 Words
"Ano'ng plano mo bukas? Special non-working holiday kasi. I'm sure wala kang trabaho," Tanong ni Cathy. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng lunch. "My brothers are planning to bring mama somewhere. Resort ata 'yon sabi nila," Sagot ko. "Oh talaga? That's great! Tita needs to relax once in a while. Akala ko pa naman free ka bukas, isasama sana kita sa mall mag ka-karaoke tayo at kakain ng takoyaki." "Next time nalang,  'kay? Nauna kasi yung plano nila kuya e, I can't say no to them lalo pa't nandito si kuya Magnus." I told her. "Si Magnus, nandito?" Nakita ko ang kumikinang niyang mata nang marinig niya ang pangalan ng kuya ko. She likes him a lot. Ang sabi pa niya crush na raw n'ya yung kuya ko since elementary pa kami. Ang landi. "Oo, umuwi silang dalawa ni kuya Raphael. It was so sudden. Nagulat nga ako dahil pagkauwi ko nandun na sa sala si kuya Magnus at nakita niya yung mga pasa ko. Basta ha, if he'll ask you about me don't tell him anything. I told him that I was sleep walking kaya nagkaganito yung mukha ko. Alam mo naman 'yon." "Oo naman syempre, ako pa." "Nandito pala kayong dalawa?" Muntik na kaming mapatalon sa kinauupuan namin nang makaharap namin si kuya Magnus. "K-kuya! Nandiyan ka pala." "Kanina pa ako rito. Ano ba'ng pinaguusapan ninyo?" Umupo siya sa tapat namin. "W-wala po. Work related stuff." Ani ko. Kinakabahan tuloy ako dahil nandito si Kuya Magnus. Sinusundan niya ba ako? Hindi ko inasahan na makikita ko siya rito. Sa dami ba namang restaurant na pwede niyang kainan bakit dito pa siya sa pinuntahan namin? Tsk. "Nako, my boss texted me. Kailangan na niya ako sa opisina." Sabi ko. Tumayo ako at inayos ang aking damit. "Are you avoiding me, Martin?" Narinig ko na naman ang authoritative na boses ni Kuya Magnus. "No, of course not. Ano ka ba kuya, bakit naman kita iiwasan? Hello, nakatira kaya tayo sa iisang bahay. Anyway, I need to go na." "Ihahatid na kita sa trabaho." Biglang tumayo si kuya. Hindi ko na naramdaman na may kasama pa kami dahil hindi na nagsalita pa ulit si Cathy, I'm sure he's not fantasizing on my brother. "Babae, tumutulo laway mo. Kausapin mo na muna si kuya. Aalis na ako." Bulong ko kay Cathy. Kinurot ko pa siya sa braso para mahimasmasan siya. "O sige, ako na bahala." "'Wag na po kayong magabala kuya, kaya ko na pong pumunta ron. Hindi naman ata maganda kung iiwan natin dito si Cathy na kumakain mag-isa, 'di ba?" "Opo kuya Magnus, alam niyo po ba na andami ko pong tanong tungkol sa job niyo," Cathy signaled me to move out of the restaurant and so I did. "Hay, buti nalang at nakatakas ako kay kuya." Sabi ko. "I didn't expect that I will find you here." "S-sir Eric!" Nagulantang na talaga ako sa nakita ko. This time I saw Mr. Montenegro standing outside the restaurant. "Your lunch break is almost done," A car stopped in front of him, "Pasok." Aniya pagkatapos niyang buksan ang pinto nito. "Po?" "I said, pumasok ka sa loob. Isasama na kita pabalik sa opisina." "Talaga po?" This is the first time na inaya niya akong sumabay sakanya sa loob ng kotse. Medyo na excite ako sa gagawin ko. Hinayaan ko na muna siya na makapasok sa loob at nang oras ko nang pumasok huminto siya at isinira ang pinto ng kotse. "On second thought, mag commute ka nalang pala. Move, rapido." Utos niya sa driver niya. "What the hell was that Eric Montenegro? Pinaasa mo lang ako, hinayupak ka!" Hindi ako pinasakay ni Eric sa kotse niya kaya naman nag commute ako pabalik sa opisina. Pagkarating ko roon, nakita agada ko ni Ann at ni ma'am Claire sa lobby. "May meeting ba si sir Eric mamaya?" Tanong ni Ann. Bigla siyang lumapit saakin at bumulong. "Opo." Sagot ko. Tumango siya sa sinabi ko at saka umalis papupunta sa comfort room. "Kumusta naman ang trabaho mo?" Tanong ni ma'am Claire saakin. "Ayos lang po," Pinindot ko yung button papunta sa fourth floor. "Medyo nasasanay na rin ako sa attitude-este trabaho ko po." "Mabuti naman kung ganon." "Ma'am nakita niyo ba si sir Migs?" "Sir Migs?" She looks puzzled. "Sir Martin po, Martin dela Fuente. Yung kaibigan po ni sir Eric." Hindi ko kasi siya nakita ngayong araw na 'to sa opisina. "Nako, hindi e. Hindi ko siya nakita ngayong araw na 'to na bumisita kay sir. Baka may trabaho. Alam mo kasi 'yon si sir Martin, sikat 'yon na fashion model. Maraming beses na siyang na featured sa Unico. Sigurado ka ba na hindi mo alam ang mga sinasabi ko? You look very clueless." Kaya pala gwapo si sir Migs, model din pala siya. Namimiss ko na tuloy siya. Umiling-iling ako. Ano ba 'tong naiisip ko! Erase, erase. Focus on your work, Martin. "Kaya po pala pamilyar yung mukha niya." "Oo naman, saan ka ba nakatira at hindi mo kilala ang mga taong 'yon? Nako, sa gwapo ba naman ni Mr. dela Fuente, hindi ko aakalain na hindi mo siya kilala." Sabi niya. Hindi naman talaga ako nagkaroon ng interes sa mga ganyan e. This is all new to me. "Kasi po...kasi," Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ah basta, dapat kilala mo ang mga 'yon especially now. Paano na kung utusan ka ni sir Eric na hanapin ang mga tao? I'm sure you'll find it hard to find." Bumukas na ang elevator sa second floor kaya lumabas na si ma'am Claire. "O siya mauna na ako, take care." Aniya at saka siya lumabas. "Hay." Marami pa pala akong dapat matutunan at makilala. All this time pinipigilan ko ang sarili ko na mag explore at maging open sa mga bagay dahil takot akong masaktan at mabigo pero minsan kailangan ko rin palang maging bukas sa lahat ng bagay at posibilidad sa buhay. "Teka," Sasara na sana yung pinto nang may biglang pumasok sa elevator. "Sorry, nagmamadali kasi ako." Sabi niya. "Sa fourth floor ba ang punta mo?" Tanong niya kaya tumango ako bilang tugon. Sa tingin ko, ilang araw na siyang hindi natutulog. Bakas sa mga mata niya yung pagod at naglalakihang eyebags. Hindi na nga niya naisipang magsuklay ng buhok, pero on second thought his curly hair doesn't need to be combed. "s**t," Bulaslas niya nang mahulog yung eye-glasses niya sa sahig habang kinikuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa. "Ako na," alok ko at yumuko ako para kunin ang nahulog niyang eye-glasses. "Salamat a." "You're welcome." Sagot ko naman. "Ako nga pala si Robert, isa ako sa mga photo editor at layout artist ng kompanya. And you are?" "Photo editor at layout artist? Wow grabe, paano ka nakapasok dito? Awesome!" "Mahirap makapasok sa kompanyang ito at mas lalong mahirap yung trabaho. Mr. Montenegro is a perfectionist, gusto niya na ibigay namin ang lahat sa mga ginagawa namin. Dapat pumasa sa standard niya yung layout, design and concept. It's so exhausting." Sabi niya. "Ganon ba, sobrang hirap naman." "Ikaw? Ano'ng trabaho mo rito? Ngayon palang kita nakita e, I'm sure bago ka." "I'm Martin, ako yung bagong PA at secretary ni sir Eric." "PA? Ikaw yung bagong secretary? Now that's awesome. Alam mo, hindi ko talaga tatanggapin yang trabaho na 'yan. I don't want to get near Mr. Montenegro, sobrang strict kasi at nakaka-intimidate." Nakakainis ata ang gusto mong sabihin, 'no? I wouldn't accept it kung hindi lang dahil kay mama e. "Oo nga e." Sagot ko. "Pero mas gusto ko 'yung trabaho mo." Sabi ko sakanya. Bumukas ang pinto ng elevator at sabay kaming lumabas ni Robert. Direkta akong pumasok sa loob ng opisina habang si Robert naghihintay lang ng signal ko para pumasok. "Sir, Robert wants to see you. He is outside waiting. Papapasukin ko po ba?" Tanong ko kay sir Eric na kasalukuyang nakaharap sa computer niya. "Robert?" "Layout artist po." "Ah, papasukin mo siya." Agad akong pumunta sa labas at sinabihan si Robert na gusto siyang makausap ni sir Eric. "Good afternoon sir, I just want to present my design for this month's issue." Panimula ni Robert. Bumalik ako sa table ko, umupo at nakinig sa mga sasabihin niya. "Let me see," Binuksan ni Robert ang laptop niya at ipinakita ito kay sir Eric. "Ito po yung pang-sampung design na ipinagawa niyo." What the f**k? Pang sampung design? He changed the layout ten times because it didn't pass Mr. Montenegro's standard? Tao ba pa siya?! Jusko. "Actually, I like this design than the previous ones." "Thank you, sir." Nakita ko ang saya sa mukha ni Robert kaya napangiti ako. "Make sure to present this one to the prod. You already know what to do, right? Make sure to explain everything to Ann. You may go." "Yes sir, thank you." Sabi niya at lumabas ng opisina ni sir Eric na masaya. "Bakit ka nakangiti riyan? Are you going crazy?" I glared at sir Eric. Crazy mong muka mo! Paano mo nalaman na nakangiti ako e hindi ka nga nakatingin saakin. "Hindi po ako nakangiti." I said to him. I stopped smiling and review his schedules. "I saw you." Narinig kong bulong niya. "Martin?" "Po?" Napatingin ako kay sir Eric. Nagulat nang maabutan ko siya na nakatingin saakin at may hakaw na telepono sa kaniyang tenga. "I'm not talking to you." Jeez, hindi ko naman alam na hindi pala ako ang kausap mo. Tinawag mo kasi ang pangalan ko. "No, Migs I'm not referring to you. I'm talking to my PA." "Sir Migs." Bulong ko. Bakit biglang namula yung pisngi ko at bumilis yung t***k nang puso nang marinig ko ang pangalan ni Mr. dela Fuente? "Snap out of it, Martin." Tinapik-tapik ko yung pisngi ko. "Are you sure you're fine? Hey! Martin!" Hindi ko pinansin si sir Eric. I continued what I am doing, knowing that he is talking to another Martin on the phone.  "Hey!" Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang table ko dahilan para tumingala ako. Shit! His face is close, so close to mine. "S-sir," Tumingin ako sa ibang direksyon, "Ako po pala ang kinakausap niyo. Akala ko po kasi si sir Migs." "You're acting weird." Lumayo siya sa table ko at bumalik sa upuan niya. "Martin, focus." Sabi ko sa sarili. "My schedules for today?" Agad kong sinagot ang tanong ni sir Eric, pina-cancel niya ang iilang mga appointments niya sa araw na ito at initusan niya akong i-confirm ang schedule ng shooting at interview sa mga bagong brand ambassadors ng isang kilalang perfume na ife-feature sa bagong issue. "Is that all, sir?" "And one more thing," I listened closely to him, "I need coffee. Now." Ayaw na naman siya sa now niya. Ano ba ako, robot na kailangan ng keyword para gumana? "Okay, sir." Pagbaba ko sa lobby nakita ko si Robert. Kumaway siya saakin at lumapit. "Hey, I wasn't able to thank you for what you did a while ago." He approached me. Mukhang nakapag-ayos na siya sa sarili niya, kahit papaano ay nagmukha na siyang presko sa paningin ko. "Thank you, Martin." "Walang anuman, trabaho ko naman 'yon e." Sabi ko sakanya. Now that I have the chance to check on his physique, all I can say is this man in front of me is good-looking. Mukhang pabaya lang talaga siya sa sarili niya kaya medyo haggard siya tignan. "Saan ang punta mo?" Tanong niya saakin. "Actually, bibili ako ng kape para kay Mr. Montenegro." "Talaga? That's great! Papunta rin ako sa coffee shop, how about sabay na tayo?" Tumango lang ako. Sumabay na ako sakanya papunta sa coffee shop. Hindi ko inasahan na makwento pala si Robert, dahil sa kadaldalan niya, nalaman ko na tatlong taon na pala siyang nagta-trabaho sa kompanya ni Mr. Montenegro at sa tagal ng panahon na 'yon marami siyang natutunan at nahubog ang kaniyang skills sa pagawa ng designs. "Alam mo ba, last year inabutan ako ng fifteen tries sa women empowerment issue na ginawa namin. Muntik na nga akong mawalan ng pag-asa at tiwala sa sarili sa mga panahon na 'yon e." Hindi ako makapaniwal, ganon ba talaga yung ugali ni Mr. Montenegro? Isn't it too much? Halos mawalan na ng gana yung mga empleyado niya para lang ma-meet yung standards na hindi mo masukat kung gaano ka taas. "Hindi mo talaga gugustuhing ma-reject ni Mr. Montenegro." Dagdag niya. "Here's your order, sir." "This is for you," Inabot ni Robert ang isang cup ng kape saakin. "For me? Thank you." Tinanggap ko ito, cappuccino my favorite! "And don't forget this. Hindi ko alam kung ano'ng gusto mo e, kaya yung gusto ko nalang ang binili ko." Inabot niya ang isang box saakin. Chocolate cupcakes? "Nako, nag-abala ka pa." Tinanggihan ko yung alok niya siyempre dahil nakakahiya, kakakilala ko palang kay Robert tapos binibigyan na niya ako ng mga pagkain. But unfortunately, mapilit siya kaya I ended up accepting the box of cupcakes. "Salamat a," I ordered sir Eric's americano. "Oo nga pala, inutusan ka pala ni Mr. Montenegro." Sabi niya nang makita niya ang hawak kong americano. Bumalik kami sa opisina at naghiwalay kami sa lobby. "What took you so long?" Tanong ni sir Eric pagkapasok ko sa loob ng opisina. Jeez, hindi ko inasahan na natagalan pala ako. I didn't take an hour in the coffee shop. This monster is exaggerating things. "Mahaba po kasi yung pila." Inilagay ko sa tabi niya ang binili kong kape. "Mahaba yung pila o nakipag-entertain ka pa ng babae sa labas." "Ah ito po ba? Ibinigay 'to ng kaibigan ko. Gusto niyo po bang kumain ng chocolate cupcakes?" Alok ko sakanya. "No need. Sweets are unhealthy, you should eat that alone and die alone." "Tangina mo." Bulong ko. Kung unahin kaya kitang demonyo ka? Nako kahit kalian talaga hindi ko magugustuhan ang ugali mo. "May sinasabi ka?" "Ang sabi ko po, enjoy your coffee." Natapos ang buong araw nang puno ng appointments at meeting. Hindi mo talaga aakalain na kinakaya ni Mr. Montenegro na i-digest yung lahat ng pinagusapan nila ng ka-meeting niya pero sigurado naman ako na hindi siya mahihirapang intindihin dahil nandoon din naman ako to take some notes. "Martin, aalis ka na?" "Opo," Hinila ako ni Ann papasok sa office niya. She immediately closed the door and locked it. "Ma'am, bakit po ako nandito?" "Sinabi ni Mr. Montenegro na ibigay ko raw sa'yo yung book," Sabi niya habang hinahalungkot ang drawer niya. "Saan ko ba iniligay 'yon?" Isa-isa niyang binuksan ang mga drawer ng opisina niya, "There! Found you." Sabi niya at inilabas ang isang libro. "Ano po 'yan?" "This is the book, draft ito ng issue for this month. Ang bilin saakin ni Mr. Montenegro na sabihin ko raw sa'yo na ikaw ang magdadala ng librong ito bukas ng umaga sa bahay niya." "Bukas po? 'Di ba holiday? May pupunta—" "No buts, Martin. Alam mo naman 'yon si sir dapat talaga nasusunod yung gusto niya. Mahigpit na bilin niya saakin na ibigay ko raw sa'yo 'to at bawal ka raw tumanggi dahil PA ka niya." "I hate him. Tsk." "O siya, ingatan mo 'to. Nakasalalay dito ang buhay mo at ng pamilya mo. Dapat mo 'tong ibigay kay sir tomorrow nine in the morning. He needs to review the content and write his notes for revisions. I'll send you the address of his house, 'kay?" "May choice pa ba ako?" "Sabi ko nga wala, sige na. I'll be going. May date pa kami ng jowa ko." Shit! Paano na yung plano namin nila kuya? Nananadya ka talaga Eric Montenegro. I hate you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD