Chapter 4

2338 Words
"Kuys, 'wag na po kayong magalit. It's part of my job naman po e." Sabi ko kay kuya Alex. Humihingi kasi ako ng tulong sakanya na sabihin kina mama at kuya Magnus na hindi ako makakasama sa outing. "Tangina naman kasi 'yang boss mo, 'di alam kung ano'ng holiday." "I know right, kuys." Inuga-uga ko siya para magising. "Bakit ngayon mo lang kasi sinabi sa'kin? Alam mo naman yung utak ni Magnus." Umupo siya sa higaan niya. "Kaya nga ginising kita ng maaga kasi hindi na kita naabutan kagabi. Tulog-mantika ka kaya kuys, buti sana kung napakadali mong gisingin." "So, kasalanan ko pa?" Tinuro-turo niya 'yung sarili niya. "No, I'm not saying that. Ang saakin lang, please sige na tulungan mo na ako." Kinusuot-kusot ko pa yung mata ko. Grabe yung effort ko ngayon a, alas sais pa lang ng umaga pero andito na ako sa kwarto ng kuya ko at kinukulit na siya. Isa sa mga pinaka-ayaw ni kuya Alex ay yung ginigising siya ng maaga. Kaya palagi siyang sinesermonan ng boss niya dahil palagi siyang late. "Sige na, sige. I'll see what I can do." Sabi niya at bumalik sa paghiga. "No kuys I'm not done yet," Inuga-uga ko siya ulit, "Bangon ka diyan. May sasabihin pa ako." "Ano na naman?" Naiiritang sabi niya. "Pumunta kana sa kwarto ni kuya Magnus ngayon tapos ikaw dapat yung unang makita niya 'pag gumising siya. Sabihin mo sakanya 'yung tungkol saakin bago pa siya makalabas ng kwarto, okay?" Sana naman ay hindi palpak 'tong plano namin. "Hindi 'yon magagalit. Ako'ng bahala sa lalaking 'yon." Aniya. Ibinalik niya ang kumot sa katawan niya at sinipa ako paalis. "Salamat kuys, the best ka talaga!" Sabi ko. "Ge, don't forget to lock the door when you leave." Maya-maya pa ay narinig ko na ulit siyang humihilik. Bahala na, tutulungan naman ako ni kuya Alex e. Bumalik ako sa kwarto ko. Matutulog nalang ako ulit para paggising ko, okay na yung lahat at alam na ni kuya Magnus na hindi ako aalis. I closed my eyes and took a nap. "Tangina naman kasi. Martin, open the door!" Isang malakas na katok mula sa pintuan ang naging rason ng upang magising ako. s**t akala ko may lindol. "Magnus naman," Naririnig ko na parang nagaaway yung mga tao sa labas. "Ano ba 'yan sobrang ingay. Natutulog pa ako. Ano ba!" Sigaw ko. "Martin, open the door." Nagsitayuan bigla 'yung balahibo sa batok ko nang mapagtanto kong si kuya Magnus pala yung tumatawag sa'kin. Agad akong tumayo at nagtungo sa pintuan para buksan ang pinto. "Kuys," Bumungad saakin ang naiinis na mukha ni kuya Magnus at ang naiiritang si kuya Alex. "Ano ba 'tong narinig ko mula kay Alex na hindi ka raw sasama? Ano 'to..." Hindi ko na siya maintindihan sa rami ng sinasabi niya. Pakiramdam ko kasi na lumulutang pa ako sa cloud nine. I'm still sleepy and I need coffee. "Magnus, be reasonable. Alam mo naman kung anong trabaho ng kapatid natin. Stop acting like a child!" Sigaw ni kuya Alex kay Magnus. "No, Alex. Napapansin ko na habang tumatagal ay lumalayo na 'yung loob ni Martin sa pamilya niya. It's all because of that stupid company!" Sabi niya habang may tinu-turo sa labas. Teka ano ba'ng pinagsasabi nitong mga 'to? Bakit nasali ang pamilya? "Kuya—" "Shut up, I didn't tell you to say anything. Just resign from that stupid job. Hindi..." Hindi ko na naman ulit nasusundan lahat ng mga sinasabi ni kuya Magnus. "Hoy mga matatanda, ano bang nangyayari dito? Magnus bakit mo ba tinatalakan 'to si Martin at Alex bakit naiirita ka diyan? Ikaw naman Raphael, ano magpapa-cute ka lang ba diyan at iinom ng kape habang pinapanood 'tong mga kapatid mo na nagaaway? Hindi mo man lang inawat? Jusko!" Pumasok si mommy dala-dala ang patalim. May suot siyang apron kaya hula ko galing siya sa kusina ay may niluluto. "Kasi naman 'to si Martin, ayaw sumama." Sabi ni kuya Raphael. "Correction kuys, gusto kong sumama kaso may trabaho ako." Sabi ko. "Tsk. Holiday nga ngayon—"Mama cut kuya Magnus off. "Work? Pinatawag ka ni Mr. Montenegro para pumunta sa office ngayon?" "Opo ma, pupunta ako sa bahay nila ngayon para ihatid 'yung book." Sabi ko. "'Yon naman pala. Magnus, may trabaho itong kapatid mo at inutusan siya ni Mr. Montenegro na pumunta sa bahay nila. Ano ka ba, gusto mo bang ma pagalitan yung kapatid mo? 'Wag na natin siyang isama." Teka, mas lalo ata akong nalungkot sa sinabi ni mama. Bakit ganon ang sinabi niya? "Ewan ko ba sa'yo ma. Ano bang pinakain sa'yo ng mga Montenegrong 'yan at hindi ka makatanggi?" Padabog na umalis si kuya Magnus sa kwarto ko. "Anak, hayaan mo na ang kuya Magnus mo. Ako na ang bahala sakanya, for now dapat maligo ka na at magbihis. Make yourself presentable lalo na't makikita ka ng mga Montenegro." I sighed. "Opo ma," Sabi ko. "O siya, itutuloy ko na muna yung niluluto ko sa kusina. Kayo kasi kung makagawa ng commotion akala niyo naman nasusunog na yung bahay," Naglakad siya at huminto sa tapat ni kuya Alex, "Alex, pwede ba? Tulungan mo si manang sa labas at ikaw Raphael," Hindi rin nakatakas kay mama si kuya Raphael na nananahimik lang sa tabi at ini-enjoy ang paginom ng kanyang mainit na kape, "Maligo ka. Nangangamoy kape ka na." Isa-sa kaming umalis ng mga kapatid ko sa kwarto. Naligo ako at nagbihis, syempre sinunod ko yung bilin ni mama na dapat magmukha akong presentable sa harap ng mga Montenegro. Si Eric pa lang ang nakikilala ko at hindi ko trip hanapin ang mga mukha nila sa Google dahil hindi nila deserve ang time ko, echos! "Hello?" Sinagot ko yung tawag nang pamansin kong tumunog yung cellphone ko. "Hello Martin? This is Ann. Sorry ha, medyo maingay dito." Pansin ko nga, sumisigaw siya habang kinakausap ako e. "Opo, nasaan po ba kayo?" "Nasa resort ng kaibigan ko. You know, holiday ngayon kaya kailangan nating mag relax. Marami ring afam dito sa resort nila kaya nag i-enjoy talaga ako." I rolled my eyes. Jusko! My virgin ears, dito pa talaga nagkalat sa phone si ma'am Ann. "Ah ganon po ba, mag enjoy po kayo!" Ang plastic mo Martin. Pero hayaan na, yung iba kasi diyan pa outing-outing lang tapos ako rito hindi makasama sa pamilya ko dahil sa halimaw kong boss. "Ah naalala ko na pala yung rason ko kung bakit ako tumawag. I'll send to you the address of Mr. Montenegro's house and be sure to be there by nine alam mo naman na mainipin yung boss natin." I checked the clock and I panicked nang mapagtanto kong 8:30 na. "Ah sige po. Thank you!" Binaba ko na yung telepono at ipinagpatuloy yung pagbibihis ko. Pagkababa ko ay naabutan ko si kuya Magnus sa sala na nakatingin saakin. "Kuys, hindi pa pala kayo umaalis?" Tanong ko. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. "Umalis na sila mama," Mukhang bad mood pa rin siya saakin hanggang ngayon. "Tapos kayo po? Ba't nandito pa po kayo?" "Ihahatid na kita sa bahay ni Montenegro," Wow kung makapagsabi ng Montenegro, bestfriend mo? "T-talaga po?" Hindi siya sumagot sa halip ay ipinikit niya lang sandali ang mga mata niya at naglakad papunta sa direksyon kung saan ako nakatayo. Inilabas niya mula sa bulsa ang kamay niya at hinila ako palabas ng bahay. "Let's go. You'll be late." Pumasok ako sa loob ng kotse ni kuya Magnus. "You know the address, right?" Tumango ako at ipinakita sakaniya ang address ng bahay ni sir Eric. "Sabi ko na nga ba," Bulong niya at pinaandar niya ang sasakyan. Wala kaming imikan sa buong byahe papunta sa bahay ni sir Eric dahil naiilang ako kay kuya Magnus at pakiramdam ko naiinis pa siya saakin. Bumungad saamin ang isang malaking mansion, s**t don't tell me sa white house nakatira ang mga Montenegro. Ngunit, mas malaki pa rin ang white house ng amerika kumpara sa bahay nila. Namangha ako sa laki ng espasyo ng lugar at kung tutuusin, yung distansya mula sa bahay nila at sa main gate ay lalakarin mo ng limang minuto. "Sir, good morning. Ano po'ng sadya nila?" Tanong saamin nung guard na nakabantay sa main gate. "Kuya, I'm Martin Cortez. I am the new PA and secretary of Mr. Eric Montenegro and he asked me to give the book to him." Sabi ko kay kuya guard. Ipinakita ko sakanya ang libro na sinasabi ko. "Ikaw po, sir?" He's talking to Magnus. "Don't worry, I'm just here to accompany my brother. Aalis din ako 'pag makapasok na siya sa loob." Sabi ni kuya. Tumango lang yung guard at binuksan ang malaking gate. Pinaharurot ni kuya yung kotse papasok sa gate. "Call me 'pag uuwi ka na. Susunduin kita." Sabi ni kuya pagkababa ko ng kotse. "Pero kuya—" He cut me off. "Susunduin kita." I just smile at him at naglakad na papasok ng bahay ni sir Eric. "Good morning, sir." Sabi nung babae na sumalubong saakin. s**t ang gara, maypa chandelier! Bumati ako sa babae at ibinigay ko ang mga gamit ko excluding the book. "I'm here to see Mr. Eric, I'm his new secretary." Sabi ko sa babae. "Ah, sige po. This way po." She ushered me upstairs. "Manang," an authoritative voice filled the entire room. Halos mapatalon ako sa takot at gulat. May militar ba sa loob ng bahay nila? When I looked at the right side, I saw a man standing. His wearing a suit and holding a glass of I think wine or some alcohol. "Dalmore whisky." "Po?" Huminto kami sa paglalakad at hinintay ang paparating na lalaki. "I saw you staring at the glass that I'm holding. If you're wondering what's inside this glass, it's whisky." f**k! I didn't clearly see his face from a far but when he finally stood close to me, I can't utter any word. His visual is unbelievably real. Tangina may ganito ka gwapo, matipuno at sosyal na lalaki sa lugar na 'to? "Are you mute?" Tsk. The attitude. "I'm sorry sir, I wasn't really interested in the drink but—" He cut me off. "But the one who's holding it? Unbelievable." I closed my eyes and try to process what he said. "Sino ka? I haven't seen you before. Bakit nandito ka sa bahay namin?" He crossed his arms. "I'm Martin, I'm sir Eric's new PA." Pagpapakilala ko sa sarili ko. "New PA? Interesting," Hindi ako mapakali sa ginagawa niya, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, "Manang, ako na bahala rito. I'll take him from here." Sabi niya. "Opo, sir." The girl bowed at him and then left. "You won't last a week." Sabi niya at naglakad. "P-po?" Nauutal ako. Tangina Martin ayusin mo yang bibig mo kung ayaw mong mapahiya. "I'm Miguel, Miguel Montenegro. I'm Eric's brother." Pagpapakilala niya sa sarili niya. Kaya pala, malinaw na saakin kung bakit ganon ang ugali niya. Mana-mana rin pala. Tumango-tango ako habang kinakausap ang sarili. Huminto kami sa tapat ng isang silid at bigla siyang pumasok, "Come inside." Sabi niya. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi sa silid dahil hindi naman si sir Eric yung mismong nagpapapasok sa'kin sa room niya. Bahala na, magkapatid naman sila, pareho na rin 'yon. Pumasok ako sa loob at nagulat ako nang bigla niya akong itinulak sa kama ni sir Eric dahilan upang mahiga ako. Agad siyang lumabas at inilock yung pinto. "Belvedere, lights off!" Sigaw niya bago niya isinara yung pinto. "At your service, Miguel." I heard a voice from somewhere. "s**t!" Bulaslas ko nang biglang namatay lahat ng ilaw sa loob ng silid. Wala akong makita. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at kinapa ang mga bagay at mga nakapaskil sa pader. Nasaan na ba yung switch ng ilaw? "s**t, that was their virtual assistant. Anong pangalan non? Baliver? Tangina hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya." Bulong ko. I stood straight and tried to clear my throat. "Baliver, lights on!" Sigaw ko. Pero wala akong natanggap na response mula sa virtual assistance nila. Bakit hindi ko na realize na may smart home sila rito? Napakabobo ko talaga. Ayan tuloy, hindi na re-recognize ng virtual assistance ang boses ko kaya hindi niya ako sinusunod. "Aray, f**k!" I exclaimed when I felt my pinky toe hit the edge of the table. Napaupo ako sa sakit, hinawakan ko yung pinky toe ko at hinampas yung lamesa. "Belvedere, lights on please." Nagulat ako nang may nakita akong paa ng tao na lumabas mula sa isang pinto sa loob ng silid. Dahan-dahan kong itinaas ang mga mata ko. s**t, ang laki! Sinampal ko yung sarili ko. Ipinagpatuloy ko yung sightseeing—este adventure ng mata ko. Damn, nakakagigil yung washboard abs niya, napaka-hot tignan nung droplets na tumutulo mula sa manly Adam's apple, down to his pinkish n*****s, to his washboard abs and to his—"What the f**k?!" "Si..si..si..sir Eric!" Napatayo ako bigla, s**t masakit pa pala yung pinky toe ko, nang makita ko si sir Eric habang pinupunasan niya ang basa niyang buhok. "What the f**k are you doing inside my room? Sinong nagpapasok sa—f**k Miguel." Napapikit siya at kinurot niya ang bridge ng ilong niya. Tumingin ako sa ibang direksyon dahil naiilang ako sakanya. He's naked, well not totally naked but I can see his body and the fact the it's a wonderland—tangina naman Martin, umayos ka naman. Lalaki ka ano ba. I heard him sighed, "Belvedere, unlock the door." Narinig kong tumunog yung knob ng pinto. "Wait for me at the living room." Sabi niya kaya tumakbo ako palabas. Iniwan ko na yung libro sa kama ni sir Eric. Bumaba ako sa sala at naabutan ko si sir Miguel na umiinom pa rin at nakangiti habang tinitignan ako. "Halimaw ka talaga, Miguel." Bulong ko. "Oh? How was your talk with my brother? Tinanggap niya ba 'yung libro?" You're such a tease Miguel Montenegro. May araw ka rin saakin. Sarap mong sakalin inamo ka. "Opo, I'll just wait for sir Eric here." Sabi ko at umupo sa sofa. "Kwentuhan mo naman ako sa experience mo." Sabi niya. "Experience ko po? Saan po?" I acted as if walang nangyari doon sa loob ng silid ni sir Eric, wala naman talaga pero nakakahiya lang 'yung nakita ko siya na hubo't hubad at tanging tuwalya lang ang nakapulupot sa lower part niya tapos nakita ko pa yung bundok ng himalayas sa ibaba. "Wala never mind what I said. Your face is as red as a tomato, I wonder what happened." "Miguel, iwan mo na muna kami ng PA ko rito." Dumating si sir Eric at pinaalis ang kapatid niya. "Okay, brother." Pangiinis niya kay sir Eric. "Sir, natanggap mo—" He cut me off. "Oo, I'll review it later and give it back to you pagkatapos kung lagyan ng mga corrections at comments." But I'm totally impressed on how he handles situation professionally. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa'kin kahit na nakita ko na halos lahat ng nasa katawan niya. "But I have a favor to ask from you," Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Po? Ano po 'yon?" "Can you buy me some coffee?" "s**t, akala ko pa naman kung ano na." Bulong ko. "May sinasabi ka?" Agad akong tumanggi. "Ah ang sabi ko po, sure thing." I smiled at him and went outside. Nakita ko ang isang puting van na nakapark sa labas ng bahay at sinabi nung driver na sasamahan niya raw ako sa coffee shop para bumili ng paboritong americano ni Eric Montenegro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD