Chapter 5

2243 Words
"Kuys sorry na." "Ewan ko sa'yo. 'Di kita papansinin." Ayan na si Alexander, hindi na niya ako pinapansin dahil sa ginawa ko kahapon. Galit siya saakin dahil hindi raw siya pinapansin ni kuya Magnus kahapon sa outing nila. "Alam mo ba kung paano ako tratuhin ng Magnus na 'yon? Humingi ako ng apple tapos orange 'yung binigay niya saakin! f**k him. I hate him." Hala. Nagalit dahil sa orange? Seryoso? "Seryoso kuys? 'Yon lang ang ikinagalit mo saakin?" "Oo, bakit? Hindi ba pwedeng magalit?" Tumayo ako. I'm wasting my time here. "Hoy? Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!" "Maliligo po. May pasok ako ngayon, ayokong ma late sa trabaho. Kausapin mo nalang ako 'pag okay ka na." Minsan naiisip ko kung twenty-seven na ba talaga si Alex kasi kung umasta parang seven years old. "Bumalik ka rito, oy!" Sigaw niya. Binuksan ko ang pinto. Bago ako lumabas ay tumingin ako sakanya, "'Di kita papansinin." Ginaya ko siya. Lumabas ako ng kwarto ni Alex na tumatawa. Panganay na anak si kuya Magnus, pangalawa si kuya Raphael tapos pangatlo si Alexander. Medyo hindi malayo ang age gap namin ni Alex kaya sa kanilang tatlo, siya ang pinaka-close ko. "Oh, papasok ka na ba?" Tanong ni mama sa'kin nang makita ko siya sa sala habang nililinisan ang center table. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi, "Good morning po." Kinuha ko ang tinapay na nakalagay sa plato na nakapatong sa table. Ganyan si mama, 'pag naglilinis siya at inililigpit niya ang kalat sa sala parati siyang may kasamang pagkain. Sabi niya na mo-motivate daw siyang maglinis kapag kumakain. Don't get us wrong, we tried to hire someone who will help us clean our house pero unfortunately, ayaw ni mama sa mga ganon. She wants to clean our house alone kasi hindi siya kampante 'pag iba ang naglilinis ng bahay namin. "Ma, sabi ni kuya Alex pupunta raw dito 'yung tao mula sa agency." Ani ko. "Para saan? Walang sinasabi si Alex sa'kin. "Uupo na muna ako rito. Pumwesto ako sa harap ng tv. Uupo na sana ako nang bigla akong tinapik ni mama, "Alis ka riyan. Naglilinis pa ako." Napakamot nalang ako sa'king ulo at lumayo sakanya. "Mama naman eh, may oras pa ako." Sabi ko. "'Di ka dapat ma late sa trabaho mo. You did not answer my question, Martin. Bakit pupunta 'yung tao sa agency dito sa bahay? Saang agency ba 'yan?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "Maglilinis daw po ng bahay. Hindi raw po kasi kayo naglilinis ng maayos, marami pang dumi at alikabok sa—" "Leche! Anong hindi malinis?! Tangina! Nasaan si Alexander? 'Yung lalaking 'yon talaga!" At kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Good luck, Alex. Pumara ako ng taxi at sumakay agad. Nakita ko pa si mama na lumabas ng bahay dala-dala ang walis at tinatawag ang pangalan ko. "Sir, saan po tayo?" "Kuya sa M&C po." Ito ang unang beses na pumasok ako sa opisina na hindi ako sinasalubong ng ibang mga empleyado. Lahat sila ay abala sa kanilang mga ginagawa. Nakita ko si Robert na may dalang kape at mga pagkain. He looks stressed-out and masyadong haggard ang pormahan niya ngayon. Tiyak ay hindi na naman 'yon nakatulog sa dami ng trabaho niya. Kumaway ako sakanya bago ako pumasok sa elevator. Napansin ko na may nagtext kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito. It's from sir Migs. Hindi ko binuksan ang mensahe at ibinalik ang telepono ko sa bulsa. Mamaya ko nalang babasahin baka 'di importante. Pagkalabas ko ng elevator ay napansin ko ang katahimikan sa buong floor. Hindi pa ba dumadating si sir Eric? Nakangisi akong naglakad papunta sa office niya. Binuksan ko ito at pumasok ako sa loob. I checked my planner para malaman ko kung ano ang mga appointments niya for today. "Jeez. Five appointments for today, such an exhausting job not for him but for me." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit niya na nagkalat sa kaniyang mamahaling lamesa. Darating na si sir any moment now kaya ipinwesto ko na ang binili kong kape para sakanya, pati na rin ang mga pending documents na kailangan niyang pirmahan. "Oo nga pala," Naalala ko na may message pala si sir Migs sa'kin. Bumalik ako sa table ko at hinubad ang suot kong jacket. Umupo ako at kinuha ko ang cellphone ko. Ba't ka ba nae-excite, Martin? Si sir Migs lang naman 'yung nag-text. "Martin, Eric is sick. He can't go to his office today. Can you take care of him for me? I'm still unavailable and knowing Eric, he should be lying in his bed by now waiting to die." WHAT?! DIE?! Halos sumigaw ako sa gulat nang mabasa ko ang mensahe ni sir Migs. Agad akong lumabas ng opisina niya at pumunta sa office ni Ma'am Ann. "Martin, may kailangan ka ba?" "Yes. Mr. Montenegro is sick and I won't be here today. Kailangan ko siyang puntahan sa bahay nila." Sabi ko sakanya. "Pero, paano na 'yung mga appointments niya for today—" "I'll take care of it. I'll try to call them later and explain what happened. Aalis na po ako," Sabi ko bago ako umalis ng gusali. I don't know what to say to the big bosses na makikipagkita sana kay sir Eric mamaya. Bahala na. Sir Eric needs me. Hindi ko naman kayang iwanan siya, he's my boss and I'm his assistant. Isa pa, hindi ko nasisikmurang hindi magalala sa mga taong may sakit lalo pa't magkakilala kami. Buti nalang at nakapunta na ako sa bahay ng mga Montenegro kaya hindi ako nahirapang pumasok sa loob. "Good morning sir, ano pong sadya niyo rito?" Isang may edad na babae ang lumapit sa'kin. Ow, I remember her! Siya 'yung babae na sumalubong din sa'kin nung unang beses akong pumunta rito. "Nandito po ba si sir Miguel?" Tanong ko sakanya. Dapat sure ka, Martin. Alam mo naman anak 'yon ng demonyo. Baka pagtripan ka na naman. "Wala po eh, maagang umalis si sir Miguel." "Mabuti naman. Si sir Eric po talaga ang sadya ko rito, may sakit po kasi siya." Sabi ko. "Talaga po? Hindi po namin alam na may sakit si sir Eric," Tumingin-tingin siya sa paligid, "'Di ba kayo po 'yung assistant niya?" Tumango ako sa tanong niya. "Feli! Dalhin mo 'yung gamot dito." Sigaw niya sa kaliwang banda ng bahay. May tumakbo papalabas sa isang pintuan dala-dala ang isang tray na may nakapatong na isang baso ng tubig at gamut. "A-ano pong gagawin ko dito?" I asked her. "Sana mapilit mo si sir Eric na uminom ng gamot. May katigasan 'yung ulo niya. Hindi umiinom ng gamot kapag nagkakasakit, baka sa'yo uminom na siya." Agad niyang ibinigay sa'kin ang tray. "Ah, sige po." Sabi ko. "Oh siya, pwede mo na siyang puntahan sa taas. Ito 'yung susi ng kwarto niya." Ibinigay niya ang susi sa'kin. Naglakad ako papunta sa kwarto ni sir Eric. Bago ako pumasok ay huminga muna ako ng malalim. Naalala ko na naman 'yung unang beses na pumasok ako sa loob ng kwarto na'to. Nakita ko 'yung katawan ni sir Eric tapos tapos. I shook my head. Kumatok muna ako ngunit walang sumasagot kaya naisipan kong buksan ang pinto pero sa kasamaang palad, naka locked ang pinto. Inilapag ko na muna ang mga dala ko at ginamit ko 'yung susi na binigay ni manag sa'kin kanina. Nang ma unlocked ko na 'yung pinto saka ako pumasok. Nakita ko sa loob si sir Eric na nakahiga habang tinatakpan ng kumot ang buong katawan. "Uhm, sir? Good morning po." Mahina kong bati sakanya. Wala akong narinig na tugon mula kay sir Eric kaya naisipan kong lumapit sakanya ng kaonti. Inilagay ko ang dala kong tubig at gamot sa side table. "S-sir? Good morning po." Sabi ko. Buhay pa kaya siya? Bakit hindi siya nagsasalita? O baka si Miguel na naman 'to at ginugood-time na naman ako? Dahan-dahan kong hinila 'yung kumot niya pababa upang makita ko 'yung mukha niya. "s**t. Masisisante na talaga ako sa ginagawa ko." Bulong ko. "Sir!" Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang makita ko si sir Eric na nakapikit 'yung mga mata at namumutla. Tatakbo na sana ako palabas nang bigla niyang hilahin 'yung kamay ko. "Don't..Don't go out, don't tell them." Halos hindi ko na marinig 'yung sinasabi niya. Bakit? "Sige po," Kinuha ko 'yung gamot na dala ko atsaka ko ipinainom sakanya. He's burning hot with fever. Nanginig siya habang pinapainom ko sakanya ang gamot. Tinulungan ko siyang humiga ng maayos. Itinaas ko siya malapit sa headboard para maging okay 'yung pakiramdam at pwesto niya. Martin, dapat punasan mo siya. Punasan mo 'yung katawan niya para maibsan 'yung init. "Seryoso?" "M-may sinasabi ka?" Umiling ako bago sumagot. "Wala po." s**t! Kailangan ko siyang punasan gamit ang bimpo at maligam-gam na tubig. Napalunok ako ng maraming beses. Huhubaran ko siya? "Bahala na." Bumaba ako at humingi ng bimpo at maligam-gam na tubig sa kanilang mga kasambahay. Bumalik ako sa taas at napansin kong nagsasalita si sir Eric. "Come back..." Bulong niya. Ako ba ang tinutukoy niya? "Hindi naman po ako umalis. May kinuha lang po ako saglit sa baba." Sabi ko. Pinunasan ko 'yung pawis sa noo ko. Nati-tensed na ako sa nangyayari. "Uhm, sir? Huhubarin ko na po 'yung damit n'yo. Kailangan ko kasing punasan ang katawan niyo ng maligam-gam na tubig para po bumuti 'yung pakiramdam n'yo." Sabi ko. "Uhm." 'Yon lang ang natanggap ko mula sakanya. Bahala na, Martin. Dahan-dahan kong hinubad ang sweater niya. Tumambad sa'kin ang magandang katawan ni sir Eric. Dahilan upang pagpawisan ako ng husto sa kinauupuan ko. s**t. Magkakalagnat din ata ako. "P-pupunasan ko na po." Sabi ko. Marahan kong idinampi ang bimpo sakanyang katawan. Natatakot ako na baka magasgasan ko ang kaniyang magandang balat. Hindi ko inasahan na ganito pala 'yung katawan niya sa malapitan. Worth drooling ika nga ng mga kababaihan. Hindi naman ako babae, natural lang naman na makakakita ako ng topless bodies ng lalaki dahil puros lalaki kami sa bahay noon but sir Eric's body is not like any other, it's different. Parang may kung anong gravity na humihila sa'kin palapit sa katawan niya. I feel so uncomfortable while I wiped his washboard abs. Nanginginig 'yung kamay ko. "Ahm," Biglang gumalaw si sir Eric at may ibinubulong siya. Nagaapoy pa rin 'yung lagnat niya at nakapikit pa rin siya. "May sinasabi po ba kayo?" Tanong ko. "A.." Baka may iuutos siya sa'kin. Lumapit ako ng kaonti para marinig ko ang sinasabi niya, "Art..Art." Art? "Po?" Anong ibig niyang sabihin? Baka nagugutom siya! "Wait lang po, I'll try to check kung handa na po 'yung congee na ipinahanda ko po." Mabilis kong tinapos 'yung pagpupunas sa katawan niya at binihisan ko siya. Bumaba ako para icheck 'yung congee. "Ma'am, handa na po ba 'yung pagkain ni sir?" Tanong ko sa matandang babae na nasa kusina. "Opo," Aniya. Tinawag niya 'yung isang babae at sinabi na ihatid daw 'yung pagkain ni sir Eric sa kwarto niya. "Nako, kaya ko na po 'yon." Sabi ko ngunit nagpumilit ang matanda na ipahatid sa kasama niya yung pagkain ni sir. Sumunod ako sa babae. Lumabas siya pagkatapos niyang ilapag 'yung pagkain ni sir Eric at agad naman niyang kinuha ang mga gamit na dinala ko rito sa loob ng silid bago siya lumabas. "Sir, kain na po muna kayo." Sabi ko sakanya. Hindi pa rin niya iminumulat ang kanyang mga mata ngunit tumigil na siya sa pagsasalita ng kung ano-ano. "Sir?" Tawag ko ulit sakanya. Napansin kong nakatulog na siya dahil sa pagod. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at tinawagan ko si sir Migs. "Hello?" Sagot niya mula sa kabilang linya. "Hello, sir Migs? Naabala ko po ba kayo?" I asked immediately. Baka kasi busy siya alam mo na. "No, not at all. How is Eric? Ayos na ba ang pakiramdam niya?" I heard loud noises from the other side of the line. He must be at a party right now. "Opo, ayos na po 'yung pakiramdam niya. Medyo humupa na po 'yung init sa katawan niya pero hindi pa rin siya kumakain. Ayoko kasing gisingin si sir Eric lalo pa't mahimbing ang tulog niya ngayon." I told him. I heard him chuckled. "Paano 'yung humupa na ang init sa katawan niya, ano'ng ginawa mo?" Natatawa niyang tanong. "Nako po, I did a lot of things." I rolled my eyes. Habang nakikipagusap ako kay sir Migs ay taimtim ko namang tinitignan si sir Eric dahil baka magising ito. "And what are those?" "Pinusan ko po siya tapos pinainom ng gamot. 'Yung mga basic things na dapat n'yo pong gawin 'pag may lagnat ang isang tao. I did what I can to help him and I guess it worked." Sabi ko. Biglang gumalaw si sir Eric dahilan upang mapatayo ako, "Sir, wait lang po ah mukhang gising na si sir Eric." Ibinaba ko 'yung cellphone ko at inilagay ko sa side table. Hindi ko na ako nagabala pang i-end 'yung tawag dahil sigurado akong si sir Migs na mismo ang papatay non. "Sir?" Sabi ko at dahan-dahan akong lumapit sakanya. He is mumbling words and I can't hear it clearly. Lumapit ako ng kaonti, yumuko at itinapat 'yung tenga ko malapit sa mukha niya upang marinig ko nang maayos ang sinasabi niya sa'kin. "Ano po 'yon sir?" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan 'yung mukha ko, itinapat niya ang mukha ko sakanya. He's eyes were still closed. He pulled me closer to him. "S-sir!" Sabi ko. He didn't let go of my face, instead he pulled it closer to his face. I can feel the warmth of his breathe that caresses my lips, nose and cheeks. "A..Art." And then the next thing he did shock the hell out of me, he placed his lips into mine. I felt his soft and warm lips as it touched mine. Hindi ako makagalaw. There's an unexplainable feeling circulating inside my body. First time. When I got the chance, I immediately pulled my body out from his bed. I placed both my hands on my lips while trying to processed everything. f**k, I kissed Eric Montenegro. Lumabas ako ng silid at tumakbo papunta sa maindoor. "Sir, saan po kayo pupunta?" Tanong sa'kin nung matandang babae na sumalubong saakin pagkarating ko rito sa bahay ng mga Montenegro. "Uhm, I need to go back to the office. There's an emergency." Sabi ko. She just nods her head. Agad akong lumabas ng bahay at tumakbo papalabas ng gate. "s**t, Aadi. Stay focus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD