Bumukas ang pinto ng master's bedroom kung saan ko ginugolgol ang magdamag. I don't know what's the difference kasi palagay ko ay parehas lang naman na mamahalin at malambot ang matress sa kama ni Gael na naroon sa penthouse sa DC Tower sa matress na narito sa kuwarto niya sa Manor pero mas mahimbing at mas masarap ang tulog ko rito. "Akala ko hindi ka pa gisingin. Plano ko na gisingin ka para sana sabay nating sasalubungin si Gael. Kalalapag lang ng private jet sa airport. Limang minuto lang at nandoon na sila sa helipad." "Pupuntahan natin sila sa helipad?" "Hindi na. Rito na lang tayo sa bahay maghihintay sa kaniya." Mabuti naman. Masiyadong pang maaga, technically hindi na rin kasi halos eleven am na pero para tumapat sa sikat ng araw at lumabas ng bahay, oo. Maagang-maaga pa pa

