Naalarma ako nang makitang tinatanggal na ni Gael ang pagkakabutones ng buttondown na suot nito. Kulang na lang ay lumuwa na ang mga mata kong pinanlalakihan siya ng tingin para masindak ko ito. Iyon nga lang ay walang epekto ang ginagawa kong iyon sa kaniya. Tinaasan niya pa ako ng kilay. Ito pa ang may ganang magbigay ng ganoong reaksyon na para bang nawi-weirduhan siya ng sobra sa inaasal ko. "Magbibihis lang ako kasi gusto ko nang bumaba para mag-umagahan." Mabuti na lang at wala pa akong nabitawan na kahit na anong salita. Kung hindi ay mapapahiya ulit ako sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit halos lahat nang ginagawa ng lalaking ito ay natutumbasan ko ng ideya na may pinaplano siyang s****l. It's probably because of his face? Or the way he stares darkly at me as he unbutton his cl

