“YES, nandito na ako sa campus, kaka-park ko lang. Nasaan na ba kayo?" tanong ni Moira kay Diody na siyang kausap niya sa kabilang linya. Naka-ipit sa pagitan ng kanyang kaliwang tenga at balikat ang cellphone habang itsini-check niya kung nasa bag na ang lahat ng mga kailangan niyang gamit. "Nandito pa kami sa labas, dito sa may Mandy's. Ipinapa-photocopy pa ni Loisa 'yong mga handouts. Pasaway kasi ito, eh! Kung hindi pa namin nakasalubong si Miss Panopio kanina, hindi pa niya maaalala 'yong handouts na ibinigay sa kanya ni Miss para ipa-xerox at i-distribute sa atin. Kung nagkataon, mukha tayong tanga na tutunganga na lang sa test natin kay Miss Panopio bukas," wika ni Diody na mahihimigan ang inis sa tinig. "Heh! Ikaw kaya ang may kasalanan nito!" narinig niyang sabi ni Loisa kay Dio

