"SORRY, medyo natagalan ako. Hinanap ko pa kasi 'yong isa kong prof," wika ni Perrie nang makalapit ito sa kanya. Nasa labas si Moira ng St. Raymund De Peñafort Building at naghihintay para sa kaibigan. "Why?" kaswal niyang tanong habang isinisilid sa bag ang libro na binabasa bago dumating si Perrie. "Nakiusap kasi ako kay Ma'am na bukas ko na lang ipapasa 'yong case study ko, nakalimutan ko kasi na ngayon nga pala ang submission niyon." Kunot ang noo na tiningnan niya ang babae. Sa kanilang magkakaibigan, si Perrie ang tulad niya na grade conscious; kaya nakapagtatakang nakalimutan nitong mag-submit ng school requirement on-time. Ngayon lang iyon nangyari. "Okay ka lang ba?" tanong niya habang pinagmamasdan ito. Noon lang niya napansin na haggard ang mukha ng kaibigan. Mukhang kulang

