Chapter Two

1669 Words
"ANG tagal naman ni Sir Miranda!" narinig ni Moira na sabi ng classmate na si Tine na naka-upo sa kanyang likuran. "Relax ka lang, wala pa namang ten-thirty, eh," sabi naman ng katabi ni Tine bagaman bakas din ang pagkainip sa tinig nito. Pigil niya ang sarili na mapailing. Sigurado siyang hindi ang pag-start ng lecture ang inaabangan ng mga ito. After nang first meeting nila sa Pharmacology two days ago, si Slater na ang bukang-bibig ng mga kaklase niyang babae—mukhang type ng mga ito ang professor. Kung sabagay, guwapo nga naman si Slater Miranda. Malaki ang resemblance ng lalaki kay Richard Gomez noong kabataan pa ng aktor. He has medium brown eyes paired with thick straight eyebrows, a roman shaped nose, at katamtaman ang kapal na mga labi. May dimple rin ito sa kanang pisngi na lalong nagpapaganda ng mga ngiti ng lalaki. Slater wears a brush cut with fade hairstyle na bumagay sa pa-oval nitong mukha. Maganda rin ang pangangatawan nito, may taas na limang talampakan at labing-isang pulgada, moreno ang complexion, at may maganda ring tindig. Naputol ang paglalaro sa isip niya ng itsura ng professor nang bumukas ang pinto ng classroom at iluwal nito si Slater. Lahat sila ay napabaling ang tingin dito. "Good morning," bati sa kanila ng professor na dumiretso sa lamesang nasa unahan. Inilapag nito roon ang mga dalang gamit, at ikinabit ang dalang laptop sa projector. Ilang sandali pa ay nagsimula nang mag-lecture ang lalaki. Mabilis mag-discuss si Slater, pero madali namang intindihin ang mga sinasabi nito. Paminsan-minsan ay nagtatanong ito sa kanila; mukhang nakapaghanda naman ang mga kaklase niya—lalo na ang mga babae—dahil nagtataas ng kamay ang mga ito para sumagot. Ngayon lang naging ganito ka-attentive ang mga kaklase niya, at alam na alam niya kung bakit: para magpapansin kay Slater. Habang abala ang mga ito sa pagpapakitang gilas, si Moira naman ay tahimik lang sa kanyang kina-uupuan. Bukod sa hindi siya interesadong magpapansin sa professor, hindi rin talaga niya ugali ang makipag-agawan ng chance para mag-recite. Tahimik lang siyang naghihintay na kusa siyang tawagin ng mga professors nila. "You'll learn more about pharmacokinetics and pharmacodynamics next meeting," wika ni Slater. "For now, let us discuss first the application of Pharmacology in the nursing practice. Who can enumerate the different rights of drug administration?" Mabilis na nagliparan sa ere ang mga kamay ng classmates niyang babae. Nagpatuloy pa ang discussion, habang nagsasalita si Slater ay panay ang pagti-takedown ng notes ni Moira. Napa-angat lang ang kanyang tingin nang marinig ang pagtawag ng professor sa kanya. "Miss De Vera, there are times when the doctor orders a PRN drug, for example: give Arcoxia ninety milligrams PRN. So, what does PRN means?" tanong ni Slater na nakatuon ang tingin sa kanya. "As needed, Sir," tugon niya na hindi umaalis sa kinauupuan. Tumango si Slater. "Yes, but what does the acronym stand for?" Hindi siya nakaimik. Kagabi lang niya na-encounter ang acronym na iyon nang basahin niya ang ilang chapters ng kanilang libro; at dahil inaantok na rin noon ay hindi na siya nag-abala pa na alamin kung bakit PRN ang acronym niyon. "Have you read your book, Miss De Vera?" tanong ni Slater pagkalipas ng ilang segundo na pananahimik niya. "Yes, Sir," mabilis naman niyang sagot. "Then why can't you answer my question?" pakli sa kanya ng professor, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Wala siyang maisagot. Dama niya na nakatuon sa kanya ang tingin ng buong klase. Sino nga ba naman ang hindi mapapatanga? Ito ang kauna-unahang pagkakataon na wala siyang maisagot sa isang tanong. Wala sa loob na nakagat niya ang kanyang ibabang labi. "Sa chapter two pa lang ng Pharmacology book ninyo na-mention na ang PRN," ani Slater na inilibot ang tingin sa buong klase, at pagkatapos ay muli rin iyong ibinalik sa kanya. "PRN is the acronym of pro re nata, a Latin word which means 'as occasion arises' or 'as needed'." Gusto sanang sabihin ni Moira na wala namang nakalagay na Latin translation niyon sa chapter na sinasabi nito, pero pinigil niya ang sarili. Walang imik na nag-iwas na lang siya ng tingin. Pakaraan ng ilang segundo ay binawi na ni Slater ang mga mata nito sa kanya. Nagpatuloy na ang lalaki sa lecture pero hindi na siya nito muling tinawag. HINDI namalayan ni Moira na pasado alas-siete na ng gabi kung hindi pa siya tinawag ng kanilang kasambahay para maghapunan. Masyado siyang nalibang sa pagbabasa kaya hindi niya napansin na magta-tatlong oras na siyang nag-aaral. Nasa hapag na sila ng kanyang ina nang pumasok sa dining room ang daddy niya. Napansin niya ang pagsulyap nito sa mga bakanteng upuan bago ito naupo sa kabisera ng lamesa. “Hindi makakapunta sila Michelle, may emergency meeting daw kasi siya. Sina Clyde at Alessandra naman nasa Davao pa, sa makalawa pa raw ang flight nila pabalik dito sa Manila,” ani Rhodora na para bang nabasa ang nasa isip ng asawa. Hindi nagsalita ang Daddy niya, sa halip ay naglagay na ito ng pagkain sa plato nito. Tahimik silang nagsimula na kumain. Five years ago ay hindi ganito ang hapag-kainan ng mga De Vera, lalo na kapag ganitong weekend. Dati-rati ay nangingibabaw ang masayang kuwentuhan habang kumakain sila, pero mula nang mag-asawa ang dalawa niyang nakatatandang kapatid ay nabawasan na ang sigla ng kanilang tahanan. “How’s your study?” maya-maya ay tanong ng Daddy niya sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ng ama. "Okay lang po," tipid niyang sagot. “Are you sure?" paniniguro pa ng daddy niya. "Ang sabi ng Mommy mo, halos hindi ka raw lumalabas ng room mo dahil sa kakaaral mo. Okay ka lang ba? Nahihirapan ka ba sa klase?” “Hindi naman ho,” aniya na sinabayan pa nang mahinang iling, pero pagkatapos ay agad na ring binawi ang tingin mula rito. Ang totoo, dalawang linggo pa lang since their classes started pero dama na niya ang stress. Pakiramdam niya ay pinag-iinitan nga siya ni Slater Miranda tulad ng sinabi noon ni Akira. Talo pa niya ang nasa hot seat, at parang siya lang ang estudyante sa ginagawa ng lalaking professor. Siya palagi ang tinatawag nito during the discussion, bilang lang ang pagkakataon na nagtawag ito ng mga kaklase niya. Hindi na niya iyon sinabi sa mga magulang dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. “Anak, we know you want to maintain your grades dahil gusto mong maganda ang records mo kapag pumasok ka sa medical school," sabi ng daddy niya na inabot pa ang kanyang kamay at tinapik-tapik iyon. "Pero ingatan mo rin sana ang sarili mo." "Iyan nga rin ang palagi kong sinasabi d'yan sa anak mo," wika naman ng mommy niya na sinulyapan pa siya bago bumaling ang tingin sa daddy niya. "Minsan kung hindi ko pa 'yan ipapatawag kina Manang, hindi pa 'yan kakain." “Mom, Dad, huwag na kayong masyadong mag-alala sa akin. I can take care of myself, okay lang po ako. Kaya ko hong i-handle ang pressure sa school,” wika niya na pilit pang ngumiti para mapawi ang pag-aalala ng dalawa. ALIGAGA ang buong klase sa pagre-review habang hindi pa dumarating si Slater. Maging si Moira ay tahimik ding nagbabasa ng mga notes niya bilang paghahanda sa una nilang mastery exam sa Pharmacology. "Arrange your chair one seat apart," utos ni Slater pagkapasok-pasok nito ng classroom. Tinungo ng lalaki ang lamesa sa unahan bitbit ang isang bundle ng papel. Mabilis nilang sinunod ito. Nang makitang nakaayos na ang kanilang mga upuan ay tumayo si Slater sa harapan hawak ang mga test paper. "You have an hour to finish your exam. Fifty items ito, passing is thirty-eight," sabi ng professor at iniabot na ang papel sa mga estudyanteng nasa unahan. Tahimik nilang sinimulan ang pagsagot, pero wala pang fifteen minutes ay biglang nagkaroon ng ingay ang silid. Parang mga bubuyog na nagbulungan ang mga kaklase niya. Maging si Moira ay nagulat sa ilang tanong sa test paper. Kunot na kunot ang noo niya habang binabasa ang mga iyon. "Ano ito?" sabi ng isa niyang kaklaseng lalaki. "Na-discuss ba 'to?" dagdag pa ng isa. "What's going on?" malakas na tanong ni Slater. Biglang tumahimik ang lahat. Parang na-plaster ang bibig ng mga kaklase niya, at ni isa sa mga ito ay walang sumagot sa professor. Nakakunot ang noo na inilibot ni Slater ang tingin, naghihintay ito na may sumagot sa kanila. Hindi malaman ni Moira kung ano ang nagtulak sa kanya na magsalita. "It's about the questionnaire, Sir." Napabaling sa kanya ang tingin ni Slater. "Why? May hindi ba clear d'yan?" "Sir, if I'm not mistaken, hindi pa ho natin nadi-discuss ang mga cardiac and anti-hypertensive drugs," tugon niya. "So?" pabalewalang sabi ng profesor na pinag-krus pa ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Some of the questions are—" "Are about the two topics you've just mentioned," putol sa kanya ni Slater. "Ano'ng problema ro'n, Miss De Vera?" Sandali siyang nawalan ng kibo. Tahimik na tahimik din ang buong klase habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Slater. Nang magsasalita na sana siya ay naunahan naman siya ng lalaki. "I purposely included those questions para malaman kung nag-a-advance study kayo, like what I always told you to do so," ani Slater na hindi inaalis ang mga mata sa kanya. "Kung nagbabasa ka, hindi ka mahihirapang sagutin ang mga 'yan, Miss De Vera." Napatiim-bagang si Moira. Pero mastery exam ito, dapat 'yong mga na-discuss na topic lang ang covered nito, eh! Why not give us a surprise quiz if you want to know kung nag-a-advance study kami? gusto sana niyang sabihin dito, pero nagpigil siya. Hahaba lang ang diskusyon kung gagawin niya iyon, at sigurado naman siyang hindi papatalo ang lalaki sa kanya. Binawi na niya ang tingin mula rito. Hindi niya malaman kung kanino mas maiinis, sa professor ba o sa kanyang sarili? Kung bakit kasi nag-react pa siya, samantalang tumahimik na nga lang ang mga kaklase niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD