JUSTIN
"MAHAL ko, kumain kana?
CENDY
""Tapos napo,ikaw.?
JUSTIN
"Wala akong gana kumain, kasi hindi kita nakita ngayong araw."
CENDY
"Hoy! Mr Ramos nagkita palang po tayo kahapon, saka syempre po Sabado ngayon.
Dahil hindi makuntento si Justin sa txt ay tumawag ito.
Krrrriiiiing.....Krrrriiiing..
""Hoy..Mr Ramos hating gabi napo". bungad agad ni Cendy sa kausap.
""Alam ko, gusto kulang marinig ang boses ng Mahal ko."
""Grabi naman, sige na tulog na tayo at bukas wala akong kasama magsimba kasi may lakad si Nanay. Magkita nalang tayo sa Simbahan." pagkakausap nito nang sa mahinang boses dahil nasa kabilang kwarto lang ang ina nito.
""Ha! talaga yes! masusulo ko rin ang baby ko." halatang pagka excited sa narinig.
""OO nga kaya goodnigth na po, matulog na tayo. Sige na bye bye.." "Ok, Mahal ko matulog na tayo ." paglalambing nito sa kabilang linya.
Actually sa kanilang dalawa mas malambing si Justin lagi siya nitong napapangiti. Mahilig manggulat at mahilig mangsurprise.
_____________
Isang Paper Bag na may lamang chocolate at tatlong red roses.
"Thank you". sabay silip sa loob ng pink paper bag.
""Ay wow tataba ako nito".
""Ok lang kahit tumaba ka, ikaw parin baby ko".
""ikaw talaga.." sabay kurot sa baywang nito.
"Paglabas natin kain muna tayo?".
"Saan?"
"Diyan lang malapit lang wag kang mag alala akong bahala".
"Pero wag tayong magtagal baka hanapin na ako ni Nanay" .
"Kasi ikaw ayaw mu pa sabihin natin sa Nanay mo, para hindi tayo nagtatago."
"Hindi pa kasi ako graduate, nahihiya pa akong sabihin kay Nanay."
""Sige ako mismo magsasabi sa Nanay mo sa mismong graduation natin". pagseryoso nito habang hawak ang mga kamay ni Cendy.
"Talaga gagawin mo yon?"
"Oo naman sasabihin kung aalagaan kita, mamahalin at hinding hindi sasaktan."
"Wow naman, totoo ba yan? ". sabay pindot sa matangos nitong ilong.
"Oo naman ikaw lang ang mamahalin ko.." namumungay ang mga mata nito na may kasamang paglalambing.
Pagkatapos mag attend ng mesa tumuloy na sila sa isang restaurant upang kumain. Naramdaman rito ni Cendy ang pagiging maalaga, mabait at maunawain. Minsan nasabi na na hindi pa sya handa like kiss sa lips, nakakalusot lang ang paghawak ng kamay at halik syempre sa kamay kapag alam nitong walang nakakakita sa kanila pasimple itong yumayakap sakanya. Minsan natatawa nalang siya sa lagi nitong binubulong sa kanya.
""I LOVE YOU, please pa kiss?"
""Hoy! Mr Ramos may usapan po tayo".
"Tagal naman non?" napapangiti nalang siya sa reaksyon nito.
At siya naman ang ilong nito ang lagi niyang pinag didiskitahan dahil kapag nakikita niya ang ilong at mata nito mas lalo siyang nahuhulog rito, lalo na kapag bigla nalang itong nanginngindat.
Lalo na kapag kapwa nasa upuan sila sa classroom lagi naka tingin sa kanya at kapag napatingin naman siya dito parang nangaakit ang mga mata at biglang kindat. Kaya napapayuko nalang siya at napapangiti dahil sa kalukuhan nito.
___________________
"Hoy Insan!, ako nalang pala ang hindi nakakaalam kayo na pala Cendy?". biglang pasok at higa sa kama ni Justin at sabay pangaasar nito.
""Hahaha na natsambahan din Insan kahit di tayo marunong manligaw".
""Magpapahuli ba ang mga Ramos? ang lahi ng mga pogi". sabay pogi sign. Natawa nalang si Justin dito. Kahit ang totoo wala namang girlfriend o nililigawan man lang.
""Oo Insan, kaya ikaw maghanap kana rin madami namang magaganda sa University wala ka bang natitipuhan o nagugustuhan?".
""Wala pa Insan, darating din tayo diyan pero insan bantayan mo lagi ang girlfriend mo marami ang gusto manligaw doon".
""Ha talaga? akong bahala dun insan".
"Pano yung naiwan mo sa bulacan?. Sino nga yon? ".
"Ah yun, wala yun".
Ang sinasabi nitong si Ronie ang laging tumatawag na babae kay Justin na dati nitong classmate noong 3rd year na sinasabing nililigawan din nito kaya lang kailangan niyang umalis para sa lola niya.
MONDAY
Maagang nagising si Cendy dahil sa sama nang pakiramdam. Napagdesisyunan nalang nya itext si Justin na hindi sya makakapasok.
To.JUSTIN
"Goodmorning Baby ko, pasensiya kana hindi muna ako papasok ngayon may kunting lagnat lang."
From. JUSTIN
"Ha! ok kalang baby ko? inom ka ng gamot."
To.JUSTIN
"Ok lang po, bukas makakapasok din ako
"dont worry Mr Ramos.."
From. JUSTIN
""Sige pagaling ka ha love you papasok na ako."
To. JUSTIN
""Ok po..ingat..."
Nalaman ng ina ni Cendy na may lagnat sya. Nakaramdam nang pag alala sa anak lalo't na silang dalawa nalang ang magdadamayan.
"Anak kaya mu ba?, hindi muna ako papasok."
""Ok lang po ako Nay pumasok na po kayo iinom nalang po ako ng gamot.."
"Anak kaya muba talaga e wala kang kasama dito?".
"Ok lang po Nay tatawag nalang po ako kung my problema, sige napo pumasok na kayo".
"Sige anak at wag mong kakalimutang uminom ng gamot every 4 hours ha at may niluto nadin akong pagkain kaya kumain kana lang".
"Upo."
Dahil parang sinat lang naman ayvkaya niya paring gumalaw, bumangon at nag timperature ng sarili sabay inom ng gamot.
Kumain at mahimbing na natulog, lagi namang naka monitor sa pamamagitan ng tawag o txt ang kanyang Nanay. Nagising si Cendy ng bandang alas 4:00 ng hapon, parang nahihilo ito at nasusuka kaya pinilit nyang tumayo para pumunta ng cr. dahil sa sama ng pakiramdam pagtapos bumalik uli sa paghiga. Nakaramdam sya ng pagalala sa kanyang sarili dahil nanghihina ang buo niyang katawan. Kaya't hindi nagdalawang isip ay kinuha agad ang cellphone para matawagan ang kanyang ina. Ngunit naka ilang beses na ito sa pag dial panay ring lang ito, walang sumasagot.
"Nay asan ka..?please sagutin mo.." umiiyak na itosa takot dahil sa panghihina ng kanyang buong katawan. Kaya't naisipang tawagan ang bestfriend si Mela. Hindi naman nabigo sumagot naman agad ito.
"Hello best.?"
"Best pasensiya kana hindi ko kasi makontak si Nanay, uwian niyo naba"?.
"Oo palabas palang best bakit?"
"Best ok lang ba kung puntahan mu muna ako dito sa bahay, hindi na kasi kaya ng katawan ko nanghihina kasi ako at nahihilo please..." mahinang tugon nito.
"Ha!.best bakit? O sige hintayin mo ako diyan ha! wag ka masyadong gumalaw". dahil sa narinig mabilis itong naglakad papalabas ng scholl, nang matanaw ang paalis naring si Justin sakay sa motor nito. Kaya pasigaw nya itong tinawag.
"Justin sandali." hindi naman nabigo narinig siya nito at tumigil.
"Oy Mela bakit ?" nagtatakang tanung nito.
" Puntahan natin si Cendy, tumawag kasi e hindi niya raw makontak Nanay niya at sabi nahihilo daw siya at nanghihina. Pwede ba natin sya puntahan?".
"Ha, sige halika sakay na". mabilis na pinatakbo ang moto.
"Dahan dahan lang, ano kayang nangyayari kay bestfriend magisa lang pati yun sa bahay nila." pagaalala ni Mela habang nasa byahe
""Kaninang umaga nag txt sakin sabi sinat lang". si Justin habang hindi rin maalis ang pagaalala sa girlfriend.
"Alam mo naman kasi ang bestfriend ko na yon laging sinasabi kaya niya.." habang papalapit na sila sa bahay nila Cendy unti unti naring dumidilim ang paningin ni Cendy dahil nagpupumilit itong tumayo dahil nakaramdam ito ng pagsusuka at dahil dito bumagsak na ito sa sahig. Tuluyan na itong nawalan ng malay.
"Best andito na kami.." panay katok sa gate ngunit wala namang sumamasagot. Kaya naisipang akyatin ni Justin ang gate at dahil mababa lang naman ito para mabuksan ang maliit na bahagi ng gatea. Nakapasok na si Mela. Nakapasok na sila ng gate ni Justin ay panay parin ang tawg ni Mela.
"Best.!best.andito na kami, Justin nagaalala na ako kasi siya lang ang nandito." isa pang problema nakapasok nga sila ng gate hindi naman sa loob ng bahay, pero dahil pabalik balik narin dito si Mela ay kabisado na rin niya ang lahat ng pinto dito. Kung saan sila madaling makapasok ni Cendy.
"Justin halika doon sa likod may pinto doon.." mabilis na tinung at dahil hindi naman gaano katibay ang lock ng pinto.
"Justin sirain mo nalang." sabay kuha ng bato.
Hindi naman nabigo ang dalawa, ay nabuksan ang pinto at mabilis na pumasok.
"Best asan ka..?" mabilis na hinanap, pinuntahan ni Mela sa kuwarto nito habang nakasunod lang si Justin.
Pagkapasok nila ay nagulat sa madatnan, nakahiga na sa sahig si Cendy walang malay.
"Best!.anong nangyari!Justin bilis si Cendy." patakbong yinungi agad ang bestfriend.
"Mahal!!." dahan dahang inangat ang ulo at likod na talagang walang malay.
"Mela mauna kana sa labas tumawag ka ng tricycle." kinakabahang sii Justin.
"Sige kaya mo bang buhatin?".
"Oo..sige na mauna kanang lumabas"
Mabilis na binuhat ni Justin si Cendy kahit mabigat, para sa babaeng minamahal kakayanin. Mabilis namang nakasakay sa tricycle papunta sa malapit na Hospital. Habang karga ni Justin pinipilit itong gisingin ni Mela. Pagdating ng hospital mabilis naman itong inasikaso ng mga Doctor at kinabitan ng swero.
""Hello tita Marlyn andito kami sa hospital dinala po namin si Cendy.."
["Diyos ko anong nangyari?, sige papunta na ako diyan.salamat Mela.."]
At dahil malapit lang ang munisipyo sa hospital halos 20 minutes lang nakarating agad si aling Marlyn sinalubong naman agad ni Mela.
"Anong nangyari"hindi ko kasi napansin na tumatawag ang anak ko kanina." bakas ang pag aalala para sa anak, kasabay ng paglabas ng mu munting luha.
"Kaya pala po ako ang tinawagan dahil hinfi po kayo makontak, naabutan po namin sya ni Justin sa sahig walang malay". Pagpapaliwanag ni Mela sa buong pangyayari sa ina ni Cendy na umiiyak, habang patungo sa silid kung saan naroon si Cendy. Pagkapasok ay nakita niyo si Justin.
"Ah tita si Justin po, ang nakasama ko para madala dito si Cendy.."
Biglang tayo naman nito at nagbigay galang.
"Mano po."
"Salamat iho.."napalingon sa anak na wala paring malay, nilapitan nya ito at hinawakan ang mga kamay.
"Anak gumising kana, pasensya na kung hindi ko napansin ang tawag mo kanina.." pagmamakaawa ng ina sa nagiisang anak na wala pang malay, hindi kakayaning makita sa ganitong sitwasiyon ang anak.
Habang naguusap ang tatlo, dumating ang doctor na tumingin sa kanyang anak.
"Doc kamusta po ang anak ko.?bakit hindi pa po sya nagkakamalay hangang ngayon?".
""Misis, na dingue po ang anak nyo, bumaba po ang kanyang plitlet nya".
"Ho!?.panu ...? hindi na natapos ng ina na si Marlyn ang sasabihin ng muling nagsalita ang doctor.
"Mrs, nangangailangan po ng dugo ang anak niyo, dalawang bag po kailangan at wala po kaming available ngayon ng type A. Kaya kailangan niyo pong maghanap ng donor sa lalong madaling panahon at masalinan ang pasyente."
"Opo Doc. mag hahanap po kami agad!.diyos ko". bakas ang pag aalala.
Pag alis ng doctor, mabilisang kinuha ni Marlyn ang cellphone sa bag at nang dial. Humingi ito ng tulong sa mga kapamilya nila, lalo na sa kanyang mga kapatid.
["Sige ate papunta na kami diyan.." ]
Dalawa sa kapatid nito ang magbibigay ng dugo, dahil alam niyang type A ang mga ito.
Madilim na pasado 7:00 pm na hindi parin gumigising si Cendy.
""Mela and Justin iho salamat, sige na umuwe na muna kayo at ako muna ang bahala dito baka hanapin na kayo sa inyo?"
"Maaga pa naman po tita kaya ok lang po, tumawag narin po ako sa lola ko.."
Paliwanag ni Justin na talagang wala namang balak pang umuwu.
"Hmm tita ako rin po tumawag narin po ako kay mommy, papasundo nalang po ako mamaya.."
Ganon din ito ayaw pang iwanan ang bestfriend hanggat hindi pa ito gumigising.
""O sige maraming salamat sa pag aalala sa anak ako, oh sya maiwan ko muna kayo sandali dito ha bibili lang ako ng pagkain natin sa labas.."
"It's ok po tita, kami na po muna magbabantay kay bestfriend" si Mela
Bilang isang ina hindi mapapanatag hanggat hindi nasisiguradong ok na ang anak, kaya halata dito ang pagiging balisa.
""Hello insan pwede pakikuha nalang nong motor ko sa tapat ng gate nila Cendy mag tatricycle nalang ako paowe."
"No problem insan, nga pala kamusta si Cendy..?"
""Hindi parin gumigising under observatio pa ng doktor.." mahinang tinig nito habang kausap ang pinsan. Unti unting gumalaw ang pasyente kaya mabilis itong lumapit.
"Hmm..hmm..mahinang tugon ni Cendy .."
"Mahal!.amo kumusta ang pakiramdam mu?". habang hawak ang kamay ni Cendy.
"Best!.salamat at nagka malay kanarin, tinakot mo kami..."
""Anong nangyari?.bakit ako nandito".
"Hay naku best!, kung hindi namin sinira ng boyfriend mo ang pinto niyo hindi ka namin madadala dito at kinwento ang nangyari. Ano kumusta pakiramdam mo?"
"Ahmm ok na pakiramdam ko, si Nanay alam nya na ba..?"
""Oo best lumabas lang sandali, bumili lang ng pagkain.." Si Mela habang nakaupo ito sa kabilang bahagi ng kama ni Cendy.
"Salamat nga pala sa inyong dalawa.."
""Ok lang, kaya sa susunod tatawag ka agad hindi yung kung kailan hindi muna kaya saka ka hihingi ng tulong, alam mu ba tinakot mo kami. Kaya magpagaling ka, we know naman na keri mu yan basta andito lang kami. At itong isang to pinag alala mu, hindi na maka ngiti kanina pa."
Tinutukoy nito si Justin habang hawak ang kabilang kamay nito. Hinarap nya ito.
""Salamat Justin ha."
"Ok lang pagaling ka, pinagaalala mu ang ang nanay mu"
"Maslalo na ang katabi mo kanina halos pawisan na sa bigat mo.." dugtong ni Mela sabay turo sa pamamagitan ng nguso.
"Best ikaw talaga!"
"At may narinig ako kanina ah!Mahal daw hmm sino kaya yon....?." pangaasar nito sa dalawa..habang nakangiting nahihiya ang tinutukoy.
Nang biglang pasok ng ina ni Cendy, mabilis nagbitaw ng mga kamay ang dalawa na hindi naman napansin ng Ina.
"Anak salamat gising kana...!" habang pinapatong ang dala nito sa isang messa.
"Nay pasensiya kna pinagalala po kayo..."
"Anak ako dapat humingi ng pasensiya sayo?Sorry kung hindi ko napansin tawag yung mo, ano kaya mo na bang bumangon? at umupo kalang dya paghahainan kita ng makakain."
"Ok lang po Nay sige po salamat.."
Habang kumakain ang apat hindi mapigilan mag kwento ni Mela sa nangyare. May kunting tawanan habang inaalala nito ang pangyayari.
"Ay hala!, tiita naalala ko po.! hindi po namin naisara ng maayos yong gate niyo at pinto sa likod.."
"Ok lang yon!wala namang papasok na magnanakaw don.."
"Best pano yan.? matatagalan ka dito kasi may dengue ka kailangan mong masalinan ng dugo.." paglalambing nito sa kaibigan.
""Ha..! kaya pala ibang iba pakiramdam ko nanghina buong katawan ko, hindi ko alam kung saan ko to nakuha."
"Wag mo nang isipin yon anak ang mahalaga gumaling ka agad at para makapasok kana.."
"Tama best at ako nang bahala sa mga teacher natin."
"Salamat Mela at sayo iho, o sige na umuwi na muna kayo...ok naman gising narin si Cendy, Salamat uli."
"Upo tita sige po mauna napo kami best pagaling ka ha.! balik kami bukas." sabay halik nito sa pisngi ng best friend
"Sige po, mauna napo kami..BC..!.." BC para di mahalata ng Ina. Paalam din ni Justin.
""Salamat sa inyong dalawa, ingat kayo sa paguwi" muling tugon ni Cendy na hindi naman makatingin ng diretso kay Justin.
""Bye tita, bye beshe""
""Bye po".
Habang palabas ng Hospital ang dalawa ay malalim ang isip ni Justin sabay lingon sa bestfriend na si Mela
"Pwede kaya ako mag donate nag dugo kay Cendy? kasi alam ko type A din ako."
"Ha..!Ang alam ko hindi pa pwede kapag wala pa sa 18 yr old hmm bakit?may dugo kaba?hehehe." pagbibiro nito sa seryosong si Justin.
"Kaw naman syempre mayron, hindi ko lang alam kung marami hahaha"
Aba marunong din pala tong lalaki na to magpatawa, e samantalang kanina hindi maintindihan kung ano ang gagawin pagkakita nito sa girlfriend na si Cendy, at nasaksihan lahat yun ni Mela.
____________
"Anak alam mo malaki ang utang na loob natin doon sa dalawa.."
"Ok lang po yon Nay alam niyo naman laging andiyan satin si Mela simula firstyear kami.."
"Oo nga anak at napaka bait din nong apo ni Aling Flor."
"Oo nga po at hindi ko po alam na kasama pala yon ni Mela.."
"Siguro sinabihan ni Mela kasi kong si Mela lang hindi naman yon makakapasok agad sa bahay at walang magbubuhat sayo..?"
____________
""Teka kung binuhat nya ako, paano nya ako binuhat? Wala talaga akong maalala o naramdaman man lang ibig sabihin nahawakan niya na ako?hindi lang sa kamay, OMG pano kung nakita at nahawakan niya ang ano ko? wait what!! naku hindi naman siguro. My God!!!O " biglang napaisip at nakaramdam ng hiya sa sarili.
________
Habang naka higa sa kama si Justin hindi ito nakakaramdam ng antok, hindi naman pwedeng tawagan si Cendy dahil alam niyang naiwan ang cellphone nito sa bahay.
"Salamat po Lord at natulungan ko po ang babaeng mahal ko sa pamamagitan niyo po hindi ko po kaya na mawala siya saakin." sambit sa sarili.