CHAPTER: 4

2267 Words
"BEST!.may sasabihin ako sayo, pero ipangako mo secret lang natin." dahil malaki ang tiwala niya sa kaibigan. Kinwento nya agad dito ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Justin. Talaga namang walang sinisekrito ang bawat isa, nauuna pa itong nakakaalam kaysa sa Nanay niya. "Ha..! ano yon?" "Mangako ka muna." "Ok, hito kamay ko pangako.." pagtaas ng isang kamay ni Mela. "Best tinangap ko ng manliligaw yung makulit na lalaking yon. noong isang linggo pa." " Si Justin?,Wow best sigurado kaba?" "Best naku hindi pa. Manliligaw pa palang naman yung tao." "Sabi na nga ba may gusto yun sayo.." Biglang tinakpan ni Cendy ang bibig nito sa pamamagitan ng daliri. "Bibig mo baka may makarinig sayo." ani ni Cendy sa mahinang boses. "Kaya pala blooming ka ngayon ah? Kasi inlove ka.." bulong nito na may kasamang kiliti. "ikaw talaga sige na tapusin muna yang kinakain mo may natitira pa tayong pang huling sabject. "Oo nga no?,ok tapos na ako tara na sa classroom na yon? Hehehe.. "ikaw talaga kahit kailan" _______ ________ Napagkasunduan nila ni Justin na dapat hindi sila magkasabay pumasok o umuwi para walang makakaalam sa kung anong mayron sila. Nasa loob na ng kwarto si Cendy habang nakadapa sa kanyang kama nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pag tingin nya sa caller ay si Justin ang tumatawag kaya sinagot nya agad ito. "Ang hirap naman ng gusto mo BC hindi ko kaya, pano ba tayo magkikita? kong puro bawal." bungad agad ni Justin pagkasagot ng tawag. "Mr. JR kailangan nating mag ingat at ayaw kung ma issue tayo sa school at kay Nanay." "BC!.hindi ko kaya saka minsan ka lang magsimba ng walang kasama sa school naman may limit.." "E diba may cellphone naman tayo?. Ok na to kaya natin to..."pangungubinsi nya rito "Hirap naman! pupunta ako diyan sa bahay niyo kapag wala kang kasama". "Naku.! wag hindi pwede hindi pa tayo graduate saka nalang ganito nalang muna ha.." "Hoooooo....hirap namang magmahal.." "Hoy...Mr Ramos bata pa po tayo.?." Habang kinikilig sa narinig. "Ang bata hindi nakakaramdam ng ganito." "Hoy..!tama na nga nagaaral pa po tayo kailangan muna natin magtapos.." "ikaw kasi maraming bawal, pumayag kana kasi ihahatid kita tuwing hapon, diba gabi naman kung dumating ang Nanay mo?. ""Oo pero pagiisipan ko muna ha? "Sige na payag kana.? Pangungulit muli nito. "Ang kulit naman po natin?.." __________________________________ Dalawang buwan na ang dumaan na nanatiling normal ang lahat. Laging may nagbibigay ng bulaklak kay Cendy na walang pangalan. Na ang tanging nakakaalam kung kanino galing ay si Mela at siya lang. ______________ "Anak malapit na pala Birthday mo next week na. Labas ba tayo o dito nalang sa bahay?". tanong ng kanyang ina "Nay, dito nalang po sa bahay alam niyo naman si Mela laging gusto pumunta dito satin, linggo naman po yun diba? Magluto nalang po tayo". "ikaw anak, sige invite mo nalang ang ibang mga classmate at barkada mo.." ""Ok po thank you Nay! love you.." Sabay yakap at paglalambing nito habang Nanonood ng TV, katatapos lang maghapunan. SARURDAY EVENING. Dito palang naisip ni Cendy na mag invite ng mga kaklase, tinawagan nya ang mga ito para sa hiling ng kanyang Nanay. Kasi kung siya lang ang masusunod ayaw niyang maghanda o magluto sa bahay nila. Sa labas nalang saka sila lang ng Nanay niya kasi ayaw niyang mapagod pa ito. Ngayon gusto niya lang pagbigyan ang Nanay niya na sa bahay nalang nila dahil may mga na invite din ito na mga ka office niya. Gabi palang naka ready na ang lahat. Namalengke na si Aling Marlyn bago ito unuwi. Yong iba inorder nalang para hindi hussle sa pagluluto, tulad ng Palabok,puto,at ice cream. At dahil mahilig din magluto si Aling Marlyn hindi nawawala sa luto nito ang kaldirita at minudo na talagang masasarapan ang kakain nito. Krriiiiiing.....kriiiiiiing...krriiiing. Panay ring lang ang kasalukayang cellphone na kanyang tinatawagan. Kaya ang pinsan nalang na si Ronie ang kinuntak niya. ""Hello Ronie pasensiya na sa storbo hindi ko kasi macontact yung Pinsan mo". "Ay oo wala siya, nagpaalam kanina may pupuntahan daw." "Saan naman kaya.?"" ""Wala namang sinabi kay lola.." ""Ha ok pakisabi nalng na tumawag ako at saka pala punta kayo bukas dito sa bahay isama mo lola mo." "Bakit ?Mamamanhikan naba kami?". Pagbibiro nito. "Hoy!. naku hindi may kunting handaan lang birthday ko kasi". "Oh happy birthday Cendy, siguro kami lang ni insan alam mo naman si lola busy lagi..." "O sige pakisabi nalng salamat bye.." SUNDAY 1:00pm nagsidatingan na ang ibang bisita at ibang mga kakilala at mga classmate ni Cendy. "HAPPY BIRTHDAY" bawat dumarating binabati si Cendy, isang malaking "THANK YOU" ang balik nya dito. Naka pink dress sya na talaga namang bumagay sa kanya. Nakalugay lang ang buhok at kunting light pink lipstick. Nagsimula ng kumain ang ibang bisita habang may paisa isa pang dumadating. "Best!.hindi mo ba sinabihan.?" Si Mela habang magkatabi sila ng upuan na si Justin naman ang tinutukoy nito. "Alam naman niya kahit txt nga wala." bakas sa mukha ang kalungkutan. "Hoy, hinihintay din." Habang nag kukulitan ang dalawa dumating si Ronie at magisa lang ito. "Happy Birthday." "Thank you! si Pinsan mo? " "Si Justin? ewan ko ba don maagang nag paalam knina sabi magsisimba lang". tumango tango nalang si Cendy na may kasamang pagtatanong sa isip. "Halika kain ka muna". pag aaya ni Cendy kay Ronie. "Ano kayang nangyayari don? kahit txt wala, alam naman niya na birthday ko ngayon."" May tampo sa isip habang nagkakasiyahan ang lahat na naroon. Na dapat nga masaya siya dahil birthday niya. "Bakit ganito pakiramdam ko? ilang araw narin siyang bihira mag text o tumawag.."" Pasado alas 5:00 na ng hapon nagpaalam na ang ibang mga bisita at tanging naiwan nalang ang mga kaibigan ni Cendy. Lumapit dito si aling Marlyn. "Hello, ok lang ba kayo diyan?marami pang pagkain kuha lang kayo." "Upo tita ok lang po."sagot ng iba at ni Mela. ""Cendy anak bakit hindi ko nakita yong isang kaibigan mo?yung si Justin ba yon pinsan nitong si Ronie." Sa Narinig pinang dilatan ni Mela ng Mata si Cendy. ""Oo nga? busy po yata tita.." si Mela sabay tingin kay Ronie at pagiiba ng kwento. "Nay, yung mga bisita niyo po napadalhan niyo po ba?" Pagiiba lang ng topic. "OO anak sige kain lang kayo diyan punta lang ako sa loob." "Yes po Nay ako napong bahala dito...." Madilim na nang nagsialisan na ang mga kaklase ni Cendy. Silang mag ina nalang ang natira. Nagligpit at naglinis ng mga kalat. ""Nay, magpahinga kana ako nalang po ang mag liligpit nitong natira." "O sige anak at pagod narin ako. Goodnyth anak." "Sige po Nay Goodnyth din thank You po". sabay halik sa pisngi ng kanyang ina Panay tingin sa cellphone si Cendy kung may mag txt o tumawag. Hating gabi na hindi parin makatulog si Cendy. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, isang text mabilis niya itong tiningnan. From. JUSTIN "SORRY.." Ito lang ang laman ng txt, dahil sa pagtatampo at pagtataka kung bakit hindi ito sumipot ay hindi nya na ito nagawang replyan. Hanggang sa nakatulog sya. -MONDAY- ""Best! ok lang ba kung may sasabihin ako, concern lang naman ako sayo." "Ha?.Bakit best ano yon?" may halong pagtataka, habang nag hihintay ng last subject teacher. "Diba pangatlong section si Meshel Palma?". "Oo bakit?". "Kanina kasi nakita ko kausap ni Justin piro hindi ko alam kung bakit?". "Ha?. baka may tinatanong lang.." ""Sana nga pero best wala yon ha.." ""ikaw talaga bakit hindi panaman kami kaya ok lang yon.." sa loob niya iba ang sinasabi. "kaya siguro bihira ng magtxt at tumawag sakin katulad kanina parang hindi maka tingin sakin at parang hindi man lang naalala na birthday ko kahapon." Hanggang makauwi na ng bahay na walang paramdam dahil hindi niya na ito nakita bago lumabas ng gate ng university. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hoy Miss Cendy hindi mu pa boyfriend yon nanliligaw palang". pagsaway sa sarili TUESDAY "Late naba ako?". sabay tngin sa relo habang papasok ng gate ng may dahan dahang nag park ng Motor sa tabing bahagi ng guardhouse. Si Justin at may Angkas na babae yung sinasabi ng bestfriend niya na si Meshel Palma. Napatitig siya sa dalawa habang inaalalayan ito pababa sa motor ni Justin. Nang biglang napalingon sa kinatatayuan niya si Justin, matagal kaya mabilis siyang tumalikod at naglakad papasok ng hallway papasok ng class room nila. "Kaya pala.?bakit?" sariling tanong. "Hoy.!best ok ka lang?".tanong nang kanyang bestfriend "Ha.!Ok lang bakit?". ka uupo palang nito. "Wala? e parang malungkot ka may sakit kaba?" sabay dampi ng kamay sa noo ni Cendy. "ikaw talaga ok lang ako." pakunwari ng ngiti. Nang may dumaan sa may likuran nila sabay siko ni Mela kay Cendy. Habang naiisip ang nakita kanina hindi namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata nito kaya biglang apuhap ng panyo sa bag. Napansin ito ng isang tao sa di kalayuang bahaging upuan. Maghapong iniiwasang maka salubong niya ang lalaki dahil ayaw niyang makita siya nitong nasa ganong pakiramdam. Kaya matamlay itong umuwi. Upang pagdating sa bahay deritso sa kanyang kwarto hindi na nagawang magpalit ng damit bagsak na humiga sa kama. "Bakit?may mali ba sakin? siguro dahil hindi ako payag sa mga hiling niya dahil ba marami akong limit. Kaya naghanap siya ng iba.?" ito na naman ang mga luhang hindi mapigilan. Napatingin sa hawak na Celphone para maibsan ang nararamdaman naisipan nitong e txt ang lalaki. To. JUSTIN "Sorry, kung may kulang sakin naiintindihan kita." Naghintay ito ng reply ngunit wala. Upang muling tumulo ang luha sa mga mata. Sumunod ang mga araw na wala siyang natatangap na tawag o text man lang. - SUNDAY- "NAY, ok lang ba kung sa hapon nalang ako aatend ng mesa.?kayo nalang po muna." "Ok anak sige ako nalang muna ngayon." sinadya niyang wag sa umaga para hindi niya makitang magkasama ang dalawa si Justin at ang babae na yon, dahil alam niyang magsisimba yun. Kahit taliwas naman ito sa nararamdaman niya gusto parin niya itong makita kahit nasasaktan namimis parin niya ang pagiging makulit nito. 4:00 pm last mesa sa Cathedral. Nagsindi ng kandila. Palingon lingon parin si Cendy kahit alam niyang umaga kung magsimba ang lalaki. Nakasama niya dati sa Simbahang ito. Naupo kong saan sila dati umupo hangang magsimula na ang missa muling narinig ang maghawak kamay para sa awit na Ama Namin. Dito na naman muling tumulo ang mga luha. ""Lord.,,bakit po ako nasasaktan.? Bigyan niyo po ako ng lakas para makayanan ang nararamdaman kong ito. Sayo lang po ako nagsasabi dahil kayo po ang unang nakakita saamin at nakakaalam kung bakit ganito ang nararamdaman ko." ito ang taimtim na dalangin, habang patuloy rin ang pagbuhos ng luha. Matapos isang oras lumabas at hindi mapigilan ang mga paa na dumaan muna sa Park. Pailan ilan lang ang tao halos mga bata. Kaya naupo kong saan naging special ang bahagi ng upuang ito. Naalala ang lahat, habang nanonood sa mga batang naglalaro. Hindi parin mapigilan ang mga luha panay punas ng panyo, hindi namamalayan ang paglapit ng lalaki na nanglulumo rin sa nakikita. "Stop crying, hindi ko sinasadya na paiyakin ka," umupo sa tabi na ikinagulat ni Cendy. ""Bakit,andito ka?" mabilis na inapuhap ng panyo ang mga luha at hindi makatingin ng diritso sa kausap. ""Dahil hindi ko kaya." "Ang alin.?" "Ang ganito, na nakikita kitang umiiyak." "hindi, ok lang ako." "Im sorry.." kinuha nito ang mga kamay nya at iniharap sa kanya. "Ok,lang ako Justin, naiintindihan kita kung may gusto ka nang iba.? Ok lang." malumanay na tinig nito habang patuloy sa paghagos ang mga luha. Pinunasan ito ng lalaki sa pamamagitan ng daliri nito at Niyakap. "Sorry, hindi ko sinasadya yung nakita mo wala yon wala kami non.? "Bakit magkasama kayo?at naka angkas pa sa motor mo? Biglang alis sa pagkakayakap ng lalaki. "Wala yon, nakisakay lang yun, ang totoo niyan ang gustong manligaw don kay Meshel yung classmate natin si Melvin ." "E bakit hindi ka man lang mag txt o tumawag? nung birthday ko bakit hindi ka dumating?" ""Pasensiya kana ha, sinadya ko talagang hindi pumunta kasi nagtatampo talaga ako sayo." "Bakit.?" "E kasi Marami kang bawal, maraming limit, bihira lang tayo magkita kaya parang baliwala lang ang lahat." ""Sorry kung ganoon pala pakiramdam mo, hindi ko alam". "Sorry talaga, babawi nalang ako at ayaw kung nakikita kitang umiiyak". "Ikaw kasi? hindi pa nga kita boyfriend pinapaiyak muna ako. Paano kung? Oo na sinasagot na kita."matamang tumingin sa lalaki. ""Ano?Oo na, tama bang narinig ko? Napatayo at muling umupo paharap kay Cendy. ""Oo nga! ayaw mo yata?". biglang talikod sa kausap. "Di nga?tinatangap muna ako as in girlfriend na kita!?.tango lang ang sinagot ni cendy. "Yes.!thank you lord Salamat sa Park na ito." sabay yakap kay Cendy na halos hindi na makahinga ang babae sa higpit nito. "Ok na pwede bitawan mo napo ako, at maraming naka tingin satin". ""Salamat, Baby love." ""Baby love ka diyan?". pakunwari dahil sa kilig na nararamdaman. ________ Ang mga puso nga naman gagawin ang lahat makuha ka lang. Nalaman ng isat isa kung paano sila magkita muli sa Park, minsan naman umaga't hapon si Justin pabalik balik sa simbahan para makita at makasama si Cendy. At tuwing may lalabas sa gate nila naka subaybay ito. Dahil may service na motor kahit anong oras pwede umalis. Patapos palang ang mesa ay nakaabang na ito sa labas upang sunduin. Pumayag narin si Cendy na tuwing uwian sa hapon ay sasabay siya sa motor nito at pwede narin ipaalam sa ibang barkada nila na kung ano ang namamagitan sa kanilang dawala. At ang hindi pa pwede makaalam ay ang kanyang Nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD