CHAPTER: 3

3139 Words
Isang buwan na ang nakakalipas na laging iniiwasan ni Cendy ang makulit na si Justin. Umaga't gabi, kung hindi tawag text ang paraan ng pangungulit nito. At minsan para maka sabay sya nito sa pagpasok at pag uwi ang ginagawa nito nauuna pa itong sumakay sa tricycle na sasakyan ni Cendy kaya wala na siyang magawa. Minsan nga Nanay pa niya ang nakakasagot ng tawag nito na lagi ding nagbibiro tulad ngayun. "Nak tumawag na naman yong manliligaw mo. "Nay hindi po..! classmate kulang po yon.." Ito lagi ang paliwanag niya sa Ina. At dahil nakilala narin ito ng kanyang Ina nang minsang nagsimba sila. Lakas loob itong lumapit sa kinauupuan nilang mag ina habang hindi pa nagsisimula ang banal na mesa. FLASHBACK "Hello po.." Mano po.. hi Cendy" umupo ito sa kabilang bahagi na kina uupuan ng kanyang ina. "Godbless iho..." na may kasamang pagtataka kung sino.? " Ahh Nay classmate ko po si Justin and Lola niya po si Aling Flor yong may tindahan sa kabilang street ." pagpapakilala ni Cendy na may halong hiya at pagtataka kung pano sila nito nakita. Nagsisimba rin pala ang lalaking ito bulong nya sa sarili. "A ganun ba.. ahm lola mo hindi mo kasama?" "Ahmm this afternoon po sya magsisimba, sa panghapon na mesa, wala kasing magbabantay sa tindahan." kumportable na nakikipag usap sa kanyang ina, panay sagot din sa mga tanong nito. Nakikiramdam lang Cendy dito panay po at opo din ito sa pagsagot. Hangang matapos ang buong mesa nagpaalam na ito sa kanila. END OF FLASHBACK "Best best!.halika bilis bilis!." Ang kanyang bestfriend na si Mela habang nagmamadaling salubong sa kaibigan sa tapat ng kanilang class room bago pumasok.. "Huh bakit.?"pagtataka nito. "Tingnan mo oh sa upuan mo." sabay turo sa pamamagitan ng nguso at mata nito. "Woow!. Cendy kanino galing yan? basahin muna kung kanino galing.? "Tingnan muna baka may name kong kanino.? " Oo nga Cendy." Sabay sabay na sabi nang kanyang mga classmate na nakiki tsismis din. Tatlong pirasong pink rose ng bulaklak na naka lagay sa upuan niya, kaya napatitig rin siya dito at dahan dahan niyang dinampot para tingnan ko kanino galing ito.? To Cendy Cruz ang naka lagay. "Best kanino galing.?." "iwan wala namang naka lagay." sambit nya dito "Baka secret admirrer." biro ng isang studyante. Maya maya ay sunod sunod ng pumasok ang mga studyante kaya umupo na sila Cendy. Kasunod naring pumasok si Justin kasabay ang pinsang si Ronie at ibang barkada. ------------------- Habang abala sa pakikinig ang mga classmate ni Cendy sa lecture ng guro ay iba naman ang tumatakbo sa utak ni Cendy. Muling sinulyapan ang tatlong pirasong bulaklak na nasa upuan. "Kanino kaya galing ang bulaklak na ito?" Hindi tuloy maka concentrate ng lecture ng guro si Cendy, hindi naman kasi bago sa kanya ang ganito dahil marami ang gustong manligaw sa kanya na hindi niya naman siniseryuso.. Tapos na ang tatlong subject at ang panghuli ay ang MAPEH subject. "Class.,Please stand up and group yourself into three, may activity tayo.." bungad ng subject teacher nilang lalaki na medyo strikto, habang papasok ng classroom. Kaya mabilis din nagsitayo ang mga studyante upang maghanap ng ka grupo. -------- Ilang minuto na ang nakakaraan ay wala paring ka group si Mela at Cendy kaya ng hanap sila kung sino pa ang walang ka group. "O sino pa ang kulang ang grupo..?"sambit nang kanilang teacher "Kami po Sir." taas ng kamay si Mela Kasabay ring pagtaas ng kamay ay lumapit sa kanila si Justin na mukhang seryuso. "O ayan si Mr Ramos." ok start na tayo "Wow best ang pagkakataon nga naman.." ani ni Mela na mukhang nag i enjoy sa pang aalaska nito sa kaibigang hindi na makatingin ng deritso dahil sa hiya. "OK, so magtutulungan kayo". sambit ng teacher nila. "maghawak kamay at pumikit habang nakayuko.."dagdag pa nito habang nakatayo sa harapan. "Naku wag na po Sir please."bulong sa sarili ng kinakabahang na si Cendy. "Best ang lamig na nang kamay mo." sa mahinang tinig ni mela habang nakayuko "Ah eh"hindi makasagot si Cendy sabay tingin sa dalawang kamay hindi pa naglalapit. Nang dahan dahang gumalaw ang kamay ng lalaki patungo sa kamay na sinlamig na nang yelo na sa lamig. "Lord please help me.." bulong nito Bago paman matapos ang iniisip nakaramdam na si Cendy na may humawak sa kanyang kamay. Pagtingin nya rito nakahawak na ang kamay ni Justin sa kamay niya at pahigpit ng pahigpit ito. Habang nasa ganitong sitwasiyon mas lalong pinikit ni Cendy ang kanyang mga mata sa hindi malaman kung ano ang gagawin habang ang bestfriend nya na si Mela ay padilat dilat at napapangiti sa reaction ng mga ito. "Ok,. I have a question here, kung alam ng grupo ang sagot magtataas kayo ng kamay ok? "Yes Sir..." sagot ng karamihan. Naka tatlong tanong na wala paring nakakasagot. Pano nga naman masasagot lahat about Beblia. "Stop na sir please nanlalambot na ako.." si Cendy na ramdam ang lamig buong katawan. Na Maslalo namang humigpit ang pagkakahawak ng kamay ng lalaki sa kaliwang kamay nito. Na para bang pinapainit ang nilalamig niyang kamay. Sa wakas may tatlo ng nakasagot sa sampung tanong. Habang ang dalawa ay parang may sariling mundo dahil sa magkahawak nilang kamay, gustong mahimatay ni Cendy dahil alam nito na nararamdaman ni Justin ang panlalamig ng kanyang kamay. Sa kabilang banda sinasamantala ng lalaki ang malambot na palad at mga daliri ni Cendy habang may ngiti sa labi. Natapos ang oras nang kanilang subject, ang natutunan sa mga oras na ito puso, isip at damdamin sa dalawang tumigil ang mundo. "Best ano ok kalang ba?at natulala kana diyan.?" Naka ngiting bulong sa kaibigan. "Best.,nakakahiya tong kamay ko anglamig kanina.." mahinang bulong nito. "Pero gusto mu rin. nakita ko nakahawak karin.." "Pano ang higpit ng hawak niya.." halos magkadikit na ang dalawa habang patuloy sa pangaasar si Mela "Ay suss kinikilig ka naman, halika na nga at kumain na tayo. Nakakagutom."pag aaya nito sa kaibigan "Ok..ako rin nagutom rin ako at nanghihina." hindi maalis sa isip ni Cendy ang pangyayari habang naglalakad sila ni Mela dahil ramdam parin niya ang init ng mga kamay nito nang. "Best..!wag tayo diyan dun tayo sa isang Canteen.." biglang hatak nito sa kaibigan na nabigla "Best .!hoy.!bakit.?" "Basta dun tayo sa kabila mas masarap ang mga luto at pagkain doon.." na wala namang nagawa ang kaibigan kundi magpahila nalang dito. Hindi pa rin tapos si Cendy kakatanong kay Mela habang papasok ng canteen, nang biglang napadako ang kanyang mata sa loob ay nakita nya si Justin na nakatingin ito sa kanila. Sa pagkagulat bigla nyang hinatak si Mela sa ibang direksyon. Pano ba niya ito maiiwasan tanung nya sa kanyang sarili , na kunting sandali hinahanap din ito ng mga mata niya. Umiiwas siya hindi dahil ayaw nya rito kundi ay nahihiya sya. "Bakit ganito pakiramdam ko.?" Habang pauwi sakay ng tricycle, mabilis namang nakarating ng bahay si Cendy. "Salamat manong." sabay abot ng bayad nya rito bago bumaba, nang biglang pagharap nya sa bahay nila ay nagulat sya. "What.!?" Natigilan ito sa nakita sa tapat ng gate ng bahay nila. May naka park na motor at naka upo na lalaki, medyo naka side ito sa pagkakaupo habang hawak ang cellphone nito. Napansin na sya nito bago pa man sya bumaba ng tricycle, kaya kunwari yumuko ito na para bang walang nakita. Mabilis na kinuha ni Cendy ang payong sa kanyang bag kahit walang ulan o sinag ng araw, mabilis niya itong binuka para maitago ang kanyang sarili papasok ng gate. "iniiwasan mu ba ako..?" tinig ng mainahon na boses sa kanyang likuran. "Ha.? Ikaw pala. " kunwari nya, sabay baling dito "Akala mo naman may sakit akong nakakahawa". nanatili itong nakaupo. "Naku hindi nagmamadali lang ako kaya hindi kita napansin."paliwanag ni Cendy na para bang naawa siya sa itsura nito. "Sige tuloy na ako pasensiya na sa abala." tumayo ito sa pagkakaupo at ini start ang makina ng motor nito. " "Hindi Justin pasensiya na talaga ." habol ni Cendy sa paalis na si Justin, ng biglang syang natigilan dahil sa naisip na idea na nasabi nito. "Nakakahalata kaya siya sa pagiiwas ko?, hayss e ano naman bahala nya siya." nagmartya syang pumasok ng bahay habang hindi parin mawaglit sa isip ang nangyari. ""Hi!.salamat sabado bukas walang pasok". sabay upo sa supa at isinandal ang likod habang naka pikit ang mga mata. At dahil gabi na kung umuwi ang Nanay niya ito na ang nagluluto ng hapunan nila, kahit sinasabing nagiisang anak ay marunong naman ito sa mga gawaing bahay. Natutunan nya ito simula highschool, tinuruan sya nang kanyang ina lalo na ang pagluluto. Lalo na nung mawala ang kanyang tatay. "Tayo nalang anak ang magtutulongan" ito ang laging sinasabi ng kanyang ina na si Marlyn. "hmm ano kayang pwedeng lutuin."? sabay bukas ng ref. May nakitang sya repolyo ngunit wala namang pangsahog. ""Pano bato, wala man lang pwedeng isahog kahit kamatis makabili nga muna pero doon ba ako bibili? wala namang ibang tindahan na malapit. Kung sa palengke naman mamamasahi pa ako saka gabi narin, ay bahala na nga doon nalang." habang naglalakad panay isip nito. "Hindi naman siguro siya ang nasa tindahan yung lola niya." sa isip isip nya. Nang makarating na sya sa tapat ng tindahan ni Aling Flor ay kumatok na sya. "Pabili po."" mahinang tawag sa kung sino ang tao sa tindahan. ""Ano po yun?". may lumabas at boses lalaki. ""Hoy Cendy ikaw pala.? " Hay salamat!..Ronie pabili nga.?" parang nabunutan ng tinik dahil ang pinsang si Ronie ang lumabas. Mabilis na sinabi ang mga kailangang bilhin at mabilis ding naibigay ni Ronie ang mga kakailanganin nya at nilagay na sa plastic at nagkausap pa sila ng kunti ni Ronie. Nagpaalam na ito sa kadahilanang baka my iba pang lumabas ng tindahan. "Sige Ronie salamat alis na ako."pagpapaalam nya rito. "Ok mate." habang pangiti ngiti ito. Hindi paman nakakalayo sa tindahan si Cendy nang biglang may nagsalita. "Hatid na kita.?" si Justin sa bahaging likuran niya, dahil pagkatalikod lang pala niya ay patakbong tinungo ni Ronie si Justin sa kwarto nito upang ipaalam na naruon si Cendy bumili sa kanilang tindahan. "Ha! nakakagulat ka naman Mr. Ramos.." "Grabi ka naman multo ba ako? naglakad kalang.? ""Oo saka malapit lang naman.." ""Dapat tinawagan mo nalang ako para dineliver ko nalang saka para hindi kana naglakad." "Grabi ka naman hindi naman po ako ganun kaya hoy balik kana kaya kuna magisa.." "Hoy ka diyan may pangalan po ako kaya sige na hatid na kita hanggang sa gate niyo." pakiusap nito. "Wag na nga Justin please malapit lang naman saka ok lng ako." Habang patuloy sa pagtangi si Cendy na parang hindi naman pinapansin ni Justin ay tuloy tuloy lang ito sa paglalakad hangang makarating na sa tapat ng gate. "Ok napo dito na tayo salamat baka hinahanap kana ng lola mo." "Sige pasok kana." ""Salamat bye." ani ni Cendy papasok ng gate. ""Bye..". tumuloy narin ito pabalik na parang napaka gaan ng pakiramdam sa sayang nararamdaman. "Ang ganda niya makinis kahit di kaputian at ang dimple bagay na bagay kapag naka ngiti at napaka mahinhin ibang iba sa mga babae na nakilala ko sa manila."ani ni Justin habang nakangiting naglalakad. Habang hinihiwa ang mga lulutuin hindi maalis sa isip niya si Justin makulit piro mabait at gwapo, mas lumabas ang itsura lalo na sa suot niyang blue jersey, matangos ang ilong lalaking lalaki ang kulay hmm siguro may girl friend na ito sa manila.? E ano naman wala kana don Hoy! Cendy Cruz. Pagsaway sa sarili nito. _____________________ ""Cendy anak bukas ikaw na muna ang magsimba my mga papel kasi akong dapat tapusin.." "Sige po Nay". habang nanonood ito ng TV at nakaharap naman sa cumputer ang ina, kahit nasa bahay na ito ay may trabaho parin. SUNDAY Morning, tama na to ani ni Cendy habang nag susukat ng damit. Napagdisesyonang isang dress na maroon walang manggas ang suotin, sa dami ng pagpipilian ito ang napili nya na halos buwan buwan itong nasusuot dahil ito ang kanyang favorite. Before 7:00 umalis na si Cendy. Pang alas syeteng mass kasi ang gusto nito para hindi pa masyadong mainit ang sinag ng araw. At dahil konti palang ang tao sa loob ng simbahan ay bumili muna ito ng kandila at nag sindi sa bandang gilid ng simbahan. Ginagawa lagi nila ito ng kanyang Nanay tanda ng pasasalamat at pagalala sa yumaong ama. After nyang magsindi ng kandila ay bumalik na sya sa lool at humanap na ito ng bakanting upuan, hindi naman nabigo dahil kunti palang ang tao rito. Halos sampung segundo lang after nyang umupo nang may biglang umupo sa tabi nito. "Hi.,ikaw lang? " "Oy Justin, oo may ginagawa kasi si Nanay." habang nagpapaliwanag na hindi naman maka tingin sa kausap.. ""Ako din.,si Ronie bihira din naman yun nakakasama at si lola naman sa hapon ang gusto.." paliwanag nito para may masabi lang. Maya maya pa sunod sunod ng nagsisidatingan ang mga tao, unti unti ng sumisikip ang mga upuan na halos magkadikit na ang kanilang mga braso. "Ito na naman po " ani si Cendy. ""Lord andito po ako sa harapan niyo please po palakasin niyo loob at katawan ko."" At hindi nagtagal nagsimula na ang banal na mesa at nagsisimula narin ang panlalamig ng katawan niya parihong nagpapakiramdaman. ""Ang bango niya..Sarap amoyin at yakapin.." pagiging pilyo ng isip nito habang nakikiramdam lng sa katabi na halos hindi narin gumagalaw. Dumating ang oras nang paghawak kamay kasabay ng pagkanta ng 'Ama namin Song Mass' hindi maitaas ni Cendy ang kanyang kamay nang biglang kinuha naman ito ni Justin kaya napapikit nalang siya sa ginawa nito. Ang higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya habang ang kabilang kamay niya walang kaparis. Habang umaawit ang karamihan parihong nakapikit lang ang dalawa kapwa nagpapakiramdaman lang. "hmm bagay dito ang suot na poloshirt black" anang nasa isip ni Cemdy, "Sorry po papa Jesus hindi po ako maka pukos dahil sa lalaking ito." hangang matapos na ang kanta hindi parin binibitawan ni Justin ang kaliwa niyang kamay hindi niya rin maalis dahil mahigpit parin ito sa pagkakahawak. Hangang umupo na nga sila pinilit ni Cendy na kumalas sa pagkakahawak nito na sya namang binitawan ng lalaki, buti binitawan din sa isip nya. Natapos narin ang mesa at tanda ng nakasanayan ang "peace be with you" nagbatian ang dalawa na walang titigan sa isat isa. Salamat po Lord makakauwi na ako. At bago pa man makalabas. ""Ponta muna tayo sa Park, malapit lang naman.," si Justin na nakasunod sa kanya ""Ha...!pauwi na ako.." ""Sige na please.,maya maya na tayo umuwi saka linggo naman ngayon."" pagmamakaawa ng lalaki habang magkadikit ang mga kamay nito. " "E kasi baka hanapin na ako ni Nanay." ""Sige na kahit 30 minutes lang please,." halos magmakaawa na humarap sa babae. ""Oo na sige na, basta madali lang ha!. kulit mo talaga Mr. Ramos."" naglakad lang ang dalawa dahil malapit lang naman at medyo tapat lang ng Simbahan. ""Maganda at malawak ang park nato presko, galing ng pagka Landscape.."" puna ng lalaki. "Oo at ginastusan talaga ito sa pagkakaalam ko." "Umupo muna tayo". alok ni Justin. Na pinagbigyan naman ni Cendy. Habang magkatabi biglang hinawakan nito ang dalawang kamay ng babae. ""Cendy, pwede ba akong manligaw sayo?". mahinang tanong nito habang naka titig sa babae. "Ha!.ako tumigil ka nga." pilit inaalis ang mga kamay sa mahigpit na pagkakahawak nito dahil sa pagkabigla. "Please, i like you sana pagbigyan mu ako." pagsamo nito. "Bakit ako? saka baka may girlfriend ka sa manila ako pa dahilan ng pagkasira nyo." "Ako?, wala akong girlfriend saka nagsasabi ako ng totoo. Please hayaan mu akong man ligaw sayo saka alagaan kita." pagsusumamo muli nito. "Ha!inaalagaan naman ako ni Nanay saka hindi pa ako handa sa ganito. Pwede bang pakibitawan na nang kamay ko, bitawan muna please.." mahinahon na tugon nito dahil sa nararamdamang panlalamig ng kamay habang naka yuko at hindi naman umaalis sa pagkakatitig ang lalaki dito. "Please, sige na pumayag kana hindi ka kasi maalis sa isip ko kahit minsan alam ko iniiwasan mu ako.." "E..kasi nga hindi pa ako handang magpaligaw saka kasi ang kulit mo." "Sige,.kapag hindi ka pumayag ngayon sa Nanay mo nalang ako magpapaalam." nagulat na napatingin si Cendy kay Justin. ""Ano?! naku hindi". dahil sa pagkataranta. "Sige na nga bitawan mo na po ang mga kamay ko please" . ""Ha.!talaga.?Payag kana.? " "Oo nga.," kahit hindi makatingin ng diretso sa lalaki. ""Salamat!, magiging panatag na ako. "salamat Miss Cendy Cruz.." na may malaking ngiti dahil sa tuwa ""Ok na po?.pwede na ba tayong umuwi dahil lagpas na ng 30 minutes.." unti unti pinamulahan ng mukha at paginit ang kanyang mga kamay. "Thank you Lord! yung tatlong bulaklak pala nung friday itago mo ha". hindi parin maalis ang mga ngiti "Ha! Sayo galing yun?" biglang pandilat ng mga mata. "Syempre lagi mo kasi akong iniiwasan" "ikaw talaga.." jalos tumalon ang puso sa nalaman. "Sa kanya pala galing yon?Surprising naman ang lalaking to." "Thank you ha". nahihiyang napatingin dito. "Your welcome, wait lang wala kabang service yung Motor mo.? ""Wala, iniwan ko nag tricyle lang ako. ""Pero,Mr Ramos pakiusap, pwde bang wala munang makakaalam nito. "Ok , Miss Ramos ay Cruz pala kung yan ang disesyon mu" pagbibiro nito habang naghihintay ng tricycle na masasakyan nila. Habang nasa loob ng tricycle pauwi ang dalawa dahang dahan hinawakan ng lalaki ang kamay ni Cendy na hindi naman nakakibo dahil sa pagkagulat kasabay ng panlalamig muli ng kamay. Habang nasa byahe ang dalwa ay panay ang sulyap ni Justin sa katabi at napapangiti habang tinititigan ang magkahawak nilang kamay. Nang biglang.. "Hoy.!Mr Ramos malapit na bahay ko akin na ang kamay ko." ""Ang bilis naman sana malayo pa bahay niyo.." "Oy.!grabe ka ha,.sige na ." manong tabi lang po." tumigil rin ang tricycle. "Dahan dahan lang", pagalalay nito sa pagbaba ni Cendy. "bye kita tayo bukas," kasabay ng pagbitaw nang kanilang kamay, dahil kailangan ng bumaba ni Cendy. "Sige na bye ingat!." ""Yes po,bye., ______ ________ _________ Parehong balisa at hindi makatulog ang dalawa lalo na si Cendy na pagulong gulong sa kanyang kama. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone, kinuha nya ito para malaman kung sino. Bigla na namang nakaramdam ng pagkabog nang kanyang dibdib. From. JUSTIN "Goodnight, BC" CENDY "Hoy.!Bakit BC?" reply ni Cendy From. JUSTIN "Kasi po simula ngayon ikaw ang Baby Cendy ko." CENDY " Ha..!Mr Justin manliligaw kapalang po at secret muna ha."" Pakiusap nito, habang kinikilig sa nababasa. From.JUSTIN "" Sisikapin ko pong maging girl friend ka." CENDY ""Kulit mo talaga,,sige na Goodnyth." From.JUSTIN "Goodnyth.,BC,143." CENDY "Ha..!ano to.143?" Sabay off ng cellphone. LORD,Tama po bang tumanggap na ako ng manliligaw? sana kung ano po ang pakakakilala ko sa kanya manatili po siyang ganun, lalo na ang pagiging mabait kahit makulit. Dahil sa kakaisip ay mabilis syang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD