CHAPTER: 2

2408 Words
Krrriing....Krrrring....krrrring.... "Hello, sino to?" tanong nya sa kabilang linya, hindi naman naka save ang name so hindi nya kilala ang tumawag. Habang gumagawa ng assignment ay nag aalangang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone. "Hello..pag uulit nya dahil limang minuto na wala paring sumasagot. "Hello..who's this.? pag uulit niya dito. "Hi.." ani ng nasa kabilang linya. Nakaramdam ng pagkapamilyar ng boses sa kabilang linya, kasabay nang panlalamig ng kamay. "Nakakaisturbo ba ako?.muling sagot nang nasa kabilang linya. "Hindi naman..sino to.?" Syempre pakunwari naman na parang hindi kilala ang boses sa kabilang linya. "Hi....ako to si Justin pinsan ni Ronie, yung nagpakilala syo sa school canteen" . "Ikaw pala, paano mo nga pala nalaman number ko". lord help me... nanlalamig na nanan kamay ko. "Pasensiya na kinulit ko kanina yung bestfriend mo hiningi ko kasi number mo." Sa tinig nito halata ang malumanay na boses at mainahong paliwanag nito. "Si Mela ". kaya pala kanina bago sila maghiwalay knina sa school pangiti ngiti ito. "Ahmm may ginagawa kaba? nakaka istorbo ba ako..? "Ha!..hindi naman." "Wala kasi akong makausap, e tulog na kasi tong pinsan ko.." pakunwari nito. "Eh maaga pa naman tulog na agad!?ahmm kumusta pala yung lola mu?". "Ok naman tulog narin, sa kabilang street ka lang pala nakatira sabi ni Ronie." "Oo pwede nga lang lakarin."sagot nya "Maaga kaba bukas aalis?".pagtatanong nang nasa kabilang liya "Hindi naman mga around 6:00 na ako umaalis kasi malapit lang naman paradahan ng tricycle,. bakit.?" "Ahmm pwede ba kitang daanan bukas.? "Ha...!bakit?" "Wala lang e malapit lang naman diba.?" Sa alok nito hindi masabi na pwede ba kitang daanan at isabay o i angkas sa service nitong motorsiklo hindi naman kasi masasabing galing ito sa mahirap na pamilya dahil sa pinsan nitong si Ronie makikita mung may kaya ang pamilyang pinagmulan ng mga ito at kilala rin sa barangay nila ang lola nito na si Aling Flor na may ari ng Malaking Sari Sari Store sa Barangay nila.. "Naku..! wag na nakakahiya, may kasama kanaman diba? si Ronie.?". Halos hindi na masabi ang sasabihin. Sino ba nanam ang hindi mabubulol , kakakilala mo palang , ganito na ang alok.?sumasabay pa itong pakiramdam na hindi maintindihan. At sino ba ang tatanggi sa alok ng lalaking ito gwapo na malambing pa kong mag salita. At syempre isang probinsiyana at nagiisang anak si Cendy, maayos din ang pagpapalaki ng mga magulang nito. Ang natatandaan niyang laging sinasabi ng yumao niyang tatay ay respeto sa kapwa at sa sarili. "May service din kasi si Ronie.ahmm sige na wala rin kasi akong kasabay."pangungubinsi nito "wag na,.nakakahiya saka hindi rin ako papayagan ni nanay salamat nalang"pagtangi nya rito. "Sige, ok lang.. "ahmm strekto ba parents mo?"dugtong pa nito "Hindi naman, tama lang si Nanay nalang ang mayroon ako limang taon na mula ng mamatay ang aking Ama. "Ay sorry, e mga kapatid mo?" "Wala rin akong kapatid nag iisa lang akong anak.." "Ha...! hindi ba malungkot buhay mo?kasi Nanay mo lang lagi kasama mo..?" "Hehehe....grabi ka naman sa lungkot hindi naman kasi may mga pinsan naman ako at may mga kapitbahay naman ako." Pagbibiro nito at natawa sa tanong ng kausap. "Ay sorry..hindi kanaman pala malungkot pinagtata wanan mu pa nga ako." "E kasi natawa ako sa tanong mo..." "Sige na daanan kita bukas ipagpapaalam kita sa nanay mo at para makilala ko rin " "Wag na nga po" pagtangi nya "kita kits nalang sa school sige na matutulog na ako." "Sige, pasensya na sa isturbo..." "Ok lang ..,at baka ubos na yang load mo.." "Hindi naman." Salamat sige." "Goodnight ..bye ,Salamat din.." Hays thank you po Lord, ano ba tong nararamdaman ko?bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, magpacheck up na kaya ako? sabay palo sa sarili dahil sa kalokuhang naisip. Marami namang nanliligaw sakin, pero ito kakaiba hindi pa nga Hoy..!Cendy Cruz tumigil ka nga."hindi mupa nga kilala..? Pag saway sa sarili nito pano ba naman sa dami ng nanliligaw sa kanya parang normal lang ang lahat at ni isa dito wala pa siyang sini seryoso sa mga ito ngayon ano itong nararamdaman niya. Sa kaiisip nito nakatulog nalang na hawak ang Cellphone at sa tabi ang notebook at libro nito. Hindi naramdaman ang pagpasok ng ina sa silid nito, sinamsam ang mga gamit, tinabi pati ang hawak nitong cellphone at dahan dahan nalang nitong kinumutan ang anak na mahimbing na natutulog. Mag-isa nitong binubuhay ang anak simula ng mawala ang asawa, namatay sa sakit sa puso limang taon ng nakakaraan. Si aling Marlyn bilang OIC sa municipio ng kanilang bayan . Ito ang tanging bumubuhay sa kanilang mag ina. At sa pag aaral ng anak . ""Anak...Cendy.. gising na... " Kasabay ang pagtilaok ng manok sa umaga oras na para magluto ng pagkain o breakfast nilang mag ina. "Opo NAY..." Panay unat ng katawan, ng biglang naalala. "Nakatulog pala ako.?yong assignment ko.?at Cellphone ko."sambit sa sarili Biglang lingon sa maliit na mesa sa tabi ng kama nito nandon ang mga hinahanap niya kayat napatayo nalang ito, at inayos na para isilid sa bag. "Nay mauuna napo ako..." Paalam nito pagkatapos magayos ng sarili ar kumain ang agahan. "Sige Anak maya maya sunod narin ako, my budget kapa ba?" "Yes po Ma" sabay halik sa pisngi nito "Kamusta naman ang unang araw sa school?". "Ok nman po, alis napo ako..?"pag uulit nya "Sige ingat ka sa pagpasok sa school.." "Opo Ma, bye bye po" Ganito nalang ang oras ng paguusap nila sa araw araw, sa gabi ay bihira sila magsalo sa hapag kainan. Maghapong walang tao sa bahay nila at tuwing araw lang ng linggo sila magkasama. simbahan ang bonding nilang mag ina kasi my pasok parin ang ina sa araw ng sabado. "Hi..goodmorning." Maagang pagbati ng isang lalaki sa may Guard house. "Hi goodmorning din, nakakagulat ka naman.?" "Grabi nakakagulat ba mukha ko.?" "Oo naku.!hindi.o bakit di kapa pumasok sa loob? Kanina kapaba? para namang tanong ng isang matagal ng magkakilala e halos dalawang araw palang naman. "Hindi pa naman,naghintay talaga ako rito." Habang nakatingin sa kanyang mukha. Lord ito na naman po ako nagbreakfast naman po ako?bakit parang lumolutang ako?" help po." Piping sabi sa kanyang sarili Nang biglang my umingay na gawing likuran nila. "Hoy best.!hintay..." Napalingon ang dalawa. "Hay salamat po lord, dininig niyo po ako." bulong nya sa kanyang sarili. Napabuntong hinga ito sa kinatatayuan. "Hoy bakit magkasabay kayo?" Makahulugang tingin niyo sa dalawa "Anong mayron..?oooooyy.." dugtong pa nito Sabay kiliti sa baywang ng kaibigan. "Mela..?best..ano wala,ikaw.?tumigil ka nga." Pagpipigil nito sa madaldal na kaibigan, habang naglalakad nakikiramdam lang si Justin sa dalawang nag haharutan na pilit namang pinapatigil ni Cendy "Nakakahiya ka ,tumigil kana nga.." "E ano naman, sabay tawa "Hiningi niya number mo, tumawag ba.?" Bulong nito sa kaibigan. kahit mahina lang boses nito napapangiti si Justin sa kinikilos nito habang kinukulit ng kaibigan. Na hindi naman halos makatingin si Cendy. "Mela.?dito na tayo sa silid tumigil kana, pag pigil nito "Good morning Mrs. Martinez." Paraan para Matigil sa pangungulit ang kaibigan samantalang wala pa naman ang adviser nilang si Mrs Martinez at tahimik naring umupo si Justin. At habang tahimik na ang lahat hindi naman makalingon si Cendy sa bahaging kina uupuan ni Justin na halos limang upuan lang naman ang pagitan nito. Na hindi niya alam na nakatingin pala ito sa kanya at napansin na naman ito ng kaibigang makulit na katabi lang nito. "Best.!best.!may nakatingin sayo." Sabay bulong nito. "Sino.?" Tanong nya sa kanyang bestfriend. "Ayon oh.." sabay turo ng nguso nito sa kinaruruonan ni Justin At sabay din lingon ni Cendy. Na tumama din ang mga mata nitong mapupungay .na pakiramdam niya parang hinihila siya nito papalapit ng biglang. "Hoy..patingin tingin..." kantyaw ng katabi "ikaw talaga, kahit kailan." ani ni Cendy habang napayuko dahil pakiramdam niya lumalakas ang kabog ng dibdib nito. Samantalang may nag iisip din sa bahaging pang anim na upuan. "Ang ganda ng mga mata niya ,at dimple sa kanang pisngi ,mahinhin, may boyfriend na kaya siya?" Si Justin habang kinakausap ang sarili habang naka tingin sa Cellphone nito. Natapos ang maghapon na umiiwas si Cendy sa kaklaseng si Justin pano ba naman lagi niya itong nahuhuli na nakatitig sa kanya isa pa itong best friend niya na panay pang aasar. At pati pagkain niya sa canteen halos mabilisan lang para hindi lng sila mag pang abot at pati paglabas ng gate sa school halos tumakbo na ito. Dahil alam niyang aalokin na naman siya nitong sumabay o umangkas sa motorsiklo nito. "Thank you po manong.." Si Cendy Sabay abot ng bayad at dahan dahang bumaba sa tapat ng bahay nila. "Ay salamat, nakauwi narin." Habang sinisipat ang susi ng bahay sa bag nito at akmang pagbukas ng gate nila. Nakarinig sya ng busina ng motor. Beeep.....Beeep...Beeep... Biglang busina sa bahaging likuran nya na ikinagulat niya para mapalingon siya sa bahaging ito. "Hi.." "Nakakagulat ka naman." "Ang bilis mo naman makauwi?" Tanong ni Justin kasab ay nang patigil ng takbo ng motor sa gawing likuran niya. "A oo, ma-marami naman kasing trysicle na masasakyan na naghihintay sa harapan ng gate sa skwilahan." Nauutal na sai bya sa kaharap ,"Kung alam mo lang sinadya ko talaga na makasakay agad tapos ngayon andito kanaman..O lord.?"pagkausap nya sa kanyang sarili . " Ahmm tinanong ko kasi best friend mo, sabi nagmamadali ka daw..?" tanong nito. "Ha.!hindi naman, sige pasok na ako." Akmang papasok ng gate nila. "Sige.. tuloy narin ako ,bye.." "Sige.." Kanina halos nagmamadaling pumasok ngayon heto nakatingin sa paalis na lalaki habang dahan dahan lang din ito sa pagpapatakbo ng motor ang hindi niya alam nakikita pala siya nito sa pamamagitan ng side merror ng motor. "Sabi na nga ba? titingin at tiingin karin huli ka." Nakangiting tugon nya sa kanyang sarili nito habang papaliko sa kanto na halos magkabila lang naman ng kalsada o street ang bahay nila na pwede nga lang lakarin. "Pinsan kanina kapa.?" Si Ronie kararating lang papasok ng gate. "Hindi kararating ko lang halos magkasunod lng tayo.." "Ano insan niligawan muna ba?" Pagbibiro nito. "Malapit na insan dinadahan dahan kulang." "Ay suss!.insan wag mo ng patagalin baka maunahan ka, marami ang nanliligaw diyan kay Cendy." "May boyfriend na ba?" tanong ni justin sa pinsang si Ronie "Ang alam ko marami nanliligaw, kong pogi nga lang ako naunahan na kita." Pagbibiro nito sa pinsan na seryoso sa mga tanong. "Bakit.?pogi ka naman pinsan a." "Oo nga tatlong paligo lang naman ang lamang mo sakin."hahahaah."Ani ni Ronie. ""Hayaan mo darating din ang para sayo Insan." "pero pinsan..?wag natin ibahin ang usapan, bilis bilisan mo baka maunahan ka." ""Hoy..hoy...mga apo ano yang pinagtatalunan niyo diyan? naririnig ko kayo, mula sa loob ng bahay at ano yang sinasabi niyo na bilis bilisan alin?" Pagbibiro ng matanda sa dalawang apo papasok ng pinto habang nakaupo ang matanda sa supa at nanonood ng TV. "Wala po lola, mano po la.." Paliwanag ni Justin. Sabay abot ng kamay na magkasunod lang ang dalawa. "Lola kilala muba yong mga Cruz diyan sa kabilang kalye?yong nagiisang anak.?" Siryusong tanong ni Ronie sa Matanda. "Alin yong ang ina ay empleyado sa munisipyo? Oo bakit? " ""Lola crush ng apo niyong pogi." Sabay turo at pang aalaska sa pinsan nito. ""Hoy insan!.naku lola nagbibiro lang po yan." Pagbawi naman ni Justin. "Ay suss mga apo normal yang crush crush na yan, magaral muna magtapos, pero maganda nga yun, apo..? bumibili minsan yon dito sa tindahan ko."" Pagpapatutuo rin ni lola flora.. ""Oo nga no lola? At gusto pong ligawan nitong pogi niyong apo." "Lola wag po kayong maniniwala dito kay Ronie." "Hoy! lnsan kanina lang nagtatanong ka, Ok lang yan, diba Lola? "O sige na, magpalit na kayo ng damit, at mag meryenda na kayo, may niluto akong suman at chocolate." ""Wow suman at chocolate sarap at gutom narin ako." Si Ronie at nauna na itong pumasok sa kwarto upang magpalit at sumunod narin si Justin sa kabilang kwarto. Kong tutuusin malakas pa naman sa idad 60 ang Lola nila. at kayang kaya pa nito mag Manage ng tindahan niya . Maagang nawalan ng asawa at my dalawang anak na parihong lalaki at ito ang ama nila Justin at Ronie. Kaya silang dalawa ang naatasang makasama ng Matanda.si Ronie taga rito lang din sa Quizon. sa Bulakan naman lumaki si Justin. Malaki ang bahay ng Matanda may apat na kuwarto na maluwag para sa kanilang tatlo. Papikit na ang mga mata ni Cendy dahil sa antok ng biglang, tumunog ang kanyang cellphone. "Sino naman kaya ito..?antok na ako." Sabay kuha ng celphone na nakapatong sa Mesa. From.JUSTIN ""Goodnyth..." To.JUSTIN "Goodnyh din.." reply nya dito Matagal tinitigan ni Cendy ang text galing kay Justin sa kanyang Cellphone, ng biglang umilaw ito hudyat na may tumatawag. Nakarihestro ang pangalang Justin. Tinitigan nya muna ito bago napagdisesyonang sagutin. "Hello...." "Hi, Natutulog kana.?" "Hindi pa naman." kanina lang papikit kana balik sa sarili. "Bukas daanan kita.?" Si Justin Pag aalok muli nito na isabay sya sa pagpasok sa school "Ha.! wag na nga ok lang ako." ""Sige na para my kasabay lang ako, please." "Wag na nga nakakahiya. Goodnyth na po." Pagpipigil muli nito. "Sige..Basta bukas,bye" "Anooong?" Biglang off ng CP sa kabilang linya. "Anong ibig sabihin non.? Ayan tuloy nawala ang antok ko." KUNABUKASAN... "Bye Nay." Habang palabas na ito sa gate ng bahay nila ng "Hi..Good morning?" Boses ng isang lalaki habang nakangiting nakatayo sa labas ng gate. "Justin.!ikaw?kanina kapa ba diyan? ""Hindi pa naman, Sabay na tayo.? Nanatiling na naka ngiti at naka tayo talagang bumagay dito ang white polo shirt at black Pants na suot nito. "Ha.!asan service mo.? Palingon lingon ito dahil wala namang makitang naka park na motor na ginagamit nito. "Wala iniwan ko.." "E ano? naglakad ka lang papunta dito? "Oo malapit lang naman, at exercise narin, halikana? my tricycle na. Yaya nito habang sininyasan ang papalapit na tricycle at wala narin magawa ang dalaga kundi sumakay. Habang pabulong bulong sa sarili.. "Gumawa talaga ang lalaking ito ng paraan para makasabay lang ako iniwan ang service niya at ngayon heto nag tricycle.?at katabi kupa?Cendy ano to.?Lord....hindi po ako makagalaw. Parehong nakikiramdam habang tumatakbo ang tricycle at dahil malapit lang naman ang skwelahan andito na sila. "Ahmm see you maya pauwe ?" "Ha..! Ok." Habang nauna na itong maglakad dahil nag bigay pa ng bayad si Justin. ""Sasabay parin daw sakin?O Lord bakit po ganito?pahingi po ng lakas please." Bulong sa sarili habang mabilis sa paglalakad papasok na hindi alam kong humahabol ba ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD