bc

Maghihintay Ako't Magpaparaya

book_age18+
295
FOLLOW
1K
READ
sensitive
brave
inspirational
drama
sweet
lighthearted
gorgeous
shy
like
intro-logo
Blurb

Kung magmamahal ka hindi dahil gusto mo, kundi dahil nararamdaman mo.

Paano ipaglalaban ang pag-ibig kung isang araw sa isang iglap nakalimutan ang lahat . Isang trahedyang mapagbabago ng lahat.

Si Cendy hanggang kailan Maghihintay?

Paano makakalimutan ang lahat kung nananatili itong buo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER: 1
"Good morning class..." Biglang pasok ng teacher, dahil first day of classes kaliwa't kanan ang mga nagkukwentuhan, maiingay na nagkakamustahan ang mga studyante. "Good morning Mrs. Martinez" Sabay sabay na pagbati nang mga studyante sabay tayo. ""Please sit down. "Welcome sa first day ninyo sa akin..I'm Mrs. Cleope Martinez, ang maganda ninyong adviser..joke!..." Sabay bawi nito, sa edad na kwarenta kasi masasabing parang dalaga parin ito kung gumalaw at kita sa personality nito ang pagiging mabait at mahilig magpatawa. Bilang adviser sa secondary fourth year halos kilala naman ng mga studyante ito. "At dahil first day natin ngayon, kailangan parin natin ipakilala ang isa't isa at i-welcome natin ang bagong studyante. "please...." Sabay turo sa pamamagitan ng palad sa isang studyante na naka upo sa bahaging kanan na tahimik ding tumayo. Naglakad ito papuntang harapan. "Hello everyone.. I'm Justin Ramos from Manila Bulacan ..." Halatang nahihiya dahil sa kunting garalgal ng boses nito kasabay ng maraming mga nagbubulungan sa gawing likuran nito. "Pogi naman" "Pwede"bulong bulongan ng mga klase. Habang nagpapakilala ang lahat mapapansin ang isang babae na panay ang sulyap dito. "Hoy,girl...Ms. Cendy Cruz baka matunaw sa titig natin.." Biglang nagulat naman nito at napalo ang katabi habang patuloy sa pangaasar. "Best.. ikaw talaga! muntik pa akong atakihin sa puso dahil sa pang gugulat mo. "Hehee..e kasi nga kanina kapa nakatitig diyan, kung pwede lang matunaw si mr. pogi kanina pa best.." "ikaw talaga best kahit kailan ako lagi nakikita mo? tumigil ka nga baka marinig tayo". Pagpipigil nito sa mapangasar na kaibigan. "Pero best pogi no? itsurang mayaman.." "ikaw talaga tumigil kana nga baka marinig tayo ni Mrs. Martinez..." Pabulong na sambit nito sa kaibigang mapangasar at dahil sanay na ito sa ugali ng kaibigan na si Mela ay hinayaan nya nalang ito. Parang kapatid na niya ito simula ba naman 1st year high school magkaibigan na sila halos lahat ng nanliligaw sa kanya o nag ka Crush ay halos ito na ang kumikilatis at lahat ng sulat na nakakarating sa kanya dadaan muna sa mga kamay nito siguro dahil din masasabi niyang ito'y mabuting kaibigan at mapapagkatiwalan, higit sa lahat hindi narin ito iba sa pamilya niya. "Best sa Canteen tayo please.." " i'm hungry na e".pag aaya nito. "Ano gutom ka agad?. ilang oras palang...?" "E kasi nga hindi ako nag breakfast.." Kasabay ng pagtunog ng bel, hudyat sa oras ng recess.. "O ayan Ms. Mela narinig na ang daing mo." "Ay salamat, siguro narinig tong pagaalburuto ng tiyan ko." "pero best kunting diet ha..!tumataba na tayo e." Pang aasar ni Cendy sa kaibigan. "Talaga?! hindi na nga ako kumakain sa gabi para mag kasya parin itong uniform ko, kaysa naman sayo nagbakasyon na lahat lahat wala parin dagdag "kamakain kaba?,"dugtong pa nito. "Syempre naman, sabi mo nga sayang tong uniform gagraduate na tayo sayang talaga!.." Pagpapaliwanag nito habang papasok ng canteen ng biglang napatigil dahil sa pakiramdam na parang may nakatingin sa kanya, para namang hinihila ang kanyang mga mata para lumingon sa bahagi nito at hindi nabigo ang kanyang mga mata, dahil sinalubong din nito ang kanyang mga mata parang tumigil ang pintig ng kanyang puso..tug.. tug..tug..ng biglang....! "Hoy!.best ano na!.ano order mo?" "Ha..!" parang tangang tumingin sa kaibigan "Ano ba?kanina pa ako tanong ng tanong sayo kung ano kakainin natin hindi ka naman kumikibo." "Ay.. oo kahit ano best" "Anong kahit ano! hindi kaba nagugutom?". Ayan pili kana at ito sakin sopas, my favorate sopas..."sabay tawa. Panay parin ang daldal ng katabi pero parang hindi naman ito naririnig ni Cendy, dahil sa hindi naman gutom ang nararamdam nito kundi parang lumulutang sa kanyang kinatatayuan. Dahil sa titig ng lalaki sa may dulo ng lamesa. Habang kumakain sila may biglang lumapit, ang isa sa Classmate nilang lalake na ka batchmate lang nila noong 3rd year high. "Hi "Cendy kumusta?" "O..! Hi hello...Ronnie tama?." paninigurado nya. "Oo' ahmm pasensiya na sa istorbo, may gusto kasing makipagkilala sayo". Hindi paman ito tapos sa sinasabi ng may lumabas sa gawing likuran nito.. "Hi...ahmm i'm Justin Ramos..." Sabay abot nito ng kamay. Habang hindi naman makatingin ng maayos si Cendy dito, habang naghihintay ng sagot, mga tatlong minuto lang naman ng biglang. "Hoy...! best ...?" Sabay siko sa katabi. "Ha! ano?" Halos nagising sa pagkawala sa sarili si Cendy hindi alam ang gagawin, sino ba naman kasi ang magaabot ng kamay kung alam mong yelo na ito sa lamig... "O Hi...kain tayo..? Tanging ito lang ang lumabas sa bibig nya at hindi talaga kayang mag abot ng kamay dahil sa panlalamig ng kamay. Isa pa kumakain ito at hawak ang kutsara at hindi maintindhan ang gagawin. "No thanks katatapos palang namin kumain". pagtangi nito sa kanya. Sabay baba nalang ng kamay at nanatiling naka tayo sa gawing harap nila. "Ah Cendy si Justin nga pala pinsan ko, side ng mother ko.." Paliwanag ni Ronie ng pumagitna ito sa biglang tahimik na sitwasyon. "Pinsan mo pala e bakit hindi mo kamukha? "Ahm pogi siya hehe". biglang sabat ni Mela at pang aasar sa kaklase siyempre kahit papano matagal narin niya itong kilala. "Hoy best..! pag saway nya dito. "ay naku Ronie wag kang maasar dito ganito talaga to.." "Ok.. lang yan dalawang paligo lang naman ang lamang nitong pinsan ko nato sakin.." Sabay paliwag at tawanan lang na may kasamang pangaasar ang ganti nito na may kasamang siko. ""Justine right.? Bakit ka nga pala lumipat dito sa Quezon? e parang mas maganda naman magaral sa Manila". Dahil sa kawalan ng itatanong ito nalang ang lumabas sa bibig nya "Bakit ayaw mu ba ako dito?.sige alis na ako."! "Naku hindi!. Pagpigil nya dito. "nagtatanung lang naman ako pasensiya na". "Joke lang.,nagbibiro lang naman ako, malumanay na pag bawi nito. "Pasensiya na uli..." pag uulit nito "Ay suss...namumula mula kana diyan at kasing kulay mo narin yang spaghetti na kinakain mo.." Pang aasar muli ni Mela sa kaibigang hindi alam ang sasabihin.. "Ahmm Mag isa nalang kasi lola namin kaya kailangan na ng kasama. Kaya kami nalang nitong pinsan kung si Ronie ang naatasan na magbantay kay lola." "Oo at wala kaming magagawa, special bodyguard kami ni Lola..grrrrr...hahaha" Ani ni Ronie na may kasabay na pagpatotoo at pabirong pagpapaliwanag. "Ay..ok." ito na naman tayo sa maiksing sagot sa mahabang paliwanag dahil ni hindi nga makatingin ng deritso si Cendy sa kausap nito, dalawa lang ang direksyon ng tingin nito kay Mela at Ronie lang. "Ops!.tama ng usapan tapos napo ang breaktime at dahil po sa inyong dalawa hindi na naka kain tong best friend ko.." Si Mela sa pabirong paninisi nito sa dalawa. "Ay oo nga sorry..." ani ni Justin nang mapatingin sa pagkain na nasa harap ni Cendy. "Naku! hindi ok lang busog pa nga ako pinilit lang ako nitong bestfriend ko ." "Pinilit ka diyan at kung hindi dahil sakin wala yan ngayon sa harap mo."sabi ng kaibigan na parang kinikilig Pabirong bulong nito na may kasamang kiliti sa baywang ni Cendy. ""Hoy.!tumigil ka nga ikaw talaga pasok na tayo?". Pag iiba nito ng usapan at mabilis itong naunang maglakad sa tatlo. "Hoy..!best wait !.." Wala namang nagawa ang tatlo kundi sumunod habang pabirong nagkukulitan ang dalawang lalake na may kasamang pangaasar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook