CHAPTER: 15

3657 Words
"Anak ok kalang?ang lalim ng iniisip mu, kung may problema ka nandito lang ako palagi makikinig anak." Si Aling Marlyn habang nagluluto ng panghapunan at napansing malayo ang iniisip ng anak habang nakaupo ito sa Supa. Bukas nga ang TV, hindi naman rito nakatingin si Cendy. "Nay masama bang hindi agad magpatawad ng tao?" "Hindi naman anak, dipende sa ginawang kasalanan, bakit anak?" "Nay pasensya napo, nandiyan po ngayon kila Ronie si Justin," "Ha!O anong nangyari?ginugulo ka nanaman?" "Hindi po, humihingi po ng tawad at nagmamakaawang muli kung tanggapin, Nay nahihirapan po ako, ramdam ko parin po yong sakit na nangyari." Hindi na napigilang mapaluha, at ibuhos ang nararamdaman sa Nanay na laging karamay sa lahat. "Anak may mga pangyayaring hindi natin sinasadya, minsan nagagawa natin yon, dahil sa biglaang bugso ng isip at damdamin at sana anak!mapatawad mo rin ako, sana maintindihan moko sa nagawa ko," "Bakit po Nay? Wala naman po kayong ginawang kasalanan ah," "Mayron Anak, naalala mo nong gabi na hindi mo magawang sabihin sakin, inabutan kitang nakatulog sa pagiyak, awang awa ako sayo noon anak, kaya pinakialaman ko yang phone mo, nagawa kong e block ang f*******: ni Justin, yon ang naisip kung solosyon anak, kaya patawarin moko anak," "Nay? Kayo po?buong akala ko si Justin?pero ok lang po ,naiintindihan po kita, bilang isang Nanay na kapakanan ko lagi ang iniisip" "Anak bigyan niyo muna ng panahon ang isa't isa, kung anong nandiyan sa puso mo, sundin mo." "Thank you Nay," ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Samantalang sa bahay ni lola Flor, si Justin nangangailangan din ng makakausap,pasado 10:00 na ng gabi nasa sala parin ito, umiiyak habang malayo ang iniisip, napansin ito ng matanda. "Apo tama na yan, hindi kapa naghahapunan". si Justin habang nakaupo at umiiyak, nakasandal ang ulo sa bahagi ng sofa. "Lola sobra ko pong nasaktan ang babaeng mahal ko," "Apo, ang nagmamahal hindi nawawala ang mga pagsubok, kaya alam natin hindi madali ang lahat kay Cendy." "Lola hindi ko maintindihan, kung bakit nangyari itong lahat saakin?" "Apo alam naman nating lahat, simula nong maaksidinte ka, pray lang lagi apo, kung kayo talaga ni Cendy ipagkakaloob yan sa inyo ng diyos," "Lola miss na miss kuna po siya, sana bago ako umalis bukas magawa niya akong harapin at kausapin kahit saglit man lang," "Tama na yan apo, makakasama yan sayo, kumain ka muna, simula pagdating mo hindi kana kumain ng maayos," "Ok lang po Lola hindi naman po ako nagugutom mamaya nalang po papasok po muna ako ng kuwarto, " Matamlay na tumayo patungo sa dati niyang kuwarto. Dahil naramdaman ng matanda, ang bigat ng kalooban ng apo, Pinuntahan nito ang isang apo, si Ronie sa kuwarto nito. "Ronie apo pakitawagan nga si Cendy gusto kulang makausap," "Ha!Lola hating gabi na po, mahigit 11:00 napo, baka tulog na yon nakakahiya," "Sige na apo, naaawawa lang kasi ako sa pinsan mo baka kung ano namang mangyari diyan, ayaw kumain bukas daw babalik na siya ng bulacan," "Sige Lola subukan po natin kong sasagutin niya." Mabilis ding kinuha ang phone, sa bahaging mesa sa tapat ng kama nito. Krrrrrriiing....Krrrrrriiing... "Hello.." Dama sa boses nito na nagising dahil sa tunog ng cellphone. "Cendy, psensya na nagising ba kita?" "Ok lang," kahit naka pikit, "Napatawag ka?" "Pasensya na ha!si lola kasi gusto kang makausap kahit saglit daw?" "Ha!bakit?" Biglang nandilat ang mga mata, "Hello Cendy, ang lola Flor ito, pwede kabang makausap iha?" "Ok lang po lola Flor, bakit po?" "iha pasensya kana ha, kung ako itong nakikiusap sayo sana mapagbigyan mo ako, please magusap naman kayo ni Justin bago man lang umalis ito bukas,i ha natatakot kasi ako sa ikinikilos nito ngayon, ayaw kumain iha sana kahit saglit magusap kayo," "Sige po lola, naiintindihan ko po kayo, anong oras daw po ang alis niya bukas?" "Hindi naman sinabi iha," "Ah sige po, txt nalang po ako kay Ronie pasensya napo maski po ako ay nahihirapan din po." "Alam ko iha, kaya please nakikiusap ako salamat," "Upo lola, pasensya napo, magandang gabi po uli babye po,"nawala ang antok ni Cendy matapos ang paguusap nila ni lola Flor, nakaramdam sya ng hiya dito dahil pati ang matanda ay nadadamay at nakikiusap. "Paano ba?bahala na bukas si God na ang bahala, kung anong dapat?" Sa kaiisip nakatulog nalang kung pano bukas?. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Maagang nagising si Cendy kinabukasan, nang may bilang maalala. Lumabas nang kwarto at hinanap ang ina. "NAY Linggo pala ngayon?" "Oo anak, magsisimba kaba?" "Maya nalang pong hapon, kayo po?" "Ngayon umaga anak, kasi deritso ako mamamalengke, may ipapabili kaba anak?" "Wala po Nay, marami panaman pong prutas sa ref," Before 7:00 umalis na si aling Marlyn, nagmadali ring naligo si Cendy, nagbihis at umalis dahil hindi panaman gaano katirik ang araw naglakad lang ito papunta kila lola Flor. "Tao po,"Habang nasa tapat ng tindahan, dahil wala namang gate ang bahay, Maya maya lumabas ang matanda, "Oy iha!ikaw pala tuloy ka," "Lola Flor magandang umaga po," "Halika,iha pasok ka," Habang naka upo sa sofa palingon lingon si Cendy, "bakit wala namang ibang tao rito?maliban kay lola plor, huli naba ako?nakaalis na siya?" Nakaramdam ito ng lungkot at pagaalala. "lola Flor si Ronie po?" ito nalang ang alam niyang dapat itanong, na sana asan po si Justin?. "Ay iha, maagang nagsimba, iwan koba don dati sa hapon ang simba non." "Siguro alam niyang darating ako, umiiwas nalang ito, alam kung masakit din sa kanya ang ganitong sitwasiyon," ito ang alam niyang dahilan, kung bakit maaga itong umalis. "Pasensya kana iha, sandali tawagin kulang si Justin," Mabilis na umayo ang matanda, na parang na excite sa ginagawa. Ilang minuto rin palinga linga si Cendy habang nakaupo sa sala, na halos umaangat ang sikmura sa pakiramdam. "Bakit ibang iba ang pakiramdam ko ngayon?parang hindi ko kilala ang kakausapin ko ngayon?" Maya maya lumabas ang matanda, na malungkot, at nawala ang kanina lang napaka sigla nito. "iha pasensya na, ayaw lumabas bakit daw ako ang gumagawa ng paraan, ok lang daw siya kailangan niya na daw umalis,iwan ko ba sa batang yan, "Lola pasensya napo, intindihin nalang po natin," "Salamat iha, napaka bait mo parin sa kabila ng lahat," "Wala po yon lola, nasaan po siya?" "Andon sa kuwarto niya, nakabihis na inaayos lang yong ibang gamit na naiwang niya dito ,dadalhin niya na daw." Malungkot na tinig nito. "Lola ok lang po?puntahan ko po?" "Buti pa iha, sige na iha sa bandang kanan na kwarto, naka bukas naman yon, at talagang nagaalala ako sa batang yan". Tumayo man ito, nanginginig naman ang mga tuhod habang papalapit sa kuwartong itinuro ng matanda. "Tama ba itong ginagawa ko?lord please po, bigyan niyo po ako ng lakas," Kahit nakabukas ang pinto, humingi parin ito ng pahintulot, kumatok ng tatlong beses. Wala namang boses na narinig, isang malita ang nakita niyang naka tayo sa may pintuan, kaya't dumeritso nalang itong pumasok. "Bakit ka nandito?" Mahinang tinig nito, habang nakaupo sa bandang gilid ng kama. "Anong oras alis mo?" "Maya maya, hinihintay ko lang si pinsan, may ibibilin kasi ako," "Ok, anong sasakyan mo?" Hindi paman natatapos ang tanong ni Cendy, mabilis itong tumayo at walang pasintabing niyakap ng mahigpit ang babae na parang poste lang sa pagkakatayo. "Kamusta kana mahal ko?salamat at nayakap kita muli, masaya na akong uuwi," "Bakit anong akala mo?basta nalang ako papayag na umalis ka?na nasasaktan ako, at si lola Flor?" Gumanti rin ito ng yakap, at parihong umagos ang mga luha. "Mahal totoo ba ito?nayayakap kita?" Biglang angat sa pagkakayakap, at bahagyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng babae, tumagal ng ilang minutong titigan ng dalawa, ng dahan dahang lumalapit ang nananabik na mga labi. Ilang minutong naglapat habang nakapikit, para muling iparamdam ang totoong nararamdaman sa isat isa. Ang sabi nga,makalimot man ang isip,ang puso ay hinding hindi. "Justin tama na, baka makita tayo ni lola Flor," "Cendy miss na miss na kita, patawarin mo ako sa lahat na nagawa ko, hindi ko sinsadya ang lahat mahal," "Justin, bakit ka nagmahal ng iba? Yon ang pinaka masakit, na halos mawala ako sa sarili ko," "Mahal kalimutan na natin yon, ayaw kuna rin maalala ang panahon na yon, dahil nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko na ngayon pinapangako ko, mahal hindi na kita muling sasaktan, babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sayo mahal ko," Muling hinagkan ang noo, ilong pababa sa mga labi na nananabik din sa pagkakataong ito. Hindi narin napigil ng babae ang nananabik na halik ng lalaki hangang sa ilalim ng mga tainga at liig nito. Sa pagkakataong ito, nagkaroon na ng disiplina si Justin,na dapat may hangganan lang, wag ang hindi pa dapat. "Pasensya kana mahal, namiss lang kita ng sobra". Si Justin habang pinupunas ang mga luha sa pisngi ng babae, sa pamamagitan ng mga daliri nito. "Ako rin mahal, salamat at bumalik ka kamusta kana?yong mga therapy at checkup mo?" "Ok napo ako, ok napo ang lahat itong puso ko nalang ang hindi pa okkkk," "Weee...sige na nga para maging ok na ok na yan, yayakapin nalang kita ng mahigpit, at bibigyan ng isang kiss". isang mahigpit na yakap, at matamis na halik sa bahaging gilid ng mga labi nito. "Cendy mahal hindi parin ok, aray!" bahagyang napapikit kunwari. "Aba, iba na yan?ito gusto mo?akmang kukurutin sa tagiliran na mabilis namang naka ilag ang lalaki. "Hindi parin ok baby ko, please," Si Justin muling nag tangkang makahalik, ng maharang ng kamay ni Cendy ang labi nito. "Hoy, nakakahalata na ako niyan?abuso na yan, tara na nga, naghihintay satin si lola flor. "Mamaya na, dito lang tayo, gusto kong makasama kapa, at sana hindi na matapos ang araw na to". Sabay kabig sa babae, at parang ayaw ng paalisin sa pagkakayakap nito. "Mahal nakakahiya sa lola mo, baka kung ano ng iniisip non satin?babae po ako," "Alam naman yon ni lola, kasi napagdaanan naman niya ito hehehehe." Natawa narin si Cendy sa biro nito. "Hoy ikaw talaga, halika na." Hila ang mga kamay ng lalaki na ayaw paring tumayo mula sa pagkakaupo sa kama, Kaya't nahatak nito ang babae, sinadya nitong mapahiga, dahilan para makadapa sa kanya si Cendy. Natigilan ang dalawa, dahil naging sakto ang pagtapat ng mukha ng mga ito. Muling nagkatitigan, na parehong naghihintay ng susunod. At niyakap ng mahigpit ng lalaki, para hindi makaalis ang babae. "Justin no," "I love you Cendy," Bulong sa isat isa. "Justin, Cendy?" Tawag ng matanda, at dirediretso itong pumasok, dahilan upang mabilis na tumayo ang mga ito. Nagulat ang matanda, dahil mabilis na tumayo ang dalawa. "Lola pasensya na po, si Justin po kasi ayaw pang lumabas". Paliwanag ni Cendy, at hindi makatingin ng diretso sa matanda. "Ok lang yan, alam kung miss na miss niyo ang isat isa, pero wag munang gagawin ang hindi pa dapat gawin ha! Justin apo, ikaw ang lalaki," "Upo lola, kailangan pa naming magtapos," Halatang nahihiya rin sa nangyari, "Tama yan, kaya labas na kayo at may hinanda akong meryenda, sumunod na kayo ha!" "Upo lola, sorry po," "Halika na iha," Habang papalaabas na ang mga ito. "Upo lola Flor, ikaw kasi nakakahiya tuloy," Sabay kurot sa lalaki, habang hawak nito ang isang kamay ni Cendy. "Aray,hahahaha lola o inaaway ako,"Habang naghaharutan papalabas ang dalawa,nangingiti nalang ang matanda. "Lola kapag tumawag po si Mama pakisabi po Tuesday nalang ako uuwi," "Apo diba may pasok kana bukas?" Habang naglalagay ng tubig sa baso sa harapan ng dalawa. "Upo, ok lang yon hindi ko naman po ipagpapalit makasama itong mahal ko." Sabay tingin sa katabi na namumula. "Oy!grabi ka?may pasok kana pala, sige na ok lang ako umuwi kana muna," "Mahal hindi mu ba ako namiss?at pinapauwi muna agad ako?" "Miss na miss po kita, kaya lang may pasok kana pala," "ikaw ba iha?kailan pasok mo?"Dugtong ng matanda, na natutuwa sa mga biruan ng dalawa. "Next week pa po lola Flor," "Mahal sama ka muna sakin sa bulacan?please," "Ano?hindi pwede, hindi papayag si Nanay," "Sige na ipagpapaalam kita kay Tita Marlyn," "Bahala ka, pero alam ko hindi papayag yon, kasi nagtatampo rin yon sayo." "Ay oo nga pala, kailangan ko rin humingi ng tawad, at paumanhin kay Tita Marlyn," "Oo nga buti alam mo?Kaya maghanda ka sa sasabihin mo," Panunukso, kunwari tinatakot ang lalaki. "Lola alis po muna kami ni Cendy, punta muna kami sa bahay nila," "O sige, ikaw bahala magbigay galang sa Nanay ni Cendy," "Upo lola, kayo na pong bahala kay Mama," "Ok apo, iha Cendy salamat ha, bahala kana diyan sa apo ko". "Upo lola Flor, salamat din po at sa masarap na hotcakes, " "Walang anuman iha, salamat uli dahil," Hindi na naituloy ang ibig sabihin, dahil suminyas nalang ang mga mata nito, nakaturo sa lalaki. Naunawaan din ni Cendy ang ibig sabihin nito. Naglakad lang ang dalawa, papunta sa bahay nila Cendy. "Mahal nahihiya ako wag na, may mga nakatingin satin". Pilit inaalis nito ang mga kamay, mula sa pagkakahawak ng lalaki. "Mahal, ikinahihiya mo na ba ako?" May tampo ang tanong nito. "Aba, hindi no tampo naman agad ito?syempre babae ako." "Hehehe biro lang po,naiintindihan po kita wag kana magdamdam miss na miss kulang ang baby ko." "Weee...Ok na andito na tayo at andito na yata si Nanay, Patay hindi ako nagpaalam kanina," "Ha! Bakit? Mapapagalitan ka nga non," Hindi nga nagkamali, nakauwi na mula sa palengke ang Nanay nito. Pagpasok ng gate, nakita nilang bukas ang pinto kaya tuloy tuloy lang ang dalawa papasok sa loob. "Anak, babae naba talaga ang lumalapit sa lalaki?" Salubong ng ina, habang nakupo sa sala. Dahilan para tumigil sa b****a ng pinto ang dalawa at natigilan ang mga ito. "Nay, sorry po, nakiusap po kasi sakin si lola Flor," "At pumunta kanaman agad? Anak babae ka, panget tingnan," "Tita, mano po ako," Habang umiiyak si Cendy, nagpatiuna si Justin lumapit ito sa kinauupuan ni aling marlyn. "Tita patawarin niyo po ako hindi ko po sinasadya ang lahat, dahil po sakin kaya ngayon napapagalitan niyo po si Cendy. Tita ako nalang po ang pagsabihan niyo, wala pong kasalanan si Cendy," Umiiyak na Lumuhod sa harapan ni Aling Marlyn. "Justin iho, wag tumayo ka diyan maupo ka. "Oo ikaw ang dahilan kung bakit?naging ganyan ang anak ko, ginagawa ang lahat para sayo samantalang ikaw walang ibang ginawa kundi saktan ang anak ko." Mataas ang tinig ng busis nito. " Nay tama na," lumapit si Cendy, umupo sa tabi ng Ina. "Hindi anak, gusto kulang ipalam kay Justin, kung ano ang naidulot sayo, sa mga ginawa niya na halos mawala kanarin sa sarili." "Tita patawarin niyo po ako, hindi ko po sinasadya ang lahat, kahit po ako hindi ko matangap na nagawa ko yon sa babaeng mahal na mahal ko." "Nay, pasensya napo kung hindi po ako nagpaalam sayo kanina, sorry po," Sabay yakap sa Ina, para kahit papano gumaan ang pakiramdam nito. "Justin, mahal na mahal ko ang anak ko ayaw kung nakikita itong umiiyak at nasasaktan, alam mo naman kung gaano ako nagtiwala sayo alam mo yon;" "Upo tita, I'm so sorry po humihingi po ako ng tawad sa inyo," "Salamat iho, O siya magluluto lang ako, dito kana kumain pinapaiyak niyo kong dalawa," Sabay tayo, at punas ng mga luha sa pamamagitan ng mga daliri nito. "Salamat Nay, tulongan kuna po kayo?" "Wag na anak, manood nalang kayo ng TV ni Justin," Tumuloy na ito ng kusina. "Thank you, natakot ako don, pero naiintindihan ko naman si Tita," Sabay hawak sa isang kamay ni Cendy, pabulong na sabi nito. "Kasi po mahal ako ni Nanay, nasaksihan niya lahat ng pahhihirap at pagiyak ko kaya simula ngayon umayos ka! " "Upo hindi napo mauulit, maya pala mahal simba tayo sa hapon?" "Oo nga, at kailangan natin dalawin si Manong Park, nalungkot din yon at naghihintay palagi saatin," "Sorry Mahal, alam kong nasaktan kita ng sobra, salamat kasi hindi kaparin sumuko, alam mo noong bigla kang umalis doon sa Hospital, hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nasabi ko yon sayo, kahit iba ang nasa puso ko at nagalala ako kasi magisa kalang nagbuahe pauwi, kaya nauunawan ko si Tita kung nagalit man sakin, kasi pano kung may nangyari sayo." "Kalimutan na natin yon, kasi halos hindi ko maramdaman ang takot noon, nakaramdam lang ako nong sabihin ng Conductor na Quizon province, my bababa ba dito?" "Mahal, lagi mong iisipin ikaw lang ang mamahalin ko,habang akoy nabubuhay,simula ngayon babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sayo". Bahagyang yumakap ito, habang nanonood ng TV. "Wow grabi naman, ang laki laki naman ng kasalanan na yan, thank you po." NAGSIMBA ng pang 3:00 o'clock sa hapon ang dalawa, pagkatapos tumuloy sa park, kung saan muling naalala ang kanilang sinimulan. Hindi naman pumayag si Aling Marlyn na sumama sa bulacan si Cendy. Naunawaan naman ito ni Justin, alam niyang bilang isang Ina, kapakanan ng anak ang iniisip nito, bilang nagiisang anak na babae. Bumalik ng Bulakan si Justin, na punong puno ang saya at pagmamahal. "Papa andito na ako, kamusta kayo?" Pasado alas 8:00 na ng umaga ng dumating ito. "O Anak tinanghali ka yata? kumusta yong bakassyon?" Habang naglilinis ito ng sasakyan, at kahahatid lang sa mag ina. "Mano po Papa, si Mama po?" "Kahahatid kulang anak sa dalawa, ano kumusta ang lola mo?" "Ok naman po si lola, ayaw parin tumigil sa pagtitinda," "Hayaan muna yon, libangan niya nalang yon, alam mo naman ang matatanda, ayaw pumirme. "Oo nga po, ang lakas lakas parin ni lola," "E si Ronie kumusta?" "Ok naman po, nasasanay nalang kasama si lola, paminsan minsan umuuwi rin sa kanila." "Oo nga pasalamat tayo at hindi niya iniiwan ang lola mo," "Upo, papa may pagkain po tayo? may pasok po ako mamaya". Pagiba nito ng usapan, dahil kahit papano ramdam parin niya ang sakit na ginawa ni Ronie, ang subukin nitong mahalin si Cendy. Kahit nagpaliwanag man ito ng maayos sa kanya, andon parin ang sakit at galit sa ginawa nito bilang pinsan. Ngunit andon parin ang pasasalamat, dahil kahit papano inalagaan nito si Cendy, na hindi niya magawa noon. LUMILIPAS ang mga araw, linggo at buwan ,na laging laman ng tawag at txt ang isa't isa. Minsan OA na nga, umaga pagkagising, sa tangghali, sa hapon at bago matulog. Diba nakakasawa rin? No.kasi sa nagmamahalan walang napapagod at nagsasawa o naiinis. Bagkus maslalo naipaparamdam ang lubos na pagmamahal. Ganon ang dalawa, walang pinapalampas na oras, kahit malayo sa isat isa iniiwasang masaktan muli ang isat isa, dahil sa trahedyang nangyari, ay wala ng mas sasakit pa doon,. Wala na nga ba? Pano kung mayron? na mas masakit pa doon? ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Sampal sa magkabilang pisnge, na halos manghina na dahil sa pagiyak at galit. "Hangang kailan mo ba kami bibigyan ng problema Anak?" Napaupo ito ng sofa, pagkatapos masampal ng maraming beses ang umiiyak na si Justin, katatapus lang maghapunan ng mga ito, kaya pala halata ang pagiging matamlay ni Justin galing school. Dahil ito mismo ang nagsabi na buntis si Meshel, ang naging girl friend niya ng ilang buwan. "Mama hindi ko po sinasadya, hindi kopo alam ang gagawin ko!" Habang nagmamakaawang lumapit sa galit na galit na ina. "Ngayon?sasabihin mo hindi mo alam ang gagawin mo?magisa kang lutasin yan, bahala ka sa buhay mo." Sigaw nito, na muling sampalin ang anak, na nagpapaubaya lang sa ginagawa ng ina. "Hon! tama na yan?" Awat ni Mang Melchor sa asawa, na nagtitimpi rin. "Papa, patawarin niyo po ako, hindi kopo sinasadya," "Justin pumasok ka muna ng kuwarto mo? kasi baka diko mapigil ang sarili ko". Halos nangigigil,at nanginginig rin ang busis nito. "Wala kanang ginawa, kundi saktan kami ang mga taong nakapaligid sayo, ngayon anong mukha pa ang ihaharap mo sa pamilya ni Cendy?" Nanghihina man sa pagiyak, ito parin ang nasabi ng ina, habang papaakyat ng hagdan si Justin, na halos wala rin sa sarili. "Diyos ko, anong nangyayari sa anak namin?" "Tama na Hon?pahinga na muna tayo?bukas na natin pagusapan yan?" Pagbibigay lakas ng asawa, at pilit inaakay papasok ng kwarto. "Hon, anong gagawin natin?" "Hon bukas na?para makapagisip tayo ng maayos, matulog na muna tayo." Pag pipigil ni mang Melchor, sa asawa. Ano mang problema, ay may dahilan na hindi alam kung pano ito matatapus. "Hello Melchor anak napaka aga naman, napatawag ka? Habang nagluluto ng breakfast si lola Flor. "Nay,pasensya na po, hindi kuna kasi alam kung bakit?nangyayari ito sa pamilya ko?" Habang nakaupo sa isang sulok ng gardin sa gilid ng bahay, na may upuang kahoy sa bahaging ito. "Ha!bakit anong ibig mong sabihin Melchor?" "Nay nakabuntis po si Justin, dalawang buwan na daw ho," "Diyos ko, ano bang nangyayari sa batang yan?kagagaling niya lang dito tapos ganyan?" "Nay kayo napong bahala diyan sa pamilya ni Cendy? ipaliwanag niyo nalang po ang mga sinabi ko," "Melchor ayusin niyo yan?ano bang nangyayari sa batang yan?siya sige, ako ng bahala dito." Halos manglumo rin ang matanda sa narinig, na balita sa anak. Kayat hindi na nagisip pa, wala naring mangyayari kung patatagalin pa. Nagpasama sa apong si Ronie, sa bahay nila Cendy. Halos hindi makaimik ang lahat sa sinabi ng Matanda. "Pa walang galang napo, lola Flor, Ronie hindi ko po maintindihan ang lahat?bakit ganito ang nangyayari?pasensya napo gusto ko po munang mapagisa, Nay sa kuwarto po muna ako.". Paalam ni Cendy, na halos namanhid sa narinig mula sa matanda, Kasabay ang pagpatak ng mga luha. "Marlyn, pasensya na, kami man ay hindi makapaniwala sa nangyari," "Upo, ako man po ay nasasaktan, dahil naging bahagi ng problema ng pamilya niyo ang anak ko," "Marlyn humingi kami ng tawad, maiintindihan namin kung ano man ang magiging desisyon niyo, o galit saaming pamilya at kay Justin. "Pasensya nadin po, ito narin siguro ang panahon para, putulin muna ang kaugnayan natin sa ating mga pamilya, babae ang anak ko, masyado na siyang nasasaktan, simula ng maging bahagi siya ng buhay ni Justin." Hindi man maganda ang pagtatapos ng paguusap, naging mainahon parin sa kabila ng maayos na paguusap, pagpapakumbaba. Maging si Ronie man ay hindi na nakapagsalita. Tumatak sa isip nito, ang sinabi ni aling Marlyn na putulin na ang anumang ugnayan sa pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD