CHAPTER: 16

3411 Words
"Best bakit kailangan mong baguhin ang lahat, Pati ba love life,may magbabago?," Pagbibiro nito habang kumakain ang dalawa sa isang Restaurant. Dahil Birthday kahapon ni Mela, ngayon naman ang treat niya sa best friend na minsan nalang magkita, dahil magkaiba ang pinapasukang college ng mga ito. "ikaw talaga?kumain na tayo, Happy Birthday best, tumatanda na tayo best," palinga linga nito, maiba lang ang usapan. Dahil tama ang lahat ng tinatanong ng bestfriend, ngunit ang puso, mahirap turuan ninoman. Ang kasalukuyan, ang kailangan niyang baguhin, simcard, account sa f*******:, upang tuluyan niyang makalimutan ang lahat,subalit pano?. Ito lang ang naisip niyang gawin, ang maputol ang ugnayan nila ng pamilya Ramos?ito ang naisip niyang paraan, lahat kailangan baguhin at kalimutan . Hindi na niya kailangan pang kilalanin sino man ang mga kamag anak nito. Maging si Ronie man,o si Lola plor . Ang lahat ng alaala ay kanyang itinapon kung pwede lang itapon pati ang puso ginawa na niya ito. Ang tanging hindi niya kayang isama sa mga ito ang kwento ng kanyang buhay, ang tanging saksi ng kanyang puso at mga naramdamang sakit, na hindi pwede ibahagi sa iba. Ang Diary Note. ( "ito ba ang kapalit?ng aking pagibig, sakit pighati, sana hindi nalang kita nakilala, o nakita. Dahil sayo,tinuruan mong maging matigas ang puso ko sana sa kabila ng lahat, maging maayos parin ang iyong buhay. Aking iisipin na isang panaginip lang ang lahat, na ngayon lang ako muling nagising. Goodluck sa bago mong buhay. Thank's Diary") ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Masamang masama ang kalooban ng mag asawang Ramos. Nang ipatawag ito ng mga magulang ni Meshel ang sinasabing nabuntis ni Justin. "Pa walang galang napo sa inyo, hindi ko po pakakasalan ang anak niyo, ang bata lang ang kailangan kung panagutan," "Talaga palang wala ka sa sarili at paninindigan," ang galit na tatay ni Meshel. "Siguro po, tama kayo dahil alam ng anak niyo ang lahat, alam ni Meshel na bago ako, may nauna ng boyfriend siya ni hindi ko nga sigurado na ako ang ama niyan?" Sampal ang iginanti ni Meshel dito. "Walang hiya ka!sa harapan pa ng mga magulang ko?" "Bakit?totoo naman diba?alam natin na hindi ako ang naka una sayo?" "Tama na yan! bilang mga magulang ni Justin, ang bata lang ang pananagutan niya lahat ng pangangailangan ng bata." Paninindigan ni Mang Melchor, habang nakikinig lang ang parihong mga ina ng dalawa. Muling naging tahimik ang bahay ng mga Ramos, nagpatuloy parin sa pagaaral si Justin. Hindi narin niya magawang magparamdam pa sa pamilya Crus. Maging si Ronie na kanyang pinsan, ay hindi na magawang tawagan, dahil alam niyang wala na ang lahat wala ng dapat pang pagusapan. Mahal, ("Pinapalaya na kita, sana mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naibigay ko. Patawarin mo ako kong nasira ko ang buhay mo, Mahal hinding hindi kita makakalimutan, maswerte ang lalaking mamahalin mo at nararapat para sayo. Salamat sa lahat ng pinaramdam mo sakin, hindi ka nagkulang sakin, ikaw ang babaeng iibigin ko habang buhay. Magbago man ang panahon, walang makakahigit sayo sa puso ko. Magiingat ka palagi, at wag kang matakot magmahal muli.") Ito ang last massage niya mula sa f*******:, na hindi alam kung nabasa pa ito ni Cendy. Ngayong alam niyang nagpalit ito ng simcard at bagong account. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Three months later, naging busy sa mga reviewer si Cendy, dahil sa nalalapit na exam na kailangang ipasa. Bago tumungtong ng 4rtyear College. "Anak one year nalang, makakamit muna ang pangarap mo, at ng tatay mo," "Si Nanay oh natin po, kasi hindi tayo pinababayan ni GOD, kayo po ang lakas ko at sa gabay ni tatay tagumpay po natin ang lahat ng ito." "Salamat anak, at hindi ka nagpa apekto sa lahat ng nangyari, nagawa mong isan tabi ang lahat, pero anak wag kang matakot mag mahal uli," "Nay, dahil po andiyan kayo palagi, kakayanin ko po ang lahat. Saka nalang po ang magmahal ng iba." "Salamat anak, O siya linggo ngayon magsisimba kaba?" "Hindi na muna Nay, may tatapusin po akong reviewer." "Sige ikaw bahala, ako nalang muna," "Upo Nay, ingat po." Hindi lang masabi sa Nanay, na ayaw niya ng makita ang bahagi ng park,o ibang bahagi ng Simbahan. Siguro maghahanap nalang siya ng ibang simbahan na malapit din sa kanila. NAGSIMULA na uli ang bagong taon ng pasokan. Kailangan ipasa ang lahat ng exam, at mga project. Nagbago ang mga priority, sa kabila ng lahat. Si Mela ang tanging tinatawagan, kapag nagkakaroon ng time o walang pasok, pamamasyal ang naging bonding ng mag bestfriend. "O ano best?sayang ang ganda natin, wala parin bang pumapalit?" Panunukso ni Mela habang kumakain sa loob ng isang Mall. "Tumigil ka nga diyan, ako na naman ang napapansin mo?" iba ang priority natin ngayon,saka na yan." "Buti pa itong burgers, laging may kasama, tayo wala?" Habang nakatitig sa burger, at pasimpleng inaasar ang siryusong si Cendy. "Heehehe, saka na yang love life na yan, magtapos muna tayo, thank you best kahit matanda na tayo, lagi mo parin akong sinasamahan." "Oo naman miss Crus, basta wag kang magsasawa sa pagmumukha ko, pero best wag mong isasara sa iba ang puso natin ha?sayang ang ganda." "Ewan ko ba? parang ang hirap na magmahal," "Bakit naman best?kasi mahal mo pa?" "Siguro?piro wala ng dahilan pa, may pamilya na siya ang hirap bumangon at mag kunwari best," Biglang napayuko sa kinakain, na napansin naman ng kaibigan. "Kasi nga sobra mong minahal, kaya ngayon hirap kang bumangon?alam ko pinaparamdam mo samin na ok ka?pero ang totoo andiyan parin sa dibdib mo ang sakit," "Best bakit nangyari ito sakin?wala naman akong nagawang mali, para ganito ang balik sakin?" Tuluyan ng pamatak ang mga luha, na pilit hinaharang ng hawak ng panyo. "Best tama yan, paminsan minsan ilabas mo yan wag mong ililihim o kikimkimin, andito lang ako palagi." "Best salamat at andiyan ka palagi, ayaw ko kasing nagaalala sakin si Nanay kaya hindi ko pinapakita na ganito ang pakiramdam ko ang hirap magkunwari," Maraming mahahalagang araw ang dumaan, na hindi alintana ni Cendy. Birthday, Pasko, kahit ang araw ng mga puso ay hindi pinansin. Hindi tumatangap ng manliligaw, o anong nagbibigay motibo, about love. Pinaghandaan, ang nalalapit na board exam, lahat ng puyat, pagod ay napagdaanan. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ One year Later, naisilang ni Meshel ang batang lalaki. Maraming haka haka na hindi ito kamukha ni Justin, "Mama bakit? Wala po akong maramdamang lukso ng Dugo sa batang yon?" "Bakit? Siguro dahil kamukha ni Meshel?" gayon nalang ang sagot ng Inang si Meldred, dahil kahit ito hindi maatim na dalawin man lang ang sinasabing apo. "Hindi po Mama, maitim po ang bata, at makapal yong kilay, hindi ko nga po kayang kargahin, ewan ko ba parang wala akong excitement na naramdaman sa anak ko." "Kasi nga hindi ka handa, ako man wala akong maramdamang pananabik na makita ang batang yon?saka nalang," TWO months later nagkasakit ang bata, nagkaroon ng komplikasiyon sa dugo, kinailangan itong masalinan agad agad, Maraming test ang ginawa. Laking gulat at pagtataka ng mga magulang ni Meshel, kahit ang mga Doctors na tumingin o naka saksi sa lahat ng results, ay hindi makapaniwala. Ang lahat ay hindi nag match kay Justin. Kahit man lang ang dugo. O % ang test mula sa bata at kay Justin. Sampal ang inabot ni Meshel sa Tatay nitong galit na galit. "Ang laking kahihiyan itong ginawa mo?hanapin mo ang totoong ama ng anak mo." Umalis ng Hospital si Justin, na parang hindi makapaniwala sa natuklasan, parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Masayang, umiiyak at mahigpit na yumakap sa Ina. "Mama maibabalik paba ang lahat?nasira napo ng babaing yon, ang buo kong pagkatao." "Justin Anak?umayos ka nga ano bang sinasabi mo?" "Mama hindi kopo anak ang batang yon, nasaksihan ko po ang lahat kanina sa Hospotal." "Ano?anong ibig mong sabihin?" "Hindi po ng Match ang lahat ng test samin ng batang yon." Bagsak ang katawan, habang umiiyak na napaupo sa supa. "Diyos ko, ano tong nangyayari sayo anak?"bakit kaba pinaparusahan ng ganito?" "Mama hindi napo maiibabalik ang lahat, sinira po ng sitwasiyon ang lahat, wala napo ang babaeng naging buhay ko, sinira ng Meshel na yon." "Anak, wag ka munang magisip ng ganyan? Ang diyos ang nakakaalam ng lahat, ipaubaya natin ang lahat sa kanya. Ayusin mo muna ang sarili mo bago ka humarap sa kanya," "Upo Nay, aayusin ko po ang lahat, sisikapin ko pong makapagtapos, bago muling humarap kay Cendy," "Tama yan Anak, kahit man ako nagkaroon ng lakas ngayon." "Ang saya ko Mama, balang araw haharap ako sa babaeng mahal ko na walang pagaalinlangan, at simula ngayon hindi ako magmamahal ng ibang babae, binigyan po ako ulit ng pagkakataon at lakas ni God," Sabay yakap nito ng mahigpit sa Ina, na may kasamang halik sa pisnge. "O siya, pahinga kana at maya maya ako ng bahala magbalita sa Papa mo." "Upo Mama, thank you Lord," patakbo itong umakyat ng hagdan papasok ng kuwarto. Sa subrang saya, naisipan nitong tumawag sa pinsang si Ronie. "Hello insan, kamusta kayo ni lola?" "Ok naman, insan napatawag ka?" "Ang saya ko insan, dahil maaga kung nalaman na hindi pala ako ang ama ng anak ni Meshel, ibang lalaki pala." "Ha!Buti nalaman mo agad?binigyan ka ng responsibilidad na hindi naman pala sayo?" "Oo nga napaka gago ko insan, kamusta nakikita moba o nakakausap man lang si Cendy?" "Hindi na insan, last na nakita ko noong pomunta kami ni lola sa bahay nila last year pa yata yon hindi kuna rin nakikitang magsimba, hindi narin bumibili dito. Ang last na sinabi samin, kailangan na daw putulin ang ugnayan nila satin, yon ang sinabi samin ni aling Marlyn." "Nagsisisi ako insan, ako ang dahilan kung bakit nangyari ito, pero hindi ako susuko, sisikapin kong maibalik ang lahat," "Sana hindi pa huli ang lahat insan, napakabait ni Cendy alam kung malambot ang puso non, hmm pano kung huli na ang lahat?" "Sana magawa parin niya akong mapatawadat kung hindi na, yon ang pagsisisihan ko habang buhay. Insan baka magkita kayo kung may pagkakataon, bahala kana magpaliwanag sa kanya ha;" "Sige, Oo nga pala pinsan! malapit na yata graduation niya, kung hindi March ay baka May, ako kasi this April din," "Buti pa kayo matatapos na, ako 2 years pa, balitaan moko ha sa graduation mo, baka makauwi kami diyan," "Oo naman, sige na ang dami ko kasing reviewer ngayon ,nangangamuti na nga ako," "Oo nga no?Business add pala kinuha mo?Kaya mo yan insan, 3 months nalang tapus kana," "Hindi pa ,wala pang kasiguraduhan yan insan," Naging Normal ang lahat, si Ronie ang naging mata at detective ni Justin pagdating kay Cendy, na kailangan gawin kahit nasasaktan din ito sa nangyari, kailangan pagbigyan ang pinsan sa pakiusap nito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Three months later, malaking handaan ang pinaghandaan ng pamilya Crus, dumating ang mga kamag anak ni Cendy, side ng tatay at Nanay nito. Nagkatay ng baboy para sa malaking Salo Salo. "Congrats pamankin, insan, apo,may Nurse na tayo sa wakas. ito ang masasayang salubong ng mga dumating. Dumating ang lola at lolo sa side ng tatay ni Cendy, mga kapatid ni aling Marlyn, at mga pinsan ni Cendy. "Salamat po," Ito ang gabing hinihintay ni Cendy. Hindi paman nalalaman ang resulta ng board exam, lubos parin ang saya ni aling Marlyn. Time 6:00 pm. Nagumpisa na ang Ceremony, lahat naging excited, Cendy Crus T. Daughter of Mr/Mrs. Marlyn Crus, Congratulations . Halos tatlong hours ang tinagal ng Ceremony o programs kanya kanyang take ng picture. Habang masayang masaya si Cendy na nakiki halubilo sa mga kapwa Candidates of Graduates. May isang taong masayang nakatingin at proud na proud kahit nanonood lang sa bandang gilid ng intablado. "Mahal masaya ako, at nakapagtapis kana, hindi parin nagbabago ang mga ngiti mo, kahit papano nakita parin kitang masaya at naka ngiti masaya narin akong uuwi." "Nay salamat po," yumakap ng mahigpit bago mag take ng picture, Pati ang bestfriend si Mela naki picture narin. "Congrats bestfriend kong magiging Nurse na," Sabay yakap, "Salamat best, hindi pa naman po totoong Nurse. "Ganon din yon, best parang may nakita ako kanina?hindi ko sure kung siya nga yon?" "Ha, sino naman?" "Alam muna?" "Ano namang gagawin non dito?baka namalikmata kalang?" Nahulaan nito kung sino ang tinutukoy ni Mela, pero hindi rin mapigilang maghanap ng mga mata sa ilang bahagi ng intablado. Sa dami parin ng mga tao rito mahirap isa isahin ang lahat. ""Mis Crus may nagpapabigay sayo," lumapait ang isang guard at sabay abot ng isang Bouquet Pink Red Rose. "Thank you manong Guard, kanino po galing?" "Hindi naman po nagpakilala," "Ok po thanks ulit," Pagkaalis na pagkaalis ng Guard, panay hanap ng mga mata ni Cendy sa kung sino. "Ay wow,Hoy!kanino galing yan?" siryusong tanong ni Mela. "iwan ko nga?wala namang nakalagay kung kanino galing." "May duda ako best?sabi ko sayo parang nakita ko?" "iwan, bakit pa? Para saan pa? Ay naku best hayaan na natin kung kanino galing ito, halika kana hanapin na natin si Nanay at nagugutom na ako," "Buti pa nga, at naaamoy kuna ang lechon sa bahay niyo, hehehehe," talaga bang baliwala lang kung kanino galing?bakit hindi maalis sa isip. "Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, andito kaya siya?anong ibig sabihin niya sa bulaklak na ito? may pamilya na siya, para gawin pa ito?Bakit pa?". ito ang laman ng isip habang naghahanap kay Aling Marlyn,para yayain nang umuwi. Palabas na ng gate sa venue, ng may napansin si Cendy habang sakay ng kotse. May isang lalaki na nakaupo sa Motor ng patagilid, sa bandang gilid ng Guard house, naka black leather jacket ito, at naka sombrero na halos natatakpan na ang mga mata, kaya hindi niya ito maaninag ng husto, dahil sa ilaw ng Guard house. Sabay mabilis pa ng takbo ng kotse na minamaniho ng kanyang uncle Nilo. "Siya kaya yon?at itong bulaklak galing talaga sa kanya? Dahil ba nangako ka sakin noon, na hindi ka mawawala sa araw ng pagtatapos ko?at sinabi mo na magiging saksi ka sa tagumpay ko, tinupad mo nga, ngunit para saan pa? Justin". Habang hindi maalis ang paningin sa labas ng kotse, may mga luhang gustong lumabas. Na pilit pinipigil para hindi mapansin ng mga kasama sa sasakyan. Masaya mang nakikihalubilo sa mga kamag anak, hindi parin nagsisinungaling ang puso sa nararamdaman, ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ "Lola alis na po ako," "Ano uwi kana agad?" "Upo Lola, pasensya na po, dadalaw nalang po ako ulit," "O sige magiingat ka," FIVE Months later, muling nabigyan ng kasiyahan ang Pamilya Crus, pang 4 sa mga naka pasa ng board exam si Cendy. May mga public at privates Hospital na agad ng nag offer kay Cendy. "Anak ito na ang hinihintay natin?siguro kong buhay pa ang tatay mo ang saya saya non?" "Nay kahit naman po wala na ang tatay, kasama parin po natin niya sa lahat ng ito." "Oo naman anak,o ano handa kanaba? sa dami ng Hospital na nag offer sayo sa General Hospital ang pinili mong pasukan?" "Upo naman Nay, ang saya ko po ang dami gustong kumuha sakin, pero dito ko po gustong mag serbisyo sa lugar natin." "Goodluck Anak, magiingat ka palagi at wag makakalimot sa diyos, sa kanya galing ang lahat ng ito." "Upo Nay, don't worry po," bago sumabak sa trabaho, kinailangan munang mag relax ni Cendy at e enjoy ang natitirang bakasyon. "Best magiging busy na tayo sa mga susunod na buwan, kaya sulitin na natin itong pamamsyal natin," "Oo nga no? Kain muna tayo?tapus nood tayo ng sine." "Sige gusto ko yan." Masayang nagbibiruan sa pamamasyal ang dalawa habang nasa SM. Hindi nakaligtas sa paningin ni Cendy ang kasalubong na si Ronie. "Hoy mate ikaw pala kumusta?" Si Mela ang unang bumati at pumansin rito. Kaya napatigil nalang sa paglalakad si Cendy. "Ok naman, kayo?kumusta?kanina paba kayo?" "Kararating lang namin, ano kumusta Graduate kanarin?" "Oo kahit papano, sa tulong ni God, nakaraos narin, Cendy kumusta ka?" Humarap ng bahagya kay Cendy dahil halatang hindi makatingin ng deritso sa kanya ito. "Ha, ako ok naman, at hito ineenjoy muna namin ni mela habang wala pang work," "Ako nga rin, kailangan muna mag relax. Ok lang ba sa inyo kung samahan ko muna kayo?kain muna tayo?ako taya," "Ok sure ikaw bahala, diba Cendy?" sabay siko sa best friend nito. "Sige kayo bahala;" wala namang magawang patotol si Cendy, dahil kay Mela dahil naging kaibigan niya rin ito. Kalimutan muna ang sama ng loob kahit nadadamay lang ito sa pinsang si Justin. Si Ronie ang umorder ng lahat ng pagkain, At sa isang sikat na kainan sa loob ng Mall. "Ang dami naman nito?Ronie magbibigay ako ng share ha, ang mamahal nitong lahat." "Naku, Cendy wag na, para ka naman iba sakin, Ok lang yan kain na tayo?" "Oo nga naman best, hayaan mo na yan si Ronie magiging big time narin yan,hehehe," Si Mela habang nauna ng tumikin ng malutong na Crispy pata. "Hoy best! dahan dahan ikaw talaga," "Bakit ?gutom na me, kain na tayo, feel at home, hehehe," Hehehe,hahahah ...nakikisabay nalang si Cendy sa tawanan ng dalawa sa mga kilos ni Mela dahil sanay na sila sa pagiging Joker nito. Kahit puno ang bibig, panay ang tanong nito kay Ronie. Isang tanong na ikinagulat ni Cendy. "Kumusta pinsan mo?siguro malaki na yong anak non ngayon?" Hindi agad naka sagot si Ronie,nagkatitigan pareho ang dalawa, ng mapayuko sa kinakain si Cendy naghihintay rin sa isasagot ni Ronie. "Good news nga e, one year narin nakalaya sa responsabilidad si pinsan, kasi hindi naman pala sa kanya ang batang yon, niloko lang pala siya ng babaing yon." Hindi makatingin sa kausap habang ikikwento ang lahat, na bahagyang natigilan naman sa narinig si Cendy. "Ha!ano?hindi sa kanya?pano nangyari yon?" Si Mela at maslalong naging interesado sa nalaman. "Bago pa pala si Pinsan ,may boyfriend pala ang babaing yon. Na Hospital kasi ang bata, nalaman ni pinsan na hindi sila ng match ng bata." "Ano ba yan, bakit may mga babaing ganyan?gumagawa ng melagro tapos sa iba ipapasalo?at naninira ng buhay ng iba." Sabay tingin sa hindi makaimik na kaibigan. "Ganon naman talaga ang buhay, maraming pagsubok at tayo nalang gagawa ng paraan para malampasan ang mga yon." ito nalang ang nasabi ni Cendy, para hindi mahalata na naaapiktuhan siya sa kanyang narinig. "Cendy pasensya na, ngayon kulang ito nasabi, kasi ayaw na naming guluhin ka, kasi ang gulo ng pamilya namin." "Ok lang, kalimutan na natin yon, kung ang panahon nga nagbabago, tayo pa kayang mga tao;" "Talaga ba?e ang puso nagbabago rin ba?" seryuso kunwari itong si Mela at muntik pang mabilaukan sa kinakain. "Oo lalo't mauubos muna yang Crispy pata, kapag nasubrahan ka ng colesterol?titigil ang pintig ng puso mo." "Ay ganon ba?ikaw kasi Ronie bakit kapa nag order nitong crispy pata na ito, ayan tuloy puso ang masisira nito," Nagsisinyasan sa pamamagitan ng mga mata itong si Ronie at si Mela. Dahil parang nagiba ang tiyora, ng mukha ni Cendy. "Pasensya na sa inyong dalawa, Mela Cendy nasira tuloy ang masaya niyong bonding, Sorry pasensya na." paghingi nito ng paumahin, dahil nahalata niyang nawala ang saya sa mga mata ni Cendy. Ramdam niya na apektado parin ito sa nangyari. Ganon din si Mela, kaya ito nalang ang gumawa ng paraan, para baguhin ang usapan. Binanggit nalang ang mga trabahong papasokin ng bawat isa. dahil sa Course na tinapos. Si Mela sa Course na Tourism, Terminal 2 sa NIA Airport ma assign. Si Ronie naman bilang Bussness administration, kasalukuyang naghihintay nalang ng tawag. At si Cendy bilang isang Registered Nurse na kasalukuyang naghihintay nalang din ng schedule. Naghiwalay ang tatlo, na may kanya kanyang katanungan sa puso't isipan. Lalong Lalo na si Cendy. "Siya kaya yong nakita ko noong araw ng Graduation?bakit hindi niya nagawang lumapit?bakit hindi niya nagawang ipaliwanag ang lahat? Ano tong nararamdaman ko? Justin bakit kailangan mangyari ito? Ang gulo gulo na, sagutin mo". Muling pumatak ang mga luha, na puro katanungan lang ang nararamdaman. "Ano bang kasalanan ko bakit pinaparusahan moko ng ganito?ikaw ang madaming sakit na nagawa sakin, pero ako itong maraming luha ang ibinubuhos. Sana hindi ko nalang narinig ang lahat na sinabi ni Ronie, dahil natatakot akong umasa at muling masaktan." Habang hawak ang cellphone, hindi naman magawang e add ang lalaki sa bagong account nito. Dahil natatakot na muling magkaroon ng ugnayan, na muling sisirain ng panahon. Kaya hinayaan nalang mag off ang phone nito. "Lord, God kayo napong bahala sa lahat, sa panahon oras araw na kayo lang po ang nakakaalam, tanging hiling kolang po kung isang araw na magkita kami sana hindi pa binago ng panahon." -NEXT-❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD