Naging busy na ang lahat, may kanya kanya ng trabaho ang tatlo. Nasasanay narin sa ibat ibang pasyente si Cendy, mapabata man o matanda.
"Nurse Cendy may dumating na namang isang bouquet ng bulaklak sayo. Sigaw ng isang Nurse habang nagaayos ng mga record si Cendy.
"Grabi ka naman kung makasigaw, yon lang?kanino naman daw galing?"
"Kanino pa e di sa manliligaw mong walang name hehehehe.." Biro ng isang Nurse na ka doble niya ng time. Every weekend's ang dating ng deliver ng bulaklak para kay Cendy.
Halos kalahating taon na siya sa Hospital na ito, ni minsan wala man lang pangalan siyang nakita sa bawat bugkos ng mga bulaklak.
Misteryusong mga bulaklak na nga ang tawag nila dito.
"Nurse Cendy buti hindi nagsasawa ang nagpapadala niyan sayo?hindi naman nagpapakilala."
"bahala siya, magsasawa rin yon." piro ang totoo? nasa loob niya, may hinala kung sino?"
"Alam mo Nurse Cendy, may duda ako na isa sa mga Doctor o Nurse dito ang nagbibigay niyan?kasi sa ganda mong yan, marami ang nagkakandarapa diyan hindi maka porma sayo."
"Hoy tumigil ka nga diyan, baka may maka rinig sayo." Bulong nito sa kasama.
"Bakit totoo naman ah?ang ganda ganda mo, sino bang hindi magkakagusto sayo?"
"Ikaw talaga, oo na sige na trabaho muna, saka nalang yang mga lalaki na yan mahirap masaktan."
"Ay bakit sa ganda mong yan?sinong lalaki ang mananakit sayo bakit nasaktan kana ba ha Nurse Ganda?"
"Ay nako Nurse Cha, halika kana mag rounds na tayo, maraming pasyente ngayon." pagiwas nito sa usapan at nauna ng umalis.
"Aba tingnan mo yon iniwan ako?hoy! "Cendy hintayin moko." Sa araw araw na pasok,7:00am to 7:00 pm, three days lang ang day off sa isang buwan ni Cendy, kapag wala namang importanting lakad, itoy kanyang ipinapasok parin, dahil alam niyang maiinip lang siya sa bahay magisa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Paghingi ng lakas.
"Mama sa weekend po, uwi po muna ako kila lola?"
"Aba Anak? Napapadalas yata ang paguwi natin ng probinsiya ah?" Mapang asar ang ngiti ng Inang si Meldred kay Justin.
"Namimis ko kasi mga Lutong probinsiya ni Lola,"
"Luto ni lola o iba?ikaw wag kanang palusot alam ko nayan anak; Ano kumusta siya?"
"Mama talaga o?hehehe ok naman po may work napo siya, don lang po sa malapit na Hospital naka assigned.
"Ang swerte talaga ng batang yon, pinili parin mag sirbisyo sa sariling lugar e ikaw anak ok kalang ba sa ganyang sitwasiyon mo?"
"Ok lang po Mama, kasalanan ko naman lahat, kaya ganito ang sitwasiyon, handa po akong maghintay ng tamang oras at panahon, Kuntento napo ako, na ako lang ang nakakakita sa kanya, may tamang panahon po."
"Ok yan Anak, atleast nakikita mo siya, kaya lang hangang kailan mo itatago yan?pano kung may iba na?"
"Tangapin nalang po natin, hindi naman po natin pwedeng pigilan, dahil puro sakit lang ang binigay ko, minsan Mama na naitatanong ko sa sarili ko, May karapatan paba ako sa kanya?"
" Anak ang lahat nagkataon lang, na may mga pagsubok na sunod sunod na dumating satin at ito ang dahilan para maging matatag tayo. Wag kang susuko, hangat kaya mo,"
"Siguro Nay?ang lahat ng yon ay may kapalit ding saya sa tamang panahon, hindi po ako susuko hangat ramdam ko, na mahal niya parin ako."
"Ok anak, tama ka wag mong susukuan ang taong mahal mo, ang babaeng minsan ng naging bahagi ng puso mo."
"Thank you Mama,"
At dahil Friend niya parin sa f*******: si Mela, ang kaibigan ni Cendy, kahit papano nakikita niya parin ito ang mga post or tag nito kay Mela. Dahil sa mga nangyari nagkaroon siya ng mga pag aalinlangan sa mga taong malalapit kay Cendy. Hindi niya rin magawang humingi ng bagong number nito.
Mula sa Pinsang si Ronie, mas nagkaroon siya ng lakas ng loob, pagasa na sana may pagasa parin ang lahat. Dahil alam na ni Cendy ang lahat, na naging biktima lang siya ng panahon. Oo kasalanan niya dahil nag mahal siya ng iba. Na ngayon ay pinagsisisihan niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gagawin ang lahat. Kuntento narin si Justin, sa paraang ginagawa niya. Ang sumilip saglit sa Hospital kung saan naroon si Cendy. Ito ang ginagawa niya, bago bumalik ng Maynila. Alam niya kung anong oras ang breaktime nito, sa isang Canteen kong saan ito kumakain, dito siya nag hihintay ng tamang tyempo. Dahil dalawang palapag ang kainang ito, sa taas ang lahat ng empleyado mula sa Hospital na ito. At dahil sa ibaba lahat dumadaan, paakyat ng hagdan, dito siya laging nagaabang.
Katulad ngayon?habang nakaupo siya sa bandang gilid, Nakita nyang paparating na si Cendy. May kasabay itong lalaking Nurse dahil same lang sila ng uniform nito. Panay ang kwentuhan habang naglalakad papalapit sa Canteen.
"Siya naba Mahal ang nagpapasaya sayo ngayon?" Saloobin nito dahil nakikita niyang masayang nakikipag kwentuhan rito si Cendy, kaya napayuko siya ng papalapit na ang mga ito at bahagyang ibinaba ang sumbrero para matakpan ng konti ang kanyang mga mata, habang paakyat ng hagdan dito niya lang nagawang titigan ito.
"Mahal patawarin mo ko, pasensya kana kung hindi ko magawang lumapit sayo ngayon. Masaya na akong nakikita kitang masaya bago ako umalis." Habang nakatingin sa kinauupuan ni Cendy, dahil medyo gilid, kita ang lahat ng nasa ibaba. Hindi sinasadya napalingon sa kinaroroonan niya si Cendy. Kaya't muli siyang napayuko, at hawak ang summbrero na mabilis na tumayo.
"Justin?" Hindi man masyadong nakilala, dahil mabilis na nakaalis ang lalaki. Malakas ang kabog at pakiramdam nito.
"Bakit andito siya?Kung siya yon bakit hindi niya magawang lumapit sakin?ang lakas ng pakiramdam ko?" Panay hanap parin ng mga mata. Subalit mabilis itong nakaalis sa kanyang paningin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mahirap na Sitwasiyon.
"Mahal kasalanan ko kung bakit?Nahihirapan ako ngayong lumapit sayo,bgagawin ko ang lahat, handa akong maghintay kung paano muling maibabalik ang lahat na mayron tayo." Habang nasa byahe na ito pabalik ng Manila.
Balik sa dating set up ang mga araw at buwan. Nasasanay nalang si Cendy habang tumatagal, nagkakaroon na mga bagong priorities at obligasiyon.
Nawawalan narin ng time sa sarili. Kahit sariling kaarawan ay hindi na magawang e enjoy o e Celebrate.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Anak sino yong naghatid sayo?"
"Nay ka work ko po, Nauna lang sakin ng ilang buwan."
"Ka trabaho lang ba Anak? e gabi gabi kanang hinahatid non, piling ko may iba?"
"Ang Nanay o kahit anong iniisip?same lang po kami ng time pag out kaya nag offer siya na isasabay nalang ako pauwi, kasi malapit lng din bahay niya rito."
"Aba ang haba naman ng paliwanag, pogi siya anak,"
"Ang Nanay talaga, si Nurse Megs Tan po yon, a head po yon sakin."
"O bakit?Dalaga kanaman at maganda, aba anak malabong hindi ka magustohan non ang lalaki hindi magtiyatiyaga kung walang intensyon."
"Nay kung totoo man po yon?alam niyo rin po ang sagot?hindi pa po ako handa sa bagay na yan."
"Anak, wag mo naman isasara sa iba ang puso mo, aba tatanda ka ng dalaga niyan?"
"Hehehe ang Nanay ko talaga, bata po po ako 22 palang po ang anak niyo?wag kang magalala Nay nagkakaroon karin ng mga apo hehehe."
"Ok Anak, pero kapag niligawan ka non?go lang Anak wag matakot muling magmahal."
"Upo Nanay, at makulit na Nanay, Goodnight po,love you Nay," Tuloyan na itong pumasok sa kanyang kuwarto baka humaba pa ang usapan, baka mabangit na naman ng kanyang Nanay ang hinanakit nito kay Justin.
"Nay kung alam niyo lang po, kung anong pakiramdam ko ngayon?muling bumabalik ang lahat, si Justin na naman ang laman ng mga araw ko.
TAMANG hinala ang mga Nanay nga naman, napakalakas ng mga hinala at nararamdaman. Dahil ito na nga tama ang hinala ni Aling Marlyn.
" Good morning Nurse Cendy may flowers at chocolate na iniwan dito sa station.
from: Mr Megs T"
Salobong ng isang Nurse na medyo mataray, sa papasok na si Cendy.
"Good Morning din po, ha! Bakit naman?"
"Ano bang tanong yan?bakit ba nagbibigay ng bulaklak ang lalaki?" ito ang Nurse na minsan ayaw maka doble ni Cendy, dahil medyo masungit, dahil may edad na kasi.
"Baka hindi naman po para sakin yan?"
"Ay sos, ayan oh ang laki ng card. to: Cendy Crus."
"Bakit daw po?"
"Kailangan paba ng sagot? Gusto ka niya at ikaw lang ang binigyan niya ng ganyan dito kaya wag ka nang magtanong tangapin mo nalang,"
"Hindi naman po ako ganyan?hindi pa ako handa sa mga bagay na yan."
"Ay wow, bahala ka nga maiwan na kita, kailangan ko ng mag round."
"Ok thanks ,Madam Nurse, " Madam sungit sana ang sasabihin niya.
"Tama si Nanay, ito na nga sa kabila ng pagsabay ko sa kanya pauwi?may ganito na? iwan wala akong nararamdamang ganon sa kanya." Palinga linga nito, na hindi man lang pinansin ang mga bulaklak na assorted ang kulay.
"ibig sabihin sa kanya galing yong mga una?peroo bakit lahat pink ang mga nauna?tapus ngayon ang badoy ng kulay?ay iwan bahala siya, hindi na ako sasabay mamaya". Gumawa ng paraan si Cendy, para hindi makasabay ng out sa Megs Tan na yon.
Kunwari kailangan niya ng three hours na overtime. Pagkaalis na pagkaalis nito, agad namang naghanap ng masasakyang tricycle pauwi.
Ngunit sa araw araw na pagkikita nila, hindi naman niya ito maiiwasan nang tuluyan, kahit pa sabihing nasa ibang station ito naka assigned.
Katulad ngayon, papasok siya ng Canteen upang mananghalian.
"Hi, pwede bang makisabay?"
"Oy Nurse Megs! ikaw pala sige ok lang." naiilang na siyang makisama rito.
"Oo nga pogi siya?e ano naman wala naman akong nararamdamang kakaiba sa kanya. " ito ang nag order ng pagkain, para kay Cendy.
"Thanks, ako nalang magbabayad nito ah?"
"Wag na ako nalang no problem, ikaw kasi iniiwasan mo ko, bakit?"
"Ha! Naku hindi, busy lang, pasensya na." Mabilis na sagot nito.
"Sana pumayag ka na ligawan kita?"
"Ano?Ang bilis naman yata?Nurse Megs hindi pa ako handa sa bagay na yan." ang brosko naman nito ang bilis magtapat, saloobin ni Cendy.
"Bakit naman, wala ka naman sigurong boy friend?ok lang kung hindi kapa handa?maghihintay ako, kung kailan pwede?"
"Naku!hindi ayaw kung may naghihintay sakin, marami namang iba diyan na may gusto sayo, pwede ba nating huwag ng higit pa sa kaibigan para walang ilangan Megs pasensya ha."
"Aray ang sakit naman, basted agad?"
"Hindi naman sa ganon, hindi pa kasi ako handa sa bagay na yan, pasensya na."
" Hindi pa ako handang magmahal ulit, dahil may laman pa ang puso ko." ito dapat ang kanyang sasabihin kung puwide lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MULING sasapit ang pasko.
"Anak may nag deliver ng bulaklak para sayo daw? wala namang pangalan?" Araw ng linggo,habang paalis na si Aling Marlyn para magsimba.
"isang bouquet Rose pink po? Katulad din po yan nong mga pinapadala sakin sa Hospital, ganyan na ganyan din po."
"Aba Anak kanino kaya galing yan?"
"Hayaan niyo napo yan, magsasawa rin po yon kung sino man siya?"
"Aba Anak mahirap yan?"pasasaan at makikilala mo rin yan."
'Kung alam niyo lang Nay?ang lakas ng pakiramdam ko, ganyan na ganyan noon ang binibigay niyang bulaklak sakin hindi nagbabago ang kulay'". sa isip isip ni Cendy
Sorry po Nay, sa ngayon hindi kopa kayang ipaliwanag sayo ang lahat.
Na nagkaroon po uli ng pagasa para sa amin ni Justin.
'Lord God kailangan ko po bang sabihin o ipaliwanag kay Nanay, na hindi po totoo na may pamilya o anak na ang lalaking hangang nagyon nananatili parin dito puso ko. Humihingi po ako ng lakas at gabay mula sayo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ANOTHER Christmas, last sunday bago sumapit ang pasko. Wala naring pasok ang mga studyante. Hindi sa mga may trabaho.
"Hi Salamat naka pagsimba rin, Lord God pasensya na po ngayon lang napaaga ng out sa work." Habang nakaupo at naghihintay ng last na Mesa.
Pasado 6:30 na ng gabi, kaya no choice na ng oras. Pagdating ng bahay galing sa duty, mabilis na nag palit ng damit upang maka habol ng last na Simbang gabi.
Simula ng dumating sa simbahan, nakakaramdam ito ng pagkahilo at panghihina ng katawan.
"Bakit ganito ang pakiramdam ko?kumain naman ako?" Hanggang matapis na nga ang Mesa mbilis itong lumabas, dahil masama na ang pakiramdam, kailangan ng makauwi agad.
Habang naghihintay ng masasakyang tricycle, nakaramdam ito ng panghihina, dahilan upang dumilim ang paningin at tuluyang nawalan ng malay.
Mabilis namang nasalo ng lalaking kanina pay naka masid at nakasunod sa kanya. Dahil nahahalata na nito ang pananamlay sa paglalakad ni Cendy. Mabilis itong isinakay sa paparating na Tricycle , upang dalhin sa malapit na Hospital.
"Sir anong nangyari diyan?" tanong ng matandang Driver
"Nabigla din po ako, bigla nalang nahimatay,"
"Sir girlfriend niyo po?"
"Sana ganon parin po,"
Habang paupo at karga ang walang Malay na si Cendy.
"Mahal, anong nangyayari sayo?" Kaunting yugyug, dahil pinagpapawisan na ito ng malamig.
"Manong kaunting bilis pa ho,"
"Oo ito na ,malapit na ano ba kasing nangyayari diyan?buti nasalo mo."
"Oo nga po manong ,"
"kaya simula ngayon hindi na ako lalayo sa kanya." Bulong nito, na sana man lang marinig ni Cendy.
Dahil sa ingay ng trisycle sa pagharorot nito hindi naman siguro naririnig ng Driver ang kanyang mga sinasabi.
"Sir dito na tayo, dahan dahan ang ulo baka maumpog."
Buti may mga nakaabang sa harapan ng Emergency ng General Hospital, upang umalalay sa mga dumarating na pasyente.
"Tulong po" Sigaw nito habang karga ang pasyente at ni Manong Driver.
Kayat mabilis naman may nag responde. Sinalubong ng mahihigaan ang pasyinte.
"Anong Nangyari Sir?"
"Nahimatay po, kaunting bilis po kasi malamig na ang kanyang mga kamay." Dahil kanina hawak niya ang mga kamay nito.
"Ok Sir, kami na pong bahala dito." ( "Kilala ko ito? Si Nurse Cendy Crus?"
Nurse 2 "Oo nga,anong nangyari?"
Nurse 1. "Sir kaano ano niyo po si Ms Crus?"
"Kakilala lang po, nahimatay po siya kanina sa Simbahan."
"Pakitawag nga si Nurse Cha."
Utos ng Doctor na tumtingin kay Cendy. Habang inaasikaso ng mga Doctor, panatag narin ang loob, na iwaan ang pasyente lalo pa't kakilala naman ng mga ito.
"Mahal pagaling ka, pasensya kana sila ng bahala sayo, hindi ko man magawang tumawag kay Tita Marlyn. Andito lang ako hangat diko nasisiguradong ok ka." Nakamasid lang ito sa mga dumarating, dahil alam niyang isa sa mga ito ang Nanay ni Cendy, na alam niyang may tumawag na dito upang ipagbibigay alam ang nangyari.
Nakihanay nalang ito sa mga taong nakaupo sa labas. Kaunting sandali pa, natanaw na nya ang Nanay ni Cendy. Mabilis ito sa paglalakad papasok. Kaya alam niyang hindi naman siya nito makikita.
"Kumusta ang anak ko?" Mabilis na tinungo ang kuwarto kung saan naroon ang anak.
"Ok naman po,bmaya maya po gigising na ito si Nurse Cendy, kayo po pala Nanay ni Miss cendy?" Bungad ni Nurse Cha, ito ang laging ka Doble ni Cendy, kaya ito ang naatasang magbantay rito.
"ikaw ba ang tumawag sakin?"
"Upo, hinanap ko po yong number niyo sa Emergency Data ni Miss Cendy."
"Thank you Nurse, ano bang Nangyari? ang alam ko kasi paguwi niya kanina, nag message sakin magsisimba daw siya."
"Ay upo, sabi po nong lalaking nagdala rito kay miss Cendy, nahimatay nga raw po sa harap ng Simbahan."
"Sinong lalaki?asan siya?"
"Kanina po andiyan, siguro umalis napo, halos kaidad lang po ni Miss Cendy, mukhang mabait naman po yong lalaki."
"Sayang hindi ko naabutan, makapagpasalamat man lang dahil sa kanya nadala agad ang Anak ko rito."
"Oo nga po at kita po sa mga mata nong lalaki na alalang alala din po siya sa kalagayan ni Miss Cendy." Habang nakaupo sa tabi ng anak, nagkamalay narin ito.
"Nay?asan po ako?" Mahinang tinig nito.
"Hay salamat sa diyos, Anak andito ka sa Hospital, anong nangyari at nahimatay ka raw sa simbahan?"
"Nay nakaramdam po ako ng panghihina at dumilim nalang po yong paningin ko, hindi kuna po alam ang mga nangyari."
"Buti nalang Anak, at may nakakita sayo at agad, at mabilis kang naitakbo rito."
"Sino daw po?"
"Ay naku Nurse Cendy, isang lalaki na halos kaidad mo lang, gwapo maputi matangos ilong at alalang ala sayo yong itsura." Bungad nito na may kasamang papuri sa lalaki.
"Nurse Cha Salamat, baka andiyan pa, kailangan nating magpasalamat Nay,"
"Nakaalis nadaw, wala naman akong nakitang lalaki diyan sa tapat nitong kuwarto mo." Nang biglang pumasok ang Doctor na tumingin sa kanya.
"Hello Nanay, Merry Christmas po. Miss Crus kailangan mo ng pahinga, sobrang pagod lang at medyo lowblood ka, pahinga lang."
"Thank you Doc,,Si Nanay ko pala." Pakilala nito.
"Nay Masyado po kasing masipag tong Anak niyo, kailangan niya po ng pahinga." Nakangiting pagbibiro nito, sa rdad na 38 bata pa piro may asawa na.
"Oo nga Doc, Salamat at may agad na nagdala sa kanya rito."
"Oo nga Nanay, marami pa naman kasing mga Pilipino ang talagang may malasakit at matulongin parin."
"Oo nga Doc, sayang nga po hindi man lang namin nakita, para mapasalamatan man lang."
"Hayaan niyo na po, ang diyos nalang bahala sa kanya, ay sige po Nanay, miss Cendy pahinga kana, bukas pwide kanang lumabas."
Nahihiwagaan si Cendy sa nangyari, dahil ramdam niyang bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay. Ang bilis ng mga kamay ng lalaki para siya ay agad na masalo. Kahit sinasabing malang malay, mayron parin siyang pakiramdam.
"Bakit napakainit ng hawak niya sa mga kamay ko?bago paman ako tuluyang nawalan ng malay, narinig ko ang pagtawag niya ng tricycle bakit pamilyar sakin ang boses niya? Naku hindi totoo ang hinala ko, pano naman mangyayari yon? imagine mo lang yon Cendy."
"Anak ok kalang dito? bibili lang ako ng pagkain natin sa labas, anong gusto mo?"
"Ok lang po Nay,kayo po kung anong mayroon? At mainit na sabaw narin."
"Sige labas muna ako." Nakita ni Justin na lumabas si Aling Marlyn, hinayaan niya muna itong makalampas at nakitang sumakay ng trisycle.
Kaya mabilis na lumapit sa pinto ng room kung saan naroon si Cendy. Bahagyang pasilip silip lang sa bahaging salamin nito. Palinga linga lang kapag may dumadaang tao sa tapat niya. "
Thank Lord ok na po siya," Hindi naman siya nakikita ni Cendy dahil patagilid itong nakaupo, hawak ang cellphone. Kita niya ang swero na nakakabit sa kamay nito.
"Mahal natakot ako kanina sa nangyari sayo?pero may bahagi sa puso ko na masaya, kahit papano sa ganong sitwasiyon nayakap kita at muling nahawakan ang mga kamay mo.
Masayang regalo na ito ngayong pasko sakin. Bulong sa sarili habang nakasilip sa bahagi ng salamin. Nang di sinasadya biglang lumingon sa bahagi niya si Cendy. Kaya napaatras siya ng bigla.
"Nakita niya kaya ako?" Habang may tanong din ang nasa loob ng Room.
"Justin?". matagal itong napatitig sa bahagi ng salamin sa pinto. Dahil alam niyang may taong nakatingin sa kanya mula sa labas.
Hindi na muling magawang sumilip ni Justin, dahil sa lakas ng kabog ng dibdib, dahil alam niyang nakita siya nito. Kaya nanatiling nakatayo sa gilid ng pinto.
"Sir dalaw po ba kayo ni Miss Crus?pasok ho kayo?"
"Ha!naku hindi napadaan lang ako dito sige salamat."
"Sir parang namumukhaan kita? Parang ikaw yong?"
"Naku hindi, sige alis na ako Nurse pasensya na."
"Hoy! ano ba yon parang natakot?pero bakit siya nakatayo dito sa tapat ng room ni Miss Crus?" Nagtataka man pumasok nalang ito ng room.
"Hello ok kana?"
"Ok naman Miss Cha, Bukas makakauwi na ako, pasensya kana ha wala ka munang kakulitan ng one week, pahinga muna daw?"
"Ay sos ok lang, kailangan mo talaga muna mag pahinga, mag relax dahil pasko naman, sayang ang ganda, kailangan alagaan,hehehe"
"Ganda ka diyan? mas maganda ka."
"Oo nga pala Miss Ganda, iste Cendy may magandang lalaki kanina diyan sa labas ng room mo?"
"Oo nga kanina kasi pagtingin ko sa pinto nakita ko rin na nakasilip sakin,ano bang itsura?" Para makonferm lang.
"Pogi, medyo maputi at matangos yong ilong, katamtaman lang yong tangkad, at isa pa hindi kulang sigurado kung siya ba yong lalaking nagdala sayo rito? tinatanong ko kasi, mabilis namang umalis. Pero siya talaga yon?yong damit kasi parang natatandaan ko? iwan hayaan muna yon, ang importante ay ok kana,"
"Bakit kaya hindi pa siya umaalis?at pamasok man lang dito?para makapag pasalamat man lang ako."
"Siguro sinisigurado lang na ok kana?"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Malalim ang iniisip ni Cendy dahil sa nakita kanina.
" Si Justin talaga yon?ang lakas ng pakiramdan ko," Mahal alam kung ikaw parin yan, alam kong natatakot kalang. Maghintay nalang tayo ng tamang oras o panahon."
Pasado 7:00 am na ng makauwi ng bahay.
"Nay nag message po si Mela, yong kalderita niyo daw po.24 ng gabi andito daw po siya."
"Hindi talaga nakakalimot ang batang yan?kahit malayo na naglalambing parin."
"Oo nga po? at madaldal parin at Nay may gusto daw manligaw sa kanya isang piloto, kaya lang daw maitim kaya ayaw niya.hehehe,"
"Hehehe bakit? may trabaho naman?kaysa guwapo nga kung Tambay naman."
"Grabi ka naman Nay sa Tambay, syempre po kailangan mo parin piliin yong gusto ng puso natin,"
"Oo nga pero minsan nagkakamali rin ang puso? Dapat magkasabay lagi ang puso at isip."
"Oo napo kaya nga pinili mo si Tatay noon, kasi may trabaho, mabait, at gandang lalaki,"
"Aba oo naman, tingnan mo nga at napaka bait mo at napakagandang Anak." tawanan bago man lang matulog.
Bespiras bago mag pasko
"Napaka aga naman deliver na ito?" Habang papalabas ng gate si Cendy para e received ang dala ni Manong delivery na kanina pang kumakatok. Pasado 6:00 palang ng umaga at nakahiga pa nga itong si Cendy.
"Wait lang po, ang aga niyo naman manong?"
"Pasensya kana iha, ito po kasi ang bilin ng Customer,e deliver po ng maaga kayo po si Miss Cendy Crus?"
"Upo manong,"
"Para sayo iha ,isang bouquet at pink fresh fresh na mga roses.e received niyo po,"
"Thank you po,"
"Your welcome, galing sa lalaking lubos na nagmamahal," Habang paalis ang matandang may dalang ng ibat ibang klasi ng mga bulaklak na kailangan pang e deliver.
Napansin ni Cendy ang nakalakip na maliit na card sa mga bulaklak.
Maligayang Pasko,
Don't forget, I love you So much.
Fr: Love
Dahil sa nakita, mas lalong lumakas ang kaba ng dibdib,
"Sabi na nga ba iisa lang ang nagbibigay ng mga roses na ito? Andiyan siya ngayon kila lola plor?" Mas lalong nabigyan ng kasagutan ang kanyang mga tanong.
"Kung siya nga yon? ibig sabihin nakasubaybay siya sa lahat ng mga galaw ko? At siya ang lalaking nag dala sakin sa Hospital?dahil naramdaman ko ang mainit niyang mga kamay.
Mahal salamat,kahit mahirap andiyan ka parin,"
Papasok ng kuwarto,na napakasayang inilagay sa isang flower Vase na may tubig ang mga bulaklak. Kahit papano naging masaya ang pasko ng bawat isa. Hindi man masabi ni Cendy ang lahat sa kanyang Best friend si Mela, Ramdam nito ang pagiging masaya niya ngayon.
"Best Blooming ka ngayon? Sino?"
"Hindi ba pwedeng masaya lang?"
"Hoy Cendy Crus, kilalang kilala kita, alam kung mayron?"
"Tumigil ka nga Miss Mela, kumain kana lang gutom lang yan, ayan ang request mong kaldereta niluto ni Nanay." sabay naupo sa tabi nito.
Habang masaya at natutuwang nanonood sa kanila si Aling Marlyn.
"Love na love talaga ako ni Tita,"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Balik Normal
"Lola alis napo ako, Insan;Merry Christmas,at happy New year"
"Ok apo magiingat ka sa byahe?"
"Upo lola,"sabay halik sa matanda."
"Sige insan,ingat" tapik sa balikat ni Ronie kay Justin.
"Insan alam muna?bahala kana ha, salamat."
"No problem insan," Balik Normal, balik sa kanya kanyang tungkulin.
Tuloy ang buhay, na may kasamang pagasa, Muli na namang matatapos ang taon.
Walang pinapalampas na mahahalagang araw ang mga bulaklak para kay Cendy.
Sa pamamgitan man lang nito. Maiparamdam ang pagmamahal ng isang lalaki kahit malayo sa babaeng kanyang minamahal.
-NEXT?❤