CHAPTER: 18

4645 Words
Nag porsige para sa pamilya, at sa babae na kanyang minahal. Isang taon nalang, makakamit na niya ang kanyang pangarap. Na maging ganap na 'Engineer Justin Ramos. "Anak malapit kanang maging isang ganap na engineer, kaunting tiis nalang." "Oo nga po at dahil po yon sa inyo Papa, para sa pamilya at future natin" "Salamat Anak sa kabila ng lahat ng pagsubok ay naging matatag kapa rin at hindi sumuko." "Dahil andiyan po kayo palagi hindi niyo rin ako iniwan, sisikapin ko po makapagtapos para saatin." Nakasanayan na ng mag ama ang tumambay sa terrace ng kanilang bahay,pagkatapus maghapunan ng pamilya. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ May mga araw na hindi maiiwasan, nag ko krus parin ang landas ni Ronie at Cendy. Sa simbahan at sa kalye kung saan sila nakatira. Katulad ngayon paglabas ng gate ni Cendy, sakto namang padaan si Ronie sakay ng motor kaya tumigil ito sa tapat niya. "Hi kamusta?" Bati agad nito kay Cendy. "Hello ok naman ikaw?" "Ok na ok, papasok ka ba ng GH? Sabay na kita, dadaan din ako doon." "Naku wag na Ronie kasi iikot kapa?mapapalayo ka masyado." "Sige na kahit ngayon lang, hindi ko naman kayang daanan kalang?at hindi kana iba sakin." "Sige na nga alam kong hindi karin papayag ikaw din mapapalayo kapa tuloy." "Ok lang maaga pa naman". buti nalang nakasuot sya ng uniform nila na white blouse and pants ngayon. "Kamusta ka sa trabaho mo?" tanong dito ni Cendy dahil hindi naman masyadong mabilis ang takbo ng motor. "Ok naman kahit papano nasasanay narin hindi katulad nong una ay nako nangangamuti talaga ako at mahirap makisama." "Ganon naman talaga ako rin halos maiyak kapag napapagalitan ng masusungit na mga Doctor pero kailangan kayanin." "At saka pala Cendy diba na Hospital ka noong nakaraan anong nangyari?" "Oo nga sa sobrang pagod at puyat lang, mabuti may nakakita sakin ng mahimatay ako sa simbahan." "Oo nga mabuti mabilis sumalo nang taong yon?" Pagkukunwari ni Ronie dahil alam na alam nito kung sino ang tinutukoy. "Hindi ko nga nakita at napasalamatan man lang kasi umalis agad." ani ni Cendy, kahit malakas ang pakiramdam nito kung sino ang taong tinutukoy. "Hayaan muna yon marami pa talaga ang mga taong gustong tumulong kahit hindi nagpapakilala, malay mo isang araw magpakilala sayo na siya ang lalaking yon." "Sana nga para makilala ko rin at mapasalamatan." At mayakap, saloobin na lang nito. "Hindi mo lang pasasalamatan, mamahalin mo pa ng sobra." Bulong lang din sa sarili ni Ronie. Hindi man maipagtapat sa isat isa, iisa lang ang nasa isip ng mga ito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ FOUR months later, sa Hospital nalang nag celebrate ng kaarawan si Cendy, dahil duty niya rin ang araw na ito. "Happy birthday nurse Cendy." panay bati ng mga kapwa Nurse, at may ilang Doctors rin na naki celebrate sa kanya. Dahil nag paluto siya ng ibat ibang putahi ng pagkain. At pina reserve niya rin ang buong taas na bahagi ng canteen ng Hospital. Nagpalagay din ng designed ang kanyang mga kasamahan bilang gift narin sa kanya ng mga ito. Masayang nagbibiruan lalo na ng may biglang iabot na regalo si Nurse Megs. "Wow ang sweet naman kailan pa Nurse Megs?kayo ha, nililihim niyo lang pala." Biro ng isang Nurse na babae. "Thank you, Hoy! hindi ah magkaibigan lang kami nito ni Nurse Megs hindi totoo ang iniisip niyo nakakahiya dito kay Nurse Megs." Paliwanag nito habang nasa kanila ang atinsiyon ng lahat. "Ok lang maghihintay ako kung kailan pwede". Seryosong dugtong rin nito. "Bakit wala namang problema kung totoo nga, pareho naman kayong single?". Dugtong ng isang Doctor na mapangasar din. "Oo nga Dok kaso ayaw tangapin ang panliligaw ko." "Hoy!tumigil ka nga isa kapa hindi pa nga ako handa sa mga bagay na yan pasensya napo sa lahat. Buti pa kumain na kayo at kailangan maubos ang lahat ng pagkain." pang iiba ng usapan. "Oo nga sayang naman ang sasarap panaman ng lahat ng pagkain". Si Nurse Cha habang may hawak ng plato. "Happy birthday ulit Nurse Cendy." Hirit uli ng isang doctura. "Kain lang kayo dapat maubos natin ito, walang mahihiya." Habang nagiikot para pasalamatan ang lahat na nagbigay ng mga regalo. Nagawi ang kanyang paningin sa ibaba. Dahil sa isang lalaking panay ang tingin sa kanya. At same parin ang itsura ng sombrero nung nakaraan na makita niya rin ito dito. Pagtingin niya bigla itong napayuko kayat hinintay niya muling tumingin ito sa kanya at hindi naman siya nabigo. "Justin?excuse sa lahat bababa lang ako saglit." Hindi naman narinig kung may sumagot sa kanya dahil mabilis itong naglakad pababa ng hagdan. At napansin niyang paalis na ang lalaki ng makita siya nitong bumababa ng hagdan. Kaya mabilis niya itong sinundan sa gawi kung saan ito patungo. Hangang makarating sa gawing likuran o parking ng Hospital. "Asan naba yon? Siya kaya yon?". Panay hanap ng mga mata na wala namang tao sa bandang iyon sa kinatatayuan niya. "Baka namalikmata lang ako?". nang may biglang yumakap sa kanya kayat bigla siyang napalingon para maitulak ito. "Hoy!!". bumitiw naman agad ito. "Happy Birthday". Mahinang bati nito. "Justin?" Siya na mismo ang yumakap dito. "Thank you!! sabi na nga ba ikaw yan? Bakit?". Ayan na naman ang mga luha Cendy nakalimutan na ang lahat. "Patawad Mahal kung matagal akong naging duwag sinisigurado kulang palagi na ok ka, masaya na ako." "Bakit hindi mo agad sinabi?" Tuluyan na ngang umiyak sa balikat ng lalaki. "Dahil natatakot ako na muli kitang masaktan". Hindi narin napigilan ang mapaluha nito. "Ano kamusta ka? wala kabang pasok? halika kumain ka muna at ipapakilala kita sa taas sa mga kasamahan ko." "Mahal, wag na masaya na akong nakita kitang masaya at sandali halika." Mabilis itong umikot at may kinuha sa loob ng kotse. "Happy birthday ulit Mahal." isang bouquet ng Pink Roses "Thank you sabi na nga ba Mahal alam kung sayo galing ang lahat na mga bulaklak, ganitong ganito rin ang mga kulay." "Ows pero nakita ko kanina?may nagbigay nang bulaklak sayo?nanliligaw ba?". bakas ang pagkalukot ng mukha. "Naku hindi ano kaba wala yon." " ok lang dalaga kana man at hindi naman kita masisisi." "Hoy tumigil ka nga ano marunong kana pala mag drive at may kotse kana rin." "Oo pinagsabay sabay ko para kahit papano nalibang ako sa panahong lugmok, nag-aral mag drive para makakuha ng license pero kay Papa tong sasakyan hiniram kulang." "Wow nagbago na talaga ang lahat?" "Siguro ang panahon pero ang puso ko hindi, iisa lang ang laman nito." Pagseryuso nito, at hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ni Cendy dahilan para maantig ang pusong Matagal ding nangulila. "Thank you halika kana sa taas please?" "Hindi na mahal kailangan kuna rin bumalik ng Bulacan, masayang masaya ako sa pagbabakasakali ko ngayon. Muli kitang nayakap, Mahal patawarin moko sa lahat pati sa Nanay mo humihingi ako ng tawad sa pagsira ko sa tiwalang ibinigay niya sakin. "Pasensiya kana rin, kung lahat kayo ay nadamay at naapiktuhan." "Ok lang naiintindihan kita, palagi mong tatandaan Mahal, ibabalik ko ang lahat ng tiwala natin sa isat isa. Magiingat ka palagi kahit malayo ako isipin mo andito lang ako palagi sa tabi mo." hawak ang mga pisngi ni Cendy at bahagyang pinupunas ang mga luha nito. "Oo ikaw din, magiingat ka sa pag dadrive ha!baka hindi kuna kayanin." "Upo sige na bumalik kana baka hinahanap kana nila sa taas." "Mahal ingat". Parang wala ng balak pang maghiwalay. "Cendy? Mahal". Mabilis na hinila si Cendy at niyakap sabay halik sa mga labi nito. Mabilis na tinapos ang dahil marami ng dumadaan sa tapat nila. "Mis na mis kita, gagawin ko sana to nong karga kita sa trisycle, kaya lang takot na takot ako non." Pabulong na sabi nito. "Sabi kuna nga ba ikaw nga yon Mahal, bakit andon ka sa simbahan ng araw na yon?" "Dahil dito sa puso ko at napaka ganda mo nong araw ng graduation mo, pasensiya kana sumilip lang ako saglit noon." Sabay ngiti nito at kindat ng isang mata. "ikaw talaga ang daya daya mo," "Sige na Happy Birthday uli, I love you." "Love you to,ingat ka bye." Tinititigan ito ni Cendy habang papasok ng kotse. Nagbusina at tuluyan ng umalis. Ng may maisip ito. "Wait" wala na bahaging puwit nalang ng sasakyan ang nakita niya. "Bakit hindi man lang hiningi ang number ko? "Thanks God, napakasaya po ng gift niyo sakin, sabay apuhap sa mga mata at pisngi dahil baka may bakat pa ng mga luha. ANG lahat ay nanatiling lihim sa iba maliban kay Ronie. Si Cendy nalang ang humingi ng number ni Justin sa pinsan nito. Nang magkita sila sa Simbahan. FLASHBACK "Ano kamusta nagkita naba kayo nung lalaking nagdala sayo sa Hospital?" Habang nakangiti at panay pangaasar nito kay Cendy. "Kayo talagang mag pinsan ang dami dami niyong pa suspence At ikaw isang detective na pala ngayon ni Justin. Ang daya daya niyo alam niyo ang lahat ng galaw ko samantalang ako panay duda lang. "Pasensiya kana ganon ka kamahal ng pinsan ko gagawin ang lahat." "Ronie pasensiya na pati kayo ay nadamay, nahihiya tuloy ako kay lola Flor." "Ay suss ok lang yon. Wag kang mag alala alam narin ang lahat ni Lola. "Buti pa si Lola Flor, si Nanay hindi ko magawang e open ang lahat masyadong naapektuhan kasi si Nanay." "Oo nga ganyan talaga ang mga Nanay. Si pinsan Justin nga halos itakwil ni Tita Meldred, nong nalamang naka buntis." "Siguro nga pagdating sa mga anak palaban ang mga Nanay? Kaya ako kailangan ko ng time, pagkakataon para ipaliwanag ang lahat kay Nanay. Para muling ibalik ang tiwala niya kay Justin." "Kahit sino namang Ina magagalit sa ganong mga pangyayari. lalo't anak muna ang naaapiktuhan at nasasaktan." "Ay wow parang alam na alam muna ang lahat e ikaw Ronie buti hindi ka pasaway sa pamilya mo?" "Syempre mabait kaya ako hehehehe kasi nga dito na ako lumaki kay Lola, apat na taon palang yata ako ng mapunta kay lola." "Ha!Buti hindi mo namimis mga magulang at mga kapataid mo?" "Noong una, siguro nasanay nalang ako kasi malapit lang namannkapag may kailangan akong bilhin sa mga magulang ko parin ako humuhingi." "Pero dapat may ipinapakilala kanang girlfriend sa kanila kasi medyo nagkakaedad na tayo, may work kanabrin." "Oo nga kaya lang wala pang nagkakamali at nabubulag sa kaguwapuhan ko hahahaha bahala sila, andito lang ako available lagi." Tumatawa parin ito "Grabi ka naman darating din yan. At Maswerte ang babaeng mamahalin mo dahil mabait ka maunawain hindi maarte." "Ay wow lumaki yata puso ko kaya lang wala sa nabangit mo ang magandang lalaki?" "Oo nga no? Hindi naman kasi nakikkita sa itsura kapag mahal mo ang isang tao, sa puso at ang nararamdaman mo." "Kaya nga napaka swerte ni pinsan sayo?" Napakagaan ng nga kalooban kung tutuosin nga ang dalawa ang mas nakakakilala sa isat isa. END OF FLASHBACK ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Krrrrrriiing Krrrrrriiing "Hello, who's this?" "Hi, I'm your girlfriend for many years, pasensiya na nakakaistorbo ba ako?" "Hi Mahal, sorry buti nakuha mo number ko?" "Oo nga kahit nakakahiya sa pinsan mo". "Salamat Mahal, nanghinayang talaga ako nong nagkita tayo dahil hindi ko man lang nahingi number mo. "Ano kamusta?asan ka ngayon?" "Andito ako sa School Mahal, ikaw kamusta?" "Ay sorry sa School ka pala? sige na mamaya nalang pasensiya na sa istorbo." "Mahal naku hindi kahit kailan hindi ka naging storbo sakin, salamat ikaw pa itong unang tumawag sakin". "day off ko kasi ngayon, pahinga din minsan." "Oo mahal, pahinga kana man wag masyadong magpapakapagod. Naiisip ko palagi paano kung hindi kita sinundan noon sa simbahan paano kung walang nakakita at nakasalo sayo? Mahal maiingat ka palagi ha". "Upo,salamat ha sige na mamaya nalang pag uwi mo?" "Sige at ako nalang tatawag sayo mamaya, pagdating na pagdating ko ng bahay salamat I love you." "Ok byebye,ingat karin." Ang pagibig nga naman kapag nanatili sayong puso. Ang lahat ay nagiging magaan, malapit at higit sa lahat nakakapag pabilis ng mga oras. Hindi pa nakakapasok ng bahay, pagka park ng motor, agad na kinuha ang phone. Agad tinawagan si Cendy. Pumasok ng bahay na halos tumalon sa sobrang saya. Kahit papano, nagiging maingat na sa mga pananalita. "Naka uwi kana?" "Oo mahal kararating kulang." "Kamusta sila Tita at Tito nandiyan ba sila?" "Ok naman wala pa yata sila dito?kasi around 7:00 ang uwi ni Mama, si papa naman maaga ang out nagtitipid ng gasolina kaya hinihintay nalang mag out si Mama. hahahaha" "Ok nga yan kasi sa panahon ngayon kailangan ng kaunting pagtitipid e kapatid mo kamusta?" "Ok naman din pagdating mula school sa kwarto narin ang tuloy. Graduating narin to this year. Sabi ko nga wag munang magpapaligaw saka nalang kapag nakatapos na ng College." "Hoy grabi kana man syempre hindi naman maiiwasan mag ka crush at isa pa ang ganda ganda ng kapatid mo." "Kaya nga e kasi maraming mga lalaking hindi mapapagkatiwalaan ngayon". "Ayan, kasi naging ganon ka dati kaya ganyan ka sa kapatid mo?" "Aray, napunta tuloy sakin ang usapan, Mahal pinagsisisihan kuna talaga yon. Hindi kuna nanaisin pang maulit yon kung pwede lang ibalik ang lahat gagawin ko." "Justin Ramos?napakahaba naman yata ng paliwanag na yan ako lang ito si Cendy Crus." "Mahal salamat kasi hindi ka sumuko kahit sobra na kitang nasaktan nandiyan kapa rin." "Oo nga ikaw lang kasi ang minahal nito kaya umayos ka kasi baka sa susunod na masaktan to uli, baka hindi na kayanin." "Hinding hindi na mahal ko, nanganagako ako kung pwede lang pakasal na tayo ngayon ay gagawin kuna." "Weeey? Mr. Justin Ramos alalahanin mo hindi pa alam ni Nanay ang lahat at hangang ngayon galit na galit parin yon ." "Oo nga pala Mahal pano kaya ako makakahingi ng tawad kay Tita Marlyn pero gagawa ako ng paraan para makausap ng personal si Tita hihingi talaga ako ng tawad." "Ako nga rin hindi ko maipagtapat sa kanya na nagkita na tayo natatakot din ako pero bahala na." "Wag kang magalala mahal, ako ng gagawa ng paraan ako ang may kasalanan kaya ako dapat magpapaliwanag ng lahat kay Tita." "Sige bahala ka naghahanap din ako ng tamang oras para ma e open din ang lahat kay Nanay." "Wag na mahal ako ng bahala kapag may bakante na ako pupunta ako diyan sa bahay niyo tatangapin ko kung anong mga sasabihin ni Tita at masampal man ako ni Tita tatangapin ko ng maluwag sa puso ko mapatawad niya lang ako." "Ay wow naiiyak tuloy ako kasi malakas manampal si Nanay." "Ok lang yon mapatawad lang ako ni Tita. Ay Mahal naalala ko pala kasi itong mga susunod na buwan magiging busy ako, kasi may OJT ako sa Tarlac at Baguio, ang dami kasing projects." "Ok, kaya mu yan Mahal ganyan talaga kahit ako man noon stress na stress bago mag graduate malalampasan mo rin yan buwan nalang ang hihintayin mo." "Mahal pasensya kana ha hindi muna ako makakapunta diyan pero tatawag ako palagi ang swerte ko nga e kasi may magpapalakas na palagi sakin hindi ako malulungkot doon mamimis kita mahal, " "Ok ako din, magiingat ka palagi malayo yon maraming babae don," "Ay wow, wag kang magalala hindi ko sila papansinin ngayon pa? ayaw kunang magkamali uli, hindi kuna ipagpapalit sa iba ang pinakamamahal ko." "Weeee..lumaki tuloy puso ko sige na babye na. " si Cendy na may malaking ngiti dahil sa tuwa. "Ok mahal magiingat ka palagi ha wag magpapakapagod, walang sasalo sayo I love you". hehehehe "Oo nga no malayo ka kasi hehehehe, sige na love you to,bye," Ang mga puso nga naman kahit nasaktan itoy patuloy paring magmamahal. Mas naging panatag ang dalawa ngunit may guilty namang nararamdaman sa kanyang puso si Cendy. Hindi niya maipagtapat ang lahat sa kanyang Nanay. Pakiramdam niya, bakit siya napakabilis niyang muling tangapin si Justin pero sa kanyang Nanay parang napakahirap ipaliwanag, Dahil sa mga nangyari, nakita niyang mas ito ang naapiktuhan ng lahat. Halos lahat ng mga bagay na makakapagpaalala mula kay Justin ay itinapon nito. Isa lang ang hindi ang Diary Note, na laging nasa ilalim ng kama niya. "Dear Diary, Pasensiya na kong sayo ko ito nasasabi, nahihirapan kasi ako sa sitwasyon namin ngayon ng lalaking mahal ko. Pero mas mahal ko ang Nanay ko. Paano ko ipagtatapat sa kanya? na mahal ko parin ang lalaking kinasuklaman niya, na halos pati pangalan niya ay ayaw ng marinig ni Nanay. Sana makuha niya paring maunawaan o maintindihan. Na mahal namin ang isat isa. Natuloy nga sa mga OJT si Justin, Halos three times a day naman ang tawag nito kay Cendy. Hindi niya lang nasasagot ang mga tawag nito kapag nasa duty siya. Dahil sa isang tawag nagkaroon ng tampuhan ang mag ina.Umaga habang nasa banyo si Cendy. Pumasok si Aling Marlyn sa kuwarto nito. Nang di sinasadya tumunog ang cellphone ni Cendy mula sa ibabaw ng kama nito. At dahil naliligo ang anak napilitan itong tingnan kung sino ang tumatawag. "Mahal?ang alam kung ganayan ang tawag niya si Justin?" Tanong sa sarili, kaya't kailangan niya e confirm kung tama ang kutob niya ang e open at marinig ang boses nito. "Hi Mahal Goodmorning " si Justin sa kabilang linya. Nagulat sa narinig si Aling Marlyn kilalang kilala niya ang nasa kabilang linya, mabilis na pinutol ang linya kasabay naman ng paglabas ni Cendy ng banyo. "O Nay bakit po?" "Anak may nililihim kaba sakin?" Habang hawak ang phone ni Cendy. "Nay wala po bakit po?" "Naki alam ako dito sa phone mo, kasi may tumatawag sinagot ko, Si Justin ba tumatawag parin sayo?". Kita sa mukha nito ang hinanakit at maraming katanungan. "Nay please mag usap po tayo?" "Na ano muli ka nanaman naluko? nabula ng lalaking yon?". "Nay hindi ipapaliwanag ko po ang lahat sayo please po wag po muna kayong magalit". "Anak nakalimutan mo ba agad na niloloko kalang ng lalaking yon?sa sobrang bait mo kaya paulit ulit ka niyang lolokuhin." "Nay please maupo muna kayo magusap po tayo." Dahil nakita niya ang galit sa mukha nito. Dito na siya napaiyak at gustong yakapin ang inang halos nanginginig sa galit. "Hindi Anak, magbihis kana at may pasok kapa. Papasok narin ako." Mabilis itong lumabas ng kuwarto. "Nay please I'm sorry". ito nalang ang kanyang nasabi dahil tuluyan na itong nakaalis. Kaya't napaupo ito ng kama habang luhaan at hawak ang cellphone. "Lord bigyan niyo ako ng lakas na makayanan ang lahat ng ito. Mahal ko po ang lalaking yon, pero mas mahal ko po ang Nanay ko. Nang muling tumunog ang hawak na cellphone. "Hello" mahinang sagot niya dito. Bakas ang panginginig ng boses na nahalata ng lalaki. "Mahal umiiyak kaba?kanina bakit kinancel mo tawag ko?" "Mahal si Nanay yon galit parin siya hindi niya tinangap ang paliwanag ko." "Mahal I'm sorry hindi ko sinasadya kaya pala walang sumasagot at binabaan ako ng cellphone. Mahal hindi ko talaga sinasadya I'm sorry." "Ok lang mahal bigyan kulang ng time si Nanay, alam kung kakausapin din ako non." "Mahal pasensiya kana ha, kung malapit lang sana ako, gusto kong lumuhod sa harapan ni tita ngayon para mawala na ang galit niya sakin. Mahal hayaan mo pagdating na pagdating ko diyan sa Manila, tutuloy agad ako diyan sa inyo." "Mahal ok lang ako wag mo munang isipin yung nangyari. Ituon mo muna ang sarili mo diyan ha, ako ng bahala kay Nanay. "Mahal relax kalang habasta tutulongan kita pagdating kay Tita Marlyn hintayin mo ko ha pupunta ako diyan." "Sige, basta sa ngayon focus ka muna diyan, kailangan mo ng buong pagiisip ngayon magiingat ka rin diyan Mahal. Wag kang magalala Mahal ako ni Nanay." "Salamat Mahal, sige na wag kanang umiyak mahal na mahal kita maiintindihan din tayo niyan ni Tita ay Nanay pala." Pagpapagaan ng loob nito. "Nanay ka diyan galit na galit yon sayo." "Mawawala rin yon kasi minsan na akong niyakap noon ni Tita ramdam ko yon." "Oo na sige na papasok narin ako". "Ok mahal ingat sa pagbyahe mahal na mahal kita." "Byebye ikaw din". Umalis sa bahay na parehong may iniisip ang mag ina. Tita Marlyn POV Habang nasa trabaho ay hindi parin mawala kay Marlyn ang Anak. "Bakit napakabait ng Anak ko niloko na lahat lahat ng lalaking yon, mahal niya parin?" Hindi rin makapukos sa harapan ng Cumputer sa office nito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Sa araw araw na pagsasama ng mag Ina hindi makahanap ng tamang tyempo si Cendy para kausapin ang kanyang Nanay. Hindi naman pinaparamdam na galit ito sa kanya, nararamdaman niyang ayaw nitong pagusapan ang tungkol kay Justin. May tamang oras nalang ang pagtawag ni Justin, kapag breaktime niya sa work at time sa gabi kapag nasa kuwarto na siya at kapag siguradong tulog na ang Ina. Para wag tuluyang magalit at magtampo ang Ina. Nagpatuloy ang ganitong sitwasiyon, nang Mag Ina. Kaya naghanap ng makakausap si Cendy nang sa ganon gumaan man lang ang kanyang saloobin sa Nanay niya. "Best sabihin mo nalang kasi ng deritso kay Tita, na hindi naman talaga nagkaanak sa iba si Justin." "Oo nga ang problema kasi umiiwas lagi si Nanay ayaw na ayaw talaga marinig ang anumang tungkol kay Justin." "Kasi nga sino ba naman ang hindi magagalit sa ganong mga pangyayari? E ikaw eh mahal mo talaga madaling mong napatawad." "Ewan ko ba? best alam mo ang gaan gaan talaga ng loob ko pagdating kay Justin siguro ganoon talaga kapag minahal mo pero sana kayanin ko pa kung sakaling may mga pagsubok pang ibibigay si Lord." "Ay naku best wala namang binibigay na pagsubok si God na hindi natin kayang malampasan kaya best kayang kaya natin yan, love na love ka ni Tita." "Thank you best love na love din kita." "Love din kita kayat wag susuko." Kapag Nanay talaga ang nagtatampo, hindi mapakali ang isang Anak. Dahang dahang tumabu si Cendy sa kanyang Nanay habang nanonood ng TV pagkatapos mag hapunan. "Nay pwede ba tayong magusap please?, gusto ko lang po magpaliwag sayo." "Anak kung tungkol lang naman kay Justin? wag na ngayon kung pipilitin mo ko na tangapin uli ang lalaking yon? Hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko kaya please anak, ok na tayo." "Ok po Nay sorry po". Niyakap ng mahigpit ang Ina, alam niyang hangang ngayon galit na galit parin ito paano maiibsan ang kanyang kalooban? kung ayaw siyang pakingan ng kanyang Nanay. ilang araw nanatili sa ganong pagiisip at pakiramdam si Cendy. Kasabay ang pagod, puyat dahilan para Manghina ito. Muling Nahimatay ito habang nagpapahinga sa kanilang Nurse Station. Dito muling na trace ng mga Doktor na mahina ang t***k ng puso ni Cendy. Ang mandalas na stress, puyat, pagod ang pinagmumulan nito. Kayat nagiging mahina ang circulation o pagdaloy ng dugo sa puso nito. "Anak I'm Sorry hindi ko alam?". paghihingi ng tawad ng isang Ina. "Nay ok lang po ako kaya natin to." "Anak kung alam kulang na dadamdamin mo ang lahat hindi na sana ako nagmatigas." "Nay wala po kayong kasalanan ako po ang may gawa nito wag po kayong magalala malakas po ako." "Anak tumawag kanina si Mela, sinabi ko andito ka sa Hospital at ikaw ngayon ang pasyente, sabi niya pupunta raw siya ngayon." "Maya maya Nay nandiyan na yon, baka nangaling pa sa trabaho." "Anak iwasan mo muna ang magisip at ma stress ha, ako na munang bahala sa lahat." "Yes Nay, malakas po ako kasi nandiyan po kayo palagi, love you Nay". "ikaw talaga, love you too Anak sige na matulog ka muna para makabawi ka ng pagod mo." Nang may kumatok sa pinto. "Si Mela yata? Tuloy pasok". Tumayo si Aling Marlyn upang tingnan kung sino. Parehong nagulat ang mag ina sa taong pumasok sa pinto. Nakatingin ito sa ina ni Cendy na bakas ang lungkot. "Tita mano po. Patawarin niyo po ako tatanggapin ko po ang lahat ng sasabihin niyo, mapatawad niyo lang po ako please Tita Marlyn." Dahan dahang lumuhod sa harapan at yumuko. "Iho tumayo ka diyan." "Please Tita patawad po." "Justin tumayo ka sige na magusap kayo ng Anak ko at lalabas muna ako." "Nay?" "Ok lang Anak sa labas lang ako." Mabilis itong lumabas na hindi pinakita sa anak ang galit. "Mahal kamusta ka?". Lumapit at mabilis na niyakap si Cendy at sabay halik sa noo. "Mahal bakit andito ka?diba nasa baguio ka dapat ngayon?" "Naka recieve kasi ako ng chat kay Mela na nasa Hospital ka daw, kaya mabilis akong nag byahe. Pagdating ko ng bahay hiniram ko muna sasakyan ni Tatay." "Ay suss si Mela talaga e diba hindi pa tapos OJT mo?" "Ok lang, last day narin naman bukas ano kamusta ka?" "Hito mahina ang puso dahil sayo". pabirong sabi nito. "Pasensiya na Mahal, hayaan mo tutulongan kita para maging malakas yan, siguro dahil sa mga ginawa ko kaya naging mahina puso mo?kaiisip sakin". Habang Hawak niyo ang isang kamay ni Cendy. "Oo nga siguro, mahal kasi kita kaya hindi ka maalis sa puso't isip ko. Kaya lang nagiging mahina dahil sa pagod siguro, naninibago lang". "Mahal alam mo papunta ako rito mas natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Tita pero pinalakas ko loob ko para sayo Mahal ano labas muna kaya ako?kausapin ko muna si Tita?" "Mahal wag kang magalala, kilala ko si Nanay sa tuno ng boses niya kanina magiging ok na yon maya maya papasok narin yon," Biglang nagbitiw ang mga kamay nang dalawa ng may pumasok, si Nurse Cha ang laging ka Doble ni Cendy sa duty. "Hello Nurse Cendy kamusta ang puso natin?" "Ok naman Nurse Cha, heto ako ngayon ang pasyente mo." "Oo nga? Tingnan ko muna BP mo. Ang hirap naman maging pasyente ang kapwa Nurse ko mahirap magkamali." sabay tawa nito dahil sa pagbibiro. "Oo nga kaya ayusin mo." Kunwaring pagalit nito. "Si Dok kasi ako pa ang na schedule para sayo, natatakot tuloy ako dapat si Nurse Megs nalang para mabilis kang gumaling". "Hoy tumigil ka nga." Sabay tingin sa kinaroroonan ni Justin na nakatingin lang sa kanila. "O bakit? Pwede naman para gumaling agad yang puso mo." Panay daldal parin habang nakayuko at inaayos ang gamit pang BP. "Nurse Cha,hoy tumigil ka nga". Nang mapatitig sa kanya ito at nahulaan ang ibig sabihin niya na may nakikinig pala sa kanila sa kabilang bahagi ng upuan. "Bakit ba?" Nang mapatitig ito kay Justin. "Teka parang kilala ko siya? Nurse Cendy diba siya yong? Oo nga siya yong nakita ko na naka tayo sa labas ng room mo dati noon?siya nga?" Patutuo nito. "Hi, ako nga yon pasensiya na". Singit nalang ni Justin Dahil kitang kita ang pagtataka nito ng makita siya. "Nurse Cha, siya nga yon at siya rin ang nagdala sakin dito noon at siya rin ang boyfriend ko." "What? Sabay titig nito kay Cendy. "Ms Cendy ano ba?pano nangyari yon? ano pa bang hindi ko alam ha?" Pagseryuso nito at nagpiling Nanay. "Nurse Cha ang hindi mo pa alam?ang malaman mo na hindi napo kasama sa trabaho mo ang malaman ang lahat?". Naniningkit ang mga mata habang nakangiti. "Grabi ka naman masama bang magtanong?Kaya pala hindi ka tumatangap ng ibang manliligaw pero totoo ba pano nangyari yon?" Napapangiti nalang habang nakaupo si Justin sa pangungulit at reaksyon ng Nurse. "Aba Nurse Cha tapos na po ang duty mobmamaya naman after 3 hours, sige na marami pang pasyente ang naghihintay sayo, byebye Thank you". Pagtataboy nito "Sige na nga pinapaalis mo na ako pero mamaya ha! e kwento mo sakin byebye gagaling na siya kasi nandiyan na ang gamot sa puso niya". Pang aasar nito bago umalisnna may kasamang kindat kay Cendy. "Bye Salamat Miss Cha". Bago maisara ang pinto. Nahihiya, habang nakangiti si Cendy nang magkatinginan ang dalawa pagkaalis ng madaldal na Nurse. "Pasensiya kana don, madaldal talaga yon." "Ok lang mahal, nakakatuwa nga e". "Oo talagang hindi ako maiinip kapag yon ang ka doble ko hindi natatapos ang kwento." Masayang ikinukwento ni Cendy ang mga naging karanasan niya noong mag umpisa siya sa Hospital na ito. Na ramdam niyang seryuso rin ang nakikinig sa kanya habang hawak nito ang kaliwa niyang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD