Mas higit na nasasaktan ang isang Ina,kaysa sa mga anak.
"Tita Marlyn kamusta po?bakit po kayo nandito sa labas?" Sabay yakap at halik dito ni Mela.
"Mela ikaw pala?salamat may dalaw kasi sa loob si Cendy."
"Sino ho?"
"Si Justin at ikaw daw ang nag bigay alam sa kanya?"
"Upo Tita pasensya napo."Yakap uli nito na parang humihingi ng tawad.
"Mela magsabi ka nga ng totoo sakin."
"Bakit Tita ano po yon?"
"Si Cendy at Justin ba matagal ng nagkikita?gusto kung malaman ang totoo?"
"Tita bakit po?hindi paba sinasabi sayo ni best ang lahat?"
"Dahil ang alam ko matagal na silang walang komunikasyon dahil sa panloloko ng lalaking yon sa anak ko tapos ngayon wala akong maintindihan sa nangyayari, parang wala lang ang lahat kay Cendy kaya ikaw ang tatanungin ko Mela ano ba ang Nangyayari?"
"Naku Patay! Tita si bestfriend nalang po ang tanungin niyo ayaw ko pong pangunahan ang anak niyo please Tita." pagpapaumanhin nito.
"Mela ikaw ang magsabi sakin ngayon gusto kong maintindihan ang lahat kasi mahirap ang sitwasyon ngayon ni Cendy".
"Lord please po bigyan niyo po ako ng lakas ng loob ngayon," Halos maiyak dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mukha ng Nanay ng bestfriend niya.
"Mela please kailan pa?"
"Tita kapag nagalit sakin si best bahala po kayo. Tita Marlyn ang alam kolang po ay hindi po totoo na nagkaanak sa ibang babae si Justin. At pagkikita po nitong nakaraang buwan palang po. Yon lang po Tita wala napo akung ibang alam, Please Tita maniwala po kayo sakin."
"Alam mo Mela sa totoo lang hindi na ako komportabling makita ang lalaking yan si Cendy nalang ang inaalala ko. Dahil sa sitwasyon niya ngayon." Naiiyak habang inilalabas ang sama ng loob kay Mela.
"Tita mahal na mahal po nang anak niyo si Justin at saksi din po ako sa pagmamahalan ng dalawa."
"Siguro kung andito pa ang tatay ni Cendy siguro hindi ganyan ang anak ko sige na Mela pumasok kana at bibili lang ako ng pagkain natin."
"Tita wag kanang umiyak sige ka kapag nakita kang umiiyak ng anak niyo magdadamdam na naman yon. Sige po, papasok po muna ako." Naiwang nagpupunas ng luha ang matanda. Hindi naman ganon ka tanda sa edad na 56 nagiisa lang ang anak na gustong laging maprotektahan at maalagaan.
"Hello ay wow ang sweet naman, kamusta ang puso ng best ko?" Kitang kita nito na magkahawak kamay ang dalawa. Nakahiga si Cendy, abang nakaupo sa tabi nito si Justin.
"Best ok naman ang tagal mo kanina kapa hinihintay ni Nanay."
"Nagkita napo kami sa labas at nag dramahan narin, ahmn hi Justin nauna kapa pala sakin?"
"Oo halos lumipad na nga ako dahil traffic kanina sa Alabang."
"Best ikaw galing kaba sa work mo?". Biglang singit ni Cendy
"Umuwi muna ako ng bahay bago tumuloy dito alam mo naman si mudra laging bilin ang banana chips ng batangas."
"Nagkita kayo ni Nanay sa labas?asan siya?"
"Pinauna ako dito at bibili lang daw siya ng pagkain. Best hindi paba alam ni Tita ang tungkol sa inyo ni Justin?" Nang maupo ito tabi ni Cendy.
"Best ang hirap ng sitwasyon namin ni Nanay nitong mga nakaraan araw. Ayaw niya akong pakingan ayaw niyang marinig ang paliwanag ko tungkol kay Justin."
"Kaya kaba nasa ganyang kalagayan ngayon sinarili mong lahat?Best andito ako bakit hindi mo sinabi lahat. Para hindi ka umabot sa ganyang sitwasyon."
"Naiintindihan ko rin si Nanay. At alam narin ni Justin na hindi ok kay Nanay na nandito siya ngayon."
"Justin pano yan galit parin sayo si Tita Marlyn?" Bumaling ang tingin sa lalaking nakikinig lang at tahimik na nakaupo sa upuan sa may gilid ng kama.
"Naiintindihan ko rin si Tita dahil malaki ang naging kasalanan ko kaya hindi ako magsasawa na humingi ng tawad sa kay Tita, Natatakot nga ako kung anong sasabihin niya sakin."
Habang naguusap ang tatlo. Pumasok narin si Aling Marlyn na may dala dalang pinamiling pagkain. Dirediretso at ipinatong sa ibabaw ng mesa.
"Kain muna tayo." Habang inaayos ang mga pagkain.
"Sige po Tita sagot ni Mela dahil naging tahimik lang ang dalawa.
"Nay ano po yang binili ninyong pagkain?"
"Menudo at sinigang na baboy at kanin Anak, kakain kanaba?"
"Maya maya na Nay maaga pa naman po."Lumapit nalang si Mela kay Aling Marlyn para kausapin ito para malibang lang. Dahil sa pananahimik ng dalawa. Dahil hindi magawang tingnan ni Aling Marlyn si Justin, kayat hindi rin maintindihan kung anong gagawin o sasabihin ni Justin. Kayat tumayo ito at lumapit kay Cendy upang magpaalam.
"Ahmm Mahal tuloy muna ako kila Lola." Paalam nito sa mahinang tinig.
"Sige ikaw deritso kanaba ng Manila?"
"Bukas nalang siguro."
"Sige salamat ingat." Iginala ang mga mata deritso sa kanyang Nanay pahiwatig na magpaalam dito si Justin. Na agad namang naintindihan ng lalaki ang ibig sabihin ni Cendy.
"Mela, Tita Marlyn alis napo ako tutuloy po muna ako kila Lola salamat po." Nagpapaalam na may kasamang takot, pangangamba sa kung anong isasagot ng Matanda.
"Sige iho."sabay tango lang nito, at bumalik sa ginagawa ang paningin nito.
Mainahong lumabas ng pinto si Justin, na may kaunting katahimikan sa tatlo.
"Kain na tayo best, tita gutom narin ako." Pagbabali ng katahimikan ni Mela dahil da tensyon.
"Oo nga Cendy anak anong gusto mong ulam dito?"
"Nay pwede magusap po tayo, please Nay".
"Bakit anak?" Lumapit ito at umupo sa tabi ni Cendy.
"Nay, alam ko po na galit parin po kayo kay Justin. Nay diba dati gusto kitang kausapin tungkol dito pero ayaw mo. Hindi po totoong nakabuntis si Justin, niloko lang siya ng babaeng yon, halos mahigit isang taon kuna rin po nalaman ang totoo."
" Anak pasensya na, oo nga hindi siya naka buntis, pero naging girlfriend niya at sa mga panahon na yon kinalimutan ka. Anak hindi kaba nasaktan sa mga nangyari? Pano kung maulit na naman? Anak ako ang mas nasasaktan sa ginagawa mong pagtitiis at pagtangap ng lahat."
"Nay hindi ko rin po maintindihan siguro dahil Mahal ko, Ginagawa niya naman po ang lahat para ibalik ang lahat".
"Anak naiintindihan kita pero sana maintindihan mo rin ako kung hindi ko pa kayang harapin ang lalaking yon ."
"Ok lang po Nay, alam kung kapakanan ko rin palagi ang iniisip niyo."
"Ops tama na nga yan, ayaw kung umiyak. Tita best kumain na nga lang tayo nadadala na ako sa inyo " Nag acting na naiiyak din.
"Oo nga pasensya na Mela, sige na anak kain na tayo."
"Sige po, tatayo nalang po ako." Alam ni Cendy na hindi niya katulad ang kanyang Nanay na mabilis makalimot at makaunawa ng lahat. Yun yata ang hindi niya namana sa kanyang Nanay. Dahil ang kanyang tatay ang talagang napakabait noong nabubuhay pa ito. At dito nakuha ni Cendy kung anong mayron siya ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa bahay naman nila Lola Flor nagulat ang matanda ng may bigla nalang nag park ng kotse.
"Mano po Lola".
"Apo!bakit ka nandito, diba dapat nasa baguio ka ngayon?"
"Tapos napo, namis kita Lola payakap nga po." Mahigpit na yakap ang ginawa nito.
"Kumain kana ba apo?"
"Hindi pa nga po Lola."
"Halika ipaghahanda kita ng makakain may niluto akong tinulang manok rito."
"Wow sarap naman non." Nakaakbay sa matanda papasok ng kusina.
"Apo malapit kanang makagraduate ah?"
"Upo lola dalawang buwan nalang po at lola kailangan nandon ka ha?"
"Oo ba basta sunduin niyo ako rito".
"No problem Lola."
"Apo bakit kaba nandito?". Habang nilalagay ang pagkain sa mesa sa harap ni Justin.
"Nasa Hospital po kasi si Cendy siya ang pasyente ngayon dinalaw ko lang po."
"Ha!bakit anong sakit?"
"Ang sabi po mabagal ang daloy ng dugo sa puso niya dahil sa stress, pagod at sama ng loob kaya bigla nalang nahihimatay."
"Kawawa naman yong bata, e ano kumusta siya?"
"Ok naman po, nagiguilty nga ako lola siguro dinamdam niya masyado yong mga ginawa ko kasi noong nagaaral pa kami hindi naman siya nakaramdam ng ganon?"
"Hindi naman natin masasabi yan apo baka naninibago rin sa trabaho, pagud at sobrang pagpupuyat."
"Sana nga lola at nagsisisi po ako lola sa mga nagawa ko. Dahil hangang ngayon galit parin po sakin si Tita Marlyn hindi man po pinapakita sakin ay ramdam ko dahil hindi katulad noon na kinakausap niya ako."
"Apo hindi mo naman siya masisisi, syempre bilang isang Ina mas yon ang nakaramdam ng sakit na nagawa mo sa anak niya. Apo wag kalang susuko, iparamdam mong mahal mo at importante sayo ang anak niya. Mabait naman sa tingin ko si Marlyn."
"Opo Lola, anong oras po pala ang uwi ni Ronie?"
"Hindi naman pare pareho ang uwi non minsan 6:00 minsan 7:00 traffic daw kasi kapag gabi na."
"Mabilis lang naman dumaan sa traffic lalo't motor ang gamit niya."
Maagang umalis ng bahay ni Lola Flor si Justin. Dumaan muna sa Hospital kay Cendy. Ganon parin, umiiwas parin si Aling Marlyn na makaharap ito. Habang nasa loob ng kuwarto si Justin, nasa labas naman ito. Nagpaalam na maghahanap lang ng signal dahil mahina ang signal sa loob, at mat kailangang tawagan.
"Mahal pasensya kana ha, kung pwede nga lang epostponed yong project ko gagawin ko sunod sunod kasi."
"Ok lang Mahal, kaya mo yan dalawang buwan nalang tapos kana, wag kang magalala bukas makakalabas na daw ako."
"Pagaling ka ha, pahinga ka muna wag ka munang papasok tatawag ako palagi."
"Ok, wag mo akong isipin malakas ako."
"Mahal sige na alis na ako". Habang hawak ang dalawang kamay ng bahagyang lumapit at nagdikit ang kapwa labi. Tumagal ng limang sigundo bago naghiwalay.
"Bye ingat sa pagmamaneho, wag masyadong mabilis ang pagpatakbo ha."
"Ok po para sayo palagi akong magiingat babye I love you."
"Love you to".Hatid tanaw nalang hangang makalabas ng pinto.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tawag at text lang ang namamagitan sa dalawa. Dahil naging busy narin si Justin. Minsan hating gabi na ito kung tumawag dahil ito palang ang oras ng paguwi niya. Hindi paman nakaka graduate may mga trial project ng binibigay sa kanya. Dahil siya naman talaga ang pinaka mataas ang resulta sa mga exam, projects nitong mga nakaraang taon. Engineer J, Ramos na nga ang tawag ng ilan sa kanya, pati ang mga guro na bilib sa kanyang kakayahan. Lalot nagkaroon sila nang project about sa pa bahay ng mga mahihirap. Nagustuhan ang mga idea na iminungkahi niya sa mga ito. "Perfect", ito ang sabay sabay na narinig niya sa mga ito.
"Mahal wish ko, sana nandito ka sa araw ng graduation ko. Kaya lang alam ko naman, alam natin na hindi papayag si Tita. Ok lang ako nalang pupunta diyan."
"Oo nga, hayaan mo tatawag ako mismo sa oras ng graduation mo at babawi nalang din ako pagpunta mo rito, anong gusto mong gift?para mabili kuna." Natawa sa tanong niya.
"Ang gusto kong gift? hindi nabibili ikaw ang gusto kong gift Mahal. Ikaw lang sapat na."
"Ay wow kinilig naman ako, may tamang oras po tayo diyan? alam yan ni God."
"Alam din ni God kung gaano kita kamahal, sana bigyan niya agad ako ng work para, sa ganon may lakas loob na ako para mamanhikan sayo."
"Ano?hahahaha "agad agad? Mahal nagmamadali kaba?"
"kung pwede nga lang ngayon na, kaya lang kailangan ko pang bumawi kay Tita Marlyn, alam kung hindi pa bumabalik ang tiwala niya sakin.
Kailan niya kaya ako mapapatawad? Pero hindi ako susuko para sayo mahal gagawin ko ang lahat."
"Thank you po, mabait po si Nanay alam kung maiintindihan niya rin tayo." laging laman ng pusot isip ang isat isa bago matulog.
Bumalik na uli sa trabaho si Cendy. Habang pinaghahandaan naman ni Justin ang nalalapit niyang pagtatapus. Napagusapan ng pamilya Ramos na sa isang Malapit na restaurant nalang ganapin ang handaan. Catering at sila ang magbibigay ng menu sa kung anong mga pagkain ang ihahanda. 12 hours ang reserve para sa kanila sa gabing yon.
Hindi rin maalis sa isip ni Cendy ang pag mamakaawa ni Justin na sana andon siya sa oras na yon. Kaya lagi siyang naghahanap ng tamang tyempo para makausap ang kanyang Nanay. Na sana pagbigyan siya nito.
"Nay pwede ba tayong magusap?" Pumasok sa kuwarto ng Ina.
"Oo naman anak akala ko nga tulog kana."
"Hindi pa nga po ako inaantok, nay galit pa po ba kayo kay Justin?"
"Anak kailangan pa bang manatili ang galit ko sa kanya? Na alam kung mahal na mahal parin siya ng anak ko." Nabigla sa narinig si Cendy, kayat mabilis na niyakap ang Nanay at napahalik ng dalawang beses sa pisngi nito.
"Nanay ko talaga. Thank you God dahil napakabait ng Nanay ko."
"Ay suss nangbola pa. Anak pasensya kana alam kung nahirapan kang unawain ako at alam kung kasama ako sa mga pagod at mga iniisip mo. Alam ko naman na nasa tamang edad kana at nakakaalam ng tama o mali, pasensya kana anak ha!kasi nagiisa kalang sa buhay ko."
"Aba marunong din pala magdrama ang Nanay ko? Hahahhahaha Nay pasensya kana rin dahil love kita dito muna ako tutulog sa tabi niyo? miss kuna matulog na katabi kita."
"Bahala ka masikip na tayo dito."
"Ok lang po."
Masayang nagkwentuhan ang magina, inalala ang ibang masasayang araw. Tulad ng sana nandito pa ang tatay katabi natin at nakakasama sa lahat.
Habang yakap ang Ina sa higaan naikwento narin ni Cendy na si Justin pala ang nagdala sa kanya sa Hospital noong mahimatay siya sa Simbahan. At nagbibigay ng mga bulaklak na iisa lang ang kulay at walang pangalan.
"Anak pasensya kana hindi mo kasi agad sinabi sakin." ito ang tanging nasabi ng Ina.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Hello Insan anong oras ba ang graduation mo bukas?"
"Alas 5:00 ng hapon Insan bakit?"
"Sabi kasi ni Lola pakisabi kay Tito Melchor wag na kaming susunduin. Mag cocomute nalang kami kasi marami pa daw aasikasuhin diyan si Tito."
"O sige ikaw nang bahala kay Lola?"
"No problem Insan, pero baka diretso na kami sa venue kasi wala namang tao sa bahay niyo."
"Oo o kaya doon nalang sa Restaurant kayo maghintay kasi kong manonood pa kayo ng ceremony mapapagod masyado si Lola."
"Ok Insan bahala na kung maaga kaming dumating diyan. Nag absent ako sa work para lang sayo at sa request ng isang tao ay ni Lola pala."
"Ano? Ok lang yan malaki naman sahod mo ikaw na muna bahala kay Lola."
"Sige Insan bukas sigurado ang laki ng ngiti mo niyan paghandaan mo Engineer Ramos."
"Sige na kung ano ano na namang sinasabi mo".
"Bye Insan bukas poging pogi dapat?". Handa na ang lahat dalawang oras nalang maguumpisa na ang ceremony, panay ang dial sa phone ni Justin dahil simula umaga hindi macontact ang cellphone ni Cendy.
"Bakit laging out coverage ang cellphone niya sabi tatawag siya wala naman." Hindi mapakali sa kinatatayuan nito. Habang naghihintay ng simula ng announcement ng ceremony.
NAGSISIMULA na ang graduation ceremony. Mahigit one hundred ang graduating for engineering. Masaya ang buong pamilya, may mga pumunta sa side ng pamilya Ramos.
Pinaghandaan ang pagtatapos ng nagiisang magiging Engineer sa pamilya. Lalo na nang tawagin ang pangalang "Mr. Justin Ramos,Congratulations".
Kitang kita ang saya sa pamilya lalong lalo na nang tawagin ang mag asawang Ramos, para iabot ang award na di inaasahan ni Justin. Mula sa pabahay project isang sobre na kulay puti.
"Congratulations Mr Justin Ramos
From. Pabahay project
3 years Contract.
Palakpakan ang lahat na may kasamang hiyawan. Nagyakap ng mahigpit ang tatlo sa ibabaw ng intablado.
"Thank you Ma, Pa".
"Congratulations po".
Lumapit at nakipag kamay sa mag asawa ang Head Superintendent of University, para iabot ang envelope. Hindi narin mapigilang mapaiyak ni Justin dahil sa mga nangyayari. Nilapitan siya ng mga kapwa graduating, mga kaibigan, at kamaganak.
"Thank you tagumpay natin to."
Nang may napansin na papalapit na babae halatang nahihiya dahil sa mga nakapaligid sa kanya. Nabigla dahil sa nakita.
"Mahal! nandito ka?". Halos natigilan ang mga katabing kapwa graduates sa reaksiyon nito.
"Hi Mahal Congrats." Si Cendy nahiyang yumakap dahil sa dami ng tao.
"Owwwww yesssss ingit kami pre, siya ba mate? ipakilala mo naman samin." Pang aalaska ng mga kaibigan at mga kapwa graduate.
"Girlfriend ko nga pala si Nurse Cendy Crus. " habang nakayakap sa baywang ni Cendy.
" nakakahiya hoy Justin?grabi ka nanan kumpleto talaga ." Sabay kurot sa baywang nito.
"Wow pre, may tinatago ka pala? Kaya pala sipag mo?"
"At Nurse pa swerte mo mate at maganda". Puna ng mga kaibigan at ibang classmate ni Justin.
"Thank you and congratulations sa inyong lahat". Halos matunaw sa hiyang nararamdaman si Cendy. Dahil halos lahat ng kakilala nitong si Justin ay ipinapakilala siya.
At para na ngang nangangampanyang kandidato sa ginagawa nito.
"IKAW ha halos ipakilala muna ako sa buong mundo."
"Aba syempre mahal ang saya saya ko kaya, kasi andito ka," Nakayakap parin ito habang nasa loob ng kotse na minamaniho ng amang si Melchor papuntang restaurant kung saan naroon ang malaking handaan at naghihintay na mga kamag anak at bisita.
"Insan, Lola salamat kasi napapayag niyo itong Mahal ko na sumama papunta rito."
"Hoy para malaman mo ako po ang nagsabi kila lola Flor at Ronie na sasama ako. Ayan tuloy nag comute si lola Flor dahil sakin." Bumaba ang boses ng may lambing.
"Ok lang iha basta masaya ang apo ko."
"Oo nga maging masaya kalang. Kami ni Cendy no work no pay, kaya may babayaran ka samin ng 2 days". Dugtong naman ni Ronie.
"Don't worry Insan mamaya may ipapakilala ako sayo ma gugustuhan mo yon. Para magka girlfriend kana man."
"Sige Insan sana pumasa sa examine ko". Sabay tawa
"Examine talaga?" Ani ni Mang Melchor
"Oo Tito may examine muna bago makapasa." Masayang tawanan ng mga nasa loob nang sasakyan.
Habang magkahawak kamay ang dalawa.
"Salamat Mahal, pano si Tita Marlyn alam ba niya na andito ka?"
"Oo naman at pinapasabi sayo congrats nalang daw wag kang magalala ok na si Nanay."
"Hay salamat ang saya saya ko ngayon thank you Mahal ano pwede naba kaming mamanhikan ng pamilya ko?". pagbibiro nito.
"Hoy Mahal tumigil ka nga nakakahiya kila Tita,Tito at lola Flor." Saway nito habang natutuwa ang mga kasama sa loob ng sasakyan sa reaksyon niya.
"Bakit hindi?kung papayag na si Cendy dugtong naman ng amang si Melchor.
"Naku! Tito hindi po." Halos hindi na makapagsalita itong si Cendy dahil sa pagsangayon ng mga ito. Kaya't kurot nalang ang iginanti sa katabing si Justin.
"Aray aray, hahahaha Mahal Joke lang, hindi pa sa ngayon kasi wala pa akong work perolo pano yan Mahal may 3 years contract na ako baka pwede na?" Tawanan muli dahil hindi na makapagsalita si Cendy. Kaya't panay kurot na may lambing ang ibinabalik kay Justin.
"Aray, I love you Nurse Cendy, excited na akong maging part ka ng pamilya namin."
MASAYANG nagsalo salo, kanya kanyang kuha ng pagkain. Mga kamag anak sa dalawang side ng pamilya Ramos mga kaibigan ni Justin, .araming pagkain at inumin. Laging mag ka hawak kamay ang dalawa. Hindi iniiwan ni Justin si Cendy, at hindi mahiwalay sa upuan.
"Justin kailan ba para makapaghanda na kami." Biro ng isang kamag anak.
"Malalaman niyo nalang po, kapag pumayag na tong Mahal ko." Sabay tingin sa katabi at titig sa mukha nito.
"Mahal malapit na akong matunaw sa mga tanong nila sayo." Pabulong na sabi nito habang kanya kanyang take ng picture.
"Ok lang yan Mahal hindi kita iiwan nandito lang ako lagi sa tabi mo. Pagod kana ba, ano mauna na tayo sa bahay?"
"Naku hindi, maaga pa naman. Nakakkahiya iiwanan mong mga bisita mo?"
"Kasi gusto na kitang masolo". Napapangiting bulong nito.
"Hoy! tumigil ka ikaw talaga." kurot ka uli.
"Aray, Mahal iba na yang mga kurot mo sakin may ibig sabihin na yan. Mamaya nalang paguwi natin ha?". Pang aarasar ng lalaki na ikinapula ng mukha ni Cendy.
"ikaw talaga tumigil ka nga baka may maka rinig sayo Mr. Justin ang landi mo".
"Miss Cendy, hindi ba pweding masaya lang ,kasi andito ang nagpapasaya sakin?I love you "
"Ok, I love you to happy din ako and congrats, pasensya kana wala akong gift sayo."
"Mayron Mahal, nandito ka isang malaking regalo na para sakin, walang makakahigit at mamaya pag uwi sa bahay yong kulang ha?"
"Hoy ano yon?tumigil ka nga andiyan na si lola sige ka."
Hating gabi na nang matapos, ang malaking salo salo. Kanya kanya nang alis ang mga bisita at mga kamaganak ng pamilya Ramos.
Sila nalang ang panghuling umalis ng restaurant. Siniguradong ok ang lahat bago umalis ng venue.
"Mama, Lola pwede bang sa kuwarto kuna matulog itong girlfriend ko?"
"Hoy tumigil ka nga." Nahampas ang boy friend sa balikat nito habang papasok ng bahay.
"Justin behave, wag gagawa ng hindi pa pwede sa kuwarto ni bunso muna matutulog si Cendy at saakin na muna si bunso tatabi at si Lola, isa pa si Ronie ang katabi mo." Paliwanag ng Inang si Meldred,
Habang nakangiti ang ibang kasama dahil sa reaksyon ng mukha ni Justin .
"Bakit pwede naman sa kuwarto ko, sa lapag nalang ako at wala naman po akong gagawin alam ko naman po ang dapat sa hindi pa dapat." Muling hirit nito.
"Anak tama ang mama mo nakakahiya kay Cendy at hindi tama na iisa ang kuwarto na tutulogan niyo."
"Ok po biro lang pasensya kana mahal ha per gusto ko rin pong masulo ang girlfriend ko, sa terrace po muna kami."
"Ok anak, Cendy pasensya kana iha talagang ganyan yan?" Ani ni aling Meldred.
"Ok lang po sanay napo ako sa mga pangaalaska nito".
"Sige iha pahangin daw muna kayo sa taas at anak Justin pakilagay muna yang gamit ni Cendy sa kuwarto ni Bunso and anak behave ha?"
"Yes po, don't worry thank you po". Tumuloy na ang dalawa.
Sa Terrace na malamig at maganda ang view dahil tanaw ang maliit na garden nila Justin at ilang mga puno. Tahimik dahil nasa bahagi ng isang village ang bahay ng pamilya Ramos.
"Wow ang lamig naman, mahal tahimik naman pala dito sa inyo?" Si Cendy habang nakadungaw sa ibaba.
"Oo kasi malayo naman sa mga pabrika, malamig talaga kapag nandito sa taas." Sabay yakap nito sa nakatalikod na si Cendy. " dito rin kami madalas mag bonding at mahal salamat ha halos hindi ako makapaniwala na andito ka ngayon at nayayakap ko."
"Ako rin Mahal, sa kabila ng lahat magkasama uli tayo."
"Patawarin mo ako sa lahat nang nagawa ko mahal hinding hindi na kita paiiyakin hindi ko sinasadya ang lahat ng yon pinapangako ko ikaw lang ang mamahalin ko habang akoy nabubuhay."
"Hoy grabi ka grabi namang pangako yan baka mamaya kapag maganda na work mo marami na ang makikitang mayayamang babae at disente at hindi na naman maiwasan ang tukso."
Humarap ito mula sa pagkakayakap ni Justin.
"Mahal alam ko na nasaktan na kita gagawin ko ang lahat na muling bumalik ang tiwala mo sakin, mahal na mahal kita Miss Cendy". Sabay hawak sa magkabilang pisngi at halik sa labi nito.
Hindi naman nagawang umiwas dito ni Cendy, dahil nanabik rin ito sa lalaking walang ibang itinitibok ng kanyang puso. Tumagal ng halos limang segundo.
"Mahal pasensya kana, hindi ko kayang pigilan, miss na miss na kasi kita." Mahinang tinig nito habang magkayakap parin.
"Ako din, i miss you so much.
Tumatagal ng higit isang oras ang paguusap nila sa terrave ng bahay nila Justine. Nang mapansin na lumalim na ang gabi napag disesyunan na ni Cendy na yayain si Justin upang pumasok na ng bahay.
"Ahmm halika kana baba na tayo baka hinihintay nila tayo sa baba."
"Mahal paniguradong tulog na sila. Ikaw magpahinga kana rin bawal sayo ang mapagod masyado."
"Oo nga sige tulog kana rin goodnight mahal."
"Goodnight din and feel at home mahal."
Bumaba ang dalawa at tinungo ang kanya kanyang kuwarto. Bakas sa mga mukha ang lubos na kasiyahan at hindi maikakaila na punong puno ng pagmamahal.