Ang puso nga naman kapag nagmahal, ang oras ay hindi hadlang. 3:00 am na ng madaling araw, hindi parin makatulog si Cendy, dahil hindi sanay matulog sa ibang bahay.
Ganon din pala si Justin sa kabilang kuwarto. Dahil sa hindi mapalagay, at hindi makapaniwala na nasa kabilang kuwarto lang ang babaeng kanyang pinananabikan.
Nabigla si Cendy sa pagpasok nito
"Mahal bakit ka nandito?matulog kana." dahil pinatay nito ang ilaw at lampshade nalang ang binuksan sa ibabaw ng maliit na mesa.
"Mahal hindi kasi ako makatulog, tabi tayo please?" Mahinang tinig nito.
"Mahal wag kang ganyan hahanapin ka don ni Ronie."
"Babalik naman ako mamaya mahal wag kang magalala wala akong gagawin sayo, gusto lang naman kitang mayakap at makatabi, kaya sige na."
"Justin, wag nakakahiya sa pamilya mo, kapag nalaman nila na pumayag ako na pumasok ka rito kaya sige na mahal lumabas kana".
"Mahal please..please sige na kahit saglit lang patabi ako at kaunting yakap lang please."
Bahagyang lumuhod pa ito sa gilid ng kama at hawak ang isang kamay ni Cendy.
"Ay naku Justin ha dinadala mo na naman ako diyan sa paluhod luhod mo, lumabas kana sige na baka marinig nila tayo." Hindi paman natatapus ang pakiusap ni Cendy, tumayo ito ng walang imik at walang paalam palabas ng kwarto.
"Hoy tampo agad, mahal?. Dahil walang imik at paalis na ito. Tumayo si Cendy bago pa ito makalabas ng pinto.
"Mahal wag kana mang ganyan, wag kana man magalit please." Nakasunod si Cendy
Bago paman mabuksan ang pinto, mabilis itong lumingon sa kinatatayuan ni Cendy, agad niyakap ng mahigpit ang babae sabay halikt dito.
"Mahal no.....wag." Hindi makaalis mula sa mahigpit na pagkakayakap ng lalaki.
"Mahal na mahal kita Cendy, please...?" Binuhat nito ang babae pahiga sa kama hindi naman magawang tumutol ni Cendy sa ginagawa niyang paghalik rito.
"Justin, wag," Dahil sa pagmamahal sa lalaki parang hindi niya rin kayang tanggihan ito.
Hinahalikan sya nito sa noo pababa sa ilong, leeg, naglalakbay ang maiinit na dampi ng mga labi ng lalaki.
Hangang maramdaman niyang nahanap nito ang lock ng kanyang pang itaas na damit.
Hindi niya parin kayang pigilan sa kung anong gustong gawin nito.
Tanging pangalan lang ng lalaki ang kanyang nasasabi. Pinaparamdam ng lalaki ang kanyang lubos na pagmamahal, sa pamamagitan ng maiinit na mga halik , na ngayon ay ramdam na niya ang pananabik nito sa kanyang dibdib.
Tanging mga pangalan nalang ang nasasambit sa isat isa. Mahigpit na hawak sa mga kamay na para bang humingi ng lakas sa isat isa.
"Justin." Naglakbay ang isang kamay nang lalaki, nagtangkang gawin na ikinagulat ni Cendy. Nagkaroon ng lakas at naitulak ang mapusok na lalaki.
"Justin wag!"
Kaya't nabigla rin ito at napa upo nang dahan dahan sa kama. Habang mabilis ding tumalikod si Cendy hinanap ang damit niyang pang itaas.
Halos 10 minutes na walang imikan.
"Mahal I'm sorry, hangang kailan ako maghihintay?" Pabulong na sambit nito.
"Justin please lumabas kana hindi pwede to." Napaiyak na ito dahil sa hindi maintindihang pakiramdam.
"Bakit hindi, mahal mo ba talaga ako?"
"Umalis ka muna please...." Walang imik na tumayo ang lalaki, na hindi naman magawang tingnan ni Cendy.
Napayakap sa unan. "Bakit ako pumayag kanina? bakit ako nanghina? Bakit hindi niya ako nirespeto? Dahil ba sanay na siya sa ibang babae?gusto niya rin gawin sakin?".nang may mumunting luha na lumabas sa mga mata nito.
"Kahit mahal ko siya hindi dapat nangyari to?paano kong nangyari at nakuha niya na?"
Sa nangyari parehong hindi mapakali ang dalawa at hindi makapaniwala, hindi nakatulog ng maayos.
KINABUKASAN
"Ronie baba kana breakfast na mun, si Justin ba gising na?" Ang kanyang Tita Meldred habang nagaayos ng breakfast sa Mesa at naroon narin si lola Flor.
"Ha!tita kanina pa yata gising wala na sa kama pag gising ko."
"Goodmorning po, Tita, Tito, lola Ronie." Nahihiyang bati sa mga ito ni Cendy habang pababa nang hagdan.
"Goodmorning iha, halika na breakfast na tayo." Si Lola Flor.
"Cendy halika maupo ka, si Justin ba nakita mo?". Ani ni aling Meldred.
"Ahmm Hindi po baka tulog pa po?"
"Sabi ni Ronie wala naman daw sa kuwarto maaga daw bumangon."
"Mama alam kona nasa Terrace yon. Alam niyo naman si kuya don ang tambayan non kapag stress?" Dugtong ng bunsong kapatid.
"Ay naku bunso paanong stress e andito si ate Cendy, masaya nga yon baka nasa taas nga ang batang yon sige na kain na tayo bababa nalang yon." Sa narinig ni Cendy na sinabi ng kapatid. Baka naroon nga ito, dahil sa nangyari.
"Siya pa ang may ganang ma stress?e ako itong halos hindi makatulog, kaya tama wag ka munang bababa Mahal kasi hindi ko alam kong paano kita haharapin.
Habang kumakain ay panay lingon baka bumaba na ito. Samantalang panay biruan naman ang mga kaharap niya.
"Cendy ok kalang ba?hindi mo ba gusto ang pagkain?" Puna ni Mang Melchor.
"Ok lang po ako Tito, masarap nga po."
"Oo nga iha, kain kalang." Si Aling Meldred at sabay abot nito ng toccino kay Cendy, dahil napapansin nitong nahihiyang kumuha ang dalaga.
Natapos na ang lahat sa pagkain, habang nagliligpit na ng kinainan si Aling Meldred ay saka palang lumapit sa hapag kainan si Justin.
"Anak saan kaba galing halika kumain kana."
"Sa taas lang po Mama, kumain na po kayo? Mahal?" hindi makatingin ng deritso sa nakaupong si Cendy, dahil nasa harap parin ito ng mesa.
Napatango nalang ng konti si Cendy, dahil sa pakiramdam na parang nalulunod. Siguro kong may nakapansin lang sa mukha nito, na nag bablush sa sobrang hiya, mahahalata dahil hirap tumingin sa lalaki. Napatayo ito na malayo ang tingin.
"Tulongan kona po kayo tita?"
"Wag na iha, ako nalang".
"Ok lang po, sanay naman po ako sa ganitong gawain." Malayo lang ang tingin sa nakaupong si Justin.
"Wag na iha, sige na doon kana muna sa sala ako nalang bahala dito."
"Sige po tita maiwan ko po muna kayo". hindi magawang magpaalam sa katabing boyfriend. Nahahalata ito ni Aling Meldred dahil sa hindi pagkikibuan ng dalawa.
Pagkaalis na pagkaalis ni Cendy, umupo ito sa harap ng anak.
"Anak bakit parang may kakaiba sa inyo?pansin ko yon?" Nangingiti itong bumubulong sa anak.
"Mama wala po?" Hindi naman makatingin sa Ina.
"Anak kilala kita tumingin ka nga sakin at magsabi ka ng totoo bakit hindi kayo naguusap?"
"Mama wala po nahihiya lang po." Nangingiti at halatang may tinatago.
"Anak nanay mo ako, kahapon lang ang sweet sweet niyo tapos ngayon ano nga, secret lang natin." Pag eenganyo ng ina.
"Ahmm muntik nang may mangyari samin kagabi, ganun pala yon kaya heto pareho kaming nabigla sa nangyari at nahihiya."
"Ano may ginawa kayo kagabi?" Pagseryuso nito.
"Mama boses niyo po baka marinig kayo, hindi po ganun hmm pinupog kulang po ng halik yon lang po." Napapangiti at kinikilig na sabi nito ng pabulong sa Ina.
"ikaw talaga, akala ko yon na tinakot mo naman ako anak alalahanin mo hindi pa tayo handa para sa pagpapakasal."
"Darating tayo diyan Mama, wag kayong mag alala diba may 3 years contract na ako magiipon po tayo."
"ikaw talaga!.buti napigil niyo ang hindi pa dapat."
"Siya ang ayaw pa, excited na nga ako akala ko yon na".
"Ikaw talaga tumigil ka nga, buti nga hindi katulad ng ibang babae yang si Cendy, respeto anak ha hindi yan katulad ng iba ."
"Upo naman Mama, mahal na mahal ko po yan kaya nga nahihiya ako ngayon dahil sa ginawa ko, nawala ako sa sarili kagabi."
"Yan o ano? Tiklop ka ngayon kaya tumayo kana diyan at humingi kana ng tawad sa ginawa mo."
"Ang hirap pala Mama? kapag naka gawa ka ng di sinasadya, tapos nakakahiyang lumapit."
"Hahaha, ewan ko sayo bahala ka, sige na puntahan muna nasa taas na yata sa kuwarto at mamaya uuwi na yata sila ng lola mo."
"Ok,bwait lang kinakabahan pa ako." sabay hinga ng malalim. Natatawa nalang ang Ina, sa reaksyon nito.
Paakyat ng hagdan itong si Justin nasalubong si Lola Flor na bitbit na nito ang bag.
"Lola uuwi na po agad kayo?"
"Oo iho, alam mo naman na may tindahan ako."
"Sige po ihahatid ko po kayo."
"O siya sige nakabihis na kaya si Ronie at si Cendy?"
"Puntahan ko po sa kuwarto hintayin niyo nalang po sa baba.
Habang papalapit sa kwarto kong saan naroon si Cendy. Ilang minuto ito bago nagawang kumatok.
"Pasok bukas po yan."
Habang nagaayos ng mga gamit sa bag, dahan dahan din binuksan ni Justin ang pinto.
"Mahal aalis kana?". Kunwari hindi alam, nakatayo lang ito sa tapat ng pinto.
"Oo may duty kasi ako mamayang gabi." Hindi makatingin sa kausap.
"Mahal please tumingin kanaman sakin, ayaw ko ng ganitong pakiramdam, I'm sorry."
"Nahihiya lang ako sa sarili ko hindi ko alam na mangyayari yon,"
"Mahal wag kana man ganyan. Nagsisisi kaba ako mahal hindi kasi nagawa ko yon dahil dito sa puso ko. Mahal mo paba ako?" Lumapit ito sa harapan at lumuhod.
"Justin tumayo ka diyan."
"Hindi ako tatayo rito hangat hindi mo sinasagot ang tanong ko. Mahal moba ako?"
"Yes, kaya tumayo kana diyan.
"E bakit hindi kapa rin makatingin sakin?"
"Ewan ko sayo Mr. Ramos, bakit ka ganyan hindi kita matiis."
"Kasi po Mahal na mahal kita at ayaw kong magagalit ka sakin".
"OK na mahal aalis na kami, ready na kaya sila Lola Flor?"
"Oo naghihintay na sa baba."
"Bakit hindi mo agad sinabi". Sabay tayo at buhat ng bag. Nang pigilan ito ni Justin sa kamay.
"Mahal ano wala bang yakap?". Nakaharang ang katawan nito.
"Ikaw talaga sige na nga." ito ang naunang yumakap at gumanti rin nang sobrang higpit si Justin.
At muling nagtama ang mga mata, naguusap kong dapat pa bang gawin ang naghihintay na mga labi. Habang magkadikit ang mga ilong.
"Mahal na mahal kita." Bulong ni Justin sa nakapikit na si Cendy.
"Mas mahal kita, sorry kong hindi ko pa kayang ibigay ang gusto mo."
"Maghihintay ako, sa tamang panahon o oras na ipagkatiwala mo ang bagay na yan sakin, masaya ako dahil nayakap kita at nakasama sa kuwartong ito, hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari kagabi, mas lalo kitang minahal Cendy." Dahan dahang lumapit na may respeto, ang halik sa labi nato.
"Mahal alis na kami". Hindi makaalis sa pagkakayakap ng lalaki.
"Salamat, Mahal dito kana lang wag kanang umalis."
"Mr Ramos, may Nanay po akong naghihintay sakin at trabaho."
"Kapag naka ipon na ako, pakakasal agad tayo, hindi kuna patatagalin pa, gusto na kitang makasama araw araw, gabi gabi, minu minuto."
"Ok po at goodluck sa mga project na naghihintay sayo magkakalayo muli tayo pero kaya natin yan Mahal."
"At weekly lilipad ako, mahalikan lang kita katulad nito." Yinakap uli sya nito at hinalikan.
"Ok tama na, naghihintay na si Lola Flor, aalis na po kami bye."
"Mahal akin na yang bag mo ako na ang maghahatid sa inyo."
"Ano?ihahatid mo kami saan?"
"Ms, Cendy Crus nakalimutan mo yata na ang mahal mong engineer ay driver pa." Habang pababa ng hagdan.
"Aba yabang talaga."
Natutuwa naman ang mga nakaupo sa sofa at naghihintay lang pala ang mga ito sa pagbaba ng dalawa.
"Wow pinsan maghahanap narin ako, nakaka inggit naman." Bungad ni Ronie.
"Aba dapat lang pinsan sa pogi mong yan?"
"Aray ang sakit naman? kinuha mo kasi lahat ang pagiging magandang lalaki natin." tawa nito
"O siya aalis na kami". Si Lola Flor at nauna ng lumabas.
"Tita ,Tito thank you po alis na po kami." Sabay dampi sa magkabilang pisngi ng dalawa dito ni Cendy.
"Salamat din iha, babalik ka ha".
"Upo Tita, bunso babye". Nakaakbay sa bunsong kapatid ni Justin habang nakikihatid rin papalabas ng bahay.
"Babye ate Cendy ingat po."
"Anak dahan dahan lang, ingat sa pag mamaniho." Si Mang Melchor bahagyang naka dungaw sa tapat ni Justin sa driversit.
"Yes Pa alis napo kami."
"Ok ingat kayo, iha, Mama, Justin."
"Bye Tito thank you po." Sabay kaway mula sa tabi ni Justin, habang ikinakabit nito ang setbelt sa bahaging gilid ng kanyang tagiliran.
HALOS apat na oras mahigit ang byahe dahil sa sibrang traffic. Nakatulog na nga ang matanda, habang panay naman ang kulitan ng tatlo.
"Pinsan makakabili kana rin ng sarili mong kotse, kasi my project kana agad na naghihintay."
"Sana nga Insan palarin, kasi luma narin itong sasakyan ni Papa. Elementary pa yata ako nito."
"E ikaw Ronie kaya morin ah?malaki narin yata sahod mo?" Dugtong ni Cendy,dahil ramdam narin ang antok.
"Sapat narin, saka nalang may service pa naman ako, bahay muna siguro."
"Pinsan bakit bahay?girlfriend muna." Sabay tawanan ulit ng tatlo.
Nakaramdam tuloy ng guilty itong si Cendy syempre kahit papano may kaunting sakit dahil minsan na siyang minahal nitong si Ronie.
"Asan naba tayo?" Naalimpungatan tuloy ang matanda sa tawanan ng tatlo.
"Lola malapit na po nasa Quezon na po tayo." Malambing na sagot ni Justin.
"Salamat naman nakatulog na pala ako?"
"Oo nga Lola ang lakas nga po ng hilik niyo?at tulo laway pa." Biro ni Ronie na bahagyang kinurot ng matanda.
"A-ray,si Lola o totoo naman po." Paglalambing nito.
"Andito na tayo". Si Justin habang papasok na ng kanto sa bahay nila Lola plor.
"Si Lola sabik na sa tindahan niya". Muling pangaalaska nitong si Ronie ng tumigil na sa tapat ng bahay.
"ikaw talaga ibaba muna yong mga bag sa likod, puro ka diyan daldal."
"Yes Lola."
Naibaba na lahat ni Ronie ang kanilang mga gamit ng magsalita si Justin.
"Lola hatid ko lang po si Cendy sa bahay nila."
"Mabuti nga apo para makapag pahinga na rin yang si Cendy."
"Salamat Lola Flor."
"Salamat din iha."
Dahan dahan lang ang takbo ng kotse dahil sa kabilang kanto lang naman.
"Mahal nandiyan ba si Tita Marlyn ngayon?"
"Wala, nag message nga sakin kanina nagtanong kong pauwi na ako. Palagi namang gabi ang uwi non."
"Akala ko nandiyan kasi mag papasalamat ako at gusto kong yakapin si Tita dahil sayo dahil muli siyang nagtiwala sakin."
"Kaya alam muna? Last chance muna yan para kay Nanay."
"Ok po alam ko. Mahal anong oras ba pasok mo?"
"Mamaya pang 8:00 pm. Night ship kasi ako ng 15 days."
"E pano yan magisa ka ngayon diyan?"Tanong na may lambing.
"Ok lang sanay naman ako at bakit ka naka ngiti diyan?"
"Wala masaya lang ako kasi masusulo ko ang nagiisang babae sa puso ko ."
"Mr Ramos tumigil ka nakakainis yang mga ngiti mo na yan?"
"Bakit naman e boy friend mo naman ako?"
"Oo nga pero nakakainis yang mga ngiti mo. Kaya please buksan muna yong likod ng sasakyan at kukunin ko yong bag ko, para makaalis kana." Hindi pinahakatang kinikilig sa mga pangiti ngiti ng boyfriend.
" Mahal pinapaalis muna agad ako? Siguro sawa kana sakin?"
"Hoy! kahit anong iniisip mo tumigil ka nga, ikaw talaga kahit kailan buksan muna ang pinto at lalabas na ako."
"Wait hindi mabuksan." Kunwari pipindutin yong button ng kotse sa pintuan kong saan naroon si Cendy. Sabay nakaw ng halik sa babae.
"ikaw talaga." Kunwari pero gustong gusto naman ,ang mga paglalambing ng boyfriend.
Sabay bumaba ang dalawa at si Justin narin ang nagdala ng mga gamit sa loob ng bahay.
"Mahal alam mo hindi ako nakatulog kagabi." Si Justin habang isa isang tinitingnan ang mga picture sa harapan ng sala na malapit sa patungan ng TV.
"Bakit?anong problema don?" Kahit alam nya ang tinutukoy ng lalaki ay hindi sya nagpahalata. Ayan tuloy dina malasahan ng maayos ang tinitimpla nitong orange Juice.
" inaantok na kasi ako pwede bang makitulog kahit isang oras lang?"
"Pwede naman, diyan sa sofa malambot naman yan." Lord please ilayo niyo po ako sa tukso."
"ikaw hindi kaba inaantok?. Diba panggabi ang pasok mo matulog ka muna. Mahal bawal sayo ang mapagod at mapuyat."
"Ok lang po ako halika mag juice ka muna." yaya nito habang nilalapag ang dalang juice sa maliit na mesa sa harap ng sofa
"Mahal matulog muna tayo?maya pa naman ang pasok mo."
"Tumigil ka nga hindi pwede yang iniisip mo Justin Ramos."
"Hehehe Joke lang alam ko naman po ang limit ko kong hangang saan."
"ikaw kasi natatakot na ako sa mga moves mo, siguro sanay na sanay kana sa ibang babae no?"
"Mahal ayaw kong marinig yan lalo pat sayo pinagsisihan kona yon na dapat hindi ko yon nagawa sayo. Halika ka nga dito ka sa tabi ko." Nagiba ang tuno ng boses nito. Kayat lumapit nalang si Cendy at naupo sa tabi nito.
"Mahal sorry alam kong hindi na yon maalis sa isip mo hinding hindi na ako gagawa ng pagsisisihan ko. Gusto kona ng seryusong buhay at ikaw ang kasama ko."
"Ang lalim naman niyan?saan ba yan nanggagaling Mahal?" Habang parehong nakayakap sa baywang ng isat isa.
"Dito sa puso ko, mahal hindi kita dapat sinaktan noon, para buong buo sana ang tiwala mo sakin at ni Tita Marlyn. Paano ko kaya mababalik yon?"
"Mahal lahat naman tayo nagkakamali nasa atin nalang kong paano ito makakalimutan at malalampasan."
"Thank you Mahal,gagawin ko ang lahat para mabura ang pagkakamali na yon. Kaya tulog muna tayo?" Sabay higa sa kandungan ng babae, at deretso pikit ng mga mata habang nakayakap ang isang kamay nito sa baywang ni Cendy.
Hinayaan nalang ito, dahil alam niyang napagod ito sa pagmamaniho. At halata na puyat ang mga mata nito. Habang tinititigan niya ang mukha ng lalaki dito niya muling naramdaman ang sakit na nagawa nito noon. Ang mga labi at mga bisig. Kung pano nito halikan at yakapin ang babae na ipinagpalit sa kanya noon. Muling nakaramdaman ang sakit na halos mawala sa sarili.
"Mahal andito parin ang sakit bakit?" Hindi namalayan ang mga luhang hindi mapigilan at mapahikbi. Kaya kinuha nito ang isang pelow sa tabi niya at dahan dahang inilalim sa ulo ng lalaki na alam niyang mahimbing na sa tulog.
Mabilis na pumasok ng kuwarto para hindi marinig ang paghikbi at pagiyak nito. Ang hindi niya alam nakikiramdam lang pala sa mga kilos niya ang lalaki ramdam nito ang pagiyak ni Cendy. Nakapikit lang habang may mga luha rin na gustong lumabas.
"Mahal I'm sorry, alam kong hangang ngayon nasasaktan kaparin," Mabigat ang pakiramdam ng katawan, bumangon ito at naupo ng pasandal ang likod.
"Bakit hindi parin maalis ang sakit sa puso ko?bakit? Lord God pinatawad kona po siya pero bakit nararamdaman kupa rin?" Habang nakaupo sa kama, luhaan at pinipigilang mapalakas ang pagiyak ,kayat nakatakip ang mga kamay sa bibig nito. Hindi namalayan ang pagbukas ng pinto.
"Mahal tama na yan please, makakasama nanaman yan sayo." Niyakap nito ng mahigpit ang luhaang si Cendy.
"Justin ang sakit sakit parin, akala ko wala na?pero nandito parin."
"Mahal tama na, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sayo?". Nakayakap at panay punas ng mga luha sa pisngi ng girl friend. panay dampi ng halik sa labi at noo. Matigil lang ang pagiyak nito.
"Mahal ok lang ako, inilalabas kulang ang sakit, kasalanan ko kasi tinitigan kita kaya ayon naisip ko kong pano mo hinahalikan ang babaeng yon."
Hindi nagsalita ang lalaki at mabilis nitong pinupog ng halik ang mga labing nasasaktan parin hangang ngayon.
"Cendy Mahal, nandito na ako wala ng ibang hahalikan kundi ang mga labi na yan." Bulong nito habang magkadikit ang mga noo, na parehong naka pikit ang mga mata.
"Pasensya kana mahal masyado akong madrama".
"Hindi yan drama?totoong pakiramdam yan. Mahal ngumiti kana nagiiba kasi ang mukha mo kapag umiiyak ka nalulungkot si Justin." Pagpapatawa nito sa babae
"Oo na, ok na ako."
"Pogi ba ako?siguro pangit ako kasi umiiyak ka kapag nakikita mo ako? Hindi mo matangap na ganito ang pagmumukhang to?" pagbibiro nito.
"ikaw talaga kuhang kuha mo ang kahinaan ko."
"Aba syempre ako yata ang tatay mo, bahagyang pinalaki ang boses. "Sorry po Tito kung nasaan man po kayo? Ako na pong bahala sa nagiisang maganda, mabait at iyakin na anak niyo. Ako na po ang magpapasaya sa kanya."
"Bahala ka nandiyan ang Tatay sa tabi mo."
"Ok lang alam naman niyang mahal na mahal kita."
"I love you too Mahal".
" Nurse Cendy, alam ko pagod kana?at kailangan magpahinga. Matulog ka muna dahil kailangan mo yan at akoy uuwi muna kila Lola at matutulog, kasi kapag nandito ako hindi ka makakapag pahinga ng maayos. At mamaya ako ang maghahatid sayo before 8:00 andito na ako."
"Ha, akala ko babalik kana mamayang hapon sa bulacan?"
"Wala pong nagsabi na uuwi agad ako, gusto ko munang bumawi sa babaeng mahal ko, sa mga panahon na wala ako sa tabi niya kaya ako munang maghahatid at susundo sayo walang makakapigil don."
"Pero mahal wala kana man dalang mga damit at hindi ka nag paalam sa inyo na magtatagal ka pala dito?"
"Don't worry Mahal ko, isang tawag lang yon at nakalimutan mo yata na madami akong damit diyan kila lola."
"ikaw talaga e yang kotse ni Tito? diba ginagamit nya yan?"
"Nandon naman yong isang kakaragkarag na pickup, nagagamit pa naman yon. Mahal bakit ba ang dami mong tanong ayaw mo bang nandito ako sige ok lang uuwi na ako."
"E kung kagatin kaya kita arti mo dami mong gimik sige na hinihintay kana nila Lola."
"Pakis muna." Pa cute ng nguso nito.
"Hoy, nakakarami kana."
"bilang talaga?sige na isa nalang please."
"Sige na pikit ka muna". Akma na papalapit si Cendy sa pisngi nito. Parang hangin naman sa bilis ang kamay ng lalaki, mabilis na kinabig ang babae, at hito na naman ang nakakapag pahina na halik ,na hindi matangihan ni Cendy. Kundi ipikit nalang ang mga mata.
"Mahal? Pahinga kana mamaya ihahatid kita". Walang imik na nakasunod sa lalaki upang isara ang gate.
"I love you ". Bago pumasok ng kotse si Justin.
"Hoy Cendy?". Tapik nito sa sariling mga pisngi.
Parang lumulutang sa hangin, habang papasok sa loob ng bahay.
"Bakit ibang iba ang halik na yon?". Hindi maalis sa isip habang naghahanda ng makakain,bago magpahinga.
SUMAPIT ang ala sais at mabilis na tumayo, dahil sa tunog ng alarm clock sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kama. Mabilis na tinungo ang kwarto at kusina upang tingnan kong dumating naba ang kanyang Nanay. Ngunit wala pa ito. Kaya tumuloy na ito sa banyo para maligo.
Habang nagbibihis, narinig na niya ang tunog ng gate kapag isinasara.
Siguradong Nanay na niya na yon. Nakabihis na ito ng lumabas.
" Nanay I miss you." Sabay halik sa Ina habang nagsusuklay ng buhok simula bata ay talagang malambing na itong si Cendy, Syimpre nagiisang anak e. Pero hindi pinalaking spoiled marunong ito sa mga gawaing bahay.
"I miss you to Anak, kumusta anong oras kayo dumating?"
"Pasado 10:00 napo, traffic masyado sa alabang mahigit apat na oras ang byahe.
"Nag bus parin kayo?"
"Hindi po, hinatid po kami ni Justin yong sasakyan nila."
"Ha!bakit marunong nabang mag maneho si Justin?"
"Upo Nay, matagal napo , second year college pa ho yata."
"Galing naman ng batang yon, buti hindi na trauma noong ma aksidente siya."
"Hindi naman siguro, kasi marami namang therapy ang ginawa sa kanya."
"Papasok kaba?"
"Upo, 8:00 to 4:00 po ako 15 days kagabi lang po nag message, from, Head N
"Ok kumain kanaba?"
"Doon nalang po kanina po kasi nagluto ako kayo po Nay?"
"Maya nalang birthday kasi ni secretary nagpakain." Nang may marinig na busina sa labas.
"Nay si Justin po yan, siya daw maghahatid sakin buksan kulang po."
"Sige anak." iniwang naka upo sa sofa ang Ina, bago tinungo ang gate.
"Hello my love, and your beautiful". Dahil naka uniform na itong si Cendy ito ang bungad ng boy friend sa kanya.
At syempre hindi nawawala ang matamis na halik sa pisngi syempre andiyan ang Nanay.
"Ang bango naman ng boyfriend ko." Habang magkahawak kamay, Papasok ng bahay."
"Hahahha,nag hanap nga lang ako sa kuwarto ni pinsan, nandiyan naba si Tita Marlyn?" Pabulong na tanong nito.
"Oo andiyan siya sa salas, kararating lang." biglang kinabahan si Justin dahilan upang napahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ni Cendy.
"Kaya mo yan Mahal, mabait si Nanay." Suporta dito ni Cendy.
"Justin iho kumusta?". Unang bungad habang nakaupo sa Supa ni Aling Marlyn.
"Tita magandang gabi po." sabay abot ng kamay upang magmano, tradisiyon na ipinagmamalaki ng mga pilipino at umupo sa tabi nito.
"Congrats sa pagtatapos mo."
"Thank you po. Sorry po Tita sa lahat ng nagawa ko at thank you po dahil muli po kayong nagtiwala sakin". Halatang garalgal ang busis nito, Habang napapangiti si Cendy, dahil sa expression ng mukha ng boyfriend.
"Thank you din iho lahat naman tayo nagkakamali sana wag ng mangyari ulit, may tiwala naman ako sa inyo ni Cendy. Nasa tamang edad narin kayo, alam niyo na ang tama at mali."
"Salamat Nay, napapangiti itong lumapit at tumabi rin sa Ina upang mapagitna ang Ina.
"Alam ko naman na walang makakapigil sa inyong dalawa. At Justin iho ayaw ko ng makitang umiiyak itong anak ko".
"Grabi naman si Nanay, iyak talaga?"
"Upo Tita, pinapangako ko po mamahalin at aalagahan ko po yan at pakakasalan kung papayag na po kayo?". Sabay biro nito na may kindat sa girlfriend.
"Hoy kasal agad? Tumigil ka nga baka maniwala si Nanay."
"May tamang panahon para sa inyo? magipon muna kayo, para din sa inyo yan bakit hindi kong handa na kayo."
"Biro lang po Tita, pasensya na po, tama po kayo kailangan ko pang paghandaan ang lahat bago hingiin ang kamay ng anak niyo. gagawin ko po ang lahat para kay Cendy."
"Aba sabi mahina ang puso?hindi naman ah lumakas nga Lalo sa pagtibok. hmmm salamat Mr Ramos." Biro na may kasamang kilig.
"O siya basta maiingat kayo palagi wag muna gagawa ng hindi pa dapat? Justin iho ikaw ang lalaki alam muna ang ibig sabihin ko. At ikaw anak."
"Upo Tita thank you po uli."
"Grabi si Nanay nakakatakot naman. Natakot tuloy ang boyfriend ko." May lambing na lumapit sa lalaki at hinawakang ang kamay nito.
"Paalala lang naman ang saakin, o sige na anak may pasok kapa."
"Ok po wait lang kunin ko lang yong bag ko". Mabilis na tinungo ang kuwarto. Halos lumipad dahil late na?hindi dahil sa subrang sayang nararamdaman nito.
"iho kailan ba uwi mo?"
"Next week pa po Tita, kaunting bakasyon po muna, pagbalik ko po kasi may trabaho ng naghihintay po saakin."
"Aba maigi yan, hindi kana nahirapan maghanap ang iba nga buwan taon ang hinihintay."
"Oo nga po.vNagpapasalamat po ako sa diyos dahil may nag offer po agad na trabaho."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Nay, alis na po kami". Sabay kiss sa Ina.
"Tita hatid ko lang po si Cendy". Nagabot ng kamay at hingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pagmano.
"O sige ingat kayo." Sumabay parin ito papalabas, para isara ang gate.
MAHAL thank you, ok na kayo ni Nanay kong dati nililihim ko ang lahat sa kanya ngayon hindi na."
"Ako din mahal ko, anytime pwede na akong pumasok ng bahay niyo dahil palagay na ang loob ko na may pahintulot na si Tita sakin."
"Pero wag aabuso, dahil may approve na ni Nanay."
"Ok para sa nagiisang anak niya. Na mahal na mahal ko." Sabay kuha sa kamay nito at bahagyang hinalikan.
"Mahal hawak mo po ang manibila, behave po tayo."
"Alam ko po yon at ngayon nandito na tayo pwede na?" Habang Nasa tapat na ng Geniral H
"Mahal bababa na po ako, pakibukas na ang pinto naka lock po."
"Kasi po my password yan, isang kiss sa lips para bumukas." Nakaka in love na ngiti at hindi gumagalaw.
"Mr Ramos, alam kuna ang gimik na yan saka late na ako."
"Ok lang ako nalang ang pasyente mo ngayon."
"Sige na nga para makababa na ako dami mong gimik Justin Ramos ha". Kiss na sweet sa pisngi at dampi lang sa lips dahil naalala niya naglagay pala siya ng lipstick .
"Thank you, Mahal susunduin parin kita bukas,."
"ikaw bahala?4:00 am out ko madilim pa yon."
"No problem basta ang mahal ko bye ingat I love you".
"Love you ingat pauwi". Hindi umaalis si Justin hangang hindi pa nakakapasok sa loob si Cendy.
"Thank you Lord sa babaeng binigay niyo sakin maganda at mabait. Nakikita kona sa kanya ang isang masayang pamilya at mapagmahal na asawa."
Hatid Sundo ang naging bonding ng dalawa sa loob ng isang linggo.
Bago bumalik ng Manila si Justin, nagsimba muna ang dalawa at dinalaw ang lugar na bumuo sa kanila. Ang Park kong saan naging saksi sa dalawa.