SIMBANG GABI, umattend ang dalawa. Pinapayagan narin ni aling Marlyn na sundo, hatid ni Justin si Cendy. Pero kailangan sundin ang kanyang mga kundisyon, kailangan deritso uwi agad. Dahil nagiisang anak at babae pa ito, kailangang laging gagabayan, lalo pat mga bata pa ang mga ito.
Dumating ang araw ng pasko, naging busy ang mag Ina sa pagluto ng special na mga putahe nila tuwing araw ng pasko.
"Anak ,si Mela ba.!pupunta dito?"tanung ng ina.
"Upo Nay, alam niyo naman yon hindi pinalalampas ang luto mo lalo na ang kaldereta." biglang katok sa gate habang naguusap ang magina.
""Nay, wait lang po baka si Mela na yon."
"Sige papasokin muna."
Hindi nga nagkamali si Cendy dahil papalabas palang sya ay naririnig nya na ang boses nito sa labas ng gate.
"Wait lang best," si Cendy habang nagmamadaling patungo sa gate.
"Merry christmas sa bestfriend kung inlove,"bungad nito na may malaking ngiti.
"ikaw talaga, merry christmas, pasok ka." sabay beso sa isat isa.
Panay daldal ni Mela habang papasok sa loob ng bahay, sanay narin sila Cendy at si Aling Marlyn dito.
"Hello.., Tita ,Merry Christmas po."
"Merry Christmas din iha, halika maupo ka muna."
"Tita parang naaamoy ko na ang special na luto mo, ang masarap na kaldereta?umm..." pasinghot singhot ito habang napapangiti ang mag ina.
"Tama ka iha, sandali lang ipaghahanda kita.."
"Ay tita, tutulongan napo kita, at para matikman kuna ang masarap na luto nyong kaldereta."
"O sige,, iha halika" habang naghahanda ang tatlo ng pagkain ay nakarinig sila ng katok sa gate nila.
"Anak tingnan mo muna kung sino".
"Upo Nay, sino naman kaya to?".hindi naman kasi kita ang tao sa labas, mula sa loob.
"Sino po yan?".tanong nito hababg binubuksan ang gate.
"Delivery po, delivery ng love," pagkabukas ng gate.
"ikaw talaga, pasok ka." nakangiting tugon ni Cendy.
"Hello, Merry Christmas Mahal ko,"
"Hoy!marinig ka ni Nanay," biso biso lang ang binigay nila sa isat isa, aba bihis na bihis ang bisita na to. Habang may bitbit na paper bagvna hindi naman inaabot kay Cendy.
"Ok lang kaya sa Nanay mo?" bulong ni Justin habang papasok ng bahay.
"Bakit natatakot kaba?" Sinisipat sipat nito ang baywang ng lalaki.
"Konti," mahinang sagot nito.
"Nay..! Si Justin po," pagpasok ng dalawa, deritso sa kusina kong saan naroon ang ina at si Mela.
"Mano po tita, Merry Christmas po," Sabay abot ng kamay, pagbigay galang.
"Godbless you iho, tamang tama ang dating mo sabay na kayo ni Mela."
"Merry christmas". bati nito kay mela.
"Hi.,,"
"Thank you po, may pinabibigay nga po pala si lola." sabay abot ng paper bag kay aling Marlyn.
"Ay salamat, pakisabi sa lola mo.," agad na binuksan ang paper bag
"Wow sarap naman nitong graham,," sabay ni Mela at Cendy.
"Oo nga halika iho sabay kana samin at para matikman namin tong dala mo at sa palagay ko'y masarap to." sabay kuha ng kutsilyo na pang slice ng graham.
At dahil sa mapang asar na kaibigan na si Mela, panay tingin sa dalawa na may kasamang pang aasar. Kaya tuloy heto hindi makakain ng maayos si Justin.
"Ay naku! Tita Marlyn wala talagang tatalo sa kaldereta niyo."
"Talaga?, alam kung may kasamang take out yang pangbubula mo kay Nanay..?"
"Best, grabi ka naman sakin, kunti lang naman diba tita ?" .
"Wlang problema, papadalhan kita Mela ". si Aling Marlyn habang natatawa ito sa biruan ng dalawa, nakisabay din si Justin sa tawanan nito.
May iisang oras ng kwentuhan habang kumakain ang apat at si Mela ang talagang bida pagdating sa okrayan.
"Opps, kayong tatlo doon na muna kayo sa sala, sige na anak samahan mo muna sila, ako ng bahala dito."
"Tulungan kona po kayo magligpit." sabay dampot ni Justin ng pinagkainan nito.
"Wag na iho, sige na doon na muna kayo sa sala."
"Sige po, salamat po sa masarap na pagkain." tumuloy na ang tatlo sa sala.
"Wait, best banyo muna ako." pagpapaalam ni Mela.
Bahagyang, pasimpleng lumapit si Justin sa kinauupuan ni Cendy.
"Hoy, andiyan si Nanay," pabulong nito.
"Wait lang, Christmas gift ko sayo." sabay abot ng kamay ni Cendy, at dahan dahang isinuot ang silver na singsing, kinuha mula sa bulsa ng pantalon nito.
"Ano to?"gulat ni Cendy
"Gift ko sayo,"
"Bakit ring.?"
"Kasi I love you,"
"ikaw talaga, salamat love you too," bulong nito at bahagya namang lumayo ng kaunti ang lalaki, dahil papalapit na si Mela. Kunwari nakatingin sa TV.
Hindi tuloy mailabas ng maayos ni Cendy ang kamay, habang naguusap ang mga ito.
_________
DAHILN sa ilang linggo na walang pasok, at heto balik school na ulit si Cendy. Nagkaroon ng ibat ibang activity ang bawat subject, bilang fourth year highschool.
Ang bilis ng araw para sa mga inlove sa isat isa. Araw ng mga puso, isang bouquet ng pink roses, at tatlong red ballon ang dumating kay Cendy. Sabado habang nagwawalis sa harapan ng bahay ng may dumating na deliver.
"Thank you po manong," pagkatapos magpirma.
Umalis din agad ang nag deliver.
"Hmm from:Mr JR, "Talaga naman ang daming pa surprise ng lalaking yon."
Halos malunod naman ito sa saya na hindi mapaliwanag ang buong pagmamahal na nararamdaman.
Kaya't dali daling kinuha ang cellphone nito at nagtype.
CENDY
"Salamat Mahal ko ,Happy Valentine"
JUSTIN
"Happy Valentine din mahal ko, punta ako ngayon diyan?ok lang ba?"
CENDY
"bawal po, wala po si Nanay,"
JUSTIN
"kahit sandali lang please"
CENDY
"wag pong makulit, bukas nalang tayo magkita, mahal ko."
JUSTIN
"Ok po mahal ko."
Nakangiting ibinaba ang cellphone. Buong araw na puno ng pagmamahal ang pakiramdam sa isa't isa.
SUNDAY
"Sa unahan tayo umupo?" alok ni Justin.
"Sige tara."nang nasa unahan na sila nakatangap si Cendy ng text, tiningnan nya ito.
[JUSTIN
"Ang ganda naman ng mahal ko, habang tumatagal maslalo akong na iinlove".]
Habang hindi pa nagsisimula ang banal na mesa, kaya pala kinuha saglit ang cellphone, at mabilis na nag type ng message ay sya pala itong tenxt.
"ikaw talaga" sabay kurot sa baywang ni Justin.
"I love you,,," pahabol uli ng makulit na boy friend.
"ikaw wag kang ganyan baka hindi ko kayanin kapag nawala ka ,"
"Bakit?sino ba may sabing mawawala ako sayo?" sabay hawak sa kamay ni Cendy.
Habang nagsisimula na ang mesa ay hindi parin maaslis ang ngiti ng bawat isa, hanggang sa matapos lumabas na ng simbahan ang dalawa.
Nakasanayan na nila bago umuwi, ay pumapasyal muna sila sa park upang mag meryenda, pagkatapos ay deritso uwi agad respeto narin ni Justin sa Nanay ni Cendy.
Habang sakay ng motor panay ring ng cellphone ni Justin, na pinalagay muna sa maliit na handbag ni Cendy.
"Mahal may tumatawag sayo."
"Hayaan mo na yan, baka si Melvin lang yan." hanggang sa tapat na ng bahay ni Cendy ay panay ring parin ng cellphone, kaya kinuha agad ito ni Cendy sa handbag niya.
"Sagutin muna baka importante, oh Meshel daw?"
Sabay abot ng cp sa lalaki. Bahagya namang pinatay nito ang tawag.
"Bakit mo pinatay? Sino yon?"
"Wala yon!classmate ko lang yon sa bulacan."
"Baka nangungumusta lang tapos pinatayan mo."
"Hayaan muna yon, sige na pasok kna."
"Ok, bye bye.."
"Bye See you tommorow" hangang makapasok na sa gate si Cendy at umalis narin si Justin ay hindi naman maalis sa isip ni Cendy ang pangalang Meshel na tumatawag kay Justin.
Kaya tuloy napa isip ito nagkaroon ng idea na tingnan ito sa f*******: sa mga friendlist ni Justin.
Dito niya nakita, at nabasa ang mga message nito sa lalaki.
"bakit ?hindi sinagot ni Justin ang tawag kanina?sabi classmate niya dati?pero may iba sa mga palitan ng message nila sa f*******:, may tinatago ba sakin si Justin?". marami ang pumapasok sa isip niya, hanggang sa pagtulog na hindi mawala sa isip ang lahat.
MONDAY, makarinig ng busina sa tapat ng gate ng bahay.
" Anak! nandiyan na yata si Justin? bilis na baka ma late na kayo."tawag ni Aling Marlyn kay Cendy habang nasa kwarto pa ito.
"Upo Nay palabas na po," matamlay na sagot nito habang palabas ng kwarto.
"Magbabaon kaba anak?".
"Hindi napo Nay bibili nalang po ako, alis na po ako, byebye." sabay dampi ng halik sa pingi ng Nanay.
"Ok, ingat bakit matamlay ka?"
"Wala po, bye Nay," tuloy tuloy sa paglabas ng pinto patungo sa gate, na hindi excited pumasok sabay walang siglang humarap sa lalaki.
"Good morning".
"Alis na tayo,?" deritso angkas sa bahaging likuran ng motor.
Wala paring imik na bahagyang nahalatani Justin. Kung dati nakahawak sa bahaging baywang ng damit ni Justin ,ngayon sa tali nalang ng bag ng boyfriend, dahilan para maslalong, makahalata na talaga ang boyfriend, hangang makarating na sa school. Mabilis na bumaba si Cendy, at akmang paalis na ng.
"Mahal, bakit may problema ba?"
"Ano, wala naman halika na late na tayo."
"Mahal, ayaw ko ng ganyan" mahinang tugon nito.
"Wala lang nga to, tara na." deritso lang ito sa paglalakad, habang nakasunod lang si Justin na may tanong sa isip.
Hindi tuloy maka focus ang dalawa sa lecture sa ibang subject.
"May tinatago ba siya sakin?" iba ang tumatakbo sa isip ni Cendy habang tahimik na nagsusulat, dahil may short quiz na binigay sa english subject.
Sa kabilang banda ay nagiisip din si Justin.
"Bakit ganyan siya ngayon, hindi naman sinasabi kung anong dahilan," nakatingin ito kay Cendy, na busy naman ang girlfriend sa sinusulat nito.
Hanggang breaktime na ay hindi parin siya pinapansin ni Cendy, niyayaya niya itong kumain ang sabi may baon kaya hindi naman niya ito pinilit.
Alas 4:00 na ng hapon, uwian na.
"Bye mauna na ako sa inyong dalawa," si Mela mabilis na lumakad palabas ng gate.
"Bye Best ingat," paalam ni Cendy
"Mahal halika na, alis na tayo?" yaya dito ni Justin habang nakatayo lang at nakatingin sa paalis na bestfriend.
Sumakay ito na walang imik, kaya't dahan dahan nalang pinaandar ni Justin ang motor. Mabagal lang ang takbo, dahil parehong nakikiramdam sa isat isa.
Ng mapansin ni Cendy na iba na ang rota na dinadaanan nila.
"Bakit dito tayo dumaan?" wala namang imik ang tinatanong.
"Hoy bakit dito tayo dumaan?" napalakas ang boses nito, dahilan para sumagot si Justin.
"Dumaan muna tayo sa Park," may paglalambing ang boses nito.
"Bakit?"
Hindi naman sumagot, hanggang makarating sila.
"Mahal bumaba ka muna please,"
"Bakit nga?. Uulan na baka abutin tayo, tara na alis na tayo."
"Mahal please, mag usap tayo, ayaw ko na ganyan ka, galit kaba sakin? Sabihin mo kung bakit? Para maintindihan ko,! please,"
"Bakit ako ang tinatanong mo?baka ikaw ang may dapat sabihin sakin," naluluhang sagot ni Cendy, dahil nga sa iyakin ay hindi nya mapigilan.
"Na ano? ,wala naman akong dapat sabihin sayo". paninindigan nito.
"Wala,?o sige kung wala magbreak na tayo,?" sabay iyak na tumalikod sa lalaki.
"Mahal, hindi kita maintindihan,?"nagugulohang si Justin
"Nakita, at nabasa ko ang lahat ng message niyo sa isat isa ng Meshel na yon may special pala sa inyo bakit hindi mo agad sinabi sakin," hindi maituloy ang sinasabi dahil, umiiyak na ito.
"Mahal classmate ko lang talaga yon, wala kami non."
"Wala pero ganon ang mga reply mo,?"
"Oo minsan tumatawag parin sakin piro wala kami non. Oo may mga sagot ako sa mga tanong niya sa f*******:, hangang don lang yon,"
"Sinasabi mo lang yan dahil kaharap moko, oo ngat'girl friend mo lang ako, wala naman akong karapatang hadlangan ka sa iba,"
"Ay naku Mahal ko, ang bilis mong sabihin na break na tayo, ganoon lang ba kabilis para sayo?"
"Bakit naman hindi, kung alam kong may girlfriend kana pala".
"Mahal, humarap ka nga sakin," hinawakan ang dalawang balikat, at bahagyang iniharap si Cendy sa kanya, kinuha ang panyo sa bulsa na bahagyang ipinunas sa mga luha sa pisngi nito.
"Tama na yan, ayaw kung umiiyak ka. Ikaw lang po ang mahal ko at mamahalin ko habang ako'y nabubuhay."
"Nangbula kapa, iwan ko sayo."
"Hindi ako nangbobola, ayaw ko lang nasasaktan ang babaeng mahal ko," sabay yakap nito.
""Sorry, hindi ko alam na ganon na pala pakiramdam mo, wag ka magalala hindi na ako magrereply sa mga message non sakin."
"Naku hindi,!ok lang ayaw kung dahil sakin mawawalan ka ng mga kaibigan mula sa bulacan, hindi ako ganon."
Natawa nalang si Justin sa reaksyon nito.
"Pogi kasi boy friend mo, kaya nagkakaganyan ka,"
"Pogi ka diyan! sabihin mo lang kapag may iba kana, marunong naman akong magpaparaya."
"Ok, sasabihin ko na ngayon, may mahal na mahal akong babae na gustong gusto ko ng halikan ngayon! nanggigigil na ako."
"Asan?sino?" kunyaring nagtatanong habang kinikilig at bahagyang lumalayo ito sa lalaki.
"Heto oh". sabay lapit nito sa kanya at yumakap ng mahigpit.
"Hoy tama na, halika na uwi na tayo, dinadala dala mo lang ako sa mga lambing mo,"
"Pero mahal mo, ano ok naba?hindi kana nagtatampo sakin,?"
"Hindi na, nadala mo na naman ako sa mga gimik mo, ikaw talaga,"
"Syempre po ayaw kong, nasasaktan ang mahal ko." Habang hawak ang mga kamay ni Cendy.
"O siya!tara na baka abutin pa tayo ng ulan,"
"Ok nga yon, maligo tayo sa ulan,"
"Maligo ka diyan tara na".paglalambing nito, sabay hila sa kamay ang boyfriend pasakay sa motor na wala namang nagawa kundi sumunod.
Habang tumatagal lalong nakikilala ang ugali ng bawat isa at nagkakaroon ng tiwala sa isat isa.
Kaya lang mas malambing at maintindihin si Justin, iyakin naman si Cendy. Tanging ang isat isa nalang ang laman ng isipan, Una parin at priority ang pagaaral, at makapag tapos, para sa mga pangarap na kasama ang isat isa.