"ANAK, one month nalang ay graduation muna". saad ng ina habang nagliligpit ng kinainan, si Cendy naman ang naghuhugas ng mga ito.
"Oo nga Nay, sana andito pa si tatay," hindi na naituloy ang sinasabi at napaiyak na ito.
"Anak, ok lang yan alam kung namimis mo parin ang tatay mo ako man ay nahihirapan tanggapin, iniisip ko nalang andito siya lagi sinasamahan tayo."
"Ang daya naman kasi ni tatay iniwanan agad tayo." sisinghot singhot ito.
"Hayaan mo anak, kahit anong araw o petsa ng graduation mo ay aabsent ako dahil special ang araw na yon, sasamahan kita sa intablado at paghahandaan natin ang araw na yon."
"Wow! excited si Nanay,"
"Syempre para sayo anak,"
"Salamat Nay, i love you,"
"Mas love na love kita anak, kaya wag muna mag aasawa, mag ko kolehiyo kapa," pagbibiro nito.
"Wow!Nay asawa talaga?wag po kayo mag alala at tutuparin ko po ang mga pangarap natin nila tatay, magiging registerd Nurse po ako."
"Biro lang anak, oo naman may tiwala naman ako sayo, at kay Justin alam kung mabait naman ang batang yon."
"Oo nga po Nay, sana hindi po siya magbago,"
Ito lang ang nagiging bonding nilang mag ina. Ang oras ng gabi, sa pagkain at bago matulog habang nanonood ng TV. Minsan nakakalimutan nila ang oras, sa masasayang kwentuhan.
"Nay !alas dyes na pala, sige po pahinga na tayo,"
"Sige anak, tulog kana rin maaga kapa bukas."
"Goodnight Nay," sabay yakap at halik nito sa ina.
------------------------------
MONTH of march excited na ang buong fourth year highschool, one week bago ang graduation bawat isa ito ang laging bukang bibig at laman ng usapan sa buong class room.
"Best! sure kana ba sa course mo?" si Mela, na biglang lingon sa kaibigan.
"Oo naman best, ikaw ba ano course ang kukunin mo?"
"Education sana, proo pagiisipan kopa."
"Bakit may sana?dapat yong gusto mo talaga!"
"Bahala na si God ang magbibigay ng dapat para sakin,"
"Oo nga!tama ka " pagsang ayon sa kaibigan ni Cendy.
Sa araw ng sabado, march 30 ang araw ng pagtatapos nila sa highschool, napapag usapan din ang handaan na nakaugalian narin lalo ang malaking salo salo.
"Mahal punta kanaman sa bahay sa sabado, kahit saglit lang sabi ni lola ,"
"Ha!nakakahiya naman, magpapaalam muna ako kay Nanay ha?"
"Ok sige, syempre sa bahay niyo muna ako makikikain," hehehe...
"Oo naman, kasi magtatampo talaga ako sayo kapag hindi ka dumating "
"Bakit naman hindi?para sa babaeng mahal ko darating ako, biro lang syempre sabay tayo,?
"ito na naman po ang lalaking bolero". natutuwa sa pagiging masayahin at mapagbirong boy friend.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
FRIDAY, Katatapus lang ng rihearsal o practice ng buong graduating student.
"Nakakapagod din pala mag rehearsal" ani ni Cendy habang naglalakad papunta kung saan naka park ang motor ni Justin.
"Daan muna tayo sa park? Meryenda muna tayo?" yaya ni Justin bago e start ang makina ng motor.
"Sige!gutom narin ako," pag sangayon ni Cendy
Bago tumuloy ng park ay bumili muna sila ng bananaque at softdrinks.
"Hay,!salamat ang ganda ng panahon, sana ganoon din bukas." ani ni Cendy, habang papaupo kung saan ang paborito nilang tambayan ni Justin sa loob ng park.
"Oo nga, kasing ganda ng mahal ko," tumabi ito sa kanya.
"ikaw talaga gutom lang yan,"
"Mahal ano ba gusto mong regalo?"habang nakatitig kay Cendy sabay hawak sa mga kamay nito.
"Regalo? Naku !wag na, ang maging masaya tayo para sa pagtatapos natin bukas, ok na yon."nakangiting sambit ni Cendy
"Oo nga no?excited narin ako para bukas." habang magkahawak kamay.
"Wee at saka pala mahal, ano bang course ang kukunin mo sa college?".
"Hindi pa ako sure, si mama kasi gusto criminology, ako enginer sana gusto ko hmm kaya hindi pa ako sure, ay bahala na!," mahabang lintaya nya
"Anong bahala na! dapat kung ano ang gusto ng kalooban mo at puso mo."
"Matagal ng may gusto ang puso ko," seryusong saad nito sa kaharap.
"Ano,?"
"Yung nasa tabi ko."sabay lingon sa kanya na nakangiti.
"Ay naku! naiba na naman ang usapan,"
"Wala naman naiba ah, mahal palagi mong tatandaan kasama ka palagi sa mga plano at pangarap ko, kahit ano mangyari," humarap ito sa girlfriend at mahigpit na hinawakan ang mga kamay nito.
"Ako din po, mahal ano to para ka namang iwan,!"
"Bakit? totoo naman ah, ikaw lang at si GOD ang saksi."
"Oo na, oh siya tarana at na gabi na po."
"I Love you mahal ko " mainahong sambit nito.
"walang magbabago ha?" dugtong pa nito.
"I love you to, ano yan ha!naninibago ako sayo." sobrang malambing kasi nito ngayon, malamlam ang mga mata habang nakatitig kay Cendy.
"Wala, halika na,?" hindi binitawan ang kamay ng isat isa.
------------------
EXCITED na ang lahat, nakaplano na ang mga gagawin, mga isusuot ngaung araw at syempre ang handaan na magaganap after graduation.
Krrrrring...krrrrring..
"Hi," habang nagaayos sa kanyang kwarto.
"Ready kana ba mahal ko?" si Justin habang nagbibihis. "
"Oo naman, ikaw?"
"Heto at nagbibihis pa kami ni insan, natataranta na nga ako."
"Bakit naman, nandiyan na ba ang mga magulang mo?"
"Oo kanina lang dumating,"
"Mahal, mauuna na kami ni Nanay, kita nalang tayo sa school,"
"Ok, siguro ang ganda ganda ng mahal ko,?"
"Bola!, sige na bye bye, kita kits nalang sa school." sabay off ng cellphone at lumabas ng kwarto at dumeritso sa kwarto ng ina .
"Nay, ready na bo kayo?
"Oo anak, ay wow ang ganda ng anak ko,"pagtingin nito sa anak na nakabihis na.
"Nanay ko talaga, mana lang po ako sayo". masayang nagtawanan ang mag ina.
Umaga palang ay nag luto na sila ng ibat ibang pagkain at syempre ang special na kaldereta ng ina. Hindi mawawala ang letchon, umating din ang ibang kapatid ni Aling Marlyn at mga pinsan ni Cendy. Kaya umaga palang may mga bisita na sila.
Nakarating na rin ang mag ina sa school, kasabay nila dumating ang bestfriend nyang si Mela na pareho yata silang napaaga. Hindi kalaunan ay marami naring tao at ibang mga guest na dumarating kasabay ng mga ibang gagraduate.
"Best ang ganda mo, mukhang pinaghandaan talaga no?puna nito sa kaibigan
"Best ikaw talaga! ako lang nag ayos sa sarili ko."
"Talaga?ganda mo best, sigurado mas lalong maiinlove ang boy friend mo pag nakita ka" panunukso nito kay Cendy
"Hoy!tumigil ka nga, andiyan si Nanay,"
"E ano naman totoo kaya? isipin mo ni hindi man lang tumingin sa iba si Justin ikaw lang talaga,"
"Hoy tumigil ka nga ikaw talga, e ganda mo rin naman ah."
"Hahaha saang banda best?"
Maganda naman si Mela matangos ilong, bilogan ang mga mata, murina nga lang, kulay pilipina talaga.
Labing limang minuto na lng ay mag uumpisa na ang ceremony. Nakailang lingon na si Cendy sa nakatalagang upuan para kay Justin ngunit wala parin ito kahit ang pinsan nitong su Ronie ay wala rin.
"Best!bakit kaya wala pa ang magpinsan?" nagaalalang tanong sa bestfriend.
"Oo nga no?kahit kamag anak wala parin akong nakikita."
"Oo nga bakit kaya?"
"Tawagan mo kaya". ani ni Mela
Mabilis na kinuha ang cellphone sa handbag nito at sinubukan tawagan ang boyfriend. Nakailang subok itong tumawag pero hindi ito nagriring, cannot be reach.
"Best wala! hindi makontak."
"Aysuss sndiyan na yun, masyado kana mang nagaalala".
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ISANG mabilis na kotse ang humaharorot na biglang sumalpok sa nakamotor at tumilapon sa kabilang bahagi ng kalsada. Parang tumigil ang mundo ng isang lalaking duguan at walang malay. Dumarami ang mga taong nakiosyuso, tumigil ang mga sasakyang dumaraan.
"Diyos ko!insan anong nangyari?" halos natigilan sa nakita, magkasunod lang silang magpinsan kayat kitang kita ni Ronie ang buong pangyayari.
Mabilis itong bumaba at tumakbo sa kinaroroonan ng pinsan na hindi alam kung ano ang gagawin at hindi magawang hawakan ang duguang si Justin na nakahandusay sa kalsada.
Nakarinig sya ng mga tumatawag ng ambulance at police.
"Insan! bakit? mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa nito, nanginginig na tinawagan ang ina ni Justin.
"Tita Mel !please sagutin mo" ani nito habang umiiyak, ilang minuto rin bago may sumagot sa kabilang linya.
"Hello, hello, Ronie hindi kita marinig andito na kami sa venue, nasan naba kayo ni Justin magsisimula na, hello?," dahil hindi marinig ang kausap lumabas pa ito ng venue.
"Hello, Ronie ano nasan naba kayo ni Justin?" ulit nito ng makalabas, ilang minuto rin na bago makapagsalita ang kausap.
"Tita Mel, si si Jus..just..justin po," nanginginig at hindi makapagsalita ng maayos dahil sa oag iyak.
"Ronie, ano ba?, bakit ka umiiyak".nagtatakang tanong ng ina ni Justin.
"Si Justin po na aksidinte tita nandito pa po kami sa highway."
"Ano!!?diyos ko bakit anong nangyari, san yan hintayin mu kami diyan."
"Upo tita, bilisan niyo po nandito napo may ambulansiya na!"biglang putol ng linya.
Umiiyak na nilingon ang pinsan, nang nakitang binubuhat na ito papasok ng ambulansya ay nagmamadaling tinungo ito, nagpakilala na kamag anak bago pumasok ng ambulance.
Mabilis na nakarating sa Hospital ang ambulansya, pagkababa ni Ronie ay tumulong sya sa pagtulak deri deritso sa loob habang hindi parin napapawi ang mga luha. Pinaiwan na sya nito sa labas ng ER, trnxt nito si Meldred kung saang hospital dinala si Justin.
---------------------------------------
PATAKBONG pumasok sa loob ng venue si Mrs. Meldred at kinausap ang teacher na malapit lang sa kinaroroonan nila. At mabilis na inakay ang biyanang si Aling Flor na nagtataka at walang tigil sa pagtatanong sa nangyayari palabas ng venue.
Tumigil ang tugtog sa loob ng venue kasunod nito ang pagsasalita ng isa sa mga guto.
"Good afternoon po to our guest , parents, students, I am very sorry that one of our graduating student have encounter an accident during there way here, but we need to continue this event". garalgal ang boses at sabay punas ng panyo sa di mapigilang pagluha nito.
Isa sa subject teacher ito ng fourth year, hindi naman binanggit kung sino ang tinutukoy nito. Kadabay niyo ang mga bulong bulongan ng nasa loob ng venue. Sa kabilang banda ay napansin ni Mela na umiiyak si Cendy.
"Hoy !best ano nangyayari sayo bakit umiiyak ka," si Mela napansin na panay punas ng panyo ang katabing si Cendy.
"Best, sila Justin nalang ang wala pa, dalawang bakanting upuan nalang," pahiwatig nito sa kaibigan .
"Best, wag ka ngang mag isip ng ganyan, baka na traffic lang," pagpapalakas nito sa balisang kaibigan na panay na ang iyak at lingon sa kinaroroonan ng dalawang bakanting upuan.
Halos lahat ng studyante ganon narin ang bulong bulongan, sina Ronie at Justin ang pinaguusapan. Maya maya pa ay may nagsila na ulit sa unahan.
"To all, parents, students and visitor, Good afternoon". Nagsalita na ang mc, upang ipakilala ang lahat ng bisita.
Masayang nagpapalakpakan ang lahat subalit hindi magawang sumabay sa mga ito ni Cendy. Napapansin ito ni Aling Marlyn sa di kalayuang kinauupuan nito. Biglang nakarinig ng pagtunog ng cellphone si Cendy, nakatanggap ng text message sa hindi mabitawang cellphone. Mabilis itong binuksan ng bigla nalang nanghina dahil sa nabasa.
[From. Ronie
"Cendy pasensya na hindi kami makakarating dahil naaksidinte si Justin, nandito kami ngaun sa General Hospital ."]
Halos mabitawan ni Cendy ang hawak na cellphone, hindi narin makapagfocus sa nagaganap na program.
Hanggang nagsimula ng tawagin ang mga graduating student.
"Hoy! best tama na yan, tatawagin kana, pinaghandaan natin ang araw nato!maging happy kana man ,"
"Pano?bakit ngayon pa?pangarap niya to eh," habang marami ang tumatakbo sa isip nito.
"Oo nga!hindi naman kasi alam natin na mangyayari to. O sige na tinatawag kana, nandiyan na rin si Tita Marlyn,"
"Anak halika na, naghihintay sila nakakahiya sa mga guest". Pangungumbinsi nito sa anak na parang ayaw tumayo, napansin din ito ni Cendy na malungkot at dahil pinaghandaan din ito ng kanyang Ina ay dahan dahang tumayo sya at lumapit dito. Matamlay na naglakad, habang nakakapit lang ito sa braso ng Ina.
Sino paba ang magsasabi na bagay ang makeup nito? gayong wala na dahil sa inagus na ng mga luha at nasa panyo ng lahat.
"Anak, smile ka naman ngayon lang to, hinintay natin". Habang nagpapakuha ng picture.
"Sorry Nay!hindi ko po mapigilan".
"Oo alam ko Anak, pero kailangan mo munang ienjoy ang moment nato, hinintay natin to. Kung nandito lang tatay mo?hindi yon papayag na ganyan ka".
"Sorry po,"
Napilitan itong magpakita ng kaunting saya, para sa Ina na nasasaktan din sa pangyayari.
Halos dalawang oras din ang tinagal ng program, nasa pangatlong awarding ang nareceive ni Cendy, tuwing nababangit ang pangalan ni Justin, hindi mapigilan ang pagluha, lalo pat nasa pang lima ito sa may award.
Hindi na halos napansin ang mga kaibigan na masasayang bumabati sa kanya. Ang alam niya lang, gusto na niyang umalis at pumunta agad sa Hospital. Na alam naman niyang marami ang naghihintay na mga kamag anak sa kanilang bahay.
"Anak please, sa bahay muna tayo?" pauna ni aling Marlyn dahil alam nito ang tumatakbo sa utak ng Anak.
"Upo Nay," sakay ng kotse ng tito Mike niya na kapatid ng kanyang tatay.
Dumating sila sa bahay na halos lahat ng kamaganak nila ay naroroon. Nagtulong tulong ito sa pagkatay ng baboy, pagluto ng ibat ibang putahe, na talaga namang pinaghandaan.
At kahit wala na ang tatay ni Cendy hindi naman sila pinababayaan ng mga kapatid nito at mga kapatid ni Aling Marlyn. Palagi ang mga ito on time kapag may importanteng celebration sa kanila. Marami ang natanggap nyang regalo galing sa mga ito. Nakikisabay nalang sa mga biruan at tawanan habang iba ang tumatakbo sa isip at damdamin nito.
"Sana, ok ka mahal ko, pasensiya na pupuntahan kita diyan matapos lang to." ito ang nasa loob habang nakikisabay sa mga harotan ng magpipinsan.
Tanging sila lang ng kanyang Nanay ang nakakaalam ng pangyayaring. Kahit panay ang tanong ng mga tita at tito dahil napapansin ng mga ito na malungkot at mugto ang mga mata.
Ang tanging sinasagot niya sa mga ito, masaya lang siya at naaalala ang kanyang tatay.
Kasama nga ang kanyang tatay, sa nararamdaman niya ngayon dahil ito rin ay pinangarap nito nong nabubuhay pa. Halos hating gabi na ng matapos at nagsi uwi ang lahat ng bisita at kamag anak nila.
"Nay, pwede paba ako pumunta ng Hospital?"
"Cendy Anak, alam kung pagod kanarin, magpahinga kana muna please bukas kana lang pumunta." saad ng ina
"Sige Nay, tutulongan ko po muna kayo magligpit, maya maya nalang po ako matutulog wala rin po kayong kasama dito".
"Ok kalang ba anak?dapat nga masaya ka ngayon pero naiintindihan kita, hindi naman yun ginusto ni Justin, nakakaawa naman excited din sana yon".
"Ok lang po Nay, alam kung pagsubok po ang lahat ng ito at nagtxt narin po ako kay Ronie na bukas nalang ako pupunta."
"Kamusta daw ba kalagayan ni Justin?"
"Nasa operating room pa daw po at hindi pa daw nakakausap ang Doctor na nagaasikaso kay Justin."
"Magdasal nalang tayo, ito ang pwedeng maitulong natin sa ngayon Anak,"
"Upo Nay".
Matagal para kay Cendy ang paglipas ng gabi dahil hindi ito dinadalaw ng antok. Napag desisyunang nalang nyang tawagan ang pinsan ni Justin na si Ronie, hindi nabigo dahil ilang ring lanv ay sumagot na ito.
"Ronie pasensiya na, hindi ako makapunta diyan ngayon bukas nalang ng maaga. Hmm ano kamusta siya?" mahinang tinig nito.
"Ok lang, naintindihan ko, na coma si insan hindi pa namin alam kung kilan sya gigising, inoobserbahan pa ng mga Doctor".
"Magdasal nalang tayo, alam nating hindi siya pababayaan ng Diyos." sa tono ng boses nito ramdam ang pag garalgal.
"Lakasan mo loob mo Cendy, gagaling si pinsan".
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MAAGANG nagising si Cendy para pumunta ng hospital.
"Nay alis na po ako".
"Sige na anak, ingat ka sa byahe". halos lumipad na ito palabas para mag abang ng masasakyang tricycle, nagusap narin sila ni Mela na magkikita sa General Hospital.
Pagdating sa b****a ng Hospital, naroon narin si Mela kaya tumuloy na sila sa second flor na sinabi ni Ronie kung saan naroon ang lalaking pinaka mamahal niya.
Pagpasok ng dalawa, unang bumungad sa paningin ni Cendy, ang nakahigang lalaki na may binda sa ulo, at sa kabilang pisngi, ganon din sa mga binti nito. Kaya halos hindi makagalaw sa kinatatayuan nito. Lumapit dito si Ronie.
"Cendy, Mela tuloy kayo at saka nga pala si tita Mel at tito magulang ni Justin." sabay pagpapakilala nito sa dalawang nakaupo sa isang bahaging upuan sa kanan.
"Hmm Tita Mel, Tito mga kaibigan po namin ni Justin".
"Hello po magandang umaga po!" halos magkasabay ang dalawa na bumati.
Kahit hindi makatingin ng deritso sa mga magulang ni Justin, ramdam niyang hindi ito ang tamang panahon para ipaalam sa mga ito kung ano man ang mayroon sa kanila ni Justin, kahit man si Ronie hindi ito masabi.
"Ronie iho, lalabas muna kami ng tito mo, mga iha salamat maiwan muna namin kayo , Ronie ikaw na muna bahala sa kanila ha at bibili lang kami ng makakain natin".
"Sige po". si Mela nalang ang sumagot dahil alam niyang nanginginig na ang bestfriend sa kinatatayuan nito.
"Hoy!Best, ok kalang?sige na maupo kana sa tabi niya, alam kung marami kang dapat sabihin at diyan lang kami sa labas ng pinto."pagpapalakas nito sa kaibigan.
" sige na Cendy, lapitan muna para gumising na yan si insan". dugtong ni Ronie
Lumabas muna ng pinto ang dalawa, para bigyan ng time ang dalawa. Lumapit ng dahan dahan si Cendy sa nakahigang si Justin na halos parang hindi na niya ito makilala. Dahan dahan binuhat ang isang kamay nito at idinikit sa kabilang pisngi niya, at tinitigan ang boyfriend, habang paisa isa ng tumutulo ang mga luha.
"Mahal, andito na ako kaya gumising kana, Please Mahal hindi ko kaya na nakikita kang ganyan, diba sabi mo mamamasyal tayo pagkatapos ng graduation, ngayon sino kasama ko? Mahal hindi ako magsasawang hintayin ka". ipinikit ang mga mata habang nanatiling hawak ang kamay ng boyfriend.
Nanatiling nakatitig si Cendy kay Justin naghihintay ng kaunting sign, na sana man lang kahit kunti naririnig siya nito. Tuluyan ng umagos ang mga luha nya, ni pintik ng mga daliri ay wala. Halos manglumo sa kalagayan ng boyfriend. Dahil sa walang kasiguraduhan kung kailan ito magigising.
~~~~~~~~~~~~~~
Halos isang linggo na ng wala pa ring pagbabago sa kalagayan ni Justin at dahil si Ronie ang nakakaalam ng sitwasyon ng dalawa, ito narin ang gumagawa ng paraan kung pano makakadalaw si Cendy, para hindi magtaka ang mga magulang ni Justin.
"Ronie , salamat sa lahat ha! pasensya kana, kung pati ikaw nadadamay sa lahat".
"Ay suss ok lang, alam ko naman na nahihirapan kana sa setwasyon ni insan, sana hindi ka magsawa sa paghintay sa kanya," Sabay tingin sa pasyinte.
"Oo naman,kung ako nga hindi niya sinukuan noon, kaya ako rin hindi ako magsasawang maghintay sa kanya. Alam kung gigising siya at hindi ako titigil mag dasal sa diyos ,"
"Mahal mo talaga si pinsan no?" pagseryuso nito.
"Oo Ronie, at hindi na mababago pa yun, kahit anong mangyari".seryuso ding tugon nya dito.
Alas tres na ng hapon, kailangan niya ng umuwi, dahil papalit na sa pagbantay, ang Ina ni Justin. Bawat uwi niya, parang nawawalan ng lakas ang buo niyang katawan, sa paghihintay kung kailan gigising si Justin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MADALING araw na ng isang tawag sa kanyang cellphone ang gumising kay Cendy. Nakita nyang si Ronie ang tumatawag.
"Hello?".nakapikit ang mga mata, na nakaramdam ng kaba.
"Cendy!pasensya na sa istorbo ha!"
"Ronie! ok lang, napatawag ka?"
"ikaw ang una kung tinawagan, nagdesisyon na kasi si tita Meldred na ilipat ng Hospital sa manila si Justin".
"Ha! bakit?" sa narinig naging garalgal ang boses nito.
"Kasi nababagalan ng improvement para kay Justin dito, wala daw pagbabago, halos isang lingo na".
"Kailan daw ang alis". hindi maitago ang pagiyak, dahil alam niyang malalayo na ito, at walang kasiguraduhan kung kailan ito magigising, at kung kailan uli sila magkikita.
"Ngayon daw madaling araw, andito na nga yung ambulance na maghahatid sa Manila"
"Ok lang yan, para mapadali ang paggaling niya, mas may alam kasi ang mga magulang, para sa mga anak saka magagaling ang mga doctor sa private Hospital sa Manila".
"Wag kang umiyak, pati tuloy ako naiiyak din. Alam kung ikaw agad ang hahanapin nitong si pinsan sa oras na gumising ito". Pagpapalakas nito ng kalooban sa kausap na si Cendy.
"Hindi lang ako sanay Ronie alam ng diyos yun. Kaya hindi siya mawawala sa mga dasal ko, sige na pakibulong nalang sa pinsan mo na love na love ko siya."
"Ok, wag kang mag alala i update kita palagi tungkol dito kay Pinsan".
"Thank you so much Ronie dahil nandiyan ka palagi".
"Walang anuman, sige na Cendy andito na yong mga magdadala sa pinsan ko,"
"Sige Bye".
Halos hindi na maibuka ang mga mata ni Cendy dahil sa mga luhang walang humpay sa pag agos, alam niya na walang kasiguraduhan ang lahat.
"Sana hindi nalang ako nagmahal ng ganito, kung mawawala rin naman, at walang kasiguraduhan ang lahat. Lord kayo na pong bahala sa kanya."