DALAWANG buwan na ang nakalipas ay wala paring pagbabago kay Justin hindi naman nakakalimot mag update kay Cendy si Ronie, sa sitwasyon ng boyfriend nito.
Nag enroll narin sa collage si Cendy, sa kursong pinangarap niya bilang isang Nurse. May mga araw na napapaiyak nalang kapag naaalala ang boyfriend, namimiss na nya ito.
"Kung nandito ka sana, sabay tayong papasok sa Collage, at sa pangarap mong maging engineer, patawarin moko kong hindi ko magawang puntahan ka o masilip man lang, basta lagi mong tatandaan hindi mo man ako maalala ngayon, andito lang ako maghihintay sayo."
Habang naghihintay ng masasakyan sa tapat ng University pauwi, umupo muna ito sa maliit na waiting shed, kinuha sa bag ang small na Diary Notebook, sinusulat nya dito lung ano ang nararamdaman nya tuwing naaalala ang boyfriend na si Justin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Anak sana naririnig moko, gumising kana please andito lang kami naghihintay sa pagising mo, namimis kana namin." ina na gagawin ang lahat para sa isang anak. Habang pinupunasan ng maligamgam na towel at tubig ang anak na matagal ng natutulog.
Kahit papano may maganda ng resulta ang mga ginagawang test ng mga Doctor dito. Maaaring araw nalang gigising na ito hindi paman gumigising ang pasyente pinayagan na itong e uwi sa bahay, at doon nalang ang regular na checkup ng private na Doctor.
Pero ang laging sinasabi ng mga Doctor, gumising man ito posibleng nagkaroon dito ng effect sanhi ng aksidente.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang mga Nanay laging kapakanan ng mga anak ang laging inaalala.
"Cendy anak! maawa ka naman sa sarili mo, namamayat kana," Habang magkaharap na kumakain, ang magina.
"Nay pasensya na po,"
"Anak naiintindihan kita, pero wag muna man pabayaan yang sarili mu, pag pray nalang natin ang paggaling ni Justin."
"Opo Nay, huwag po kayong magalala susubukan ko po patatagin ang loob ko.".
"O siya sige, kaya mo yan pangarap natin yan nila tatay mo," Pagbibigay suporta ng isang ina.
Ilang buwan na ang lumilipas, kahit papano may mga araw na nakakalimutan ni Cendy ang masakit na nangyari. Dumating ang araw ng kaarawan nya, nakiusap ito sa Nanay na wag na munang mag abala o maghanda. Naunawaan ito ni Aling Marlyn at ang hindi niya talaga mapigilan, o kaligtaan ang araw kung saan siya nagmahal ng lubos. Sa lalaking walang kasiguraduhan kung siya bay maaalala pa nito. Pagaling sa simbahan, walang siglang naglakad patungo sa Park. Umupo sa paborito nilang upuan ni Justin.
"Mahal nandito parin ako, umaasa na balang araw muli tayong uupo sa upuang ito, sana mahintay parin kita, sana kayanin ko ang walang kasiguraduhan panahon". Kasabay ng mga luha ang pagbulong sa hangin, hawak ang panyong pang pawi ng walang tigil na pagdaloy na mga luha.
"Unang anniversary natin na wala ka, wala ring saya kundi sakit na magisa lang ako sana maging ok kana at maalala mopa ako." sambit nito sa sarili habang tuloy tuloy parin sa pagtulo ang mga luha. Nasasaktan kapag naaalala ang lalaki dahil sa sobrang pagkamiss nya dito, at sa tagal na hindi nito nakikita. Hanggang ngaun hindi parin alam kung may patutunguhan pa ba ang paghihintay nya dito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Isang buwan nalang pasko na, laging inaabala ni Cendy ang sarili sa pag aaral, kung misan sa mga project nya sa school. Pero my mga gabing laman ng kanyang panaginip ang lalaking hangang ngayon bumubuo ng kanyang puso. Panaginip na parang nagmamakaawa, at hindi makalapit sa kanya si Justin pinipilit na i abot sa kanya ang mga kamay nito subalit hindi niya ito mahawakan. Dahil dito gumigising si Cendy na may luha ang mga mata.
"Mahal bakit hindi ko maunawaan? Anong ibig sabihin nito?" Sa pagbuhos ng luha, mahigpit na niyakap ang teddybear na binigay sa kanya dati nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ISANG gabi na naalimpungatan ang pamilya Ramos. Isang malakas na sigaw ang gumising sa kanila kaya nagsi takbuhan patungo sa silid ng anak na si Justin. Nagulat ito sa nadatnan sa loob ng kwarto.
"Anak!gising kana, salamat." si Meldred habang hawak ang kamay ng anak,bna pilit gustong magsalita kaya napapasigaw ito.
"Anak ok lang, wag ka munang magsalita".
" si..si..sino ka?". ito ang tanging lumalabas sa bibig nito.
"Anak ang Mama to, ok lang anak gagaling ka." Niyakap ito ng mga magulang, at mga kapatid na panay lang ang tingin sa mga ito.
Nagkaroon ng kaunting pag asa ang pamilya Ramos. Binibigyan lagi ng oras ang anak na nangangailangan ng supporta at atensyon, pang sa ganon mapadali ang recovery o paggaling nito.
ANG magandang balita nakarating agad agad kay lola Flor at Ronie. Na agad ding nakarating kay Cendy. Ganon din ang girlfriend na para bang nabigyan ng lakas, kahit papano nabigyan na ng pag asa.
"Salamat Ronie, andiyan ka palagi".
"Ok lang, ikaw talaga sino pa bang magtutulongan, saksi ako sa inyong dalawa, wag kang magalala gagaling na si pinsan".
"Oo naman, magdasal tayo palagi."
ISANG lingo na ang nakakalipas ay naging mabuti na ang kalagayan ni Justin, nakakalungkot man dahil hindi ito makaalala kahit ang sarili nyang pamilya ay hinid nito maalala. Nagpapasalamat parin ang pamilya dahil nagising na ito sa maragal na panahong pagkakahiga.
"Sino ako? Sino kayo?" isang umaga nagdadabog sa kwarto, bawat mahawakan ay tinatapon habang hawak ang ulo.
Walang magawa ang Ina at tatay nito kundi yakapin ang anak. At dahil wala narin itong nakakabit na oxygen o anuman ay malaya na itong nakakagalaw. Malaki ang pinagbago nito, parang hindi na ito ang dating Justin ng magasawang Ramos, dahil hindi sila nito pinapansin, kahit ang mga kapatid.
Kumakain itong magisa. Tanging mga bagay na makakaalala dito ang ipinapakita ng pamilya, mga masasayang moment at picture nilang buong pamilya. Halos lahat ng album ay tinitingnan nito kung saan naroon siya. Kahit ang cellphone nito man lang sana pero nawasak ito nang maaksidente sya.
Dumaan pa ang ilang buwan, na wala paring pagbabago. Hindi naman magawang tumawag ni Cendy sa pamilya ng lalaki, dahil alam niyang wala naman alam ang mga ito sa kanila ni Justin.
Matatapos na ang isang taon naging busy sa mga project at sa pagpasok araw araw si Cendy. At dahil sa course niyang pinili halos wala syang bakasyon, tuloy tuloy ang kanyang pasok. Tanging linggo ang araw na bonding nilang magina. At hindi nakakalimot magsimba. Tanging sa kanyang diary note, naisasabi o nailalabas ang buong damdamin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NASA second year college na si Cendy, bumabalik narin sa dati ang pangangatawan nito. Dahil naging busy sa pag aaral ng medisina, at sa mga bagong kasama ngunit may paninindigan na ayaw ng umasa o masaktan muli. Kaya itinanim nya sa kanyang sarili na hinidi na muna sya papasok sa isnag relasyon habang nag aaral pa, kahit manliligaw ay tinatangihan nya.
"Best kamusta ka?"
"Ok naman best". si Mela at dahil magkaiba sila ng school na pinapasukan, bihira rin sila magkita, tanging cellphone lang ang cummunication ng dalawa.
"Kamusta ang puso natin? may iba nabang nagpapatibok?"
"Hoy! ikaw talaga, wala ayaw ko munang tumangap at saka busy tayo lagi".
"Busy o siya parin?"
"Ikaw talaga?best alam mo naman kung anong sitwasyon, kung gaano kasakit yung nangyari, kaya ok na munang ganito".
"Oo naman best, alam ko kung gaano mo kamahal si Justin, pasensya na nagbibiro lang".
"Ok lang, ikaw ba kamusta?
"Ok na ok naman, katulad mo busy rin alam mo naman itong kinuha ko na course, kailangan magtapos."
Kahit naging busy ang magkaibigan, hindi parin nakakalimot na alalahanin ang isat isa, dahil sa magkapatid na ang turingan ng mga ito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Mahal asan ka? Bakit hindi kita makita? madilim dito."
"Mahal andito lang ako hihintayin kita". isang boses babae.
"Bakit hindi ko maaninag ang mukha mo?.lumapit ka saakin please".
"Hindi pwede mahal ko." isang umiiyak na babae habang nakatalikod ito.
"Please halika lumapit ka sakin". akmang pilit na lalapitan ang babae ng bigla itong nawala.
Biglang naalimpungatan sabay bangon at sumisigaw sa sobrang sakit ng ulo.
"Aaaaarrrayyyyyy, sino ba ako?" sino ba ako? bakit wala ako maalala." biglang pasok ng ina na si Meldred.
Habang yakap ng luhaang Ina, na hindi naman masagot ang katanungan ng anak.
"Sino ang nasa panaginip ko? isang babae na nagmamakaawa at umiiyak".
"Anak hindi ko alam, magdasal lang tayo palagi para gumaling kana hindi tayo susuko."
Mga araw na hindi nawawalan ng pagasa, para sa pamilyang Ramos hindi sila susuko, lahat ay gagawin para bumalik sa dati ang anak na si Justin.