"Anak Cendy, siguro naman pwede na tayong maghanda ngayong pasko? Aba pangalawa na itong pasko natin? sana naman ako naman pagbigyan mo".paglalambing ng Ina.
" Oo naman po Nay, sige po magluluto po tayo at e invite po natin sila tito at tita, namaimis kuna rin po sila at si Mela."
"Hay!, salamat anak akala ko, tahimik na naman tayo ngayong pasko,"
"Si Nanay naman grabi sa tahimik, pasensya kana po Nay ha! Nagdamdam lang masyado tong anak mo, pero ngayon po wag kayong magalala nagiging ok napo ako kaya payakap po ako," Sabay yakap sa ina, na may kasamang lambing.
"Salamat anak ha, bumalik na sa dati ang sigla at katawan mo."
"I love you Nay, kasi andiyan po kayo palagi hindi nagsasawang gabayan ako."
Naging abala ang lahat sa araw ng pasko nagkaroon ng pagasa at sigla. Tanging sa diyos ang pasasalamat ng lahat, sa mga himala at kasagutan sa mga hiling, katanungan ng bawat may pusong nagmamahal.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Nay maaga po ako magsisimba ngayon, kasi baka before lunch dumating napo sila tita at si Mela."
"O sige anak! ikaw na muna magsimba kasi walang maiiwan dito, baka may mga dumating na, magluluto narin ako." Nasakto ri kasi sa araw ng linggo ang araw ng pasko.
Maaga pa'y puno narin ang simbahan, paisa isa nalang ang bakanting upuan. At dahil magisa lang si Cendy nakahanap agad ito ng upuan sa bahaging ulihan. Nagumpisa na ang pari, ang buong tinalakay sa mga oras na iyon, ay patungkol sa araw ng pasko, ang pagmamahal ng diyos sa buong mundo.
Paglabas ng simbahan, ay hindi pwedeng hindi dumaan, kahit kaunting oras sa park. Madaming mga bata ang naghahabulan at kanya kanyang laro. Habang papalapit sa paborito niyang upuan, may nakita siyang tatlon rose na kulay pink, na nakapatong rito, kaya dahan dahan itong lumapit habang nakatitig sa kinaroroonan nito. Wala namang taong nakaupo sa bahaging ito. Kinuha niya ito, wala namang letter o pangalan na nakalakip dito. Kaya napaupo ito ng dahan dahan, hindi naman magawang bitawan, habang palingon lingon kung kanino ba ito. Wala namang tao sa malapit ng bahaging ito. Habang nakatitig sa mga bulaklak, hindi maiwasang mapaluha.
"bakit katulad ito noong?" nang may dahan dahang lumapit sa kinaroroonan niya, habang nakatitig sa mga bulaklak ay nagawi ang kanyang mga mata sa bahaging ito, simula sa sapatos pataas hangang tumapat sa mukha ng isang lalaki.
Kayat hindi nito nagawang gumalaw sa pagkakaupo dahil parang tumigil ang mundo. Habang sunod sunod ng bumabagsak ang luha. Kaya ang lalaki nalang ang lumapit, lumuhod sa harapan niya, hinawakan nito ang magkabilang kamay niya.
"Mahal, ako to !andito na ako," saka lang nakagalaw si Cendy nang bahagyang pinupunasan nito ang luha sa pisngi niya.
Kayat walang imik nalang na yumakap ito sa lalaki. Mahigpit at parehong dahan dahang tumayo si Justin sa pagkakaluhod nito at sa pagkakaupo naman ni Cendy.
Halos tumagal ng ilang segundo ang pagkakayakap ng dalawa at walang ano ano mahigpit na halik sa labi ng babae ang ginawa ni Justin. Walang pakialam kung may nakakakita o nanonood sa kanila. Buong pagmamahal ang muling pinaramdam sa isat isa.
"Maligayang pasko mahal ko," bati ni Justin habang nakayakap parin.
"Mahal, kailan pa?totoo ba ito?bakit hindi ko man lang nalaman?hoy!"
Muling naulit ang halik, na para bang uhaw sa nakalipas na mga buwan at taon. Nang bahagyang naghiwalay ang mga labi at nakayakap parin sa isat isa. Puro tanong nalang ang nasasabi ni Cendy, habang hindi makaalis sa mahigpit na yakap ng lalaki.
"Mahal, marami ng nakatingin satin oh".
"Hayaan mo sila, basta yakap ko ang babaeng mahal na mahal ko."
"ikaw talaga, oo na sige na upo muna tayo, please,"
Habang magkawak ng kamay, hindi alintana ang hiya sa mga taong nakatingin sa kanila.
"Mahal ano kailan ka dumating?at gumaling?bakit hindi sinabi sakin ni Ronie?"
"Mahal, relax kalang, isa isa lang po ang tanong at hindi ko muna sasagutin yan, dahil miss na miss na kita, ikaw ang kamusta? Hindi mo ba ako namiss?"
"Oo naman nabigla lang ako, ikaw?dapat ang tinatanong ko niyan?Mahal ano?"
"Miss Cendy Crus, siguro kinalimutan muna ako?may mahal kana bang iba?,"
"Mahal wag kang magisip niyan, bakit ako andito sa park na ito?ikaw nga diyan ang daya daya mo, mahigit isang taon mo akong pinagisa at pinalungkot." seryusong tanong nito, habang ok lang ang lahat para kay Justin.
"Ang mahal ko talaga, napaka seryuso, smile ka naman please, miss na miss kita and sorry ha! kung iniwan kita sandali."
"Sandali lang ba sayo ang mahigit isang taon?mahal ang hirap ng walang kasiguraduhan ang nangyari sayo? Halos tumigil din yong mundo ko,"
"Im sorry mahal, kaya siguro naka recover ako, dahil may naghihintay sakin at alam ng diyos na kailangan pang ipag patuloy ang buhay ko na kasama ka,"
"Mahal takot na takot ako noon, parang pakiramdam ko kasama rin ako sa trahedya na nangyari sayo."
""Mahal salamat ha!kasi sabi ni Ronie halos araw araw karin daw nasa Hospital, bago ako nilipat sa manila, salamat hinintay mo parin ako, I love you," sabay pisil sa mga kamay ng babae.
"Salamat din dahil lumaban ka, at hindi moko iniwan, kaya pala lagi kang nasa panaginip ko peto may tampo ako sayo ngayon,?"
"Ha!bakit ano yon?"
"Kasi mahigit isang buwan kana palang magaling, bakit hindi kaman lang tumawag sakin, pati si Ronie hindi rin nagsabi."
"Kasi po gusto kitang isurprise, ngayong araw ng pasko."
"Thank you mahal, akala ko mauulit muli ang pasko na hindi ko ramdam,"
"Kaya ngayon ?babawi ako, sasama ka sa bahay ni Lola at walang tatanggi".
"Ha!bakit? nakakahiya,"
"Mahal ngayon kapa ba mahihiya, ngayon alam na nila lahat?"
"Lahat alin?at sinong nila?"
"Upo alam na nila mama at papa at ng mga kapatid ko ang tungkol saatin, kaya gusto ka nilang makilala,"
"Ha! Teka muna tawagan ko muna si Nanay," akmang kukunin ang cellphone sa maliit na shoulder bag nito, ng sabay pigil at hawak ni Justin sa kamay nito.
"Mahal naipagpaalam napo kita kay tita Marlyn, galing na ako bahay niyo, kaya ako sumunod dito dahil sinabi ni tita na nandito ka."
"Ha! Nagkita na kayo ni Nanay?"
"Hmm Yes po, at ipinagpaalam napo kita, para masulo ko ang mahal ko ngayon,"
"ikaw talaga, hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko ngayon?nananaginip ba ako,? sabay tapik sa magkabilang pisngi nito.
"Hindi, totoo ang nasa harapan mu ako," Sabay halik sa noo ng babae.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ilang minuto lang ng makaalis sa bahay si Cendy, ng dumating si Justin. Halos laking gulat ni Aling Marlyn ng pagbuksan ito ng gate.
"Justin!?"
"Upo, Tita Merry Christmas po, Mano po ako". Walang atubiling niyakap ito ng mahigpit ni Aling Marlyn.
"Maligayang pasko din, kamusta kana?kailan kapa gumaling at umuwi?"
"One month napo, at kaninang madaling araw po kami dumating, kasama ko po ang pamilya ko. Dito po kami mamamasko kila lola Flor."
"Salamat anak gumaling kana, at hindi ka pinabayaan ng diyos,"
Naging magaan ang paguusap ng dalawa, kahit ilang minuto lang. "Ay oo nga pala, nagsimba si Cendy kaaalis lang hindi kayo ng pang abot,"
"Upo, sige po magpapaalam po muna ako susunod po ako sa simbahan, hmm tita pwede ko po bang isama kahit ngayon lang kila lola si Cendy?"pagbaba kasakali nito.
"Ok sige ingat kayo, at bumlik ka uli,
"Upo tita, hmm alis napo ako salamat po tita,"
"Sige iho, magiingat ka,"
Kahit papano napalapit narin siya sa batang ito, at naging panatag narin bilang boyfriend ng anak.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Mahal ano to?hindi ako makapaniwala na andito ka ngayon?" Habang sakay ng tricycle.
"Im Justin Ramos, noon, ngayon, at kasalukuyan," Nakayakap ang isang braso sa bahaging likod o baywang ni Cendy, habang magkahawak kamay.
Hindi magawang mahiya, kahit panay ang lingon sa kanila ng mamang driver.
"Nahihiya ako, sa pamilya mo, pano to? ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako." mahinang sabi nito
"Mahal, relax kalang hindi naman sila nangangagat, gusto ka nga nilang makilala, kasi dahil sayo?kaya ako nandito ngayon,"
"Ha!pano?e hindi ko nga nagawang puntahan ka, sorry mahal hindi kita nadalaw sa inyo,"
"Ok lang, alam ko naman ang dahilan, alam kung hindi karin nagkulang at sinabi yon lahat sakin ni Ronie."
"Ahmm speaking of Ronie, bakit hindi niya agad sinabi sakin? na magaling kana pala,"
"One month palang naman mahal, ako ang may gusto na wag muna ipaalam sayo,"
"Ikaw talaga, kaya pala hindi na tumatawag sakin si Ronie o magtxt man lang, inisip kuna lang na baka busy sa school,"
"Hehehe ,wag ka ng magtampo, andito na tayo, habang bumaba hindi binibitawan ng lalaki ang isang kamay nito."
"Mahal wait lang, nanlalamig ako,?"
"Wag kang magalala Mahal hindi kita bibitawan," magkahawak kamay habang papasok ng bahay, ang hindi alam ng dalawa simula ng bumaba sila ng trucycle, masasayang nakatingin ang mga nasa loob ng bahay habang nakasilip sa bahaging salamin o bintana ng bahay.
Natutuwa ang mga ito sa nakikitang reaksyon ng dalawa bago makapasok, nasa sala ang mga ito ng buksan ang maindoor ni Ronie.
"Welcome Merry Christmas yeheeey..." Sabaysabay na pagbati ng mga nasa loob.
Kaya hindi maiwasan magulat ng dalawa, dahil nakaabang na pala ang mga ito sa pagpasok nila ni Justin.
"Hoo! Kayo talaga ?panggulat naman kayo,"
"Hello po, magandang umaga po sa inyo, maligayang pasko po ," saka lang ng bitiw ng mga kamay, ng isa isang nilapitan ni Cendy ang mga magulang ni Justin.
"Godbless iha, welcome ka dito samin," si Mang Melchor ang tatay ni Justin.
"Godbless din iha, kaya pala nakaalala agad itong anak namin, dahil sa ganda ng girlfriend na itinago samin."makahulugang tingin ng ina ni Justin
"Hindi naman po, mama, papa, hindi pa po kami handa noon na ipaalam sa inyo." si Justin habang nakaalalay sa gawing likuran ni Cendy.
"Swerte ko pala kasi ako alam ko kung paano nagsimula yang dalawang yan?" pagmamalaki sa mga ito ni lola Flor habang papalapit sa dalawa, na agad namang nagmano si Cendy sa matanda.
"Oo nga!tama si lola," si Ronie habang pangiti ngiti ito na may kasamang panunukso sa dalawa.
"Kuya! Swerte mo ang ganda ni ate Cendy, ooooyyyy si kuya Justin," Panunukso ng nakababatang kapatid na babae ni Justin.
"Cendy anak maupo ka muna, pasensya kana mga alaskador ang mga tao dito". si aling Meldred ang pumutol ng mga biruan.
"Ok lang po, salamat po sanay narin po ako dito kay Justin ganito rin po ito". sabay tingin sa katabi na pangiti ngiti rin, sabay pasimpling kurot sa tagiliran ng boyfriend.
HABANG nakaupo sa sala, naglabas ng meryenda si lola Flor. Dahil maaga panaman pasado alas nuwebe palang ng umga. Dito na naekwento ng bawat isa ang lahat ng nangyari sa nagdaang mga araw, buwan at taon kay Justin. Iba't ibang mga tanong? Na agad namang may kasagutan. Tulad ng kung pano gumaling si Justin. Si Aling Meldred Ang ina ni Justin ang nagkwento.
"Alam mo iha Cendy, bago yan nakaalala?ilang gabi yan na laging sumisigaw, nananaginip at kapag nagising laging tinatanong kami kung sino ang babae sa kanyang panaginip? Pinipilit na maalala, at may mga gabi na mahimbing siyang natutulog, nagsasalita at lagi kung naririnig ang pangalan mo kaya naging interesado ako sa pangalang Cendy na binabangit niyan lagi. Kaya tinawagan ko si Ronie, inalam ko sa kanya kung sino tong Cendy na laging binabanggit ni Justin. Dito ko nalaman na ikaw pala yon, na nakilala na pala kita noon nong dito sa hospital si Justin. Kaya naghanap kami ng picture mo, sa f*******: ni Ronie at buti mayron, kasi hindi naman namin ma open yong account ni Justin, iha pasensya kana nag pa print ako ng picture mo, at alam moba? na lagi niyang tinitingnan yun, at mabilis na naka recover yan." mahabang salaysay ng ina.
Habang patuloy sa kwento hindi maiwasan nito ang maiyak at ganon din pala si Cendy.
"Tama na muna mama, umiiyak nadin itong katabi ko baka masinghot na ako nito." pagbibiro sa katabi ng bahagyang pinupunasan ng luha.
"ikaw talaga? sabay siko
"nagagawa mo pang magbiro."
"Kasi po habang tinitingnan ko yung picture mo, ang naiisip ko natatakot kaya dito ang mga daga?hehehe," sabay tawanan ng lahat
"O diba masaya lang?kalimutan na kasi ang malulungkot na nakaraan,"
"Mahal puro ka biro, kung alam mo lang?" mahinang tinig nito habang hawak ang panyo na panay punas ng luha.
"At iha nabigla kaming lahat dahil isang gabi si Justin ang gumising samin, at panay tanong bakit daw siya andon?dapat daw sa bahay ni lola niya siya natutulog, habang ikini kwento namin ang lahat sa kanya ay hindi yan halos maka paniwala na halos mahigit isang taon na ang nakakaraan. Nakakaawa ang naging reaksiyon niyan, umupo sa sahig umiyak ng umiyak. Sabi ko sa kanya ok na ang lahat, hindi ka pinabayaan ng diyos, binigyan ka ng panibagong buhay. Kaya iha salamat sayo, naging bahagi ka ng pamilya namin, naging bahagi ka ng recover niyan ni Justin." Dugtong ni Mang Melchor.
"Tita ,tito dahil hindi po tayo tumigil o sumoko na magdasal, kaya andito po siya ngayon, binigyan ng bagong buhay." Bahagyang yumakap ito sa lalaki.
"Siguro lagi mo akong iniisip kaya kahit tulog ako ikaw ang tinatawag ko, kaya ngayon babawi ako sa taon na nawala ako, kaya Mama ,papa pwede na tayong mamanhikan hehehehe". muling pagbibiro nito na may kasamang kantiyawan.
"Hoy!ikaw talaga?" Biglang bitiw at tawanan na may kasamang pang aasar sa dalawa.
"Joke lang magtatapus pa tayo, at kahit nahuhuli na ako sa taon, sisikapin ko parin magaral para maging engineer para sa pamilya ko at sa mahal ko."
"Bakit hindi?darating tayo diyan may tamang panahon anak," Dugtong ni Mang Melchor na nakikisabay din sa biruan.
"Pasensya kna Cendy sa mga ito." bawi ni Aling Meldred.
"Ok lang po, buti nga po maingay kayo dito, kami sa bahay kami lang ng Nanay".
"Kamusta pala ang Nanay mo iha?" dugtong ng matandang si Flor
"Ok naman po, may mga bisita rin po kami na darating ngayon, mga kamaganak, punta po kayo sa bahay mamaya!""
"Oo nga, reitsi na tayo mamanhikan." kunwari sersyoso, pinipigilan gumiti, ng biglang may kumurot sa baywang nito.
"Aaaaahh sakit hehehe joke lang mahal,"
"Ikaw talaga, Mahal tanghali na kailanagan ko ng umuwi". bulong nito kay Justin.
"Ma, Pa magpapaalam napo si Cendy, hatid ko lang po,"
"Ha!Maaga pa iha kakain pa ng tanghalian," si Lola Flor
"Salamat nalang po lola, hmm may mga bisita narin po kasi sa bahay, pasensya napo mauna napo ako, Merry Christmas po uli sa inyo,"
"Sige iha, balik ka uli,Salamat," si Aling Meldred na bahagyang lumapit.
"Sige na anak ingat kayo, maglalakad lang ba kayo?" ang amang si Melchor na nagpatiuna na sa may pinto.
"Upo malapit lang naman po sa kabilang kanto, sige po salamat po uli". si Cendy na medyo nahuhuli maglakad palabas.
"Insan anong oras kita susunduin?" pahabol na sigaw ni Ronie
"mag titext nalang ako," sabay sinyas ng kamay.
Habang naglalakad ang dalawa ,ay napansin ni Cendy na parang may kakaiba sa paghakbang ng mga paa nito.
"Mahal hindi paba magaling yang mga binti mo?"
"Magaling na medyo may kirot lang tuwing inahakbang ko."
"Ha!dapat pala ng pahatid nalng ako kay Ronie, baka kung mapano ka!".
"Mahal wag kang magalala, ok lang ako kailangan ko nga raw laging maglalakad para ma excircise, yon ang bilin ng mga Doctor,"
"Sige, ok dahan dahan lang tayo?concern lang ako Mahal,"
"Ang mahal ko talaga, malakas na ako, ikaw dapat ang inaalala ko,"
"Bakit ako?,e ikaw tong,"
"Ako na ano ha?gusto mo buhatin pa kita?para makita mong malakas pa ito sa kalabaw," hehehehe akmang bubuhatin ang babae.
"Hoy mahal?wag ikaw talaga, tumigil ka nga," pagiiwas nito na may lambing
"Biro lang miss na miss kita Mahal, babawi ako sa mga buwan na wala ako sa tabi mo, salamat kasi nahintay moko".
"Namis din po kita, kung alam mo lang, nawalan ako ng gana kumain, buti laging nandiyan si Nanay". Habang magkahawak kamay na naglalakad at hindi maiwasang may tumitingin sa kanila, na halos kakilala rin na alam naman ng ibang kapitbahay ang nangyari, katulad ngayon may naglakas loob na nagtanong.
"Cendy si Justin naba yan?magaling na pala kailan pa?
"Upo mahigit isang buwan narin po."
Halos kapitbahay nila ay alam ang buong nangyaring trahidya kay Justin.
please follow #Ems_Write
thank you!?