CHAPTER: 11

2608 Words
TUESDAY Morning "Mahal, akala ko nakaalis na kayo?" si Justin habang papasok ng gate nila Cendy. "Mamaya pa mga 10:00 may pinuntahan pa kasi si papa yung kaibigan niya." "O bakit?naglakad kalang ba?" "Yes po, maaga pa naman, si tita?" "Si Nanay pumasok na maaga kasi may Metting daw para sa lahat." habang isinasara ang gate. "Ikaw mahal wala kabang pasok ngayon?" "Mamaya pang 1:00 pm may short quiz lang." "Buti pala nagbakasakali ako na maglakad". deritso yakap sa babae. "Bakit?diba nagusap na tayo kagabi sa cellphone?" "iba naman kapag sa cellphone, namimiss kita mahal, tatawag ako palagi, sorry ha kong muli akong lalayo". "Ano kaba?mahal para naman yon sa tuloy tuloy na pagaling mo." "Upo kaya lang parang ayaw ko nang mahiwalay uli sayo," Mahinang tinig nito habang magkayakap at magkalapit ang mukha sa isat isa. "Mahal kaya natin to, andito lang ako maghihintay sayo, noon nga hindi tayo sumoko, ngayon pa kaya?" Hindi pa man nakakatapus ng sinasabi si Cendy, dahan dahan ng lumapit ang nasasabik na mga labi. Wala narin nagawang pagtutol ang babae sa ginawang pag angkin nito sa kanyang mga labi. Buti nalang nakasara na ang pinto sa sala at sa tapat lang nito naka tayo ang dalawa, dahil parehong pinaubaya ang mga sarili sa mapanabik na halik, hangang tumuloy sa babang bahagi ng tainga ng babae ang nanabik na halik ng lalaki. Parang tumigil ang bawat pintig ng mga puso, naramdaman ni Cendy ang panghihina dahil sa ginagawa ng boyfriend. "Mahal na Mahal kita Cendy," bulong nito habang mahigpit na yakap at halik. Nang biglang napa bitiw ang babae ng may bigla siyang naramdaman, ng tangkain nitong hawakan ang kanyang dibdib. Naitulak niya ang lalaki. "Justin!? Hindi!" parang naiyak sa naramdaman. "Mahal sorry ,sorry nadala lang ako, sorry hindi ko sinasadya," Nag bigay sign na humihingi ng tawad ang mga kamay nito. "Sige na umalis kana," tuluyang na itong umiyak "Mahal sorry hindi ko sinasadya, please wag kang magalit," "Umalis kana!" lumakas ang boses nito. "Mahal" habang dahan dahang binuksan ang pinto ng lalaki. Hindi naman magawang tumingin dito ni Cendy habang papalabas ang lalaki na panay sorry at mahal ang sinasabi sa mahinang tinig nito na garalgal din ang boses. Kahit galit ang pakiramdam, hindi parin kayang tiisin o basta nalang umalis ang boyfriend, dahil alam niyang matagal na naman silang hindi magkikita nito. Kaya mabilis na hinabol niya to bago paman makalabas ng gate. "Mahal!". lmingon ang lalaki at mabilis na sinalubong ang tumatakbong si Cendy, muling nag yakap ng mahigpit. "I'm sorry, hindi ko sinsadya, ayaw kong umalis na galit ka mahal," Umiyak narin ito habang pinupunasan ng luha ang babae. "Magpagaling ka ha! Lagi kang iinom ng gamot, hmmm tatawag ka lagi". "Oo naman, lara sayo mahal ko". "Sige na baka hanapin kana, goodbye." " Mahal lagi kang maiingat ha!kasi malayo ako at ikaw lang lagi ang nasa puso ko mamimis kita". sabay halik sa noo ng dalaga. "Mamimis din kita". mahigpit na yakapan bago maghiwalay. Pagkasara ng gate, matamlay ang pakiramdam na papasok ng bahay. Hindi dahil sa nangyari kundi dahil sa muling paglayo sa isa't isa. Samantalang ganon din si Justin, habang sakay ng minamanihong L3 Van ng kanyang Tatay Melchor. "Anak tahimik ka yata?may problema ba?masama ba pakiramdam mo?" Ang tatay na panay tingin sa front merror dahil napansing malayo ang tingin nito. "Opo ok lang ako tay". "Syempre po papa malungkot si kuya, malalayo na naman uli kay ate Cendy". Dugtong ng nakababatang kapatid. "Ok lang yan anak, may cellphone naman kayo tawag lang lagi". Pagbibigay lakas ng ama dahil iniiwasan nilang maistress ito. Dahil ito ang bilin ng mga Doktor, iwasan lang maistress para tuloy tuloy ang pag recover nito. Dahil mahigit apat na oras ang byahe ay nakatulog ito, na halatang malungkot, itoy pansin ng mag asawang Ramos. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ PAGKARATING ng bahay nila sa manila ay agad tnext ni Justin si Cendy. JUSTIN "Mahal nandito na kami sa bahay, ikaw nasa school kana ba?" Hindi naman nabigo dahil nagreply agad ito. [CENDY "Oo Mahal nandito ako sa school, musta ang byahe?" ] JUSTIN "Ok naman po, namis kita agad mahal ko." [CENDY "ako din po, pero kailangan natin magpakatatag, para sa tuloy tuloy na pag recover mo" ] JUSTIN "Oo mahal, thank you ikaw ang nagbibigay lakas dito sa puso ko." [CENDY "thank you din mahal, sige na pahinga kana bye".] Pagkatapos ng kanilang paguusap ay napagdesisyon na ni Justin na magpahinga, pumasok ito ng kwarto at nahiga. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Umaga't ,gabi laman ng cellphone ang isat isa. Buwan ng february naging busy na naman sa mga reviewer si Cendy dahil malapit na naman ang exam nito. "Anak may kumakatok sa gate, tingnan mo nga anak?"Habang naghahanda ang Ina sa pagalis. "Opo Nay wait lang po".Habang papalabas ito ng pinto. "Sino po yan?" Tanong nito habang papalapit sa gate. "Delivery po para kay Cendy Cruz". Tinig mula sa labas ng gate. Pinagbuksan ito ng gate ni Cendy. "Goodmorning, Happy Valentines flowers para sayo, from Justin Ramos." Sabay ngiti. "Hoy! Ronie ikaw pala?ano to?" "Nautusan lang ng poging pinsan ko, siya pumili ng kulay," Sabay abot ng isang Bouquet ng rose na halo ang kulay red and pink, kay Cendy. "Thank you, pinsan mo talaga inabala kapa, salamat Ronie," "Walang anuman, basta sa pinsan kong pogi hehehe, sige Cendy alis na ako". "Ha!sige alam kong may pasok kapa, pasensya kana naabala kapa, salamat uli." "Ok lang, ikaw talaga? sige na bye". Sabay start ng motor at agad na umalis. Pagkapasok na pinto agad na kinuha ang cellphone, upang tawagan ang boyfriend. "Hello, good morning mahal, Happy Valentine". Si Justin sa kabilang linya. "Happy Valentines din, salamat dito sa magagandang bulaklak, pero bakit inabala mo pa si Ronie,?" "Ok lang yon, i love you Mahal ko, pasensya kana malayo ako". "Naiintindihan po kita, love you to, salamat uli, sige na mahal may pasok kasi ako." "Ok po, Happy Valentines uli mahal, bye bye ingat sa pag biyahe," "Opo, babye". MATATAPOS na naman ang isang taon, hindi naman pweding umuwi ng probinsiya si Justin, dahil sa mga theraphy's at mga kunsoltasyon pa nito. Natapos na naman ang last simester ni Cendy, mag hihintay na naman ng 3rd enrollment. Samantalang magsisimula palang sa 1st year collage si Justin bilang engineering Technology for 4 years. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Justin "Mahal please sa 24 aasahan ko kayo ni Tita". Dahil kaarawan nito ng april 24 panay ang paninigurado nito kay Cendy. Cendy "Mahal, hindi ako nangangako kasi may pasok lagi si Nanay, pero titingnan ko sasabihin ko kay Nanay." Justin "Papayag yon si tita, malakas ako doon,hehehe". Cendy "alam mo naman walang maiiwan dito sa bahay at laging maraming trabaho yon sa office". Justin "Papayag yon mahal kasi 2 days pa naman, makakapagpaalam pa si tita". Cendy "Hayaan mo Mahal pagdating niya mamaya sasabihin ko, tatawag agad ako sayo kung ano sasabihin ni Nanay". Justin "Ok mahal sana makapunta kayo dito." HINDI naman nakalimutan ni Cendy, agad itong sinabi kay Aling Marlyn. "Ha!Anak hindi pwede, marami akong paper works na kailangan tapusin nitong week na to." "Ok lang po Nay, alam ko naman po, sasabihin ko nalang po kay Justin." "E hindi naman ako papayag na ikaw lang ang pupunta, aba nagiisa kitang baby, malayo yun." "Grabi ang Nanay O? hindi naman po ako pupunta na hindi ka kasama, dalagang probinsyana kaya to". Pagbibiro din nito sa ina na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. "Pakisabi nalang anak, sa susunod nalang, marami kasi akong dapat tatapusin sa opisina." "Opo Nay, i text ko nalang para hindi umasa yong tao." Bago matulog ay tinext nya agad rito ang sinabi ng kanyang Nanay. Naghintay siya ng reply o tawag nito, ngunit wala, kaya sinubukan niya itong tawagan pero hindi sumasagot, kaya tnext nya ulit ito. [To. Justin "Mahal galit kaba?pasensiya na talaga, alam mo naman na hindi rin ako papayagan ni nanay na ako lang mag isa. Reply kana man please".] Ilang minuto narin itong naghihintay, dumating ang isang oras na wala paring text o tawag, kaya nakatulog nalang ito na hawak ang Celphone. Paggising agad paring hinanap ang cellphone na nakatulugan niya, agad na tiningnan kung may reply ang boy friend, pero bigo siya wala itong reply. Text at tawag parin ang ginawa, na wala parin. "Anong kayang nanyari don?nakakahiya naman kung kay tita Meldred ako tatawag, hmmm bahala siya hindi naman yon makakatiis." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Dumaan ang dalawang araw, wala talagang relpy o tawag man lang ang lalaki. Panay naman ang tawag niya dito at text, hindi naman naka off ang cellphone. Kaya kahit nahihiya ay naglakas loob itong tawagan ang Nanay nito. "Hello po Tita pasensiya na po". "Hello iha !ok lang napatawag ka?" "Kamusta po?si Justin po kasi hindi ako sinasagot sa text o tawag kamusta po siya?" "Ay iha buti tumawag ka, hindi nga namin maintindihan ang batang yon nitong mga araw, diba bukas na ang birthday niya?ayaw na magpahanda, sayang daw ang pera." "bakit daw po?sorry tita hindi po kasi kami makakapunta, busy po kasi si Nanay, hindi naman po pumayag si nanay na ako lang, yon po siguro?" "Ok lang yun iha, kaya pala nagtatampo, hayaan mo, ako nalang magpapaliwanag sa kanya." "sige po tita, pasensiya napo uli, salamat po". "Ok lang iha, hayaan mo mawawala din ang tampo non, andito kasi ako sa office mamaya kausapin ko paguwe ko." "Salamat po tita, babye oo". "Salamat di iha, bye". Nalaman nga ni Cendy kay Ronie na wala ngang naganap na Celebration, o Birthday party nito. Sinabi niya rin ang dahilan kaya siguro. "Ha! grabi naman si pinsan?hindi ba niya naintindihan na malayo ka at hindi basta basta?" "Ewan ko ba sa pinsan mo na yun? Masyadong matampuhin na," "hayaan muna, dahil siguro sa aksidente na nangyari nagbago, naging madamdamin na." "nag aalala kasi ako kasi hindi siya sumasagot sa mga text at tawag ko." "suss kilala ko yon?hayaan mo hindi naman yon makakatiis, tingnan mo hayaan mo, yun din ang tatawag sayo," "Sige Ronie salamat, pasensiya kana". "Suss ok lang, tampo lang yun ng nagmamahal, hehehe," Alam kasi ni Cendy na kailangan maiwasan nito ang ma estress, para sa tuloy tuloy na paggaling ng boyfriend. Kaya ngayon hindi siya mapakali, dahil hindi ito sumasagot sa mga text o tawag niya. Kaya sinubukan niya uli itong tawagan at i message. [To. Justin "Mahal please, i'm sorry sagutin mo naman tawag ko, sana naiintindihan mo rin ako, hindi rin ako natatahimik na ganyan ka, mahal please sorry na."] Sumubok uli ng tawag. "Hello iha, si tita Meldred to hindi kasi pinapansin ni justin cellphone niya, nandito sa sala iniwan, ayon lumabas ata." "Ah sige po tita, pakisabi nalang po tumawag ako, salamat po," "Pasensya kana Cendy, naging matampuhin na si Justin nitong mga nakaraang buwan, ewan ko ba don?" "Ok lang po Tita, naiintindihan kuna man po, baka dahil po sa aksidente noon." "oo nga siguro?at sa mga iniinom niyang gamot, baka sideffect lang ng mga yon." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Naging matampuhin, at tahimik nitong mga nakaraang mga buwan si Justin, naiintindihan naman ito ng pamilya Ramos. Parang nawalan ito ng saya, at nagiiba ang ugali, naging mainitin ang ulo. Maaga itong gumigising at naghahanap agad ng pagkain. "Good morning Ma, may pagkain na po ba?" "Good morning din anak, ang aga mo naman laging gumising?wait lang hindi pa luto itong itlog na piniprito ko maupo ka muna ha!,malapit na to." 5:30 ng umaga palang, kung dati around 6:00 na gumigising si aling Meldred, para magluto. Ngayon 4:30am na, laging naka set ang alarm dahil nga dito kay Justin, naghahanap agad ng breakfast. "Ma, matagal pa po ba yan?" "Sandali nga lang, mag timpla ka muna ng kape". "Ayaw ko nga po ng kape." Naging mataas ang tuno ng boses nito. "Anak bakit kaba ganyan ha?kita mong nagmamadali na nga ako, dahil alam kong gigising kana, tapos ganyan kapa?ano bang problema mo ha!anak?". Dahil hindi rin maganda ang gising ng ina, dahil sa maghapon sa trabaho, maaga pang gumising. "Wala po, pasensya na po sa labas nalang ako kakain ng almusal." Akmang patayo na ito ng biglang kabigin ni Mang Melchor, habang nagmamasid lang pala sa magina. "Maupo ka anak,?" "Bakit po Papa?" "Magusap tayo!bakit kaba ganyan ngayon?at sa Nanay mo?gumigising na nga yan ng maaga para sayo tapos ganyan pa inaasal mo?" "Wala nga po, gusto ko lang lumabas naiinip lang po ako dito." "Anak!Justin may problema ba? Si Cendy panay tawag at message, hindi mo naman pinapansin, ano ba? Dahil lang ba sa hindi siya nakapunta dito kaya ganyan kana?" "Pano naman po napunta sa kanya ang usapan?hayaan niyo po siya busy yon palagi, at mama's girl sa Nanay niya." "O ayan nga galit ka?akala ko ba mahal mo?dapat naiintindihan mo kung bakit?". Dugtong ni Aling Meldred. "Kaya nga po Mama hindi kona inaabala pa, kasi palaging busy yon." "Anak?maging mainahon ka sana at maunawain, hindi kana man ganyan dati,?" Mahinang tinig ng Ina, dahil naiintindihan ang pakiramdam ng isang anak. "Nakakapagod din Mama, magmahal kailangan din magtira sa sarili." "Anak napapagod kana agad?hindi ka nga napagod noon, ngayon pa?magpaka tatag ka anak, wag mong sayangin ang mga pinagdaanan niyo". "Kailangan din po ng distansiya, para sa sarili, mga bata pa kami na dapat may kalayaan sa isat isa." Habang naguusap ay nakahanda narin ang pagkain, kumuha na ito ng pinggan, kutsara at tinidor. Habang nagtitinginan lang ang magasawa dahil sa mga sinabi ng nito. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Halos Linggo na ang lumipas, hindi parin tumitigil sa pagtawag o message sa boyfriend si Cendy. Kaya gumawa ng paraan, pumonta ito sa bahay nila Ronie, para sa ganon makausap niya ito sa pamamagitan ng Tawag ni Ronie. Hindi naman nabigo agad itong sumagot. "Hello, insan napatawag ka?" tuloy hindi, agad nakasagot si Cendy, dahil sa iba ang tinig nito, parang wala sa mood makipag usap. "Hello pinsan bakit,?" "Mahal, ako to pasensiya kana, nakitawag ako kay Ronie, para makausap naman kita". "Bakit wala kabang cellphone?" "Hindi mo naman kasi sinasagot mga tawag at message ko, ano bang nangyayari sayo Mahal?" "Bakit ?diba palagi kang busy?ayaw kitang abalahin, kaya ibalik mo na yang cellphone kay Ronie at may ginagawa ako pasensiya na," "Mahal, please wag mo munang ibaba." Hindi paman natatapus ang kanyang sinasabi, nawala na ang kausap sa kabilang linya. Kaya napa luha nalang habang nakatitig sa cellphone, at agad na iniabot kay Ronie. "O anong nangyari?bilis niyo naman magusap?" Pagtataka nito. "Ok lang, naiintindihan ko naman ang pinsan mo, sige salamat Ronie ,mauna na ako, pakisabi nalang kay lola Flor". "Sige, pagpasensiyahan mo nalang si Pinsan, nagtatampo lang yon." Kahit nasaktan sa narinig, hindi ito nagpakita na naluluha sa Pinsan. Dahil parang hindi niya kilala ang nakausap na boyfriend, hindi ganon ang inaasahan niyang marinig dito. Halos hindi makapaniwala. Habang naglalakad pauwe, biglang nag ring ang kanyang cellhone habang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Nang makitang Justin agad niya itong sinagot. "Hello Mahal?" "Pwede ba sa susunod wag mo ng aabalahin pa si Ronie?walang kinalaman yon dito, may Celphone ka naman diba?" "Mahal please wag kanaman ganyan, ang hirap ng ganitong pakiramdam, bakit kaba nagkakaganyan?" "Bakit nahihirapan kana?walang problema, pwede naman tapusin na, para wala tayong problema". Sa narinig niya sa boyfriend, hindi na napigilang maluha, at maiyak. At dahil naglalakad, nakayuko lang ito habang hawak ang cellphone habang nakatapat sa kanang tainga. "Mahal, please wag mong sabihin yan!"bawiin mo please hindi kana man ganyan". "Sige na alam ko naman na lagi na tayong busy, at magiging busy pa sa mga susunod na raw." "Please Justin?ako parin ito, mahal na mahal kita, kausapin moko please!." "Sige na ingat kana lang palagi." "Mahal!!, Please magusap tayo!." Kahit anong pakiusap nito, naka off na ang cellphone sa kabilang linya. -NEXT ❤-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD