Kalalabas lamang ni Rowella mula sa banyo. Tama ang hinala sa kanya ni Trixie, buntis nga siya. Nakumpirma niya mismo sa limang stick ng pregnancy test na sinubukan niya. Ang lahat ay iisa lamang ang resulta. May dalawang guhit na kulay pula. Ang stupid niya. Hindi man lang pumasok sa isipan niya nang hindi siya datnan ng kanyang buwanang dalaw. Syempre ay lubos na ikinatuwa niya ang natuklasan. Nakabuo na rin sila sa wakas ni Chino. Magkakababy na sila. "Marahil iyan ang rason kung bakit this past few days ay late ka na kung gumising. Mapili sa pagkain saka emosyonal at iretable. Mga sintomas ng buntis. If you're only aware about it ay hindi mo sana napagbuntunan si Chino ng mood swings mo," ang tila pangaral sa kanya ni Trixie. "Kawawa naman iyong tao. Ilang araw mo ng hindi sinasago

