"I'm really sorry kung ang tagal bago ko nagawang bumalik. I want you to know na hindi ko ginustong umalis at mawalay sayo ng matagal," ang malumanay na wika sa kanya ni Chino habang nasa living room sila sa loob ng unit nito at magkatabing nakaupo sa couch. "Alam ko na mahirap para sa'yo na maunawaan pero ginawa ko lamang ang sa tingin ko ay tamang gawin. Hindi ko nagawang tanggihan ang mag-asawang Alcantara nang lumuhod sila sa harapan ko at nagmakaawa na sumama ako sa kanila sa Canada para sa pagpapagamot ng anak nila. Gusto kong gumaling na ng lubusan si Angela. Although wala ng lunas ang sakit niyang bipolar disorder ay malaki pa rin ang naitulong ng pagdala namin sa kanya sa Canada. Bukod sa magagaling ang mga espesyalista roon na tumingin sa kanya ay nakatulong rin ang bagong kapali

