CHAPTER 1 (BOYFRIEND)
CHAPTER 1 - BOYFRIEND
"Hey Camilla, we'll start in 5 minutes, okay be ready" My managers said.
I started modelling when I was 5, I joined a mini contest in our barangay. Simula noon ay lagi na akong sumasali ng mga contest kung saan-saang lugar lagi kung kasama si mama sa lahat ng contest na sinasalihan ko buong pamilya o supportado sakin. At nito lang 22 years old ako nagartista nirecommend lang naman sakin ng bestfriend kong si Bella natuwa din naman ako kaya ayun Model-Artist ako ngayon.
"Yes, Ma'am," I replied.
My make up artist move fast to do my makeup, hindi naman ako late dumating pero sadyang mabagal lang talaga kumilos ang mga ito.
"Ma'am tapos na po?" Tanong ng isang staff, tumango ako at tumayo na.
Naglakad na ako papunta sa lugar na paggaganapan ng photoshoot namin. May kasama din kaming ibang mga model kaso mas bata lang sila sakin.
Natapos ang photoshoot namin 8 pm kaya sobrang pagod ko, inaaya pa ako nila Quenny siya ang manager ko inaaya niya ako magba-bar daw kami hindi na ako sumama gusto ko lang magpahinga ngayon nakakapagod ang araw na ito hindi ko na alam gagawin ko lagi na lang kasi akong ginagabi ng uwi dahil sa mga meetings, photoshoot, indorsment, at marami pang iba.
Kinabukasan; 5 am ako nagising tinanong ko sa P.A ko kung meron akong schedule, tuwang tuwa ko nang sabihin niyang wala makakapagpahinga ako ng matagal ngayon balak ko mag-bake, manood ng mga movie at kung anu-ano pa.
6:30 am naisipan kong maligo na at pinaplano kong mamili ng mga ingredients para sa pagbi-bake ko. Nasuot ako ng cap, hoodie and I put shades din para walang makakilala sakin, ito ang mahirap kapag sikat ka hindi ka malay lahat ng gusto kong gawin hindi ko magawa dahil laging may mga nakabantay na media lahat ng kilos mo binabantayan nila may mali ka lang magawa sobrang laking issue na sa kanila nun.
Kung hindi ko lang talaga kailangan to' matagal na ako nag-resign pero dahil kasi sa pagmomodel ko naiiangat ko ang pamilya ko sa hirap ang tatay ko kasi ay construction workers at ang nanay ko naman ay isang katulong dalawa lang kaming magkapatid ni Camillo mas bata siya sakin ng 2 taon college na siya ngayon graduating siya ang kinuha niyang course ay Bachelor of Science in Civil Engineer ako na ang nagpaaral sa kanya simula mag high school siya natutuwa nga ako at hindi siya bulakbol mabait siyang bata, matalino at higit sa lahat ay gwapo.
Next Month na ang graduation niya at kailangan ay nandoon ako gusto niya ay kompleto kaming pamilya sa graduation niya.
"Magkano po lahat?" tanong ko sa babaeng nasa cashier na bili ko na lahat ng kailangan ko at ngayon ay nagbabayad nalang ako.
"1,495 po, ma'am" Aniya.
Inabot ko sa kanya ang dalawang asul na papel ng pera bilang pangbayad at agad niya rin akong sinuklian. Nakalagay sa cart lahat ng mga bili ko pupunta na ako sa parking lot para kunin ang kotse ko para makauwi na ako at maumpisahan ko na ang pagbi-bake.
Matagal na rin nang huli kung pagbi-bake, nakakamiss yung mga ginagawa ko dati. Dati hindi naman sobrang higpit ng schedule ko pero simula nung mas sumikat ako ay ayun hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko kung pwede nga lang bumalik sa nakaraan na nagagawa ko pa lahat ng gusto ko ay talagang babalik ako.
"Uh, Miss, Excuse me!" Napatingin ako sa nagsalita mula sa likuran ko napaharap ako sa kaniya nakakatakot baka makilala niya ako malalagot ako kay Quenny pagnalaman niyang lumabas ako ng walang kasama.
"Mhm, Yes?" Patanong ko'ng sabi.
"Do you know where is the cr here?" Tanong niya. May itsura siya maputi, matangkad siguro ay nasa 6'0 siya, matangos ang ilong, ang mga kilay niya ay makakapal at ang ganda rin ng mga mata siya brown ang mga ito.
"Uh, Yeah turn left and go straight ahead" Itinuro ko rin ang daan sakanya.
"thanks, by the way what's your nam-" ito na nga ba kinakatakot ko e. Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya, nataranta ako hindi ko na alam sasabi ko.
"Sorry, but I have to go" Agad kong kinuha ang mga pinamili ko. Inilagay ko na sa likod ng sasakyan ko ang mga pinamili ko at nagmaneho na ako pauwi sa condo ko.
Wala naman akong ibang ginawa buong araw kagaya nga nang sinabi ko hindi ako luumabas o pumunta sa kung saan dito lang ako sa condo ko. Nung matapos ako magbake, nagmovie marathon ako tapos nung lunch nagluto ako ng sinigang na baboy.
Bella's Calling . . .
Nagulat ako ng magring ang phone ko tumatawag si Bella ang bestfriend ko model-artist siya kagaya ko nakilala ko siya ng unang pasok ko lang sa pagmomodel matagal na kaming magkakakilala siguro mahigit 6 years na.
"Hello, Cams." She greeted me. Her background sound was too loud and I couldn't hear her clearly.
"Hi Bella. Why did you call? Is there something wrong? Do you have a problem?" I was nervous hindi kasi siya madalas tumawag dahil nga pareho kaming busy kapag gusto niy akong makausap pinupuntahan niya ako dito sa condo ko o 'di kaya ay magkikita kami sa coffee shop.
"No. Nothing happened. Uh, Camilla, where are you? Are you going tonight?" Tanong niya humihina na rin ang music na naririnig ko kanina pa.
Oh my god, birthday ng boyfriend niyang si Luiz. Nakalimutan ko...
"Uh, Yes babe. I will, but I'm gonna be late" At ito na naman po ako natataranta na naman. Agad ko pinatay ang tawag nang sabihin niyang bilisan ko daw naghanap agad ako ng masusuot na damit. Ang sinuot ko ay black sleeves na top at mini skirt nagdagdag din ako ng cardigan.
Nagmaneho na ako sa sinabing address ni Bella hindi naman siya kalayuan sa condo ko hindi ako mahihirpan umuwi kung malalasing man ako.
"Hey guys. This is Camilla Sapphire Pantalian, my best friend" Pinakilala ako ni Bella sa mga kaibigan niya ring artista karamihan nito ay mga lalaki.
"Nga pala, Cams kumain ka na ba?" I nodded.
"Yes, nung tumawag ka kakatapos ko lang mag-dinner" Nagpaalam siya na kukuha raw muna ng alak kaya ako lang magisa dito sa table namin dahil yung boyfriend niya ay busy kumausap sa mga bisita niya.
"Oh ito na alak." Inabot niya sakin ang isang bote ng beer agad ko rin namang tinanggap "Cams alam mo ba maraming pogi dito sabihin ko kay Luiz ireto ka namin t'saka mayayaman mga nandito" kinikilig niyang sabi. Hay
"Kanino ba? Nako Bel ah ayusin mo irereto mo dapat gwapo yan" Sabay pa kaming natawa.
"Ano ka ba irereto a kita sa panget marunong naman ako mamili 'no tignan mo boyfriend ko o 'di ba pogi" tinawanan pa ako, inirapan ko lang siya
"Harot niyo lagi"
"Che, wait saan ba yung boyfriend ko nang mareto kana niya para hindi ka bitter dyan" Tumayo muna siya para hanapin si Luiz. nakita ko sila sa may malapit sa bartender may kausap nagtatawanan siya may binulong si Bella kay Luiz at tumingin sila sa pwesto ko at nginitian ako nginiwian ko naman sila. Naglakad na sila papalapit sakin.
"Camilla, ngayon lang kita ulit nakita. Kamusta na, lagi kang busy e?" Tanong ni Luiz at nakita beso sakin. Close rin kami ni Luiz dahil kaming tatlo talaga magkakaibigan ayun nagkainloveban ang dalawa ako ang naiwan.
"Yes, as usual, busy sa career" Natatawa kong saad.
"Kaya walang jowa e, sipag mo sobra. Malapit na matapos kapatid mo sa pagaaral ah wala ka nang gaanong iisipin" Tama siya tagal hindi na ako gaanong maiistress kakaisip kung saan ako kukuha ng pambayad sa tuition fee niya.
"Oo tama ka dyan nakakatuwa nga e board exam nalang may engineer na kami" Masaya kong sabi.
"Congrats agad." I nodded "Alam mo Camilla tutulungan ka namin ni Bella dyan sa lovelife mo, diba babe?"Humarap siya kay Bella
"Oo kami bahala sa lovelife mo para hindi kana bitter samin" Nagtawanan pa silang dalawa "Oras na para isipin mo naman ang sarili mo hindi puro ang pamilya mo patapos na mag aral si Camillo siya naman ang bahala kila Tita at Tito." Siguro tama nga sila.
"Okay. Sino ba irereto niyo?" tanong ko. Nakatinginan pa silang dalawa at sabay na natawa.
"Wait, tatawagin ko lang" Nagpaalam si Luiz na tatawagin niya daw yung irereto niya.
Ilang minuto lang din at bumalik din agad si Luiz pero may kasama na siyang lalaki. Matangkad, maputi hindi ko makita ang mata niya dahil masyadong madilim. He also had a concrete jaw, perfect nose, and a heavy upper lip. He seems so perfect, I wonder if he is an actor or a model. Pati katawan niya ang ganda ng hugis
"Hm, Camilla. This is Frio, Frio Benjamin Varlenia" Turo pa ni Luiz doon sa lalaki at humarap sa akin "And Rio, This is Camilla, Camilla Sapphire Pantalian" Nakipag kamay sakin si Frio at ngumiti sinuklian ko din naman iyon ng matamis na ngiti.
"Oh so paano ba yan iwan na namin kayo, kayo na bahala ah- ...Go Camilla!" Nagpaalam na ang dalawa sumigaw pa si Bella ng go daw. Pagkaalis nila ay agad ako bumaling tingin kay Frio.
"Uh, Hi. I'm Camilla." Pakilala ko ulit.
"Hi, you already know my name, right? You can call me Rio" Matapos niya magpakilala ayy inaya niya na akong umupo at inabutan niya ako ng alak. He so f*****g gentleman! I could never ever encounter a man like this maliban kay Luiz na kaibigan ko or hindi lang talaga ako madalas kumausap ng lalaki.