Chapter 3
Ihinatid siya ni Eidre sa kuwartong para sa kanya pero bago pa ang lalaki makatalikod ay inurirat na niya. "Bakit naman iniwanan na natin agad si Ninang?"
"Let's rest. We’ll talk tomorrow. Good night, Cath!"
Medyo tinanghali ng gising si Catherine kinabukasan. Palibhasa ay late na siya nakatulog.
"Good Morning, Ninang." Bumeso siya sa ninang niya bago umupo para kumain ng almusal.
"How was your night, anak?"
"Mabuti naman po. Napasarap nga ang tulog ko, eh. Iba talaga ang hangin dito sa probinsya."
"Sabi ko naman kasi sa 'yo, mag stay ka na lang dito. There's a lot of works waiting for you here. Silenciana needs you. Your mom would be happy wherever she is if you stay here for good."
"Ninang, masaya naman po ako sa Manila and besides hindi ko rin puwede iwanan ang business ko doon." Tumango-tango lang ang ninang niya at hindi na nag komento pa.
"Ate Cath! Watch out! Tatamaan ka ng bola!" Sigaw ‘yon ng dalagang kapatid ni Eidre.
"Thanks, Kallie!" Bigla kasing nabaling ang attention niya sa papalapit na lalaking naglalakad sa baybayin.
Sobrang liit na ba talaga ng mundo at pati sa beach na pinuntahan nila ay makikita niya ang lalaki?" Pero ang kapal naman ng mukha niya kung mag assume siya na sinusundan siya ng lalaki. Bigla tuloy napahawak ang dalaga sa mukha niya.
Nawalan na siya ng ganang makipaglaro ng Beach Volleyball kay Eidre dahil sa taong kanina pa pabalik-balik sa dalampasigan. Akala mo naman sobrang macho na ibinabalandra ang katawan. Napaismid ang dalaga. Pero ‘di niya naman kayang ihiwalay ang mga mata na halos matanggal na sa eye socket.
"He's so handsome right, Ate Cath?" ang tanong na nanggaling kay Khallie ay nagpaalala sa kanya na nasa Earth pa rin siya. Para kasing hinila siya papunta sa kabilang planeta dahil sa kakasulyap niya kay Marcus. Hindi kaya may anting-anting ang lalaking ito at nakapag teleport agad para sundan siya?
"Uy, Ate Cath! Sabi ko ang gwapo niya!" kung hindi pa siya niyugyog ni Kallie ay hindi pa niya puputulin ang titig kay Marcus.
"Hindi siya gwapo." Ayos lang na matawag siyang sinungaling basta, hindi siya aamin sa tunay na nararamdam sa lalaki. "I know, you hate long hair. But look, he's so dangerously gorgeous! Makalaglag panty! Dear God, palapitin mo po siya dito." Parang baliw si Kallie na nakatingala sa langit.
"Ikaw na lang kaya ang lumapit doon. H'wag mo na akong idamay!"
"Hey! Hindi ka naman bitter, Ate?" nang aasar na tanong ni Kallie.
"Uy, crush mo din siya, ano? H’wag mo na pong ide-deny. Halatang-halata na, eh." Mukhang hindi talaga paaawat si Kallie.
"Kallie, stop it! Wala akong dapat i-deny!"
"Defensive masyado si ate."
"Hey! Nag-aasaran na naman kayong dalawa?"
"Eh kasi, Kuya ayaw pa aminin ni Ate Cath na crush niya ‘yong mama na dumaan sa harapan namin." Nag bu-blush na sabi ni Kallie.
"Sino namang mama ‘yon?" interesadong tanong ni Eidre.
"Tumingin ka sa bandang kaliwa Kuya para makita mo ang tinutukoy ko."
Tumingin nga si Eidre sa kaliwa. Nagulat pa silang dalawa ni Kallie nang tawagin ‘yon ni Eidre.
"Hey Dude! Halika dito."
Lumapit naman ang tinawag nito at agad na nakiupo sa plastic mat na nakalapag sa buhangin.
Nakayuko lang si Catherine. Hindi niya kayang salubungin ang titig ni Marcus lalo na at naaalala ng dalaga ang ginawa niyang honeymoon scene habang sakay sila ng eroplano kagabi. As if Marcus could read her mind kaya iniwasan niya talaga na magkasalubong ang mga mata nila.
Nanatili siyang nakayuko hanggang sa mapansin siya ni Eidre.
"Cath, are you okay? Anyway, Marc, meet my best friend, Catherine."
"Hi again Miss Catherine!" ramdam ni Marcus na pinanlilisikan siya ng mata ng babae.
Don't dare mentioning about what happened! Kung hindi bubulagta ka diyan sa kinalalagyan mo! ‘Yon ‘yong nais iparating ng sunod-sunod na matatalim na irap na ibinato ni Catherine sa lalaki.
"Magkakilala na kayo?" Si Eidre ang nagtanong.
"Yeah. She accidentally- I mean, we accidentally bumped each other."
"Oh! That was fantastic I guess!" isa pa 'tong si Kallie.
"By the way si Kallie nga pala, my only brat sister."
"Kuya! You’re so cruel!" pinandilatan ng mata ni Kallie ang kuya niya.
"Hi Kuya Marcus. It is nice meeting you here in such romantic place, right, Ate Cath?"
"Nice meeting you too, beautiful lady." Hindi sinasadyang mapatingin si Catherine sa gawi ng lalaki at nalaman niyang sa kanya nakatitig ito.
"Oh, we have to go guys! It's getting hot in here." Istorbo naman ‘tong si Eidre, nagyayaya agad umuwi. Nag uumpisa pa lang nga niyang examinin nang palihim ang katawan ni Marcus. Mas maganda pa lang titigan sa malapitan ang hubad nitong katawan.
Tila sinadya ni Eidre na h'wag bitawan ang mga kamay niya lalo na panay rin ang sulyap sa kanya ni Marcus.
"Marcus, sumama ka sa amin. Nag prepare ng lunch si Mama."
Tumingin sa dalaga si Marcus na para bang nagtatanong ang mga mata kung okay lang na sumama siya.
"Yeah, of course you can join us." Wala sa sariling usal ni Catherine.
Nakahanda na ang mahabang mesa sa dining room nina Eidre pag dating nila.
"Ma, si Marcus nga pala, ‘yong nabanggit ko sa 'yo dati."
"The one you saved-" Hindi na natapos ng ninang niya ang sasabihin kasi nagsalita na ulit si Eidre.
"Ahh..Marcus, meet my beautiful mom, Aurora Dela Rosa Sandoval."
"Nice meeting you po, Ma’am."
"Finally, hijo nakilala rin kita. Sige na maupo na tayo lahat."
Hindi magkadaugaga si Marcus kung alin ang uunahin niyang kainin paano ba naman, lahat ng putahe ay inilagay ng mama ni Eidre sa pinggan niya. Karamihan ay seafood ang nakahain. Hindi na siya magtatanong kung kanino nagmana ang kaibigan ng kabaitan. Bigla niya tuloy naalala ang sariling ina na matagal-tagal na rin niyang hindi nakakasama.
“Kumain ka ng marami, hijo.” Sabi ni Aurora.
“Thank you po, tita. Ang sasarap nga po ng putahe niyo.”
“Well, dati rin akong hindi marunong magluto. Pero dahil gusto kong hainan ng masarap na pagkain ang pamilya ko, pinag-aralan ko at dahil na rin iyon sa tulong ng papa nila Eidre.” May pagmamalaki sa boses ng ginang.
Kahit nakatutok siya sa paghihimay ng tahong ay ramdam ni Marcus na pasulyap-sulyap sa kanya si Catherine. Naaaliw siya sa inaasta ng babae.
Kung si Marcus ay ganado sa pagkain, kabaliktaran naman ang nangyayari kay Catherine. Hindi siya mapakali. Hindi siya komportable na nasa harapan niya si Marcus at hindi niya maiwasang pagmasdan ito habang sumusubo ng pagkain. Mukhang hindi siya matutunawan ngayong araw.
Mas nauna ng tumayo si Eidre. May sinabi ito sa ninang niya na hindi niya naman masyadong narinig.
Tumayo na rin ang dalaga at tinungo niya ang isang swing na malapit sa fountain at naupo roon.