“S-sino ka?” nahihintakutang tanong ni Jewel sa lalaking may pangko sa kanya. Kung gaano kaguwapo ang prinsipeng ng mga dalaketnon ay siya namang kabaligtaran ng nilalang na kaharap niya ngayon. Bagamat matangkad na tila lampas sa anim na talampakan, guwapo ang mukha at maganda ang katawan, lubhang nakakatakot naman ang balat nito na kulay pula. Maningning ang itim na itim nitong mga mata, katamtaman ang kapal at arko ng kilay, matangos ang ilong at maninipis ang mga labi. Idagdag pa ang malaman at malakas nitong mga braso at binti. Pero hindi sapat ang mga iyon upang hindi siya kilabutan dahil ngayon lang siya nakakita ng nilalang na nagtataglay nang matingkad na kulay pulang balat. “Ako si Azrael, ang prinsipe ng mga piritay,” mahinahon nitong tugon. Titig na titig ito sa kanya.

