bc

Wildest Dream

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
adventure
opposites attract
curse
heir/heiress
blue collar
sweet
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

Lahat ng tao may pangarap at pinapangarap. May pangarap na madaling makuha at may pangarap na mahirap makuha. May iba, may pangarap sila na alam ng mga tao, pero diba, may mga pangarap tayo na tayo lang mismo ang nakaka- alam. Yung pangarap na napaka imposible. Yun bang.. kapag sinabi mo sa iba ang pangarap na iyon, ay pagatatawanan ka. Yung pangarap na nakakabaliw. Wildest dream kung tawagin. Ako, mayroon akong isa. Wildest dream..

chap-preview
Free preview
DISCLAIMER/ Kabanata 1
DISCLAIMER: ANG MGA TAO, PANGALAN, LUGAR AT PANGYAYARI SA ISTORYANG ITO AY PURONG IMAHINASYON LAMANG. KUNG MAY PAGKAKTULAD MAN SA TUNA NA TAO O LUGAR AT PANGYAYARI, ITO AY NAGKATAON LAMANG AT HINDI SINASADYA ANG MAY AKDA. SALAMAT. -DB -----_ KABANATA 1 Page one. "Bico! Palabok, pansit bili na mga suki kong maririkit!" Hiyaw ko sa kalagitnaan ng kalsada habang alas diyes ng umaga at tirik na tirik na ang araw. Mag mga nakaka- salubong pa akong mga kasamahan ko sa sideline na ito. Mga kapwa ko rim nag aangkat ng mga pagkain kina Aling ines. Ito kasing mga paninda ko binibili ko lang din sa kanila ng mura- syempre may discount ako sa kanya dahil re- seller niya ako. Binibili ko sa kanya ng mura 'yon, tapos papatungan ko ng lima o hanggang kinse pesos na tubo para naman may kita ako. "Ikaw po, ate baby, almusal na po kayo." sabi ko doon sa suki kong chismosa. Pano ko nasabi? Dahil kapit- bahay ko ito e. Dun sa may amin sa kabilang eskinita, pero tuwing umaga, walang palya palagi siyang nandito sa umpok ng mga kababaihan sa bakanteng lote. Aakalain mong may meeting de abanse ang limang mga ginang, wala. May piang chi- chismisan lang sila. Daig pa ang asosasyon kung mag kumpol at mag- usap. Araw- araw. Kawawa naman ang topic nila. Sino na naman kaya ang nabuntis sa eskinitang ito. "Nakabili na ako kila aling ines kanina. Mas mura doon, ang mahal ng tinda mo." sagot nito sa akin. Isa 'yang mga linya na kinaiinisan ko. 'Mas mura doon.' aba! Malamang! dahil may pwesto 'yon, at siya ang pinag kukunan namin ng paninda! Iba naman 'yon sa akin. Dahil ako naglalakad ako, pawis, laway at pagod ang puhunan ko! Para na rin namang shipping fee ang mga pinapatong kong 5 o kinse pesos. Ako, bilang si Behati Reyes, syempre hindi naman ako ipinanganak dito sa mundo para lang pumayag na insultuhin. "Eh, aling baby kasi, mas mura talaga doon dahil may pwesto 'yon. Iba ho ang bentahan talaga dahil re- seller ako. Tsaka PO, hindi na nga kayo bibili, mag sasalita pa PO kayo ng ganiyan. Ang aga- aga? Kayo ho ba, napa- kain na ninyo ang mga anak ninyo at nandito na kayo agad sa kabilang eskinita?" "At bakit ka nakikielam? Ikaw rin naman nandito ka!" "Aba'y syempre po, nag hahanap- buhay ako! Eh kayo ho, kumikita ba kayo sa pakikipag- chismisan ninyo?" "Kahit kailan ka talagang babae ka! Hinding hindi talaga ako bibili sa paninda mo! mag- sama kayo ng mama mo!" ani nito at nang- gagalaiting naglakad paalis sa harap ko. "Dami mong sinabi! Pakainin mo muna mga anak mo!" hiyaw ko sa kanya. "Kayo ho, bili ho kayo palabok? May libreng kalamansi po." baling ko naman doon sa suki ko na mabait. "Ewan ko sayong bata ka, palagi mo na lang inaaway si baby." ani ni Aling Issa sa akin. Yung kausap ni Aling baby kanina. Si aling Issa rin ang isa sa mga suki ko rito sa eskinitang ito. Palagi niyang kausap si aling baby tuwing umaga dahil palagi itong umuutang sa kanya. Si Aling issa kasi ay ma- pera. Siya lang at ang anak niyang si Clyde ang nakatira sa malaking bahay nila dahil ang ibang kapatid nito ay nagta- trabaho na sa ibang bansa. Pati ang asawa nito. Ang rinig- rinig ko nga ay kukunin na rin si Aling Issa rito, nag hihintay na lang na ma- Approve ang papel nila. "Siya ho kasi, masyadong masama tabas ng bibig, di na nga bibili." sagot ko. "Ikaw din naman." ani niyo sa akin at inayos ang kanyang salamin. "Oh, patingin ako ng tinda mo. Mayroon ka bang bico diyan? Alam mo naman na paborito iyon ni Clyde." "Ay, syempre naman po! Ubos na nga po ito, talagang itinara ko talaga ito para kay Clyde." "Oh sige, kunin ko na. Bigyan mo rin ako ng palabok, dalawa." - "Hatti?! Hatti?!" Mabilis akong lumabas sa may pintuan ng bahay kahit pa hindi pa ako tapos mag suklay dahil sa tawag na iyon. Susko pakiramdam ko may ginawa akong mali kaya ako hinahanap. Nang makita ko kung sino ang damuhong nag sisisgaw sa pangalan ko ay napa- irap ako. "Bwiset ka!" hiyaw ko kaagad sa mukha niya. "Mas bwiset ka inamo! Malilate na tayo!" balik na sigaw din sa akin ni Nicole. Ang kaibigan ko since grade one hanggang ngayon na grade 12 na kami. destined talaga kaming maging mag kaibigan dahil, parehas kaming maganda at isa pa, parehas din ang araw ng kapanganakan namin. Kaka- twenty lang namin last month August 26. "Pumasok ka muna!" sabi ko sa kanya at hindi na nag abalang pag buksan pa siya ng gate, dahil lagpas dekada na niyang binubuksan iyon malamang alam na niya kung paano buksan iyon. "May tira ka pang biko?" tanong nito ng makapasok at maupo sa lapag. Wala kasi kaming sofa dito sa bahay, monoblock lang, tapos pinapatungan ko pa iyon ng mga nilabhan ko kahapon na hindi ko pa nasasampay. "Nandiyan sa bag," sabi ko at humarap ulit sa maliit na salamin na naksabit sa aming dingding. Inaayos ko pa ang kulay puti kong uniform para walang lukot. Maging ang kulay itim na slacks ay inayos ko din. Sa totoo lang ayaw ko ng uniform namin. Mukha kasi kaming mga supervisor sa mall. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na tumayo siya at hinatak ang bag ko. Maingat kong hinati ang aking buhok sa gitna, kailangan ko kasi talagang mag paganda palagi. Well.. Alam ko naman na natural akong maganda pero kasi, iba naman yun, kailangan kong maging extra beautiful today dahil may laro ngayon ang aming school laban sa Celestial University. Ang University ng mayayaman! Kaya kailangan ko talaga mag paganda para mapansin ng mga dadayo sa school. Ang school na iyon ang number one dito sa pilipinas pagdating sa edukasyon, kaya halos lahat ng mga elite na tao dito sa pinas ay doon pinag aaral ang mga anak. Dahil! Dahil..kapag nalaman pa lang ng mga kompanya na doon ka grumaduate o galing ay tanggap na agad sa trabaho. Sa taong tulad ko na hindi sigurado kung makakapag patuloy sa college ay malaking bagay ang makapasok sa school na iyon. Kaya sinisikap ko talaga na mapasok ako sa kanilang dance troup para maka- lipat sa school na iyon. "Grabeng hati 'yan, parang gusto kong daanan!" natatawang komento ni Nichole sa buhok ko, pero inirapan ko lang siya. "Uy, nga pala!" aniya at tumayo sa gilid ko. "Nasabi sa akin ni Sir. Romer na malaki daw ang chance natin na makapasok sa Celestial Universty- dahil nag back out daw sila Joy at Arielle sa audition." "Bakit daw?" tanong ko matapos akong mag ayos. Nakakapag taka kasi.. Oo nga gusto ko makapasok sa university na iyon pero syempre alam ko rin naman na gusto rin nila Joy na magkaroon ng magandang buhay. Parehas lang kami nahihirapan, kaya hindi magets kung bakit mag baback-0ut sila. "Si Joy, jontis! Si Arielle naman alam mo na family problem!" kibit balikat na sabi niya. Nakaramdam ako ng saya pero at the same time na- awa ako kay Arielle. Friend kasi namin iyon ni Nicole, kaso lang na brainwash siya ni Joy kaya humiwalay siya, pero nag uusap pa rin naman kami. -kapag wala si Joy o kaya sa phone lanh. At ang pamilya talaga si Arielle ay magulo. Kasi.. Ang alam ko, wanted yung mama niya si Aling Cora May atraso daw sa isang mayaman. "Nasaan daw si Arielle?" tanong ko habang palabas na kami ng bahay ni Nicole. "Hindi ko alam. Pinuntahan ko kanina sa bahay nila pero walang tao doon." "Sige. Kausapin natin siya mamaya kapag nakauwi na siya." LA DOŃA MACARAIG HIGH SCHOOL. Mabilis lang kaming nakarating sa aming eskwelahan dahil sumakay kami ng trisikel. Habang naglalakad nga ay pinag uusapan pa rin namin si Arielle dahil hindi talaga siya sumasagot sa mga tawag namin. Nasa gate pa lang kami ay rinig ko na agad ang mga hiyawan na galing sa quadrangle. Kaya nga ngayon habang nakapila ay kating- kati na ang paa ko na makapunta sa quadrangle. "Para kang bulate, hatti! Mukha kang tanga!" sigaw ni Nicole sa likod ko. Hinaltak pa niya ang iilang piraso ng buhok ko sa likod. Mabilis ko siyang nilingon at inirapan. "Ano ba?" hinawi ko pa ang aking buhok. "Ang tagal kasi baka mag umpisa na yung game." "Oh ayan na, gumagalaw na!" ani pa ulit ni Nicole at tinulak pa ako. Nang sa wakas ay nakalagpas na kami sa may guard ay halos takbuhin ko ang quadrangle namin tumatlbog na rin ang bagpack ko sa likod, ramdam ko na yung ballpen sa likod ko. "Ms. Reyes!" Muntik pa akong mataob ng bigla akong nag preno sa pag takbo. "Bwsit ka naman oh!" nilingon ko si Nicole na ngayon ay nakahiga na sa lapag. "Bakit ka naman huminto?!" patuloy na talak niya. Tinulungan ko siyang tumayo pero ang oaningin ko ay nasa kaharap ko na. Naka- suot ng kulay orange na uniform at itim na slacks. Ang medyo may katandaan na ginang, maikli ang buhok na hanggang batok lang. Medyo may kalakihan ang mga mata at kulay grey na ang ilalim ng mga mata. Madalas din itong nakasuot ng pulang lipstick at ang shoulder bag ay nasa mga pala- pulsuhan. Si Mrs. Flores. Ang T.L.E teacher namin s***h adviser na rin. "Bakit ka nahiga diyan ms. Domingo?" pansin nito sa nakaupo pa rin na si Nicole sa lapag bago ako binalingan. "Bakit ngayon ka lang dumating? Ang sabi ko sayo diba agahan mo dahil may ipapakiusap ako sayo," Napapikit ako ng maalala ang pinag usapan namin kahapon. Kahapon kasi ang kinausap niya ako na kung pwede ay ako ang mag check ng mga exams sa mga subject na hawak niya. Ang T.L.E at ang English subject. At um-OO ako kahapon dahil nawala sa utak ko ang program ngayon. Pinagsisihan ko na. "Maam...kasi po-" "Dumiretso ka na sa Faculty room, nandoon sa desk ko ang mga papel at key to correction." sabi niya lang umalis na sa harap ko. "Oh ano, mauna na ako-" Mabilis kong tinapunan ng matalim na tingin si Nicole. "Oh bakit?" maang- maangan niya. "Hindi mo ako tutulungan?" "Gusto kong panoorin yung game! Gusto ko makita kung paano madapa si Mojico!" "Ako din gusto ko din manood, tulungan mo na lang ako para parehas tayong makapanood." hinawakan ko pa siya sa braso niya at dahan- dahang hinihila papunta sa faculty room. "Wait nga!" aniya at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Inuuto mo na ako, papayag naman ako basta bilhan mo ako bg zest-o apple mamaya." Inirapan ko siya. "Alam mo naman na wala akong budget ngayong buwan diba? Hindi pa ako makakakuha ng allowance sa munisipyo!" "Edi bahala ka-" "Bwisit, sige na! Bibilhan kita pagtapos natin mag- check." mabilis ko na siyang hinila pagtapos noon. Dahil baka mamaya ay dagdagan pa niya ang hiling, wala na akong budget. "Ikaw sa English, ako na lang sa TLE." mabilis na sabi ni Nicole ng makaupo kami sa desk ni Mrs. Flores. Inirapan ko na lang ulit siya. Dahil sa totoo lang, hindi ko na mabibiling pa kung ilan beses umikot ang mata ko dahil sa babaeng ito. Kung alam ko lang, ayaw niya sa english dahil ito ang mas marami. Maingay kamimg nag umpisa mag- check dahil hindi mapakali si Nicole lalo pa at naririnig na namin ang mga tambol at hiyawan. Meaning, nag peperform na ang cheering squad namin, ang La doñas. Malapit na mag start ang game panigurado! "Huy, ano ba? Tignan mong mabuti iyan! Baka mamaya mali ang pag check mo!" saway ko kay Nicole ng makitang tatlo tatlo ang chicheckan niya sabay sabay. "Alam ko ginagawa ko! Mag focus ka na lang diyan sayo, dahil mag uumpisa na yung laro nandito pa tayo!" pinanlakihan pa niya ako ng mata niya kaya tumigil na rin ako at tahimik na nag check. ...kahit pa ang totoo ay gustong gusto ko ng pumunta sa quadrangle namin! s**t kasi! Dalawag beses lang dumadayo ang mga Celestial basketball team dito sa school, at ngayong araw ang pangalawang beses nila. Kaya kapag hindi ko sila napanood today, ay wala na. Next year ko na sila ulit makikita! "Oh, tapos na ako, akin na yung iba!" ani ni Nicole at kinuha sa akin ang ibang papel. Hindi ko siya pinakeelaman pa at nag patuloy na sa pag check. "Na- ilista mo an ba yung score sa english, highest to lowest?" tanong ko ng matapos sa pag check ng natirang papel. .Umiling naman si Nicole. Tumango ako at binigyan na siya ng bente para maka- bili ng zest- o at isang bote ng mineral para sa akin. Nag punta na siya sa canteen, ako naman ag nag kukumahog na sa paglilista. Ng matapos ko iyon ay mabilis akong tumakbo papuntang quadrangle. Nakita ko pa nga ang iilang wild na svhoolmates ko na kinukuhanan pa ng litrato ang mga naka gold na jersey. Ang Celestian's team. Nakalagay lang dito ang "Celestials" at may crown iyon sa ibabaw ng letter 'C'. Ang kulay naman ng jersey sa amin ay white lang na may name ng school sa gitna at apelyido at numero ng manlalaro. "Nasaan tubig ko?" tanong ko kay Nicole ng makalapit ako. Nakaupo siya sa bench, sa side ng Celestians. Inabot niya sa akin ang nag papawis pang mineral bottle. Malawak ang ngiti nito sa akin kaya nag taka ako. Kahit maingay ang paligid ay tinanong ko siya. Inilapit niya ang bibig sa akin tenga at kinulong iyon. "May isang worker galing sa Celestiala ang nakachikahan ko kanina!" hiyaw niya sa tenga ko . "Tapos?" tanong ko. "Nag hahanap sila ng scholar kanina. Binigay ko yung name natin nila Arielle!" Kunot ang noo ko siyang tinignan. "Paano?!" gulat ngunit masayng sabi ko. Shet! "Chinika ko at Nilibre ko ng zest- o!" "Ano?! Totoo ba?!" "Bobo ka totoo nga! Ayun yung nakausap ko kanina!" aniya at hinawakan ang ulo ko at tinapat sa upuan ng celestials player. "Yung naka white pants na babae!" aabi ng makita na gumgalaw ang mata ko. Mabilis akong napatakip ng bibig ko ng makitang kausap niya ang aming mahal na prinsipal. Legit?! "Konting kembot na lang, Celestians na tayo!" hiyaw ni Nicole at hinawakan panang dalawang kamay ko at nag tatalon kaming dalawa sa tuwa! - "Napaka bobo talaga ni Mojico!" paulit - ulit na sigaw ng katabi kong si Nicole habang nagtatatalon pa. Kanina pa 'yan e. Ewan ko kung bakit niya sinasabi 'yin, samantalang si Mojico nga lang yung nakakapigil sa mga shooter ng Celestials. Magaling si Mojico. Si Maunt Sebastian Mojico. Magaling siya sa basketball, siya nga ang star player ng school namin. Hindi ako sigurado sa height niya pero tingin ko, 5'10 o eleven. Ewan. Basta, point guard ang pwesto niya at kung ikukumpara naman sa mga kalaban, may kaliitan nga si Mojico pero mas mabilis naman itong kumilos kaysa sa point guard ng kalaban. Makasabi ako ng maliit samantalang hindi naman ako katangkaran. 5'3 lang ako at si Nicole naman ay 5'5 same sila ni Arielle. Pero sinasabi ko lang na kung ikukumpara si Mojico sa mga basketball player ay maliit siya pero sa aming mga normal na tao lang, matangkad na si Mojico. "Hoo! Chamba lang 'yan!" hiyaw ulit ni Nicole ng pumsok ang 3 points shoot ni Mojico. Mabilis kong hinila ang laylayan ng uniform niya. "Magtigil ka nga! School natin ang nasa jersey niya!" "Hayaan mo na ako! Next month nasa celestial na tayo, hindi ko na ito magagawa!" sabi niya. Parang siguradong- sigurado na siya na makakapasok kami samantalang zest- o pa lang ang nabibigay niya. Wala pa kaming application doon. "Tignan mo yung number 69 sa kabila, putang inang mukha yan!" tili niya kaya sinilip ko rin ang sinasabi niya at nakita ko ang kakaupo lang na mga taga celestial. Nakatalikod naman ito kaya hindi ko rin nakita ang mukha. Tapos na pala ang first half. Nang malaman iyon ay mabilis kong hinila si Nicole. Itatanong ko sa kanya ng maayos ang ikinuwento niya kanina tungkol sa celestial. "Mawawalan na tayo ng pwesto doon!" himutok ni Nicole ng hilahin ko siya. "Sandali lang. Hindi kasi kita msyadong narinig kanina. Ano nga ulit yung sinabi mo kanina tungkol doon sa celestial." "Ano Hindi ka naniniwala? Totoo nga iyon!" sagot niya. "Alam mo naman na genius lang ang kinakausap nila about sa scholarship program nila diba? So sumingit ako kanina at sinabi kong part ako ng 'Senyora'(Ang tawag sa mga scholars dito sa LDHS. Mga legit na matatalino.) tapos ayun, ini-entertain niya ako at binigyan ng form. Nanghinye ako tatlo para tayo nila Arielle. Mag hintay na lang tayo kasi malapit na rin naman mtapos itong school year kapag nakalusot edi salamat! Kung hindi, edi mag pray ulit!" "Halika na balik na tayo doon umpisa na oh!" Hindi ako kumilos at tinitigan lang siya. Para kasing napaka simple lang ng scholarship sa kanya. Samantalang hindi naman pala sigurado yung ginawa niya! "Uy!" aniya ng mapansin na hindi ako gumalawa man lang. "Huy, tara na! Takte, ang gwapo ni De Rizzo!" aniya at hindi na ako hinintay pa at umalis na siya. Napairap naman ako. Nag dadalawnag isip pa ako kung pupunta ba ako ng classroom para matulog o susundan doon si Nicole. Kanina kasia ay excited ako pumasok dahil alam ko na amy mga mayayaman dito, pero ewan. Bigla na lang ako nawalan ng paki kanina. Sa kwento kasi ni Nicole ay parang napaka- imposible na makapasok kami sa Celestial University. Nag sinungaling pala siya doon sa worker. Tuwang tuwa pa ang gaga. Sa kalidad ng eskwelahan na yun, panigurado naman ako na hindi sila basta basta kukuha ng mga basta basta lang na mga students. Panigurado yung mga henyo nga ang kukunin nila. Bakit kasi hindi ako naging matalino? Hini sinasadyang napalingon ako sa quadrangle, nakita kong si Nicole nagtata- talon. Napahinga ako ng malalim. Hindi namannsinasadyang napatingin ako sa mga nanglalaro ng basketball. Na- lock ang mga mata ko sa sa isang lalaki na naka jersey ng kulay Gold.. Pawisin ang hitsura niya ngunit hindi madungis tignan. Ang makapal niyang kilay ay pawang perpekto, nakataas pa nga ang isang kialy nito habang nakatitig din sa akin. Mabilis din siyang humihinga at magulo ang medyo may kahabaan nitong buhok. Gwapo. Pero hindi naman kasi gwapo ang hanap ko, kundi scholarship. Umirap ako sa hangin at naglakad na palayo doon. Wala naman kasing mangyayari kung doon lang ako. Mas pipiliin ko pang tumambay na lang sa room at doon mag pahinga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
40.5K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
246.0K
bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook