ELI:
Inaantok pa ako pero kailangan kong bumangon para magluto ng agahan. Mabilis ang bawat galaw ko sa kusina dahil kailangan kong matapos kaagad para may oras pa akong magbasa ng notes para handa ako sa klase mamaya.
Hinahanda ko na ang mga plato sa lamesa nang biglang tumawag ang isa sa mga best friends kong si Alyson.
“Hi! Bakit ka napatawag?”
“Elizabeth Heart! Alam mo ba na may pop quiz tayo mamaya sa Human Physiology?!”
“HA?! Seryoso ba?!”
“Oo! Buti nga at nalaman ko in advance doon sa kakilala ko sa kabilang section e! Nagulat daw sila kahapon at halos lahat sila bagsak!”
“Pero sigurado ka ba na may quiz din tayo mamaya? Baka kasi sila lang ang binigyan.”
“Girl kung may pop quiz sila kay Prof Dizon kahapon malamang meron din tayo ngayon.”
“Sige! Mag aaral na muna ako! Magkita nalang tayo mamaya sa school.”
“Sige! See you later!”
Mabilis kong tinapos ang paghahanda ko sa lamesa bago kinuha ang libro ko sa bag. Umupo ako sa sofa at nagsimula na akong mag-aral.
“Eli?” tawag ng isang lalaki sa akin.
Umangat ang tingin ko mula sa libro papunta sa lalaking tumatawag sa akin.
“Ano ‘yon?” tanong ko kay King.
“What are you wearing?” nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.
Nagtataka kong tinignan ang sarili ko bago ko siya sinagot.
“Pang bahay na damit?”
“Eli! Bakit sobrang iksi ng shorts mo?!”
“Hindi naman ah!”
“Magpalita ka ng damit ngayon bago pa magising ang ibang lalaki dito sa bahay!”
“Anong gusto mo na ipalit ko dito?”
“Pajama! Jogging pants! Pantalon! Kahit ano basta mahaba!”
“Wala akong pajama o jogging pants! May pantalon ako pero hindi ko isusuot ‘yon dito bahay.”
Hinatak ako ni King papunta sa kwarto niya at doon niya binigay sa akin ang jogging pants niya.
“Anong gagawin ko dito?”
“Ayan ang isuot mo.”
“Baliw ka ba?!”
“It’s either you wear that or you’re staying here in my room.”
Wala na akong nagawa dahil hindi ayaw niyang magpatalo. Kapag sinasagot ko siya mas lalong lumalakas ang boses niya at natatakot ako na magising ang ibang kasama namin kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya.
ALAS DIYES na nagising si Jack, Spade at Ace. Si Eric naman naunang nagising sa kanila pero umalis na siya kanina dahil may meeting daw siya.
“Kain na kayo.” Inaya ko ang apat na lalaking naglalaro ng computer game sa sala.
Mabilis naman silang tumayo mula sa kinauupuan nila at isa-isang pumunta sa lamesa.
“Wait… are you wearing Kings sweat pants?” tanong si Ace.
“Yes she is.” si King ang sumagot sa kanya.
Hindi matago ni Ace ang pagtataka niya kaya nagtanong ulit siya.
“Why is she wearing your sweat pants?”
“Why do you care?” sagot ni King.
“Because this girl is special to me and it bothers me seeing her on your sweat pants!” sagot ni Ace.
Nagulat ako nang narinig ko ang sagot ni Ace. Hindi ko alam na espesyal pala ako sa kanya.
“Kalimutan mo nang espesyal si Eli para sayo because we’re together.” sagot ni King.
Kung nagulat ako sa sinabi ni Ace mas nagulat ako sa sinabi ni King. Hindi ko matandaan na pumayag akong maging girlfriend niya.
“Kailan naging tayo?” tanong ko.
Tinignan niya ako ng mata sa mata bago sinagot.
“Are you kidding me?! I kissed you twice yesterday Eli!”
Hindi na ako nakasagot nang narinig ko ang sinabi niya.
PINILIT kong kalimutan ang mga nangyari kanina at pinili kong gawin ang mga bagay na kailangan kong gawin. Nag-ayos ako ng sarili ko at nang mga gamit sa eskwela dahil may pasok ako. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit bilang tumunog ang telepono ko.
“Hey Aki!”
“Eli! Papunta na ako sa kanto kung saan kita susunduin.”
Sasagot na sana ako kay Aki nang biglang pumasok si King sa kwarto ko. Sinubukan kong ‘wag siyang pansinin at pinagpatuloy ko ang pakikipagusap kay Aki.
“Nako! Change route ka kasi wala ako sa bahay ngayon.”
“Ha?! Nasaan ka?”
“Sa bahay nila.”
Hindi ko na kailangan sabihin kay Aki ang eksaktong lokasyon ko dahil alam kong malalaman niya agad ang ibig kong sabihin.
“Nasa bahay ka ng crush ko?!”
Matagal nang gusto ni Aki si Spade. Para sa kanya si Spade daw ang pinakamagandang lalaking nakita niya kaya sobra ang tuwa niya nang nalam niyang sa Soundproof nag ta-trabaho ang tatay ko.
“Oo.” Sagot ko.
“OMG! Papunta na ako!”
“Hoy ‘wag dito! Doon nalang tayo magkita sa labasan.”
Kinalabit ako ni King at tinatanong kung sino ang kausap ko. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko ang pakikipagusap kay Aki.
“Ay ano ba naman ‘yan! Akala ko makikita ko na ang Spade ko e!”
“About that, I will think about it. Depende kung ano ang dala mong ulam para sa akin.” Sagot ko.
“Sinigang! Pinagluto ka ni Mommy.” Sagot niya.
“Yey! Pakisabi sa Mommy mo love ko siya! I’ll see you in a bit! Love you!” sagot ko kay Aki bago tuluyang ibinaba ang telepono.
Tinignan ko si King na kasalukuyang nakaupo sa kama ko.
“Bakit parang kakain ka ng tao? Anong problema mo?”
“Sino si Aki?”
“Kaibigan ko.”
Hindi na niya ako sinagot dahil bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.
“Tara! Hatid kita sa school mo.” Tugon niya bago lumabas ng kwarto.
Mabilis ko siyang hinabol dahil sa sinabi niya.
“Hoy ‘wag na. May magsusundo na akin.”
“That’s the point. Susunduin ka ng isang lalaki at sa tingin mo papayag ako?!”
“Lalaki?!”
“Si Aki!”
“Si Aki!?! Babae siya!”
Hindi kumbinsido ang mukha ni King sa sagot ko.
“I don’t believe you. Maniniwala lang ako pagnakita ko nang babae talaga si Aki.”
“Babae nga siya! She’s one of my best friends. Si Aki, ako at si Aly. At para sa kaalaman mo Akira ang totoong pangalan ni Aki at Alyssa naman ang totoong pangalan ni Aly.”
Ngumiti si King bago ako sinagot.
“Okay! Thank you for making me understand.” Sagot niya.
“Hindi ako nagpapaliwag sayo! I am just trying to clear things.” Nakataas ang isang kilay kong sagot sa kanya.
“It’s the same babe.”
“Don’t call me that.”
“Anong gusto mong itawag ko sayo?
“Eli lang.”
“Hindi pwede! Everyone calls you Eli. Since tayo na dapat may tawagan tayo.”
“Anong tayo?!”
“Ang sabi mo dati kung sino ang unang hahalik sayo hindi ba’t siya na ang magiging boyfriend mo?”
“Paano mo nalaman?!” kunot noo kong tanong sa kanya.
“Sinabi ng tatay mo sa amin.”
“Si Tatay talaga!” may halong inis ang sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya bago lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko.
“Elizabeth Heart, seryoso ako sayo. Kaya ‘wag ka nang magdalawang-isip sa akin.”
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni King kanina habang nakatayo ako sa waiting shed malapit sa condo nila. Kasalukuyan kong hinihintay si Aki dahil susuduin niya ako at sabay kaming papasok sa eskwela.
“Elizabeth!” sigaw ni Aki mula sa sasakyan niya.
“Akira! Ang tagal mo naman!” Sagot ko habang pumapasok sa sasakyan niya.
“I had to change route, remember?”
“Ay oo nga pala! Sorry!”
Nagsimula na siyang mag maneho bago ako tinanong ng mga bagay bagay tungkol sa bago kong trabaho.
“How was it working with them?”
“Nakakapagod.” Sagot ko.
“Shut up! I know it was fun being with them all the time.”
“Hindi totoo ‘yan! Kung gusto mo ikaw nalang ang mag trabaho sa kanila.”
“Sis, hindi ko nga maalagaan ang sarili ko sila pa kaya?”
“Tama ka naman doon.” Natatawa kong sagot sa kanya.
“Wait! Before we talk more about your new job, how’s my baby?”
Si Spade ang ibig niyang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang nakita ng babaeng ‘to kay Spade at bakit obsessed talaga siya sa lalaking ‘yon.
“Okay naman. Ayon, marami pa rin siyang babae.”
“Liar!”
“Fine! Wala naman siyang babae. Wala pa naman akong nakikita na lagi niyang kausap or what. So I think he’s single.”
“Really?! So pwede mo na ba hingin ang number niya para sa akin?”
“NO WAY! Nahihiya ako!”
“Ang damot! Parang number lang e!”
“Aki it’s not that easy. Lalo na ngayon na awkward ang lahat sa amin ni King.”
Bigla niyang hininto ang sasakyan sa tabi ng daan bago ako tinanong.
“What do you mean?”
Napakamot ako ng ulo ng naalala ko ang sinabi ko. Hindi ko na dapat sasabihin sa kanila ang tungkol sa amin ni King pero bigla nalang lumas ang balita sa bibig ko. Siguro dahil sanay akong sinasabi sa kanila ni Aki ang lahat.
“Mamaya ko na sasabihin sayo kapag kasama na natin si Aly.”
DUMATING kami sa school at agad namin pinuntahan si Aly sa cafeteria. Doon kasi siya laging naghihintay sa amin para sabay kaming pumasok sa classroom.
“Aly! May chismis si Eli sa atin.” Ito kaagad ang sinabi ni Aki kay Aly nang nakita namin siya.
“What is it?” tanong ni Aly.
“It’s about King.”
“What? Sinabi na niya sayo na gusto ka niya?”
Parehas kaming natigilan ni Aki sa sinabi ni Aly.
“Paano mo nalaman?” tanong ko.
“I can see how he looks at you. Naalala niyo noong minsan tayong dinala ng tatay ni Eli sa airport para sunduin sila galing sa US tour nila? He can’t take his eyes off Eli.” Paliwanag ni Aly.
“Bakit hindi ko napansin?” tanong ni Aki.
“Kasi kay Spade ka lang nakatingin.”
“Ah… That makes sense.” Sagot ni Aki.
“So matagal mo nang alam?” tanong ko.
“Oo naman! Kaya hindi na ako magugulat kung isang araw magtatapat siya sayo. At hindi nga ako nagkamali.”
Umiwas muna ako ng tingin sa kanila bago ko sinabi sa kanila na hinalikan ako ni King.
“WHAT?!” sabay nilang tanong.
“Yeah… He did.” Sagot ko.
“He’s your first kiss Eli!” sagot ni Aki.
“Oo nga e!”
“Which means siya na ang magiging boyfriend at asawa mo?” Aly.
“NO!”
“But that was what you promised yourself.” Sagot ni Aki.
“It’s okay. It was just a stupid kiss. That doesn’t count as my first kiss.” Sagot ko.
“A kiss is still a kiss Eli.” Sagot ni Aly.
Tumango nalang ako bilang sagot sa kanila. Hindi ko na gustong humaba pa ang usapan kaya hinayaan ko nalang silang isipin ang kung ano man ang gusto nilang isipin.
PAUWI na ako kasama si Aki ay Aly. Sa sasakyan pa rin kami ni Aki nakasakay dahil gusto niya ako laging kasabay paguwi. Alam kasi niya na natutulungan niya ako dahil nakakatipid ako sa pamasahe.
Mayaman ang mga kaibigan ko pero kahit minsan hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako at ibang mundo ang pinangalingan namin.
“SHOOT!” sigaw ni Aki.
“What is it?” tanong ni Aly.
“Parang titirik tayo guys!” sagot niya.
Hindi nga siya nagkamali dahil tumirik nga kami. Biglang namatay ang sasakyan ni Aki sa gitna ng daan. Mabuti nalang at may ilang lalaking tinulungan kami sa pagtutulak para maitabi namin ang sasakyan.
“Now what?” tanong ni Aly.
Hindi ko alam kung anong gagawin namin. Hindi naman namin pwedeng iwanan si Aki dito habang naghahanap ng solusyon.
Pare-parehas kaming nag-iisip ng paraan ng biglang tumunog ang telepono ko. Nagulat ako ng nakitang si King ang tumatawag.
“Hello.”
“Babe! Nasaan ka na? Mahigit isang oras ng natapos ang klase mo ah?”
“Stop calling me that. At paano mo nalaman ang schedule ko?”
“Because I have my sources. So nasaan ka na?”
“Nasa highway kami. Nasira kasi ang kotse ni Aki at hindi naman namin siya pwedeng iwanan dito.”
“Okay. Tell me your exact location. Papunta na ako.”
Hindi nagtagal dumating si King sakay ng isang van. Nagulat ako ng nakita kong kasama din niya si Spade, Ace at Jack.
“Bakit kasama mo silang lahat?” tanong ko.
“They wanted to come so I brought them. The more the merrier.” Sagot ni King.
“Pasok na kayo.” Aya ni Ace.
Mabilis kaming pumasok sa van bago nagsimulang magmaneho si King pauwi sa condo nila.
“Bakit dito tayo pumunta?” tanong ko.
“We can’t be outside so this is the safest place for us.” Sagot ni Jack.
“And would be okay if we stay here for a while habang naghihintay kami ng sundo ni Aly?” tanong ni Aki.
“Okay na okay!” sagot ni Spade.
Naging mapula ang pisngi ni Aki dahil sa sagot ni Spade.
“Bawal kang kiligin.” Saway ni Aly sa kanya.
“Oo nga. Tara na sa loob para doon kayo mag-usap.” Aya ko.
Pumasok kami sa loob ng condo nila at sinalubong agad kami ni Eric ng isang malapad na ngiti.
“OMG! Kayong tatlo, gusto niyo ba na pumasok sa showbiz?”
“Uh… No…” sagot ni Aly.
“Nako sayang! Maganda kayo at may dating!”
“Pero wala po kaming talent.” Sagot ni Aki.
“Oo nga po. Wala po kaming talent kaya hindi kami pwede sa showbiz.”
“Nako! We can work on that! Maraming workshop na pwede ninyong salihan.”
Sasagot na sana si Aly pero naunahan siya ni Jack.
“They want to be doctors in the future Eric. Kaya nga sila kumuha ng medicine e.”
BS Biology ang unang course namin at ngayon kasalukuyan na kaming nasa Med School bilang mga pre-med students. Huling taon na namin ito sa Med School tapos papasok na kami bilang intern sa hospital at kung papalarin magiging residente kami ng ilang taon bago kami maging opisyal na mga doktor.
“Nako pwede pa naman magbago ‘yan.” Sagot ni Eric.
“Hindi na po kami susuko kasi huling taon na namin sa med school. After this we’ll have our internship.” Sagot ni Aly.
“Oo. Kaya ilalaban na talaga namin ‘to.” Sagot ko.
“I agree. Marami na po kaming luha na nasayang dahil sa kurso na ‘to so we have to make it until the end.” Dagdag pa ni Aki.
“Speaking of school. How long does it take to become a doctor?” tanong ni Ace.
“Hmmm… 4 years of BS Bio, minimum 4 years of med school, 1 year internship and 3 to 5 years of residency.” Paliwanag ni Aly.
“12 to 14 years?!” gulat na sagot ni Spade, King at Spade.
“Yes! Pero hindi pa ‘yon sure kasi ‘yong iba inaabot sila ng 6 years sa med school.”
“Dang! So kailan mo balak magpakasal?” tanong ni King sa akin.
Nakataas ang isang kilay kong tumingin sa kanya.
“Kasal?”
“Oo. Kasi 25 ka na e. Kung tatapusin mo hanggang residency mo then that would make you 31. That’s too late for us to have a baby.” Sagot niya.
“Hold on! Ano ‘tong pinaguusapan natin? Kasal? Si Eli? Sayo?” tanong ni Aki.
“Yeah. Hindi pa ba niya sinasabi sa inyo na kami na?” tanong ni King.
Hinarap ako ni Aki at Aly ng may pagbabanta sa mga mata.
“Elizabeth Heart! Is he being serious right now?”
“NO!” sagot ko.
“Anong no? I kissed you. I was your first kiss! Ang sabi mo kung sino ang magiging first kiss mo siya na ang magiging boyfriend at asawa mo.” Sagot ni King.
“First kiss? Sigurado kang ikaw?” sagot ko.
“OH! BURN!” sagot ni Jack at Spade.
Tinignan sila ng masama ni King bago ako hinarap ulit.
“Kung hindi ako, then sino?” tanong niya sa akin.
“Bakit ko naman sasabihin sayo?” sagot ko.
“Kasi gusto kong malaman kung sino!”
“Hindi ko sasabihin!”
“Sino nga?!”
Hindi ko nagawang sumagot dahil biglang sumabat si Ace sa usapan.
“Ako.”
Pare-parehas kaming napatingin sa kanya.
“Ano?” tanong ni King na may halong pagbabanta.
“You we’re asking her who her first kiss was so I answered you.”
“Gusto mo lumpuhin kita ngayon?” pagbabanta ni King habang dahan-dahang lumalapit kay Ace.
“Stop! Okay? Stop! Ace was just playing. Hindi ‘yon totoo. We never kissed. And honestly si King talaga ang first kiss ko. So para ‘wag na tayong magulo dito sa bahay, I’ll make it official. King and I are together.” Sagot ko.
Tinignan ko si King at nakita kong nakangiti siyang tumitingin sa akin.
“Wala nang bawian ‘to Elizabeth Heart. Everyone heard you.” Sagot niya bago lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
****