KING:
Maaga kaming pumunta sa studio ngayon dahil may mga kailangan kaming gawin. Kasama ko ang buong banda at si Eric pero wala si Eli dahil kailangan niyang pumasok.
Nakangiti ako habang binbasa ang isang papel ng mga kailangan namin baguhin sa kanyang ginagawa namin.
“Hoy! Kanina ka pa nakangiti!” si Jack.
“Oo nga! Para kang baliw! ‘Wag mo naman masyadong ipahalata na may jowa ka na.” si Spade.
“Then persue Aki and Aly.” sagot ko sa kanilang dalawa.
“That’s a great idea kung matagal na kaming magkakilala. But we just met them yesterday. Hindi ba awkward kung magtatanong agad kami kung pwede kaming manligaw?” tanong ni Spade.
Sasagot na sana ako nang biglang sumabat si Ace sa usapan.
“The question is are you even allowed to have a girlfriend? Parang hindi niyo naman alam ang nakasulat sa kontrata natin.”
Tinignan ko siya ng masama bago sinagot. “Hindi kami tanga Ace. Alam namin kung ano ang mga rules na nakasulat sa kontrata. But our contract is about to expire so all I have to do is make things a secret until the management has no power over me.”
“Wait! So wala ka nang balak mag re-new?” tanong ni Jack.
“Look man. I want Eli. I wanto to be with Eli and we all know that if I choose her then I have to leave the band.” sagot ko.
“Paano naman kami?” tanong ni Spade.
“Marami na kayong pera! Hindi niyo na ako kailangan sa banda. You can always find someone better than me.” pabiro ang naging sagot ko sa kanya.
“You know it’s not about the money man.” sagot niya.
Alam ko ang ibig sabihin ni Spade. Kami na ang magkakasama simula pa noong una. Sabay kaming nag audition at sabay-sabay naming pinaghirapang dalhin ang Soundproof sa kung nasaan man ito ngayon. We worked so hard for the band so it also pains me to leave it. But I love Eli and I am willing to give up everything just to be with her.
I don’t want to keep our relationship a secret. I want to show her to the world and I can only do that if I don’t have the fame that I have now.
“Paano pag naghiwalay kayo?” tanong ni Ace.
Nakakapikon ang tanong ni Ace pero pinilit kong pigilan ang sarili ko.
“Breaking up is not part of the plan.” sagot ko.
Tango lang ang sagot ni Ace sa akin bago ito lumabas ng studio. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa ginawa niyang iyon pero pinilit ko nalang palampasin para ‘wag kaming mag-away.
NANG natapos kong isulat ang kantang ginagawa ko naisipan kong puntahan si Eli sa kwarto niya. Gusto ko siyang silipin bago ako matulog.
“Babe?” tawag ko mula sa labas ng pinto niya.
Hindi nagtagal at binukasan na niya ang pinto ng kwarto.
“King. May kailangan ka?” tanong niya nang makita ako.
“Busy ka?” tanong ko.
“Hindi naman may mga binabasa lang ako pero malapit na rin akong matapos. May kailangan ka ba?” tanong niya.
“May exam ba kayo bukas?” tanong ko.
“Wala naman. I just read in advance para handa ako sakaling may quiz bukas.” sagot niya.
“Oh. So would it be okay if I stay in your room? Kahit saglit lang?” tanong ko.
“Okay. Pero bakit?” tanong niya.
“I just want to spend some time with you.” sagot ko.
Tumaas ang kilay niya sa naging sagot ko kaya alam kong mali ang iniisip niya.
“Spend some time? Bakit?” tanong niya.
“Well we haven’t seen each other the entire day at ito lang ang libre nating oras kaya gusto ko sanang makasama ang girlfriend ko kahit bago man lang tayo matulog.” sagot ko.
“Wala kang iniisip na kalokohan?” tanong niya.
“WALA!” sagot ko.
Tumango siya. “Okay. Sige pasok ka.”
Nakita kong nakakalat ang mga libro niya sa kama kaya halos wala na rin akong maupuan.
“Can I sit in your bed?” tanong ko.
“Of course!” sagot niya bago mabilis na niligpit ang mga librong nakakalat.
Nang malinis na ang kama niya ay agad akong umupo at kinuha ang regalong pinagawa ko para sa kanya.
“Actually I came to see you because I want to give you this.”
Inabot at sinuot ko sa kanya ang isang charm bracelet. Zodiac sign naming dalawa ang charm na nakalagay dito at sa lock ng bracelet ay nakalagay ang initials ng pangalan ko.
“Ang ganda! Salamat!”
“You’re welcome! I also have one. We have the same charms pero initials mo naman ang nakalagay sa bracelet ko.”
Agad kong nakita ang pagaalala sa mga mata ni Eli.
“Isusuot mo ‘yan lagi?” tanong niya.
“That was my plan.” sagot ko.
“Paano kung makita ng mga tao?” tanong niya.
“So what? Then let them see it.” sagot ko.
“Hindi pwede King. Alam mo naman na matalino ang fans niyo. Makikita nila ang initials ko sa bracelet mo at sigurado akong hahanap sila ng paraan para malaman nila kung sino ang initials na ‘yan.” sagot niya.
She actually made a point. Ito ang isa sa mga kinaiinisan ko sa fans namin. Big deal sa kanila ang lahat at pakiramdam nila pag mamay-ari na nila kami minsan. Hindi naman lahat ng fans pare-pareho pero may iba talaga sa kanilang possissive sa amin.
“Sorry.”
Ito lang ang naging sagot ko kay Eli. Hindi ko na alam ang pwede kong sabihin sa kanya bukod ang humingi ng tawad.
“Bakit ka nag so-sorry?” tanong niya.
“Because I can’t give you a normal relationship.”
Hindi ako sinagot ni Eli pero bigla niyang kinuha ang bracelet sa kamay ko at isinuot ito sa akin.
“What are you doing?” tanong ko.
She smiled and answered, “Let them see it.”
I smiled and hugged her. “Be patient with me. I will let the world know about us. I have no plans of hiding our relationship kaya ‘wag mong iisipin na tinatago kita. Ngayon lang ‘to because I need to protect you.” sagot ko.
“I know.” sagot niya.
NAKAHIGA kami ni Eli sa kama niya habang tinitignan ang mga pictures niya sa cellphone ko.
“Bakit ang dami kong pictures dito?” tanong niya.
“Kinukuha ko sa social media mo.” sagot ko.
“Seryoso ka? Pero sobrang tagal na ng ibang pictures ko na ‘to. Ibig sabihin matagal ka nang may gusto sa akin?” tukso niya.
“Oo! Matagal na!” sagot ko.
“Talaga? Pero lagi mo akong iniinis at inaaway.” sagot niya.
“That was my strategy. Ayaw mo kasi akong pansinin e.”
“Ang inisin at awayin ako everytime magkikita tayo?” tanong niya.
“Yup! Did it work?” tanong ko.
“No! Pero balik tayo sa totoong topic natin. When did you start liking me? At totoo ba talagang gusto mo ako o part pa rin ‘to ng pang aasar mo sa akin?” tanong niya.
“Ang dami mo namang tanong! Let me answer one question at a time. First hindi kita niloloko kasi totoong gusto kita. I can marry you right now just to prove you that I have pure intentions for you. Second, I started liking you when you joined us to our Davao trip.” sagot ko.
“Davao trip? You mean noong nagkaroon kayo ng concert sa Davao?” tanong niya.
“Exactly! Remember when I fainted after the concert and I was rushed to the hospital?” tanong ko.
“Oo. Ako ang kasama mo noon e.” sagot niya.
“Right! When I woke up the next day you’re the first person that I saw. Your right hand on my forehead and your other hand holding my hand.”
Parang hindi siya makapaniwa sa sinabi ko. Marahil hindi na niya maalala dahil sobrang tagal na rin nun.
“Talaga ba? I did that?” tanong niya.
“Oo! Hindi ko makakalimutan ‘yon dahil at that very moment I felt something inside of me.”
“What did you feel?”
“Believe it or not pero parang nagkaroon ako nang espesyal na nararamdaman para sayo nun.”
“Seryoso?”
“Oo nga! Hindi nga rin ako makapaniwala e. After that lagi kitang hinahanap. Everytime dadating si Kuya Mario lagi akong umaasa na sana kasama ka niya. I also started stalking you on your socials and as you can see I saved a lot of your pictures on my phone.”
Naging mapula ang pisngi ni Eli pagkatapos marinig ang sinabi ko.
“Are you shy?” tukso ko sa kanya.
Tinakpan niya ang mukha niya at tangkang aalis sana siya sa kinauupuan nang bigla kong hatakin ang kamay niya.
“Not so fast babe.” I whispered before kissing her.
“I love you Eli.” bulong ko pagkatapos ko siyang halikan.
“King…”
Alam kong hindi pa sanay si Eli sa kung anong meron kami. Like me she’s adjusting too. Maybe she can’t answer me back right now but in time I know she will.
“Okay lang kahit walang I love you too. Take your time babe. We’ll get there.”
****