6

2375 Words
KING: Halos wala kaming pahinga dahil araw-araw kaming nasa studio. We’ve been working on a new project this past few weeks so we’ve been very busy. Because of it, Eric decided to give us a three day vacation and here we are in Baguio. Dito namin naisip pumunta sa vacation house ng pamilya ni Spade. It’s peaceful here so this is exactly the vacation that we need. Dahil naging busy ako nang mga nakaraang araw sinama ko si Eli sa bakasyon namin. Ito na ang pagkakataong makabawi ako sa kanya. Ayaw pa sana niyang sumama pero pinilit ko siya. I told her to bring her friends with her para may mga babae siyang kasama. Matagal-tagal ang pilitang nangyari kaya mabuti nalang at ako ang nanalo. “Man! It feels good to have a vacation. Nakakasuka nang makita ang studio araw-araw.” si Jack. “I know! You have no idea how excited I am to be here.” si Spade. Habang pinapasok namin ang mga gamit napansin kong iniikot ni Eli ang mga mata niya sa paligid. “Babe are you okay?” tanong ko. “Uh… yes. Sobrang nagagandahan lang ako sa bahay na ‘to.” sagot niya. “Thank you Eli!” si Spade ang sumagot nang narinig ang ang sinabi niya. “Walang nakatira dito Spade?” tanong ni Eli. “Wala na e. Vacation house kasi namin ‘to. We used to go here every summer lalo na kapag mainit na ang panahon sa Manila. Kaso nasa America na ang buong pamilya ko kaya kami nalang ng asawa mo ang pumupunta dito pag may libre kaming oras.” sagot ni Spade. “Sayang naman pala itong bahay. Ang ganda pa naman.” sagot ni Eli. “I know. Actually we’re planning to sell this house since we barely use it.” sagot ni Spade. “Talaga? Sana available pa ‘to pag doktor na ako.” sagot ni Eli. I decided to butt in their conversation and asked Eli. “Why? Do you want to buy this place?” “Pag naging doktor na ako at available pa itong bahay then I’ll buy it.” sagot niya. “Why wait? Let’s buy it now.” sagot ko. Natawa si Eli sa naging sagot ko. “Load nga hirap akong bumili bahay pa kaya?” sagot niya. “If you want it then I’ll buy it.” sagot ko. “Nako! Tigilan mo nga ako King. You’re talking nonsense.” sagot niya. “Seryoso ako. Kung gusto mo ‘tong bahay bibilhin ko talaga ‘to. Spade and I will talk about the paper works later and by tomorrow this house is yours.” sagot ko. Hindi nakasagot si Eli kaya si Aki ang sumagot para sa kanya. “Nako King! Masyadong mataas ang pride nitong si Eli. Kahit nga kailangan na talaga niya ng pera hangga’t maari hindi hihiram sa amin ‘yan e.” si Aki. Eli didn’t said a word but she excused herself and went straight to one of the bedrooms. I immediately sense some tension so I followed her. “Babe… what’s wrong?” tanong ko nang parehas na kaming nakapasok sa kwarto. “Hindi ko lang gusto ang sinabi mo kanina sa labas.” sagot niya. “What about it?” tanong ko. “Pakiramdam ko kasi ang baba kong tao. Alam ko namang mahirap kami pero ‘wag mo nang ipamukha sa akin ‘yon.” sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. I was not planning to make her feel that way. I just want to give her everything that she wants to show her that I love her. Giving is one of my love language but I guess she misunderstood me. “Babe I didn’t mean to make you feel that way. Gusto ko talagang bilhin ang bahay para sa’yo. I want to give you everything that you want. Gusto kong iparamdam sa’yo na mahal kita.” paliwanag ko. “Pero mali kasi ang pagpapakita mo sa akin ng pagmamahal. Hindi ko habol ang pera mo King.” sagot niya. “Alam ko naman ‘yon. Pero para sa akin ang lahat ng meron ako ay sayo at ang lahat ng meron ka ay sa akin. Can’t we have that kind of relationship?” tanong ko. “We’re not even married King.” sagot niya. “Alam ko. But I have it planned out. I was planning to marry you before your internship.” sagot ko. “Before my internship? That would be next year.” sagot niya. “Exactly.” sagot ko. Nagulat si Eli sa sagot ko. “Why do you look so shock?” tanong ko. “Seryoso ka ba?” tanong niya. “Oo naman. Do I look like I am joking?” “Oo.” sagot niya bago lumabas sa kwarto para puntahan ang mga kaibigan niya. Dahil makulit akong tao sinundan ko na naman siya at doon sa sala na naman kami nagtalong dalawa. “What’s wrong?” tanong ni Spade. “Nagalit siya sa akin because I have plans of marrying her next year.” sagot ko. “Maybe she’s not yet ready to settle down bro.” sagot ni Ace. “Then what’s the point of dating kung wala naman pala siyang planong pakasalan ako? I date to marry no to play around.” sagot ko. “Kasi ako lang ‘to King at ikaw ‘yan!” malakas ang boses ni Eli nang sagutin ako. “What do you mean?” tanong ko. “Tignan mo nga tayo? You’re King. THE KING and this is just me. Pakiramdam ko nga minsan hindi totoo ang lahat e.” sagot niya. Hindi ko na gusto kung saan papunta itong pagtatalo namin ni Eli kaya pinili ko nalang tapusin ang usapan. “Okay… Let’s stop this conversation Eli.” “King…” Tinignan ko siya na mata sa mata bago sinagot. “Mahal na mahal kita at seryoso ako sa relasyon natin. I started this relationship with you having the purest intentions so please don’t tell me about our differences because non of them matter.” sagot ko bago bumalik sa kwarto. BINIGYAN namin ng oras ni Eli ang isa’t-isa. I waited until afternoon until I went to her and apologize. Nakita ko silang nakaupo sa pool side kaya kaagad ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likuran. “Babe… I’m sorry. Bati na tayo.” Hindi nakasagot si Eli dahil kaagad na kaming tinukso ng mga kaibigan namin. “Uy bati na sila.” si Spade. “Magbati na kayo Eli. Pag pinatagal mo pa ‘yan baka mabaliw si King.” si Jack. Dahil sa sinabi ni Jack natawa si Eli. Ito ang naging dahilan kaya tuluyan na kaming nagbati. Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. “I love you so much.” bulong ko. “I think I do too.” sagot niya. Her answer was not a typical I love you too but it made me so happy. Alam ko ang ibig niyang sabihin and that’s more than enough for me. Sa mga oras na ito wala na akong ibang mahihiling pa. Hawak ko ang babaeng mahal ko at masaya kaming nagtatawanan kasama ang mga kaibigan namin. It’s perfect and I don’t want this to end. Lumalalim na ang gabi at bago kami matulog nag aya ng isang laro si Aki. “Hey! Why don’t we play truth or dare?” “Boring! Lagi nalang ‘yan ang laro sa tuwing nagiinuman.” sagot ni Ace. “Masaya kaya ‘yon!” sagot ni Aki. “Masaya nga. Ang problema may mag asawa tayong kasama. Sa tingin mo papaya si King na i-kiss ako ni Eli pag dare ang nabunot niya?” tanong ni Ace. “Bugbog ka muna sa akin bago mo makuha ang kiss mo.” sagot ko. “Exactly!” sagot ni Ace. Sumuko na si Aki sa naisip niyang laro kaya si Jack naman ang nagsabi nang suhestiyon niya. “How about we just talk about things? Pagusapan natin ang mga bagay bagay tungkol sa ating lahat. Everyone can ask questions to each other with no limit.” “That will work.” sagot ni Spade. “Yeah? So everybody agrees?” tanong ni Jack. Lahat kami pumayag sa larong naiisip ni Jack kaya nagsimula na kaming tanungin ang isa’t-isa. Aly went ahead and asked Jack the first question. “Sino si Jack dati bago ka pumasok sa banda?” “Will you believe me if I tell you that I used to be an architect?” Tumaas ang kilay ni Aly na parang hindi kumbinsido sa sagot ni Jack. “Seryoso ka ba?” tanong ni Aly. “Oo! Kaso college palang ako hilig ko na talaga ang tumugtog. Magkasama kami ni Spade sa isang banda noong college kami.” “Don’t tell me na architect din si Spade dati?” tanong ni Aki. “Kung tinapos niya ang pag-aaral niya then he’s probably an architect now.” sagot ni Jack. “Why didn’t you pursue your studies?” tanong ni Aki kay Spade. “Because I am not good at it. Dito ako sa banda masaya at magaling kaya ito ang landas na sinunod ko.” sagot ni Spade. Tumango ang mga kasama namin na walang halong pagdududa sa sagot ni Spade. “Ikaw naman King. What do you do before ka pumasok sa banda?” tanong ni Aki sa akin. “I graduated college. Nag major ako sa business and finance because I will be taking over our farm in the future.” “Aba! Haciendero naman pala itong mapapangasawa mo Eli.” tukso ni Aki kay Eli. Nagkulay mansanas ang mga pisngi ni Eli at kitang-kita sa mukha niyang nahihiya siya kaya isang ngiti nalang ang naging sagot niya kay Aki. Hindi naman nagtagal ang katahimikan pagkatapos ng sinabi ni Aki dahil bigla siyang tinanong ni Spade ng isang tanong na hindi namin inaasahang lahat. “Would you consider dating me?” Lahat kami nagulat sa tanong ni Spade kaya pare-parehas kaming napatingin sa kanya. Matagal din bago nagawang sagutin ni Aki ang tanong ni Spade sa kanya. “Yes.” Spade smile upon hearing her answer then we all continued to ask each other questions until Aly asked me a question. “Ikaw King, matagal ka na ba na may gusto kay Eli?” I was about to answer her question without any doubt but we’ve been interrupted by someone. “Kaya hindi mo na sinasagot ang mga tawag at text ko?” Laking gulat ko nang nakita ko si Gwen. Isa rin siya sa mga talent ni Eric na may gusto sa akin. Naging mabait ako sa kanya noong umpisa pero iniwasan ko na siya simula nang sinubukan niya akong halikan sa birthday party ni Eric. “What are you doing here?” tanong ko. “I just heard that you guys are here so I decided to come. Gusto ko kasing makita ang flavor of the month mo kaya kahit malayo itong Baguio pumunta pa rin ako.” sagot niya. “Flavor of the month?” mahina ang naging tanong ni Eli. “Babe don’t listen to her.” sagot ko. “Oo nga Eli. ‘Wag kang maniniwala sa mga sinasabi ni Gwen.” si Jack. We all tried to keep Eli away pero mapilit siya at parang interesado talaga siya sa kung ano man ang sasabihin ni Gwen kaya mas lalo pa siyang lumapit dito. “What do you mean flavor of the month?” tanong ni Eli. “Ikaw ang bagong babae niya. Every month iba iba kayo. Depende kung gaano mo kabilis ibibigay sa kanya ang sarili mo.” sagot ni Gwen. “That’s not true!” sigaw na ang naging sagot ko. Hindi totoo ang lahat ng sinasabi niya at alam kong gusto niya lang kaming masira ni Eli kaya nagsisinungaling siya. “Gwen just leave!” Spade’s voice was pleading. “Leave? I can’t! Hindi pwedeng may isang babae na namang iiyak pagkatapos pagsawaan ni King.” sagot ni Gwen. Eli looked at me. “Totoo ba?” tanong niya sa akin. “No! Babe no!” Natawa si Gwen sa naging sagot ko kay Eli. “Please cut the lies King. Your just playing with Eli and she’s too naive to believe all your lies.” sagot ni Gwen. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Eli and all I can see in her eyes are pure disappointment. “I have to go.” mahina ang naging sagot ni Eli bago dahan-dahang hinakbang ang mga paa niya palayo sa akin. Sinubukan ko siyang pigilan pero mabilis at malakas niyang hinatak ang kamay niya. “Let me go King.” “Babe let’s talk.” “Sa susunod na tayo magusap pag hindi na mainit ang lahat.” “Okay. I will give you time but please don’t break up with me?” “I’ll think about it.” “NO! Bigyan mo ako ng assurance Eli.” “Sorry pero hindi ko kayang ibigay sayo ‘yan ngayon.” “Then I am not letting you leave my sight.” sagot ko bago mahigpit na hinawakan ang kamay niya. “King just let her go.” si Ace. “Labas ka dito Alas. ‘Wag kang makisawsaw.” “You can’t have a proper conversation with this kind of situation. Be mature King. Give her the time and space that she needs.” “NO! Kapag binigyan ko siya ng space you’ll have the chance that you need. I’m not stupid Ace.” “Hindi ako makasarili para gawin ‘yon. So just let her go and I will drive her home. You don’t need to worry about anything because I will not do anything stupid.” Left without no choice I let her go. Dahan-dahan kong binitawan ang braso niya until she was out of my grip. She walked away from me until I can’t see her anymore. Hindi ko alam kung tama ba na pinabayaan ko siyang umalis kasama ang karibal ko pero wala na akong magagawa. She was determined to leave so I have to let her go. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD