7

1990 Words
KING: Halos isang linggo na simula nang huli kong makita si Eli. I was miserable this past few days at kung anu-ano na ang ginagawa ko sa buhay ko. I even decided to get myself a new tattoo. “You better get yourself together King!” pinagalitan na naman ako ni Eric. Hindi na ako sumagot pa sa kanya. I don’t have the energy to argue with him because I feel tired and down. Ilang araw na rin kasi akong walang maayos na tulog at kain kaya nararamdaman na ng katawan ko ang pagod. “Mamaya may reheaesal na naman kayo at ang gusto ko ayusin mo na ang sarili mo. Ilang araw na kitang pinagbibiyan dahil alam kong may pinagdadaanan ka. Pero please intindihin mo rin ako at isipin mo ang mga kasama mo sa trabaho. Hindi lang kay Eli umiikot ang buhay mo.” sagot niya. Tumango lang ako at tumayo mula sa kinauupuan ko. I decided to go back to my room and sleep. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan at isip ko pero wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang isipin lang si Eli. That moment that my head hit the pillow I fell asleep and that was the last thing that I remembered. NAGISING ako sa tawag ng isang babae. “King…” Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at doon ko nakita si Eli. “Babe…” She didn’t respond so I immediately opened my eyes and saw her standing right beside my bed. “Babe!” masaya ang naging bati ko kay Eli. “Bangon ka na daw sabi ni Eric aalis na daw kayo maya-maya.” mahinahon at malungkot ang boses ni Eli habang nagsasalita. “What’s wrong?” tanong ko. “Wala” sagot niya at mabilis akong tinalikuran. Lalabas na sana siya sa kwarto pero mabilis akong bumangon para pigilan siya. “Babe…” “King, may mga trabaho pa akong kailangang tapusin.” “I know. Pero mag-usap muna tayo.” “Next time.” sagot niya. “No! I already gave you the time that you need. It’s been almost a week now Eli. Kailangan na nating mag-usap.” sagot ko. Pinagbigyan ako ni Eli sa gusto ko kaya humarap siya sa akin pa makapusap kami. “Ano ang gusto mong pagusapan?” tanong niya. “Us. We have to talk about us. Ano ba ang plano mo? Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko. Hindi ka rin pumunta dito ng halos isang linggo. I was already planning to go to your house and school just to see you pero hindi ko magawa because I am trying to protect you.” Huminga ng malalim si Eli bago ako sinagot. “Tama ka. It’s about time to talk about us. Well here’s my plan, let’s end this.” sagot niya. Ito na nga ba ang kinakatakot kong marinig mula sa kanya. I already felt that she was planning to breakup with me but I was never prepared to hear it. “No.” sagot ko. “No?” “I don’t want to breakup with. I don’t want to lose you.” sagot ko. “You have Gwen and I think she’s already enough.” “Gwen?! Anong gagawin ko kay Gwen?! Walang kami Eli!” “Yeah? Pero mahirap kasing maniwala e.” I can’t believe that I am hearing this from her. Hindi ako makapaniwala na wala pala siyang tiwala sa pagmamahal na meron ako para sa kanya. “Mahirap maniwala? Why?” tanong ko. “Because she’s Gwen and I am just me. Bagay na bagay kayo. At ako ito lang ako.” “So this is not about Gwen and I? This is about you being insecure?” tanong ko. “I don’t know. Siguro! Siguro nga ako ang problema.” sagot ko. “Then what do you want me to do just to prove to you that I love you?” tanong ko. “Wala kang dapat na patunayan King.” sagot niya. “Hindi pwedeng wala kasi kung wala akong papatunayan sayo hihiwalayan mo ako. So just please tell me what to do just to prove you that I love you. Do you want me to marry you now?” tanong ko. Gulat na gulat si Eli sa naging sagot ko. “Kasal?” “Oo. Gusto mo ba magpakasal na tayo ngayon? I know some people that can help up get married today.” “Hindi pwede! Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga magulang ko pag bigla akong nagpakasal?” “If getting married is not the solution then what do I have to do? Paano ko ba maibibigay sa’yo ang seguridad na ikaw lang ang mahal ko at ikaw lang ang babae sa buhay ko? Do you want me to leave the band and live a simple life with you?” tanong ko. “No! E di ako ang lumabas na masama sa mata ng mga tao. At sino ba naman ako para iwan mo lahat ng meron ka para lang sa akin?.” sagot niya. “Your everything to me.” sagot ko. Hindi na nakasagot si Eli. "Please don't leave me?" Halos magmakaawa ako sa kanya pero hindi ko pa rin nagawang baguhin ang isip nya. “I'm sorry King but I want to end this.” sagot niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko. NAKARATING kami sa studio at hindi na nagsayang ng oras si Eric dahil kaagad kaming nagsimula sa rehearsal. Halos araw-araw kami dito at hanggang ngayon wala pa kaming natatapos kay mainit na ang ulo ni Eric sa amin. Katulad ng mga nakaraang araw wala na naman akong gana. Mas malala nga itong nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinabi ni Eli kanina. Dahil doon mas lalo akong nawala sa focus at nawalan ng ganang magtrabaho. “King ano ba? Wala ka ba sa kondisyon?” tanong ni Spade. “Oo nga pre. Halos isang oras na tayo dito e.” si Jack. Alam kong pinipilit nila akong intindihin pero alam ko rin na napapagod na sila. Halos araw-araw kong sinasayang ang mga oras nila dahil apektado ako sa mga nangyari sa amin ni Eli. “Sorry. Let’s try again and I’ll do better this time.” Sinubukan kong pilitin ang sarili ko. I tried forgetting Eli for a few minutes and tried to focus on the band. Nahihiya na rin kasi ako sa kanila. Inayos ko ulit ang pagkakahawak ko sa gitara at nagsimulang tumugtog. Inulit naming kantahin ang kantang ginawa ko. This song is named That Night, isa sa mga kantang ginawa ko para kay Eli. That night when I told you I love you. That night when I said I cared. That night, I'll remember forever. That night… Napatingin ako kay Eli na kasalukuyang nasa kabilang side ng studio kasama si Eric. I can see her clearly from the glass wall that’s separating us from each other. Hindi ko pa man natatapos ang kanta bigla na siyang umiyak. I got distracted again so I was not able to finish the song. Nang napansin ni Eli na nakatingin ako sa kanya mabilis siyang lumabas mula sa rehearsal room. “I think you should go after her.” si Spade. “Oo nga.” si Jack. Bigla kaming pinuntahan ni Eric at agad niya akong sinabihang sundan si Eli. “Mag-usap kayo ng maayos at magbati na kayo dahil ilang araw na kong naloloka sa depression mo King. Ayusin niyo na ni Eli ‘yan.” bulong niya. Tumango ako at hindi na nagdalawang-isip na sundan si Eli. Mabilis akong tumakbo hanggang sa nakita ko siya sa fire exit. Umiiyak pa rin siya ng dumating ako pero mabilis niyang pinunasan ang luha niya ng makita ako. “Sorry I ruined your rehearsal.” paumanhin niya. “No you did not.” “I did. Nasabi ni Eric sa akin na ilang araw na daw simula nang mag umpisa kayo ng rehearsal pero hanggang ngayon wala pa kayong nasisimulan. Dapat hindi na talaga ako pumunta dito e. Dapat hindi na ako pumayag nang tawagan ako ni Eric para bumalik sa trabaho.” “Don’t say that. Kung hindi ka pa nagpakita sa akin ngayon baka mamayang gabi nagwawala na ako sa labas ng bahay niyo. Ilang araw na kitang gustong makausap kaya paulit-ulit akong tumatawag sa’yo. Tumigil lang ako sa pangungulit dahil ang sabi nila sa akin baka daw mainis ka na.” “King sa tingin ko mas madali sa lahat kung susundin natin ang sinabi ko kanina.” “Ang alin? Ang maghiwalay? I’m sorry Eli pero hindi ako papayag.” “Pero…” Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya dahil agad akong sumagot. “Hear me out. Hayaan mo muna akong magpaliwanag.” “Okay.” “Gwen and I used to hangout. Naging magkaibigan kami dahil halos magkasabay lang kaming nag simula sa industriya. She was actually nice before the money and fame. But things changed noong nagsimula na siyang sumikat at kumita ng pera. Lalo na ngayon na isa na siya sa pinakasikat na singer.” Hindi sumagot si Eli kaya pinagpatuloy ko ang kwento. “After she won that singing contest and slowly building her career she became different but we still hang out. There was this time that we attended Eric's birthday. We we’re drinking and having fun. It was a fun night until she decided to kiss me. Tinulak ko siya palayo kasi wala naman akong gusto sa kanya and I don’t want to start rumors. Actually may gusto na ako sa’yo nun at loyal ako sa taong totoong gusto ko.” “Wala ka talagang nararamdaman para sa kanya?” tanong ni Eli. “No! Not even a bit. I told you loyal ako sayo!” “Pero ang ganda ganda niya. Marami siyang pera at malamang wala siyang pasan na problema. Hindi tulad ko na mahirap na nga marami pa akong iniisip na bayarin.” “So? Edi papasanin ko din lahat ng pasan mo para mas magaan.” Eli gave me a small smile pero kita pa rin sa mga mata niyang malungkot at nagaalala siya. “What’s wrong?” tanong ko. “Iniisip ko lang si Gwen. Iba kasi ang galit sa mga mata niya nung gabing ‘yon e. Natatakot ako na baka bigla nalang niyang ilabas ang alam niya sa publiko.” sagot niya. “She will never do that.” “Paano ka naman nakakasigurado?” “Dahil hindi niya ako kaya.” “What do you mean?” “Actually naisip ko na rin ‘yang naiisip mo. So I talked to her personally. I warned her. Sabi ko sa kanya oras na maglabas siya ng statement or kahit na anong bagay related sayo gaganti ako sa kahit na anong paraan. Alam kong alam ni Gwen and kaya kong gawin kaya hindi niya ako kakalabanin.” “Sigrado ka?” tanong niya. I hugged her before answering. “Ikaw at ang safety mo ang priority ko. I will protect you for as much as I can so don’t worry about anything.” Eli didn’t answer but I felt her relaxed on my arms. “And one more thing.” I said. “Ano ‘yon?” tanong niya. “Don’t you ever break up with me. Kahit na ano pa ang dahilan lagi mong iisipin na hinding-hindi ako gagawa ng dahilan para mawala ka sa akin at para masira tayong dalawa.” “Okay.” I smiled and hugged her again. “I love you Eli and I will always choose you.” “I love you too King.” sagot niya. It was all I needed. Wala akong kailangan bukod sa ang marinig ang assurance mula kay Eli na mahal niya rin ako. Isusugal ko ang lahat para sa babaeng ito at umaasa akong hindi ako matatalo sa kanya. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD