KING:
After that fight with Eli things became smoother for the both of us. Totoo nga siguro ang sinasabi nila na kailangan sa isang relasyon may mga pagkakataong magtatalo kayo. Ito daw kasi ang magpapatibay sa inyo. Bukod sa away kailangan din namin ni Eli na bigyan ng oras ang isa't-isa. This past few weeks I've been busy with work so I was not able to give her time. Mabuti na lang at binigyan kami ni Eric ng pahinga ngayong araw kaya mailalabas ko si siya.
“Today you guys can take the day off.”
“Talaga boss?!” si Spade.
“Oo . Pero please walang gagawa ng kalokohan ha? Ayaw kong ma stress.” sagot ni Eric.
“Copy that boss.” sagot ni Ace.
Hinarap ako ni Eric at hindi pa man siya nagsasalita alam ko na ang gusto niyang sabihin.
“King hindi ko alam kung ano ang plano niyo ni Eli pero kung saan man kayo pupunta ngayong araw please avoid public places. We don’t want to start an issue.”
“Opo boss.” sagot ko.
Sunod na hinarap ni Eric si Jack at Spade. Sa aming apat sila talaga ang madalas laman ng balita. Sila rin ang laging dahilan ng sakit ng ulo ni Eric.
“Kayong dalawa… Sa tingin ko isasama ko nalang kayo para sigurado tayong walang problem bukas.”
“Ay ang panget ng idea na ‘yan boss.” si Spade.
“Oo nga boss. Promise namin hindi na kami gagawa ng gulo at hindi ka namin bibigyan ng sakit ng ulo bukas.” si Jack.
“Sigurado kayo?” tanong ni Eric na parang hindi kumbinsido sa sinabi ng dalawa.
“Opo!” sabay silang sumagot.
“Sige. Maniniwala ako sa inyo pero oras na may lumabas na namang balita bukas tungkol sa inyo bahala na kayo sa mga buhay niyo.” sagot ni Eric.
“Copy that boss!” sagot nilang dalawa.
Umalis na si Eric at iniwan kaming apat sa sala. Wala naman siyang ibibilin kay Ace dahil siya ang pinakamatino sa aming apat. Sa pagkakatanda ko hindi pa niya binibigyan si Eric ng problema simula nang naging manager namin siya.
DAHIL libre na ang oras ko naisip kong puntahan si Eli sa school nila para sunduin siya. Sumang-ayon naman sa amin ang tadhana at sumaktong may event sa school nila kaya wala silang klase sa araw na libre ako kaya naisip kong dalhin siya sa farm ng lolo’t lola ko.
Tinawagan ko siya para sabihin na nasa labas ako ng school nila at sasakyan ni Eric ang dala ko.
“Familiar ka naman sa sasakyan ni Eric di’ba?” tanong ko.
“Oo.” sagot niya.
“Sige. Hihintayin nalang kita dito sa labas. I’ll see you in a bit. I love you.” sagot ko.
“Sige. Malapit na rin ako sa gate. See you.” sagot niya bago binaba ang telepono.
Nagtatampo ako dahil hindi man lang niya sinabing mahal niya rin ako pero pinilit ko nalang siyang intindihin.
Hindi nagtagal nakita ko nang palabas si Eli sa gate nila. Masaya na sana ako nang nakita ko siya pero bilang uminit ang ulo ko nang nakita kong may kasama siyang lalaki. Kasama naman niya si Aki at Aly pero may isang lalaking nakatayo sa tabi ni Eli at sa unang tingin palang alam kong may gusto siya sa girlfriend ko.
Kaagad kong tinawagan si Eli para tanungin kung sino ang lalaking nasa tabi niya.
“Who’s that?”
“Sino?”
“Ang lalaking kasama niyo na nakatayo sa tabi mo.” sagot ko.
“Classmate namin.” sagot niya.
“He looks interested in you.” sagot ko.
“No he’s not. Mamaya na tayo mag-usap. Papunta na ako sa sasakyan mo.” sagot niya bago binaba ang telepono.
Pumasok si Eli sa loob ng sasakyan at doon na ako nagsimulang magtanong.
“May gusto ba sa’yo ‘yon?”
“Wala! Classmate lang namin ‘yon.” sagot niya.
“Lalaki ako babe and trust me if I tell you that he’s interested in you.”
Hinawakan ni Eli ang kamay ko bago sumagot. “Huwag na nating pagtalunan ito. Loyal ako sa’yo at hindi ako gagawa ng dahilan para mag-away tayo.”
“May tiwala naman ako sa’yo pero sa kanya wala.”
“Kung may tiwala ka sa akin e di hindi mo na papalakihin ito at maniniwala kang hindi kita ipagpapalit sa iba.” sagot niya.
I smiled and decided to drop the argument. Naisip ko kasi na ito lang ang araw na parehas kaming libre at gusto kong masaya kami ni Eli sa araw na ito.
HALOS dalawang oras din ang byahe namin ni Eli hanggang sa narating namin ang farm ng lolo’t lola ko. Bumaba kami ni Eli sa sasakyan at mabilis kaming pumasok sa loob ng bahay.
“Mang! Pang!” tawag ko.
“King?!” tawag ng isang babae sa akin.
“Mang!” mabilis kong pinuntahan ang lola ko at niyakap siya ng mahigpit.
Minsan lang ako kung umuwi dito kaya miss na miss ko talaga sila. Halos sila na ang nagpalaki sa akin simula nang pinili ng mga magulang ko ang manirahan sa ibang bansa. Gusto akong dalhin ni Mommy at Daddy doon pero hindi ako sumama dahil malapit talaga ang loob ko sa lolo’t lola ko.
“King! Buti at napadalaw ka! Palagi kitang nakikita sa TV at lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na apo kita.”
“Talaga po?! E ano naman po ang sabi nila?”
“Aba’t hindi sila makapaniwala na apo ko ang nakikita nila sa TV!” sagot ni lola at sabay kaming nagtawanan.
Hindi nagtagal napansin na rin ni lola si Eli na nakatayo sa likuran ko. Agad niya itong nilapitan bago ako inusisa ng mga bagay bagay tungkol sa kanya.
“At sino naman itong napakaganda na dalagang kasama mo?”
“Mang this is Elizabeth. You can call her Eli. Girlfriend ko po.”
Agad kong nakita ang saya sa mga mata ng lola ko. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagdala ako ng babaeng ipapakilala sa kanila kaya alam kong tuwang-tuwa sila.
“Sa wakas at nagdala ka na rin ng nobya dito sa. Akala ko tatanda ka nang binata e!”
Natawa ako sa sinabi ng lola ko bago ako pumunta sa tabi ni Eli para hawakan ang kamay nito.
“Hindi na po mangyayari ‘yon dahil ito na ang babaeng papakasalan ko.”
“SINONG IKAKASAL?!” narinig ko ang malakas na boses ng lolo ko.
“Pang!” mabilis akong lumapit sa kanya para yumakap.
Niyakap niya ako pabalik bago ulit ako tinanong.
“Sinong ikakasal? Ikaw?”
“Opo pang. Pero hindi pa po ngayon. Ilang taon pa po kasi tinatapos pa po ni Eli ang pagaaral niya.” Sagot ko.
Tinignan ng lolo ko si Eli mula ulo hanggang paa. Tumango tango ito na parang aprobado sa kanya si Eli.
“Approve sa akin ‘to! Maganda at mukhang mabait. Hindi katulad nga mga babaeng na-issue sayo sa balita.”
“Talaga pang?”
“Oo! Kaya sabihin mo lang sa akin kung kailan kayo magpapakasal at kaagad kong ililipat sa pangalan niyo itong farm.”
“Sabi mo ‘yan ha?”
“Oo nga! Matanda na rin kami ng lola mo at hindi na namin kayang patakbuhin itong farm kaya sa iyo na talaga ito mapupunta. Sayo at sa magiging pamilya mo.”
Tiningnan ko si Eli dahil gusto kong makita ang reaksyon niya at doon ko nakitang pulang-pula na ang pisngi niya. Mahiyain kasi si Eli and I know that this conversation is making her feel uncomfortable so I decided to change the topic.
“I am starving! May tangalian na po ba?” tanong ko.
“Oo nga pala! Hali na kayo at kumain. Tamang-tama dahil kakaluto lang ng mga pagkain. Tara na habang mainit pa ang mga ito.” inaya kami ni lola.
PINILIT kami ni Mamang at Papang na magpalipas ng gabi dito. Uuwi sana kami sa condo pero hindi natuloy dahil pinigilan kami ng dalawang matanda.
“Ito ba ang kwarto mo?” tanong ni Eli.
“Yes.” sagot ko habang papasok kami sa dating silid ko.
“Dito ako matutulog?”
Hindi ko na pinatapos si Eli sa sasabihin niya dahil dahan-dahan ko siyang nilapitan at niyaka.
“Alam kong nagaalala ka dahil baka kung ano ang mangyari sa ating dalawa. Pero please trust me. Whatever happens tonight it will never change the feelings that I have for you.”
Wala naman sa plano ko ang may mangyari sa amin ni Eli pero lalaki ako at nasa iisang kwarto kami ng babaeng mahal ko. Hindi ko man intensyon pero hindi din ako magsasalita ng tapos dahil hindi ko alam ang mga pwedeng mangyari.
“Let’s sleep babe. It’s been a long day for the both of us at alam kong pagod ka rin.”
Tumango siya at mabilis na pumunta sa kama para humiga.
“Goodnight babe.” she was smiling as she was telling me.
“Goodnight my love.” sagot ko.
HALOS isang oras na rin kaming nakahiga ni Eli sa kama pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Nakapikit man ang mga mata ni Eli pero alam kong katulad ko gising pa rin siya.
“Babe?” tawag ko.
“Hmmm?”
“Hindi ka rin makatulog?”
She eventually gave up and opened her eyes.
“Hindi rin e.”
“Same. Do you want a warm milk? Sabi kasi nila nakakatulong daw iyon para makatulog tayo ng mabilis.”
“Sige.” sagot niya.
Pumunta kami ni Eli sa kusina para kumuha ng gatas. I warmed it up on the stove before giving it to her. Kinuha niya ito mula sa kamay ko bago inumin. It took her a couple of minutes before she finishes her milk. And that was when things got hotter.
After finishing her milk she licked her lips and that turned me on. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang hinalikan. I carried her to the room and lay her on the bed.
“You know that I love you so much right?” tanong ko.
She nodded her head as an answer.
“Then do you trust me?”
“I do.”
“Good.” sagot ko bago ulit hinalikan si Eli.
Unang-una hindi ko talaga intensyon ang may mangyari sa amin ni Eli ngayong gabi. Pero katulad ng sinabi ko, lalaki ako at mahal na mahal ko itong babaeng ‘to kaya hindi ko masasabi ang pwedeng mangyari.
So tonight she will be mine, all of her.
****