WALA SA loob na isinalin ni Lucille sa beaker ang isa sa ingredients ng Rosana body cream. Hindi na siya nagtaka kung bakit umapaw ang formula, pangatlong beses na nyang palpak iyon. Kinuha niya ang beaker at itinapon ang laman niyon sa lababo, hindi naman kasi harmful ang kemikal kaya ayos lang na-idispose sa lababo. Kahit ano talagang focus niya sa trabaho ay hindi niya kaya. Paano ba siya makakapag-concentrate kung hindi niya malimutan ang nangyari ng nakaraang gabi?
Naupo siya sa high stool chair, ipinatong niya ang mga siko sa lab table at inihawak ang dalawang kamay sa ulo. A las siete nang umalis sina Lucille at Lucas sa tinutuluyang apartelle ng binata, pagkatapos ay inihatid siya nito sa kanyang condo at hindi iniwan. Naligo lamang siya, nagkape kasama si Lucas pagkatapos ay pumunta na roon sa kanyang shop. Tinanong nga siya n Lucas kung kaya niyang magtrabaho, ang sabi niya ay oo, kasi hindi niya naman pwedeng hayaang lamunin siya ng takot kay Winston. Pero the hell, hindi siya makapag-concentrate. Dalawang oras na siya roon sa kanyang lab pero ni isang produkto ay wala siyang natapos.
What happened last night was terrible, ang Winston na iyon kamuntik na siyang makidnap, good thing ay nasa shoulder bag niya ang stun gun na ibinigay ni Lucas kasama ang pepper spray. Sinusumpa niya ang Winston na iyon, sinisira nito ang buhay niya dahil sa mga pinagaggawa nito. Paano niya ngayon maipagpapatuloy ang pagtatrabaho kung kahit ano’ng gawin niyang pagiging matapang ay naaapektohan na siya nito? Paano na lang kung bigla na naman itong sumulpot sa ‘di niya inaasahang pagkakataon?
Lucas is with you. Sabi ng isang bahagi ng kanyang isip.
Natigilan siya. Right, Lucas is there for her. As much as possible she didn’t want to rely on Lucas, pero nang nakaraang gabi imbes na pulis ang tawagan ay hindi niya alam kung bakit ang binata ang unang pumasok sa isip niya para hingan ng tulong, knowing na nasa Mindoro ito at naroon sa naaksidenteng ama. But she can’t really help herself, nang mga panahong iyon ay si Lucas talaga ang kailangan niya, aminin niya man sa sarili o hindi.
Last night Lucille was so vulnerable. Ni hindi nga niya magawang magalit kay Lucas nang tabihan siya nito sa pagtulog. Hindi niya alam kung bakit niya iyon tin-olerate, siguro ay masyado lang siyang takot at gusto niyang mayroon sa kanyang poprotekta. But she thought it was more than that at maging siya ay ramdam niya na hindi ginagawa ni Lucas ang pagmamalasakit sa kanya dahil lang sa bodyguard niya ito, ngunit iyon ay dahil sa kagustuhan talaga nitong maprotektahan siya. Kahit sa sitwasyon niyang iyon, ipinaalala niya rin sa sarili na kailangan niyang bakuran ang puso sa kahit na sinong lalaking mapapalapit sa kanya, especially Lucas. But she can’t deny the fact that her heart was longing for the care of someone. Hindi dahil sa kailangan niya si Lucas dahil kailangan siya nitong protektahan laban kay Winston, kundi dahil may isinisigaw ang kanyang puso na tila ba sinasabi nitong hayaan nang maramdaman ang matagal na niyang ipinagkakait sa sarili.
Napailing si Lucille at inisip na wala siyang matatapos kung tutunganga lamang. Lumabas siya ng lab at tumungo sa labas ng shop kung saan naabutan niya sina Ivy at Tibong na naghaharutan, inilalagay nito ang mga package sa multi cab, katulong din ng dalawa si Lucas na tila ba nag-e-enjoy din sa ginagawa.
Tipid na ngumiti si Lucille. She found silver lining in a dire situation. Aware sina Ivy at Tibong na mayroong banta sa buhay niya, pero sa kabila ng posibilidad na pwedeng mapahamak ang dalawa ng dahil sa kanya ay hindi nangangamba ang mga ito sa sariling mga buhay. Hindi dahil sa sinu-swelduhan at may bonus ang mga ito, kundi dahil pamilya na rin ang turing ng dalawa sa kanya.
“Hi!” Bati ni Lucas nang mapalingon sa gawi niya. Malawak ang ngiti nito.
“Mukhang may side line ka, ah.” Pagbibirong sabi niya saka humalukipkip,” Magkano gusto mo additional income?”
“Additional kiss na lang daw, ate!” hagikhik naman ni Ivy.
Nagkatinginan sina Lucille at Lucas, siya ang unang bumawi ng tingin nang makaramdam ng hiya. Pambihirang Ivy, hindi mai-preno ang bibig!
“Additional kiss? Wow! Congrats, Ate Lucille! Kailan pa naging kayo ni Kuya Lucas?” sabi naman ni Tibong, palibhasa nasa loob ng multicab, ulo lang nito ang inilabas sa bintana para magtanong.
Napailing si Lucille. “Pwede ba kayo dyan? Ituloy niyo na lang ang ginagawa ninyo, okay?” sabi niya pa na kunwari’y naggalit-galitan. Humagikhik lang naman ang dalawa.
Pumasok si Lucille sa loob ng shop, bahagya pa siyang nagulat nang makitang sumunod si Lucas.
“Ah, pasensya ka na sa dalawang iyon, ah? Mapagbiro lang talaga ‘yang mga ‘yan.” Turo ni Lucille ng mga mata sa glass wall kung saan tanaw ang dalawa, kumaway pa sa kanya si Ivy.
“Kung ganoon lang naman ang biro, parang ang sarap totohanin.,” sagot ni Lucas. Tumaas ang isang sulok ng mga labi nito.
“H-ha?”
Umiling-iling si Lucas saka may kinuha sa reception table, brown paper bag iyon. “Pumasok ako sa opisina mo pero mukhang nasa lab ka kanina. Ang mabuti pa kumain ka muna, kape lang ang nilaman mo sa tiyan kanina, baka hindi ka mas lalong makapag-concenrate sa trabaho mo. Kumain na rin sina Ivy at Tibong.”
“Ah… Thank you, Lucas. s-sige, saluhan mo na rin ako,” aniya.
Sa loob ng opisina ni Lucille, kasabay niyang kumain si Lucas na nasa tapat lang kanyang table. Pancake, chicken, rice, soup at kape ang in-order ng binata, brunch na rin nila iyon.
“Sabi ni Aaron kanina, pumunta sila sa address ni Winston na ibinigay mo. Mansyon pala ang bahay ng baliw na iyon ano?”
“I told you before, mayaman ang lalaking iyon.” Aniyang bumuntong hininga at hinati ang pancake. hindi siya makaramdam ng gutom pero tama si Lucas, kailangan niyang may mailaman sa sikmura.
Uminom si Lucas ng kape bago nagsalita. “Sabi nung dalawang katulong na nakausap nila, wala raw doon si Winston. May search warrant sila pero hindi nila makita ang lalaki. Pero sa tingin daw nila ay nagsasabi ang dalawang katulong ng totoo, isang buwan na raw nang wala doon si Winston. Nasa Australia raw.”
“Siguro ay may iba pa siyang pinagtataguan,” bigla siyang nalumo at naibaba ang hawak na tinidor. “Lucas, you believe me, right? Nandito si Winston sa Pilipinas.”
“Oo naman! Naniniwala ako,” agad nitong sagot sa nag-aalalang ekspresyon. Napayuko si Lucille at isinubsob ang mukha sa mga palad. Bigla na lang siyang naiyak dahil sa pagkaramdam ng takot.
“Lucille,” anas ni Lucas. Ipinihit nito paharap ang kinauupuan niyang swivel chair saka siya nito niyakap.
Lucille can’t help but hugged him, too. Insinubsob niya ang mukha sa tiyan ng binata. “Natatakot ako Lucas. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko, eh! Ayaw ko nang bumalik sa duktor. Ayaw ko nang uminom ng gamot dahil dati na akong na-diagnose ng PTDS. Baka mabaliw ako.”
“Ano ka ba? ‘Huwag mong sabihin ‘yan. Hindi ako titigil hangga’t hindi nakikita ang Winston na iyon.” Banayad na iniangat ni Lucas ang kanyang mukha. “Okay lang na maging mahina ka, basta narito lang ako, malakas para sa’yo.”
“Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Thank you for staying by my side, salamat dahil hindi ka basta sumuko noong ipinagtabuyan kita.”
Muli ay niyakap siya ni Lucas at hinalikan ang kanyang ulo. “Wala sa bokabularyo ko ang salitang pagsuko, kaya nga ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa’yo, ‘diba?”
Hindi na naimik si Lucille, nanatili siyang nakayakap kay Lucas. Hindi niya alam ang ibig nitong sabihin, ayaw niyang mag-isip dahil masyadong overwhelming ang mga ganap sa kanyang buhay. Basta ang mahalaga ay ang sa kasalukuyan— na naroon lang si Lucas sa kanyang tabi at panghahawakan niya ang pangako nito.
“Ate Lucille?” himig ni Ivy sa labas ng pinto, tatlong beses kumatok ang kanyang assistant.
Kumalas sina Lucille at Lucas ang isa’t isa, bahagya ring lumayo sa kanya ang binata.
“Pasok,” sagot ni Lucille na suminghot at iniayos ang sarili.
Pumasok naman si Ivy. “Ate, ready na raw ‘yung booth natin sas SM North para bukas sabi nung nag-ayos.”
“Ah talaga? Oh, sige. Nakabukod na ba ‘yung mga dadalhin natin?”
“Yes ate! Ready na ready na po!” Masiglang sabi ni Ivy na nag two thumbs up pa bago nagpaalam at lumabas.
Sumulyap si Lucille kay Lucas.
“May lakad pala tayo bukas?” anang binata.
“Sasama ka?”
“Everywhere you go, I go,” sagot nito saka malawak na ngumiti.
Saglit siyang napatitig sa binata. First time niyang magkaroon ng bodyguard at hindi alam kung anong klaseng pakikitungo ang ibibigay niya rito, kung pormal pa o ganitong parang close sila? Ah, hindi niya alam…
KAHIT papaano, nabawasan na rin ang takot ni Lucille kung kaya sa kanyang unit na siya natulog. Doon na rin natulog si Lucas sa sala, at gaya ng dati tuwing malapit ang binata, kahit gaano pa niya naiisip ang hindi magandang nnagyari ay nakatulog naman siya ng mahimbing. Sarado ang shop niya ngayon dahil pupunta sila sa beauty trade fair sa SM North skydome. Nauna na roon sina Ivy at Tibong para ayusin ang mga i-e-exhibit na mga produkto. A las once na ng umaga umalis sina Lucille at Lucas sa kanyang condo, pumunta saglit sa apartelle ni Lucas para makaligo ang binata. Nang makarating sila sa kanilang destinasyon ay marami nang tao ang naroon, nag-i-inquire, nagte-testing at bumibili ng mga produktong naka-exhibit. Napangiti si Lucille sa ingay na naririnig at nakikitang parokyano sa paligid dahil sa industriyang iyon talaga ang nais niyang mundo.
Maraming booth, stall at pwesto ng iba’t-ibang beauty at cosmetic products ang naroon. Karamihan doon ay may mga pangalan na sa industriya at nakikita na sa mga commercial sa T.V. Kaya naman para sa kanya ay iyon na rin ang pagkakataon para mas marami pang tao ang maabot ng kanyang produkto. Nang makarating sila sa kanilang booth ay masyadong na-amaze si Lucille sa itsura niyon. The posts and walls were white with a combination of green synthetic vine leaves and little red flowers. Iyon ang kulay na sumisimbulo sa kanyang produkto. Hindi sya nabigo sa pagkuha sa mga kaibigan ni Tibong upang mag-ayos doon.
“Ivy! Pasensya na ngayon lang kami dumating. Hindi ko akalaing ganito karaming tao na ang nandito,” ani Lucille nang makalapit siya sa kanyang assistant.
“Hi! Ate, nandito na pala kayo! Oo syempre! Beauty sells, eh!” sagot ni Ivy saka ibinalin ang atensyon sa customer na kausap. “Ay oo ma’am, twenty years ang tatanggalin nitong edad kapag gumamit ka ng serum!”
“Ah talaga? Give me twenty bottles!” sabi nang babaeng matanda na sopistikada kung pumorma.
Napangiti lang si Lucille at ibinalin naman ang atensyon kay Tibong na abala sa paglalagay ng mga produkto sa shelves, marami-rami ring mga tao ang nagki-criticize sa produkto niya gaya na lang ng pagbabasa ng labels doon.
“Ang daming tao, ah. Madalas ba pumupunta ka sa mga ganito?” tanong ni Lucas matapos ilibot ang paningin sa paligid.
“Ah, hindi! Ang alam ko annually lang ang ganitong event,” aniyang naupo sa chair katapat ng kanyang mesa doon sa kanilang booth.
“Hi! Miss Lucille!” bati ng isang babae sa kanya, tingin niya ay nasa early twenties pa lang ito, kasunuran nito ang mga kaibigan.
“Ay, hello!”
“By the way po, isa po ako sa mga tumatangkilik ng products nyo. Your skin is so beautiful po pala!”
“Thank you beh,” aniyang napahawak sa puso at na-flattered.
“Opo.” Tango nito saka ibinalin kay Lucas ang atensyon. “Ay! Sir! User din po ba kayo ng Rosanna potion?”
“Ha?” Napamaang si Lucas na malapit lang sa kanyang tabi.
“Oo, nga sir! Siguradong user kayo ang gwapo niyo po! Pwede po bang pa-picture kami?” sabi naman ng isa pa.
Kakamot-kamot lang naman sa batok si Lucas at tila nahiya pa, ngunit pinaunlakan naman ang mga babae.
Napailing lang si Lucille, imbes na siya ang lapitan ng mga parokyano ay kay Lucas nabalin ang atensyon ng mga ito. Gawin niya kayang modelo? Pagawan niya ng standee para mas marami pang babae ang tumangkilik? Natawa siya sa naisip.
“Ah, Miss. Excuse me, ikaw ‘yung owner ng Rosanna Pody Potion, hindi ba?” isang matandang babae ang lumapit kay Lucille.
Napalingon naman siya dito. “Ah? Hello, po! Opo ako nga.” ngiti niya ng malawak at mas humarap dito ng maayos.
Bahagyang ngumiti ang babae at inayos ang buhok, sumulyap pa ito sa abalang nakikipag-usap na si Lucas sa ilang kababaihan bago bumalik ang tingin sa kanya.
“Ahm… Ano kasi, hija. Open ba kayo for franchise or distributor? Balak ko kasing kumuha ng marami, eh! Pu-pwede ba nating pagusapan?”
“Ay! Opo open po kami for franchise.” Aniyang tumayo, kinuha ang bakantaeng upuan ‘di kalayuan sa kanya saka ibinigay sa matanda. “Upo muna po kayo, pag usapan po natin.”
“Ah, sige, gusto ko sanang ngayon na kukuha ng produkto kaya lang may problema, eh,” sabi pa nitong nakangiwi, nilaro ang daliri at hindi pinansin ang upuan na kanyang inialok.
“Ano po ‘yun? Kung interested po tagala kayo sa business, mapag-uusapan po natin ‘yan ng maayos,” pangungumbinsi niya. Pagdating sa kanyang business ay matalino si Lucille, pero may mga pagkakataong may mga distributor na ngangungutang rin sa kanya na kanya namang pinagbibigyan. Inisip niya na ganoon rin ang nais ng matandang babae.
“Hindi kasi ako marunong mag-withdraw sa ATM. Doon ko sana ibibigay ang bayad sa pagkuha ng produkto mo,a lam mo naman matanda na ako at hindi marunong sa mga ganyang bagay. Can you help me get the money?”
“Ay, Sige po. Lucas—”
“Teka,” putol nito sa sasabihin nya. “Mukhang abala ang kaibigan mo sa pag-entertain ng mga customer. Ang mabuti pa samahan mo na ako, halika?” alok pa ng matanda. Ngumiti ito ng malawak.
Sumulyap si Lucille kay Lucas. Abala ang binata sa pakikipagusap sa ilang babaeng lumapit dito. Bukod sa pagpapa-picture ay mukhang nag se-sales talk na rin ito.
“Sige po, tara.” Ani Lucille na dinampot ang kanyang hand bag sa table. Sabay sila naglakad ng matanda, ngunit hindi pa man nakakalayo ay bigla na lang hinawakan ni Lucas ang kanyang braso.
“Lucille, teka lang saan ka pupunta?”
“Lucas! ah…” Tumingin siya sa matanda. “Sasamahan ko lang si… Ano po bang pangalan nyo ulit?”
“Evelyn,” sagot ng matanda at bahagyang umiwas ng tingin.
“Ah, sasamahan ko lang siyang mag-withdraw ng pera.”
Matamang tumingin si Lucas sa matanda, mukhang inoobserbahan nito ang babae. “Ma’am, pupwede po kayong magpatulong sa gwardya mag-withdraw. Huwag niyo po sanang masamain pero mas makabubuting sa mga bagay na ganyan ay sa kanila po kayo humingi ng tulong para mas safe.”
Umayos sa pagkakatayo ang matanda at tiningnan ng diretso sa mga mata si Lucas. “Actually hijo, potential buyer ako ng produkto ni Miss Lucille. Walang masama kung sa kanya ako magpasama ‘diba?”
“Opo, kaya lang mukhang kakikilala nyo lang po sa isa’t isa. Pero kung gusto nyo po sa kanyang magpatulong, eh, tara? Sasama po ako?”
“Bakit ka pa sasama? Maliit na bata ba si Lucille?”
“Mawalang galang na po, klieyente ko siya at bodyguard niya ako kaya kahit saan susunod po ako sa kanya. At saka wala po kayong karapatang sabihin ‘yan sa’kin.”
Saglit na natigilan ang matanda, ngunit maya maya ay naningkit ang mga mata nito. “Bodyguard pala, ah? Pero bastos makipag-usap sa matanda?” anitong tumingin kay Lucille. “Siguro sa ibang beauty product na lang ako mag-i-invest. Nawalan na ako ng gana, excuse me.” sabi pa nito sabay ang mabilis na pag-alis.
“Lucas! Bakit mo naman ginawa iyon?” Binawi ni Lucille ang braso niya na hawak pala nito.
“Pwede ba? Gamitin mo naman ang isip mo?!”
“What?!” Humarap siya ng maayos at pinaningkitan niya ito ng mga mata.
Tumingin tingin si Lucas sa paligid. “Hindi ka na bata, ano ka ba? Hindi mo ba alam na may mga modus na ganyan ngayon na kunwari magpapatulong, etc? Mag matanda man o bata na humihingi ng tulong, ikonsidera mong dalhin sila sa uniformed personnel o mas makabubuting hayaan mo na lang sila. Alam mo bang paraan ‘yun ng mga taong may masamang balak?”
Napailing si Lucille. Sa bagay tama naman si Lucas, at aware din siya sa mga modus na ganoon, sadyang hindi lang pumasok sa isip niya sa pagkakataong iyon. Sasamahan sana niya ito hindi lang dahil sa potential customer niya, kundi dahil nakaramdam siya ng awa dahil ito ay matanda.
“Psensya na, hindi na mauulit.”
Tumango naman si Lucas bilang pagsagot.
Bumalik na silang dalawa sa kanilang booth. Ngunit saglit siyang natigilan nang makitang may nakalapag na isang boquet ng red roses sa kanyang table. Kunot-noong dinampot ni Lucille ang bulaklak, saka kinuha ang card na nakalagay doon at binasa:
Mi Amor, You are so beautiful.
Pakiramdam ni Lucille ay nakadikit ang mga paa niya sa sahig at bigla na lang namanhid ang buo niyang katawan. Mi Amor. Walang ibang tumatawag sa kanya ng ganooon kundi si Winston lamang!
Nanginginig na iginala niya ang paningin sa abala at maingay na paligid at tila ba saglit siyang nakaramdam ng vertigo. Walang kahina-hinala pero sigurado siyang naroon si Winston. Paanong nalaman nitong naroon siya?!
Umikot si Lucille sa kanyang kanan, bahagya pa siyang nagulat nang mabangga si Lucas.
“Lucille, bakit?” concern na tanong ni binata, tumingin ito sa bulaklak niyang hawak. Iniabot niya rin ang card dito.
“Lucas, nandito si Winston!” garagal niyang tinig.
“s**t…” mahinang mura ng binata sabay inilibot ang paningin sa paligid. Kinuha nito ang bulaklak sa kanya at ipinatong sa mesa. “Umalis na tayo dito.”
“H-ha? P-pero—” Sumulyap siya kina Ivy at Tibong na abala sa kanya-kanya nitong mga gawa.
“Delikado ditto. Hindi natin alam kung may iba pa siyang kasama.”Hawak nito sa kamay niya sabay ang paghila.
Agad niya naman itong pinigilan. “Papaano sina Ivy at Tibong?”
“Magpapaalam tayo. Sabihin nating masama ang pakiramdam mo.”
Tila biglang umikot muli ang paningin ni Lucille sa takot na nadama. Winston is there, hindi niya lang makita ang lalaki. Ngapaalam sila kina Ivy at Tibong at sinabi sa dalawa na masama ang kanyang pakiramdam. Kapwa pa nag-alala at sinabing ang mga ito na ang bahala doon.
NAKAUPO SI Lucille sa kanyang kama at nakasandal ang likod sa headboard habang nakapikit ang mga mata. Her anxiety was killing her, sa isang iglap ay parang gusto na niyang lumipad sa dulo ng mundo kung saan walang makakakilala sa kanya. Hindi niya na kayang maging matapang kung ang kalaban ay sa likod tumitira. Hindi niya alam kung ano ang susunod na hakbang ni Winston.
Tatlong katok sa pinto ng kanyang kwarto doon sa kanyang unit ang narinig niya.
“P-pasok.”
It was Lucas, lumapit ang binata sa kanya, inilapag ang dalang tsaa sa bedside table bago naupo sa kanyang tabi. “Umalis na si Aaron.”
Pumunta rin doon sa unit niya si Inspector Aaron para sabihin ang nangyari, si Lucas na ang kumausap sa lalaki dahil tila ba hindi niya kayang magsalita.
“Inumin mo muna to, pampakalma.” Abot nito sa kanya ng isang tas ang tsaa.
“Salamat,” halos pabulong niyang sabi.
Bumuntong-hininga si Lucas at ginagap ang isa niyang kamay. “Nakausap namin ang gwaryang naglilibot dito ng nakaraang gabi, may namataan daw silang kahina-hinalang dalawang lalaki sa labas ng pinto ng unit mo. Sinita raw nila, pero kunwari ay namali lang ng kwarto.”
“Oh, God…” Aniyang napapikit ng mariin at napayuko. “Parang gusto ko na lang mamatay sa mga nangyayari.”
“Alam kong takot ka pero ‘wag mong sabihin ‘yan.” Mas lumapit pa sa kanya ang binata. “Nakapagdesisyon na ako, sumama ka sa’kin sa Mindoro.”
“What?” Mahina niyang sabi, napatingin dito naiangat ang ulo sa headboard.
“Delikado kasi si Winston. Hindi natin alam ang susunod niyang hakbang. At ako naman, kaya kitang protektahan pero hindi ako superhero. Hangga’t hindi nahuhuli ang hayup na ‘yun, hindi ka matatahimik hangga’t narito ka.”
“Pero paano sina Ivy at Tibong? Paano ang Business ko?”
Mabilis na umiling si Lucas. “Hindi, kakausapin natin silang dalawa ng maayos. Sigurado naman akong mas iisipin nila ang sitwasyon mo. Isipin mo rin na baka pati sila pagdiskitahan ni Winston dahil malapit sila sa’yo. At ‘yang business na ‘yan? ‘Wag mo munang isipin, pwede ba? Sumama ka sa’kin sa Mindoro, pati si Aaron iyon rin ang mungkahi. Isa pa, iyong matandang babaeng nagpapasama sa’yo kumuha ng pera, malaki ang hinala ko na kasabwat iyon ni Winston.”
Iyon din ang hinala ni Lucille. Kung hindi kay Lucas ay malamang napahamak na naman siya. “P-pero, kung balak ni Winston na kidnapin ako, bakit pa siya nagbigay ng bulaklak? Parang nagbigay pa siya ng warning.”
“Hindi ko alam pero ganoon siguro dahil may sakit na siya sa pag-iisip! Unpredictable ang mga galaw niya, kaya inuulit ko. Sasama ka sa’kin sa Mindoro,” matigas na sabi nito.
Papalit-palit ang tingin ni Lucile sa mga mata ni Lucas. Mukhang nagpipilit itong sumama siya sa Mindoro pero alam niyang out of concern lang iyon ng binata. Isa pa ay tama ito, unpredictable si Winston. Bukod sa kanyang kapakanan, dapat isipin niya rin sina Ivy at Tibong.
“S-sige. Sasama ako sa’yo. Kakausapin ko lang sina Ivy at Tibong.”